“Alam ni Alice na pinuntahan kita.”Nangutya si Luna at isinara niya ang pinto. “Nung kailan lang, ang tawag sa akin ni Mrs. Lynch na kabit mo. Kailan pa ba siya naging mapagpatawad?”Sumimangot si Joshua, ngunit hindi siya sumagot.Sumenyas siya na umupo si Luna sa sofa. “Dahil sa mga rason, nagreschedule ng pagbisita para bukas.”Inabot niya ang mga dokumento kay Luna. “Ito ang ilan sa mga main factory. Dapat mong maintindihan ang design at mga raw material na kailangan. Bukas, bantayan mo ang mga materyales na ibinigay ng mga factory. At…”Inabot niya kay Luna ang isa pang dokumento. “Tandaan mo ang istilo ng design at ang target audience ng ilan sa mga kumpanyang ito.”Nang makita ni Luna na sabik si Joshua sa pakikipag usap tungkol sa business, nagdesisyon na siya na hindi na banggitin ang mga personal na problema. Masusi niyang binasa ang mga dokumento, pagkatapos ay minarkahan niya ang mga parte na kailangan ng atensyon. “Kuha ko na.”“Aalis tayo ng 9am bukas. Dapat natin
Nanigas si Luna. Hindi niya naisip na mapapansin ni Joshua ang kanyang kwintas. Lagi siyang nag-iingat at iniiwasan na makipag-usap sa kwintas kapag nasa paligid ito.Kagabi, binuksan niya ang mikropono ng kwintas ng sa gayon ay marinig ni Nigel ang lahat nung nasa cocktail party siya. Hindi niya naisip na mapapansin ni Joshua ang kanyang kilos at pagdududahan ang kwintas na suot niya.Alam ni Joshua na tama ang hula niya nung napansin niya ang gulat na gulat na ekspresyon ni Luna. Nanningkit ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Luna. Pinagmasdan niya ang bawat kilos ni Luna kagabi, hindi niya hinawakan ang kanyang phong ng buong gabing iyon. Kung ganun ay paano niya nakakausap ang hacker? Naintriga si Joshua dito, kaya tinignan niya ang mga surveillance tapes ng cocktail party. Ayon sa nakita niya sa footage ay bukod sa sandali na kung saan hinawakan ni Luna ang kanyang kwintas, wala na siyang ipinakita pang kakaibang kilos. Kaya niya pinagdudahan ang kwintas nito ay hindi
Pumikit si Luna at humagikgik. Kung hindi siya pamilyar kay Joshua, malilinlang na sana siya na isipin na isa siyang matapat at debotong asawa. Siya, sa kasamaang palad, ay kilala siya ng lubos. Hindi sana siya masasangkot sa aksidente na iyon kung hindi dahil sa kanya.Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana mabubuntis si Aura at dadalhin ang kanyang anak at mananatili sa kanyang tabi sa loob ng maraming taon. Kung talagang isa siyang tapat na asawa, bakit niya idineklara sa publiko ang kanyang intensyon na i-divorce si Alice? Bigla na lang, nagbago ang kanyang isipan at sinubukan na bigyang katwiran ang lahat ng kanyang ginawa habang sinasabi niya ang lahat ng pinagdaanan ng kanyang asawa na si Luna Gibson. Ang mapanlinlang, doble-karang lalake na ito ay pinandirian ng husto ni Luna!Habang iniisip niya iyon, bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang leeg. Ang sumunod niyang nakita ay kung paano hawakan ni Joshua ang kwintas sa harapan ng kanyang mukha ng may matagumpay na ng
“Joshua Lynch!” Tinitigan siya ng masama ni Kuna. “Huwag mong hayaan na kamuhian kita!” Nanigas ang kamay ni Joshua.Ang pangamba at pagkamuhi sa kanyang mga mata ang nagpahinto sa kanya, pero ang pag-aalinlangan niya ay sandali lang ang tinagal. Ilang segundo lang ang lumipas, suminghal si Joshua. Gusto lang niyang malaman kung sino ang hacker na tumutulong kay Luna. Wala siyang balak na gumawa ng kahit na anong masama sa misteryosong hacker. Bakit siya magagalit sa kanya dahil doon? Pinindot ni Joshua ang buton, pero isang boses ng bata ang lumabas mula sa kwintas, “Mommy! Kapag may naengkwentro kang problema, huwag kang malungkot! Palaging nandito si Nellie para sayo. Sabi ni Neil ay dapat naming i-record ang boses namin at ilagay sa loob ng kwintas para maramdaman mo na palagi mo kaming kasama.”Nang bigla na lang, narinig nila ang boses ni Neil, “Kahit na wala kami talaga dyan sa piling mo, kailangan mo pa rin alagaan ang sarili mo. Mabilis kang magtiwala, at palagi kaming
