Nanahimik ang buong mesa, maliban sa tunog ng pag-inom ni Gavin ng tubig.Hindi makapaniwala si Alice sa sinabi ni Joshua at napuno ng takot ang tingin niya sa kanya. Sinabi ni Joshua na pakainin siya ng ibang babae sa harap ng asawa niya?“Ayaw ko.” Tumingin si Luna kay Joshua bago siya tumingin sa nakatulalang si Alice. Pagkatapos ay yumuko siya at dinampot niya ang kanyang phone upang magbasa ng balita.Ngumiti si Alice. Ito ang unang beses na may napagkasunduan silang bagay ni Luna. “Sige. Dahil ayaw ni Ms. Luna, sa tingin ko ako na lang ang magpapakain sayo.”“Anong karapatan niyang tumanggi?” Tinapik ni Joshua ang kaliwang kamay niya sa mesa. “Nasugatan ang braso ko dahil sa kanya. Kinailangang tahiin ng mga sugat ko! Hindi naman siguro malaking bagay ang hilingin ko na subuan niya ako bilang kapalit, hindi ba?”Ayaw pa ring gawin ni Luna ang pinagagawa ni Joshua, ngunit wala siyang magawa. Tumingin siya ng masama kay Joshua. “Pinapakain ka na ni Mrs. Lynch, di ba?”“Oo, pe
Tumalim ang tingin ni Joshua. “Ganito mo ba tratuhin ang taong nagligtas sa buhay mo?”Pinilit ngumiti ni Luna at nagpatuloy siya sa pagpapakain kay Joshua. “Kung sakaling may mangyari uli na kagaya nun sa hinaharap, sana hindi na yun gawin ni Mr. Lynch ulit. Unang-una, isa lang akong ordinaryong empleyado, at hindi ko kailangan na protektahan ako ng CEO. Pangalawa, kahit na masaktan ako, bigyan mo na lang ako ng ilang araw na pahinga o kaya bayaran mo na lang ako. Hindi ko kailangan ng magliligtas sakin.”Tumingin ng masama si Luna kay Alice. “Mas pipiliin ko pa na masaktan ako kaysa husgahan ako ng ibang tao para sa isang bagay na hindi ko naman ginawa.”Namutla ang mukha ni Alice sa mga sinabi ni Luna. Sumimangot siya at may sasabihin sana siya para depensahan ang kanyang sarili noong tumingin sa kanya si Joshua na naging dahilan upang mapahinto siya.“Ililigtas pa rin kita kapag nangyari ulit yun.” Umikot si Joshua at nginitian niya si Luna. “Tama si Alice. Dapat protektahan ng
Nang marinig niya ang sinabi ni Alice, agad na nilapag ni Mr. Scott ang baso sa harap ni Luna. “Heto, Ms. Luna.”Sumimangot si Luna at tiningnan niya ang baso ng alak ngunit hindi siya kumilos para damputin ito. “Isa lang akong ordinaryong empleyado. Hindi ba parang hindi naman ata maganda na tumanggap ako ng toast mula sayo, Mr. Scott?” Tumingin siya kay Joshua bago siya muling nagsalita, “Tsaka, madali akong malasing. Baka may magawa akong hindi maganda kapag nalasing ako.”Nang makita ni Alice na tumingin si Luna kay Joshua, humigpit ang hawak niya sa braso ni Joshua. “Nagkakamali ka, Ms. Luna. Isinakripisyo ni Mr. Lynch ang buhay niya para iligtas ka, kaya bakit mo iniisip na isa ka lang ordinaryong empleyado? Tsaka…”Tumingin si Alice sa baso na malinaw na naglalaman ng malakas na klase ng alak at ngumisi siya. Pagkatapos, nagsinungaling siya, “Isang baso lang naman yan. Paano ka malalasing sa isang baso lang ng alak?”Ngumisi si Luna at tumingin siya kay Joshua. “Mr. Lynch, s
Noong mga panahon na yun, nakausap din nila ang isang potential client na pinilit si Luna na uminom. Bilang asawa niya, alam ni Joshua na madaling malasing si Luna, kaya nagalit siya at sinubukan niyang umalis sa party. Subalit, natakot si Luna na baka mawalan ng kliyente ang Lynch Group dahil sa kanya, kaya tumayo siya at ininom niya ang laman ng baso sa isang lagukan. Natatandaan pa rin ni Joshua ang nahihirapan ngunit determinadong ekspresyon sa mukha ng kanyang ex-wife. Kapareho ito ng ekspresyon sa mukha ni Luna ngayon.Sumimangot si Joshua at agad siyang tumingin kay Alice, na nakatayo sa tabi niya. Pinapanood niya si Luna ng may bahid ng galit sa kanyang mga mata.Pakiramdam ni Joshua ay may kamay na pumipiga sa kanyang puso. Anong nangyari sa Luna Gibson na minahal niya noon? Kailan pa siya nagbago, mula sa babaeng uminom ng alak at buong gabing naghirap para sa kanya, at naging isang tao na pinipilit ang iba na uminom ng labag sa kalooban nila? Inubos ni Luna ang kanya
