Hindi kumain ng kahit isang subo si Luna. “Opo.” Ngumiti si Nigel habang napatingin siya kay Joshua. Nagkataon na tumingin din sa kanya si Joshua. Habang nagkatinginan sila, ngumiti si Joshua habang kuminang ang mga mata ni Nigel na tila puno ito ng kalokohan. Isang matalinong bata si Nigel; hindi mahirap para sa kanya ang magluto. Ayaw niya na abalahin siya nila Nellie at Neil sa pagluluto, kaya’t may idinagdag siya na ‘extra’ sa kanyang mga luto. Alam ni Joshua ang tungkol sa plano ni Nigel. Nangyari ito sa tamang oras habang gusto ni Joshua na turuan si Lucas ng leksyon. Nagtulungan sila pareho at magdesisyon sa immoral na planong ito. Mula sa mga nangyari, nagtagumpay sila sa plano nila. Naparusahan si Lucas, at walang kahit sino sa pamilya ang nakaisip na hayaan si Nigel na magluto ulit sa susunod. Si Nigel, ang munting henyo, ay pwedeng magpatuloy sa pagkain ng luto ni Neil at sa pag inom ng inumin na ginawa ni Nellie, habang hindi na siya hahayaan nila Neil at Nellie
Hindi inaasahan ni Luna na ito ang mangyayari. Sumandal siya sa likod ni Joshua, hindi niya alam ang sasabihin niya. “Sige.” Ngumiti si Joshua at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Luna. “Naging busy ka ngayong araw, at oras na para magpahinga. Kahit na nagkamali si Lucas, hindi ito dapat pagkaguluhan. Bago ko siya naging assistant, nagtrabaho siya para sa pamilya at naging malapit siya kay Adrian. Madaling maintindihan kung bakit tumawag siya kay Adrian. “Bukod pa dito, maraming taon na akong tinulungan ni Lucas. Nagsikap siya sa trabaho niya. Ito ang pangalawang beses na nagkamali siya.” Maaaring matiis ni Joshua ang una at pangalawang beses na gumawa ng pagkakamali si Lucas. Gayunpaman, kung nagkamali pa si Lucas ng pangatlong beses… Bahagyang sumingkit ang mga mata niya. Kung may pangatlong beses pa, hindi niya na hahayaan na manatili si Lucas sa tabi niya. “Sige.” Naiintindihan ni Luna ang iniisip ni Joshua, kaya’t tumango siya at pinabayaan niya na si Joshua. “Magp
Tulad ng inaasahan ni Luna, naging busy siya sa mga sumunod na araw. Umaalis siya ng maaga at umuuwi siya ng gabing gabi, pabalik balik sa bahay at sa studio niya. Wala man siyang oras para pumunta sa Landry Mansion para bisitahin si Gwen. Mabuti na lang at nandyan pa rin si Bonnie. Dahil halos magaling na si Bonnie, pwede niyang bisitahin si Gwen sa hospital at alagaan din sina Rosalyn at Charles. Kinukumbinsi ni Rosalyn na magpakasal sina Jim at Bonnie, ngunit kahit ano ang gawin niya, hindi pa rin kumikilos sina Jim at Bonnie. Sa gabi bago umalis sina Luna at Joshua ng Merchant City, nagluto ng hapunan si Rosalyn at inimbitahan niya sina Luna at Joshua para kumain. “Luna.” Bago pa dumating sina Bonnie at Jim, hinawakan ni Rosalyn ang kamay ni Luna at nagreklamo siya, “Kahit anong sabihin ko, hindi sila nakikinig. Ikaw ang best friend ni Bonnie, at makikinig si Jim sayo. Pakiusap, kumbinsihin mo sila para sa akin. Matanda na kami ng tatay mo, at gusto namin makita na maging mag
Tumingin si Luna sa isang tabi at nakita niya na seryoso si Bonnie. May gusto sana siyang sabihin, ngunit hindi niya ito tinuloy. Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Bonnie. “Sana ay magkatotoo ang lahat ng mga hiling natin.” Hiling niya na bumalik ang mga alaala ni Jim at hiling niya na matanggap na rin ni Bonnie ang ideya ng pagpapakasal. Para naman sa kanya… hindi na umaasa si Luna na mahahanap niya ang anak niya balang araw. “Mangyayari ang mga ito.” Ngumiti si Bonnie at tumingin siya kay Luna ng nakangiti. “Mag ingat ka sa biyahe niyo bukas. Aalagaan namin ni Jim ang tatlong mga anak niyo para sa inyo ni Joshua. ‘Wag kang mag alala, at mag enjoy kayo ni Gwen.” Huminga ng malalim si Bonnie nang mabanggit niya si Gwen. Tumingin siya sa kalangitan. “Sana, gumaling na rin si Gwen.” Tumingala rin si Luna, sumandal siya sa bench. Tahimik siyang nakaupo sa tabi ni Bonnie at tumingin siya sa kalangitan. Nanatili ang dalawang babae