”Kahit na binanggit mo sila Neil at Nellie, pakiusap naman ay alalahanin mo na ngayon, isa ka na sa mga designer ng Lynch Group. Wala kang karapatan na magkomento tungkol sa pribado kong buhay, lalo na kung papaano ko pinapalaki ang aking mga anak.” Malamig at seryoso ang mga tingin ni Joshua. “Humihingi ako ng tawad sa nangyari kanina. Sumobra ako, at humihingi ako g tawad, pero hindi mo ko kailangan na turuan kung paano palakihin ang aking mga anak.” At doon, lumingon si Joshua at umalis. Nakatayo si Luna sa may tabi ng pinto, hindi kumikibo habang pinapanood si Joshua na lumbas at naglaho sa loob ng kwarto. Pinanood niya ang pinto na sumara sa likuran ni Joshua at nagpakawala siya ng singhal. Samantala, sa kanyang kwarto, hindi kaagad na pumunta sa bedroom si Joshua. Ang hotel room na kinuha ni Lucas para sa kanya ay isang presidential suite at may kasamang nakadikit na study room. Sa halip na pumunta siya sa kama, pumunta si Joshua sa may study room at nagsimulang magtrabaho
Sinundan ni Luna ang panuto na binigay sa kanya ni Anne at may nahanap siyang mga kamera na nakatago sa loob ng kanyang kwarto. Hindi lang isa ang nahanap niya. Sa itaas ng showerhead, sa may salamin ng banyo, sa taas ng telebisyon, sa may lamesita, at sa iba pang lokasyon. Binilang ni Luna ang lahat ng kamera na nahanap niya at napagtanto niya na higit sa sampo ang bilang nito!Tinanggal niya ang mga ito sa kung saan niya ito nahanap at nilagay ang mga ito sa lamesita. Kinuhaan niya ito ng mga litrato bilang ebidensya bago tumawag ng pulis. Nang maibaba niya ang kanyang phone, narinig niya na may kumakatok sa kanyang pinto. Sumimangot si Luna. “Sino yan?” “Ms. Luna.” Ang boses na mula sa labas ng pinto ay malumanay. “Ako ang may-ari ng hotel na ito. Ang pangalan ko ay Andy Larson.” Huminto si Luna. Nakilala niya ang pangalan na iyon. Si Andy Larson ay ang tatay ni Gwen. Ilang taon na ang nakakalipas, nung nag-aaral pa siya sa eskwelahan na pinapasukan din ni Gwen Larson, na
Nanatiling tahimik si Ben sandali bago bumulong sa wakas, "Dati sa highschool, hindi ka kasing ganda ni Luna Gibson…" "Mali ka. Sa opinyon ko, kaaya-aya si Gwen noong highschool." Nilagay ni Luna ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. "At saka, kahit na hindi siya kasing ganda ni Luna Gibson, hindi mo kailangang magsinungaling tungkol dito." Nagalit si Gwen sa biglaang daloy ng pangyayari. Hinila niya ang asawa niya palabas ng kwarto at pareho silang nagtatalo sa pasilyo. Pabagsak na sumara ang pinto habang sina Luna at Andy na lang ang natitira sa kwarto. "Mr. Larson," ngumisi si Luna. "Kung gusto mong hindi ko ipagkalat sa press ang insidenteng ito, pwede kong gawin yun, pero sa isang kondisyon." Huminto si Andy. "Anong kondisyon?" …Lalong lumalakas ang galit na boses ni Gwen sa bawat isang minuto. "Bakit di mo sinabi sa'kin na may gusto ka noon kay Luna Gibson? Sinubukan pa akong kumbinsihin ni Luna noon na sukuan ka. Nag-away pa kami nang dahil dito! Ngayon ko lang na
Nagulat si Luna, na nakikipag-usap kay Andy sa kwarto niya, sa biglaang paglitaw ni Joshua. Pero, hindi nagtagal ay kumalma siya at ngumiti. "Maayos na ang lahat. May naglagay ng ilang pinhole camera sa kwarto ko, pero tinulungan ako ni Mr. Larson na tanggalin ang lahat ng mga yon."Tinuro ni Luna ang mga camera sa mesa. "Nandito na silang lahat." Tinignan ni Joshua ang mga camera. Lumapit siya, dinampot ang ilang sa mga ito, at hinawakan ito sa kanyang palad. "Napakarami nito. Mukhang pinaghandaan ito ng kung sinomang naglagay nito sa kwarto mo." Alam niya ang mga balita na umiikot online tungkol sa mga pinhole camera na nasa mga kwarto ng hotel. Karamihan sa kanila ay naroon para masilip ang pribado at matalik na sandali ng mga umuupa para maibenta ito online. Dahil dito, ang mga camera ay nakatanim sa paligid ng kama, sofa, at sa banyo. Subalit, napakarami ng mga camera sa kwarto ni Luna. Malinaw na kung sinoman ang naglagay ng mga iyon ay gustong obserbahan ang nangyayari sa