Masama ang gabi ni Luna. Patuloy siyang nananaginip pagkatapos ay magigising bago siya managinip ulit. Sa kanyang mga bangungot, kumalat sa internet ang mga larawan ni Luna at hinusgahan at kinutya siya ng mga tao. Ang ilan pa ay nagbanta na tatapusin siya. Sa sandaling magising si Luna sa isang tawag nang umagang-umaga, basang-basa siya nang malamig na pawis. Sinagot niya ang tawag nang may masakit na ulo. "Hello, sino to?" "Ako to, "Narinig ang boses ni Theo. "Tinawagan ako ni Nigel ngayong umaga at sinabi niya sa'kin na kinakanti ka raw sa Sea City." Bumuntong-hininga si Theo. "Mayroon pa akong aayusin sa art gallery kaya makakapunta lang ako sa Sea City nang hapon." Huminto si Luna. "Ayos lang ako. Hindi mo kailangang pumunta." "Syempre kailangan kong pumunta." Bumuntong-hininga ulit si Theo. "Sinabi sa'kin ni Nigel ang lahat. Sinabi niya sa'kin ang nangyari sa cocktail party at ang mga camera na nahanap sa kwarto mo. Ang hirap siguro para sa'yo na mag-isa lang diyan. Nag
"Ang butler na nanggulo sa listahan ng mga bisita ay naparusahan na. Ang tanging dahilan kung bakit ako nandito ay ang bigyan si Ms. Luna nang maayos na pagtanggap dito sa Sea City." Hindi komportable si Luna sa ekspresyon ni Gavin. May dalawang hilera ng mga upuan sa loob ng RV. Nakaupo sina Joshua at Alice sa isang panig habang nakaupo naman si Gavin sa kabilang hilera ng upuan. Nag-isip sandali si Luna bago siya umupo sa kaparehong hilera ni Gavin. Sa kanyang pagkailang, sinadya ni Luna na piliin ang upuan na pinakamalayo sa kanya, pero hindi ito napansin ni Gavin at sa halip ay lumapit sa kanya. "Ms. Luna, narinig ko na isa ka sa pinakamagagaling na designer sa larangan ng jewelry design. Totoo ba yun?" Medyo nailang si Luna sa amoy na nagmumula kay Gavin. Kaagad siyang umusog para lumayo sa kanya, ngunit lumapit rin si Gavin. Sa huli, walang magawa si Luna kundi ilapag ang kanyang mga dokumento sa upuan sa pagitan nila para magsilbing pader. Kumunot ang noo ni Gavin at sin
Natawa si Luna sa mga sinabi ni Alice at sinulyapan siya. “Gusto mong humingi ako ng tawad?”Sinadya ni Alice na makabunggo siya at matumba siya sa braso ni Gavin. Sinamantala siya nito, pero sa halip siya dapat ang humingi ng tawad? “Oo dapat kang humingi ng tawad.” Ngumiti si Alice at magsasalita pa nang binaba ni Joshua ang kanyang phone at lumabas ng kotse. Kanina may kausap siya sa phone kaya hindi niya napansin ang nangyayari sa labas. Sinulyapan niya si Gavin na kinukuskos ang namamaga nitong mukha, tapos kay Luna na niilinis ang kanyang sarili gamit ng isang tissue. “Anong problema?”Kaagad na hinawakan ni Alice ang braso ni Joshua. “Habang pababa ako ng kotse kanina, aksidente kong nabunggo si Luna at natumba siya. Hinawakan siya ni Gavin para hindi siya matumba pero tingin niya sinasamantala siya ni Gavin.”Kasabay nito, tinuro ni Alice ang namamagang pisngi ni Gavin. “Tingnan mo. Sinampal siya nito sa mukha at ngayon sinusubukan niyang linisin ang kanyang sarili… diba m
Tinitigan nang masama ni Luna si Joshua. “Pumapayag ba si Mr. Lynch na ang hindi ko paghingi ng tawad ay makakaapekto sa relasyon sa pagitan ng Lynch Group at Walter Group?”Kahit na talagang ipinadala dito ng Walter Group si Gavin, isa lang siyang karaniwang empleyado! Kung handa ang Walter Group na isuko ang kolaborasyong ito dahil lang sa kanya, ang oportunidad na ito ay hindi dapat pag-aksayahan ng oras! Siguro hindi ito naunawaan ni Alice pero talagang naunawaan ni Joshua. Ngunit tinitigan niya pa rin ito at hinintay ang susunod niyang gagawin. Malinaw na gusto niyang humingi ito ng tawad. “Nandito ako para sa isang on-site investigation, hindi para gumawa ng gulo.” Sinulyapan ni Joshua si Luna tapos si Alice. “Humingi ka ng tawad sa kanya ngayon na.”Napuno ng saya si Alice sa sinabi nito. Humawak siya sa braso ni Joshua at tinitigan nang mayabang si Luna. “Ano na, Ms. Luna. Dalawang beses ka nang sinabihan ni Joshua. Di mo ba gagawin ang sinabi niya? Alam kong malapit kayo