Biglang naging tahimik ang restaurant.Nanlaki ang mga mata ni Mr. Scott. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa sandaling iyon.Sinabi niya nga na siya, anuman ang mangyari, ay mananagot sa mga aksyon ni Luna kung nalasing ito.Gayunpaman, sa sandaling iyon…Ang natamaan ni Luna ay ang asawa ni Joshua Lynch!Sino si Joshua Lynch? Siya ang hari ng Banyan City!Bagama't nasa Sea City siya nang mga sandaling iyon at hindi siya ganoon kasama, hindi iyon nangangahulugan na maaari siyang apihin!Sa isang banda, si Mr. Scott ay galit na galit. Nauutal siya at hindi siya makabuo ng pangungusap.Sa kabilang banda, ibinaon ni Alice ang sarili sa mga bisig ni Joshua na may luhaang mga mata. "Joshua, masakit!"Nagsalubong ang kilay ni Joshua. Ibinaba niya ang kanyang ulo at maingat na inilayo ang kamay ni Alice sa mukha nito.Kitang-kita ang pulang bakas ng kamay sa kanyang maliit na mukha.Bakas ang galit sa mga mata ni Joshua. Bagama't medyo hindi siya nasisiyahan sa patuloy na pa
"Joshua Lynch, gaano ka ka walang puso?"Magkasabay na naging berde ang mga mukha nila Joshua at Alice dahil sa sinabi ni Luna.Masama ang tingin ni Joshua kay Luna at wala siyang sinabi.Napangiti si Luna habang kinuha niya ulit ang wine glass. Sa tulong ng alak, napangisi siya.“Sa nakalipas na anim na taon, nasaktan mo ng sobra si Luna Gibson at muntik na siyang mamatay, pero ngayon ay itutuloy mo ang pag-arte na ito ng pagmamahal kay Alice. Sino ang niloloko mo?”Nagawa ni Luna na lubusang pahirapan si Joshua. “Anong kalokohan ang sinasabi mo?”Kinagat ni Alice ang kanyang mga ngipin. Agad siyang umalis sa yakap ni Joshua habang galit na galit ito.Hindi niya hahayaang magpatuloy si Luna sa pagsasalita! Kailangang tumigil sa pagsasalita ni Luna!Natatakot siya na ang susunod na pangungusap na sasabihin ni Luna ay ang pagtatapat kay Joshua na siya ang totoong Luna Gibson.Ito ay magiging isang tunay na sakuna kung nangyari ‘yun!Habang iniisip ito, ginitgnit ni Alice ang n
Nanginig ang kamay ni Theo na nakahawak kay Luna."Joshua, gusto ko nang umuwi..." si Luna, na nasa mga bisig ni Theo, ay muling bumulong ng walang malay.Malabo ang pananalita niya sa kanyang kalasingan. Ang sinabi niya kanina, si Theo lang ang nakakarinig, pero ang mga sumunod niyang sinabi, narinig ito lahat ng malinaw.Nabigla si Mr. Scott.Nagsimulang mamutla ang mukha ni Alice, at maingat siyang tumingin kay Joshua sa gilid ng kanyang mga mata.Tumingin si Joshua kay Luna, at malalim ang tingin nito."Lasing siya."Kumunot ang noo ni Theo at agad na binugat si Luna. Masama ang tingin niya kay Joshua bago siya naglakad palayo habang nasa kanyang mga braso si Luna.Nanatili ang tingin ni Joshua sa direksyon kung saan sila umalis, nakakunot ang mga kilay moua, kahit na noong makaalis na sila.."Mukhang lasing na talaga si Luna..." Ang sabi ni Alice habang pinagmamasdan ng takot na reaksyon ni Joshua.Tumango lang si Joshua bago tumingin sa ibang lugar. Napayuko siya at nag
Malamig ngunit determinado ang mababang boses ni Joshua.Tumawa ng mahina si Alice. "Joshua, kung hindi niya boyfriend si Theo, bakit hindi niya ito itinanggi noong sabihin ni Theo na boyfriend siya nito?"Kumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya kay Alice. “Bakit hindi ka tinanggihan nii Luna noong pinainom mo siya? Gusto niya bang uminom ng alak?"Medyo namutla ang mukha ni Alice. May gusto pa sana siyang sabihin, ngunit siningitan siya ni Joshua.Huminga siya ng malalim. “Kahit anong mangyari, ako ang nagdala kay Luna sa business trip na ito. Naglasing siya dahil sa akin. Kung may mangyari man sa kanya ngayong gabi, responsibilidad pa rin ako."Pagkatapos, tumingin ng malamig si Joshua kay Lucas ng. “Bakit nakatayo ka pa rin? Sige na at maghanap kayo!"Sandaling nag-alinlangan si Lucas bago siya mabilis na umalis.Sa loob-loob ni Alice ay ginitgit niya ang kanyang mga ngipin."Joshua, maganda ang pakikitungo mo sa mga empleyado mo...""Hindi pa sapat." Malamig ang boses n