“Mula sa nakikita ko ngayon, mukhang hindi mo na kailangan ng tulong ko para sumaya ka.” Nagawa ni Gwen na pakalmahin ang kanyang sarili. Walang may alam kung bakit, pero mas gumanda ang kondisyon niya pagkatapos malaman nila Luna at Bonnie na pumanaw na si Luke. Sa nakalipas na buwan, nagrereklamo siya tungkol kay Luke. Sinabi niya isang walang puso si Luke dahil hindi siya binisita nito. Gayunpaman, pagkatapos malaman ni Luna na pumanaw na si Luke, hindi niya na ulit narinig na sinabi ito ni Gwen. Ito ay para bang nalaman ni Gwen kung bakit hindi na babalik si Luke, ngayon wala namang nagsabi sa kanya ng rason, kaya’t hindi niya malalaman ang tungkol dito. Base sa pag uugali niya, hindi siya magiging kalmado kapag nalaman niya ito. Habang iniisip ito, tumingin si Luna sa nakangiting si Gwen. Ang tanging rason kung bakit naisip niya ang mga pagbabago ni Gwen ay dahil sa puso ni Luke. Baka… Hindi gusto ni Luke na malungkot si Gwen, kaya’t gumaling ng mabuti si Gwen. “Sige, ma
Ito ay ang boses ni Luke! Sa mga sandaling ito, naramdaman ni Gwen na para bang tumigas ang katawan niya at nararamdaman niya na nanginig ang katawan niya. Ito ay ang boses na naririnig niya sa panaginip niya bawat gabi, at naisip niya pa minsan na imahinasyon niya lang ito nang marinig niya ulit ito. Ang lalaking nasa likod niya ay nagsalita ulit, “Pero ayos lang kung ayaw mo ito. Pwede tayong bumili sa ibang lugar.” Pakiramdam ni Gwen ay para bang mabilis na dumaloy ang dugo niya sa utak niya. Kinagat niya ang labi niya at tumayo siya. May magkasintahan na umalis sa likod niya. Ang lalaking ay nakaakbay sa babae habang umaalis sila sa ng tindahan. Ang katawang ito, hindi ito kamukha ni Luke. Gayunpaman, tumakbo siya papunta sa pinto, wala siyang pakialam kung ano ang itsura niya, hinarangan niya ang magkasintahan na parang isa siyang baliw, tinaas niya ang mga kamay niya sa gilid. “Sino ka?” Kumunot ang noo ng babae habang nakatingin siya ng nalilito kay Gwen. Ang lal
“Hindi ko gusto ang pares ng sapatos na ito.” Sumandal si Kate sa braso ng lalaki habang nakatingin siya ng masaya. “Pero, kung sa tingin mo ay maganda ito, maganda siguro ito!” Ngumiti ang lalaki at pinisil niya ng malambing ang ilong ni Kate. Habang nakayuko siya, nakita niya na ang sales attendant ay hinihimas ang likod ng babaeng nakaupo sa sahig. Hindi niya makita ang mukha nito, ngunit kumunot ang noo niya nang makita ang payat na katawan nito. Tumingin si Kate sa direksyon kung saan nakatingin ang lalaki kay Gwen, ngunit hindi niya nakilala si Gwen. Tinikom niya ang labi niya at tinaas niya ang kamay niya para takpan ang mga mata ng lalaki. “Wag kang tumingin sa ibang babae!" Ngumiti ang lalaki at tumingin siya sa harap. “Sige na, selosa ka talaga.” Tumunog ang nakakaakit na boses niya sa kalsada. Masayang sumandal si Kate sa braso ng lalaki. “Kung ganun, hindi ka na dapat pala maging sobrang gwapo! Sasabihin ko sa tatay mo na ganapin na natin ang kasal sa madaling panah
Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya sa TV. Si Kate ito. Ang mukha ng babae ay klaro mula sa litrato sa TV habang ang mukha ng lalaki ay malabo. Sino pa ba ang babaeng ito kundi si Kate? Bukod pa dito, paulit ulit na binanggit ng report ang ‘pinakamatandang young miss ng pamilya Miller’, kaya’t si Kate dapat ito. Sigurado si Gwen dito. Tinikom ni Luna ang mga labi niya at tumingin siya kay Gwen. “Sa simula pa lang, gusto mo pa siyang…” Hindi tinapos ni Luna ang pangungusap niya dahil napagtanto niya na hindi niya dapat banggitin si Kate at Luke sa harap ni Gwen. “Hahayaan ko siya na pumalit sa pwesto ko at makasama si Luke, para magkasama na sila?” Tumingala si Gwen at tumingin siya kay Luna. “Iniwan lang ako ni Luke, ‘yun lang. Mabubuhay pa ako. Hindi mo kailangan mag ingat.” Pagkatapos, ngumiti siya ng maliwanag. “Hindi ako ganun kahina.” Ngumiti siya na parang hindi ito isang problema. Ang taong umiyak habang nakaupo sa sahig sa mall ay hindi siya. Gumaan na an