Alam ni Luna na sinabi ito ni Gavin para inisin siya. Kahit na alam niya ang intensyon nito, hindi niya mapigilang malungkot dito. Tama siya. Kahit na pinilit ni Joshua si Alice na humingi ng tawad, wala itong nabago. Yun pa rin ang pinakaimportanteng tao para sa kanya. Nanikip ang dibdib ni Luna nang maisip niya ito, pero bumuntong-hininga na lang siya at sinubukan niyang alisin ito sa kanyang isip. Habang hawak ang mga dokumento, nilagpasan ni Luna si Gavin at tumungo sa pabrika. Naririnig niya si Gavin na sumisinghal bago siya maabutan nito. “Ms. Luna, balita ko single ka pa daw. Di ka ba naiinggit kapag nakikita mo si Mr. at Mrs. Lynch na naglalambingan? Pero wag kang mag-alala. Basta maging alerto ka lang, sigurado akong di magtatagal makakahanap ka rin ng pag-ibig. Baka nga nahanap mo na yun nang hindi mo napapansin!”Hindi man lang niya ito tinignan ulit. Binilisan niya ang lakad at umasang susuko si Gavin sa paghabol sa kanya, ngunit sumunod ito sa kanya. Patuloy itong d
Nagngitngitan ang mga ngipin ni Alice at tinitigan nang masama ang trabahador, “Sinusubukan mo bang ipasa ang sisi? Alam mo bang pwede kitang sisantehin…” Ngunit bago pa siya makatapos, nakalimutan niyang hindi na siya si Hailey Walter. Wala siya sa lugar na sisantehin ang kahit sino dahil ang pabrika at ang lahat ng mga empleyado dito ay pagmamay-ari ng mga Walter. Tinitigan niya nang masama ang supervisor at sinabi, “Siguraduhin mong aasikasuhin mo ito!” Nagulat dito ang supervisor. Sa isang saglit, ang babaeng ito ay parang kaboses ni Hailey Walter. “Opo, masusunod!”Nang makasiguro siya sa supervisor, tumalikod si Alice at tinignan si Luna. “Ano pang hinihintay mo? Niligtas ka ni Joshua. Bakit di mo siya tinutulungan?”Huminto si Luna, tapos napagtanto niyang tama ito. Kaagad siyang lumapit at hinawakan ang kabilang braso ni Joshua. Kahit na hindi nabalian ng buto si Joshua, mukha pa rin seryoso ang sugat. Hawak ni Joshua ang kanyang kanang braso nang umingit siya sa sakit,
Nabigla si Luna sa biglang pagbibintang. Huminto siya at tinitigan nang masama si Alice, “Bakit sa tingin mo may pake ako?”Totoong hindi niya narinig ang mga babala ng mga trabahador, pati ang babala ni Joshua at Alice. Kung narinig niya ang mga ito, bakit di siya lalayo sa kapahamakan? Bumuntong-hininga si Luna at tinignan si Alice. “Mrs. Lynch, sinasabi mo bang sigurado akong ililigtas ako ni Mr. Lynch kapag pinahamak ko ang sarili ko?”Namutla ang mukha ni Alice sa sinabi niya. Nagpatuloy si Luna nang nakangisi, “Tama ka Mrs. Lynch. Kahit na sinabihan ka ni Mr. Lynch na humingi ng tawad sa akin kanina, ikaw pa rin ang dinamayan niya at hindi ako. Malinaw na ipinapakita nito na mahal ka niya. Kung ganon, bakit niya ako ituturing nang kakaiba? Bakit ako makakasigurong ililigtas ako ni Mr. Lynch kapag pinahamak ko ang sarili ko? “Kung nagkamali ako ng akala, hindi ako maliligtas ni Mr. Lynch at ako ang malalagay sa ganitong sitwasyon at matatahian. Tatanungin kita, Mrs. Lynch.
"May sugat ka…" "Hindi dahil may sugat ako ibig sabihin ititigil natin ang ginagawa natin."…Palayo ng palayo ang dalawang boses. Nanatiling nakatayo si Luna habang pinapanood niya na umalis ang dalawa. May hindi maipaliwanag na pakiramdam sa kanyang puso. Pagkalipas ng ilang sandali, biglang nagsalita ang supervisor. "Ms. Luna, itutuloy pa ba natin 'to?" Sa wakas ay nahimasmasan si Luna at dinampot niya ang mga dokumento sa harap niya bago siya humarap sa supervisor. "Please continue…" Tanghali na nang matapos sila sa imbestigasyon nila. Ayon sa plano, sa sasakyan dapat sila kakain ng tanghalian habang bumabyahe sila papunta sa susunod nilang destinasyon upang dumalo sa symposium para sa mga design scheme. Gayunpaman, dahil sa mga sugat ni Joshua, pinilit ni Alice na pumunta na lang sila sa isang restaurant upang doon kumain. Gustong pumunta ni Luna sa susunod nilang destinasyon sa lalong madaling panahon, ngunit dahil hindi umangal si Gavin at Joshua, wala nang nagawa si
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya