Napahinto si Luna sa paghinga nang marinig niyang sinabi ni Thomas ang mga katagang iyon.Ilang sandali pa ay huminga siya ng malalim. "Imposible."Hindi siya naniniwala na hindi nila pag-uusapan ni Joshua na hayaang umalis si Riley kasama si Thomas."Kung hindi ka naniniwala sa akin, maaari mo siyang tanungin mismo," sabi ni Thomas, ang kanyang boses ay parang nakangiti. "Kakalabas ko lang sa office ni Joshua."Hindi maiwasan ni Luna na kumunot ang noo. Tumigil siya sa ginagawa niya at sumandal sa upuan niya. "Ano ang sinusubukan mong gawin? Ayos lang, kahit tatay ka ni Riley at ginagamit mo ang karapatan mo bilang ama niya para kunin siya, bakit mo isasama si Yannie?""Kasi..." Saglit na natahimik si Thomas. "Dahil sa nangyari kahapon. Siya ngayon ay natsismis na maging ang aking kasintahan, kaya gagawin namin ang aming bahagi."Pagkatapos, huminto siya saglit. "Ang totoo, ayos lang kung hindi mo ako nakikita. Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sayo ng personal."Nanlaki an
Lumubog na ang araw.Pagbalik ni Luna sa bahay ni Joshua, si Joshua ay nasa sofa na nakayakap kay Nellie, tinitignan ang kanyang latest design.Si Nellie ay nakasuot ng puting mabilog na damit, fit para sa isang royal, at may malaking bandana sa kanyang ulo na bahagyang kulot ang buhok. Nakapatong siya sa mga bisig ni Joshua, nakangiti. "Daddy, anong tingin mo sa design ko? Magugustuhan po kaya ni Mommy?""Oo naman."Seryosong tiningnan ni Joshua ang mga disenyo ni Nellie habang nakangiti at marahang hinihimas ang ulo. "Magugustuhan ng Mommy mo ang anumang gagawin mo."Napaawang ang labi ni Nellie. "Daddy, inaaway mo po ako! Sa tingin mo hindi maganda!"Napangiti ng bahagya si Joshua. "Hindi ah.""Opo!" Pinisil ni Nellie ang kanyang pisngi.Si Neil na nasa gilid ay walang magawang tumingin sa mag-ama na nagtatalo bago tumingin kay Nigel na nakabaon ang ulo sa libro. Sa huli, tinulak niya ang kanyang inumin kay Nellie. "Sigurado akong nauuhaw ka pagkatapos mong makipag-away kay
Sa paglalakad patungo sa looban sa harap ng mansyon, ang malamig na simoy ng hangin sa gabi ay nagpalinaw sa isipan ni Luna.Umupo siya sa bench sa gilid at mahinahong sinabi, "Yannie, gusto kong malaman ang iniisip mo tungkol kay Thomas."Alam na niya ang nararamdaman ni Thomas kay Yannie. Gayunpaman, hindi niya alam kung payag si Yannie na ipanganak si Riley para kay Thomas noon dahil gusto niya si Thomas o dahil gusto lang niya ang mga bata.Hindi naman inaasahan ni Yannie na bigla siyang tatanungin ni Luna tungkol sa love life niya kaya natahimik siya. Tumagal ng mahabang ilang segundo ang katahimikan bago malungkot na sumagot si Yannie, "Luna, bakit…bigla kang nagtatanong sa akin nito?"Tumalikod si Luna. Pumikit siya at ninanamnam ang simoy ng gabi. "Curious lang ako. Ngayong alam mo na na anak mo si Riley kay Thomas, ano ang susunod mong plano? Hindi iiwanan ni Thomas si Riley, at kung ayaw mong isuko si Riley, parang ang magagawa mo lang ay...patuloy na sumama sa kanya. Kay
Hindi iminulat ni Luna ang kanyang mga mata. Sa halip, hinawakan niya ang kamay na nagpunas ng kanyang mga luha at ibinaon ang sarili sa mga bisig ng taong iyon.Hindi na niya kailangan pang tumingin sa kanya para malaman kung ano ang hitsura niya at kung ano ang ekspresyon niya sa sandaling iyon.Niyakap siya ni Joshua ng mahigpit. Medyo paos ang boses niya. "Narinig mo na ang tungkol dito?"Ang ibig niyang sabihin ay ang pag-alis ni Thomas kasama sina Riley at Yannie."Oo." tumango si Luna at sinabing, basag ang boses niya, "Aalis na si Riley. Mabuti na rin yun. Magkamag-anak talaga sila at magkapamilya. N ...nakasama ko lang siya sandali."Naiintindihan niya ito, ngunit…Naisip niya na kung hindi niya mahanap ang kanyang anak, ang pagpapalaki kay Riley ay magiging mabuti rin. Ang lahat ng ito ay magiging panaginip na lamang.Dapat niyang batiin sina Yannie at Thomas. Dapat ay masaya siya para kay Riley, ngunit pakiramdam niya…ay may kulang.Napabuntong-hininga si Joshua. Niy
Ngumiti si Joshua. "Huwag kang mag-alala, pupunta lang ako sa Saigen City kasama kayong dalawa. Kapag nandoon na tayo, magiging abala ako sa trabaho ko habang pareho kayong namamasyal. Walang pakialamanan."Kumunot ang noo ni Luna at tumingin kay Joshua na nakayakap sa kanya. "Anong pagkakaabalahan mo doon?"Lumapit si Joshua at marahang hinaplos ang ulo niya. "May business deal ako kay Thomas."Natigilan si Luna bago niya naalala na sa studio nang tawagan siya ni Thomas, tila malabo niyang binanggit ang business deal nila ni Joshua.Noon, napuno si Luna ng pag-aatubili na umalis sina Riley at Yannie kasama ni Thomas, kaya hindi niya pinansin ang paksang iyon.Sa pag-iisip tungkol dito, kumunot ang noo niya at tumingin kay Joshua. "Anong...deal ang ginawa niyong dalawa?""Malalaman mo kapag nasa Saigen City na tayo."Ibinaba ni Joshua ang ulo niya at marahan siyang hinalikan sa noo. "Ako ang nagmungkahi kay Thomas na isama sina Yannie at Riley."Sa gulat na titig ni Luna, napab
Nang marinig ni Luna ang sinabi ni Nellie, pinigilan niya ang sarili niya sa pagtawa habang nakatingin siya kay Joshua, na siyang nakangiti ng maliit. Lumapit siya at umupo para kargahin si Nellie sa braso niya bago siya naglakad palabas ng bahay. Nang makarating na sila sa pinto, tumalikod siya para tumingin kay Luna. “Tara, subukan natin ang luto ni Neil.” Ngumiti si Luna at naglakad na siya. “Paano naman ang luto ni Nigel?” “Si Lucas na ang kakain nun.” Tumalikod siya at pumasok ng bahay habang karga si Nellie. Ngumiti si Luna habang nakatingin siya sa likod ni Joshua at Nellie. Pagkatapos, mabilis niyang hinabol ang mga ito. Nang pumasok sila sa bahay, kakalabas lang ni Lucas ng banyo habang hinihimas ang kanyang tiyan. Sa mga sandaling ito, nakonsensya si Nellie habang nakatingin siya sa maputlang mukha ni Lucas. Tutal, naging malapit na siya kay Lucas pagkatapos itong makasama ng higit sa isang taon. Kaya naman, kumindat at tumingin si Nellie kay Joshua, pagkatapos
Hindi kumain ng kahit isang subo si Luna. “Opo.” Ngumiti si Nigel habang napatingin siya kay Joshua. Nagkataon na tumingin din sa kanya si Joshua. Habang nagkatinginan sila, ngumiti si Joshua habang kuminang ang mga mata ni Nigel na tila puno ito ng kalokohan. Isang matalinong bata si Nigel; hindi mahirap para sa kanya ang magluto. Ayaw niya na abalahin siya nila Nellie at Neil sa pagluluto, kaya’t may idinagdag siya na ‘extra’ sa kanyang mga luto. Alam ni Joshua ang tungkol sa plano ni Nigel. Nangyari ito sa tamang oras habang gusto ni Joshua na turuan si Lucas ng leksyon. Nagtulungan sila pareho at magdesisyon sa immoral na planong ito. Mula sa mga nangyari, nagtagumpay sila sa plano nila. Naparusahan si Lucas, at walang kahit sino sa pamilya ang nakaisip na hayaan si Nigel na magluto ulit sa susunod. Si Nigel, ang munting henyo, ay pwedeng magpatuloy sa pagkain ng luto ni Neil at sa pag inom ng inumin na ginawa ni Nellie, habang hindi na siya hahayaan nila Neil at Nellie
Hindi inaasahan ni Luna na ito ang mangyayari. Sumandal siya sa likod ni Joshua, hindi niya alam ang sasabihin niya. “Sige.” Ngumiti si Joshua at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Luna. “Naging busy ka ngayong araw, at oras na para magpahinga. Kahit na nagkamali si Lucas, hindi ito dapat pagkaguluhan. Bago ko siya naging assistant, nagtrabaho siya para sa pamilya at naging malapit siya kay Adrian. Madaling maintindihan kung bakit tumawag siya kay Adrian. “Bukod pa dito, maraming taon na akong tinulungan ni Lucas. Nagsikap siya sa trabaho niya. Ito ang pangalawang beses na nagkamali siya.” Maaaring matiis ni Joshua ang una at pangalawang beses na gumawa ng pagkakamali si Lucas. Gayunpaman, kung nagkamali pa si Lucas ng pangatlong beses… Bahagyang sumingkit ang mga mata niya. Kung may pangatlong beses pa, hindi niya na hahayaan na manatili si Lucas sa tabi niya. “Sige.” Naiintindihan ni Luna ang iniisip ni Joshua, kaya’t tumango siya at pinabayaan niya na si Joshua. “Magp
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya