Tumingin si Luna sa isang tabi at nakita niya na seryoso si Bonnie. May gusto sana siyang sabihin, ngunit hindi niya ito tinuloy. Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Bonnie. “Sana ay magkatotoo ang lahat ng mga hiling natin.” Hiling niya na bumalik ang mga alaala ni Jim at hiling niya na matanggap na rin ni Bonnie ang ideya ng pagpapakasal. Para naman sa kanya… hindi na umaasa si Luna na mahahanap niya ang anak niya balang araw. “Mangyayari ang mga ito.” Ngumiti si Bonnie at tumingin siya kay Luna ng nakangiti. “Mag ingat ka sa biyahe niyo bukas. Aalagaan namin ni Jim ang tatlong mga anak niyo para sa inyo ni Joshua. ‘Wag kang mag alala, at mag enjoy kayo ni Gwen.” Huminga ng malalim si Bonnie nang mabanggit niya si Gwen. Tumingin siya sa kalangitan. “Sana, gumaling na rin si Gwen.” Tumingala rin si Luna, sumandal siya sa bench. Tahimik siyang nakaupo sa tabi ni Bonnie at tumingin siya sa kalangitan. Nanatili ang dalawang babae
“Mula sa nakikita ko ngayon, mukhang hindi mo na kailangan ng tulong ko para sumaya ka.” Nagawa ni Gwen na pakalmahin ang kanyang sarili. Walang may alam kung bakit, pero mas gumanda ang kondisyon niya pagkatapos malaman nila Luna at Bonnie na pumanaw na si Luke. Sa nakalipas na buwan, nagrereklamo siya tungkol kay Luke. Sinabi niya isang walang puso si Luke dahil hindi siya binisita nito. Gayunpaman, pagkatapos malaman ni Luna na pumanaw na si Luke, hindi niya na ulit narinig na sinabi ito ni Gwen. Ito ay para bang nalaman ni Gwen kung bakit hindi na babalik si Luke, ngayon wala namang nagsabi sa kanya ng rason, kaya’t hindi niya malalaman ang tungkol dito. Base sa pag uugali niya, hindi siya magiging kalmado kapag nalaman niya ito. Habang iniisip ito, tumingin si Luna sa nakangiting si Gwen. Ang tanging rason kung bakit naisip niya ang mga pagbabago ni Gwen ay dahil sa puso ni Luke. Baka… Hindi gusto ni Luke na malungkot si Gwen, kaya’t gumaling ng mabuti si Gwen. “Sige, ma
Ito ay ang boses ni Luke! Sa mga sandaling ito, naramdaman ni Gwen na para bang tumigas ang katawan niya at nararamdaman niya na nanginig ang katawan niya. Ito ay ang boses na naririnig niya sa panaginip niya bawat gabi, at naisip niya pa minsan na imahinasyon niya lang ito nang marinig niya ulit ito. Ang lalaking nasa likod niya ay nagsalita ulit, “Pero ayos lang kung ayaw mo ito. Pwede tayong bumili sa ibang lugar.” Pakiramdam ni Gwen ay para bang mabilis na dumaloy ang dugo niya sa utak niya. Kinagat niya ang labi niya at tumayo siya. May magkasintahan na umalis sa likod niya. Ang lalaking ay nakaakbay sa babae habang umaalis sila sa ng tindahan. Ang katawang ito, hindi ito kamukha ni Luke. Gayunpaman, tumakbo siya papunta sa pinto, wala siyang pakialam kung ano ang itsura niya, hinarangan niya ang magkasintahan na parang isa siyang baliw, tinaas niya ang mga kamay niya sa gilid. “Sino ka?” Kumunot ang noo ng babae habang nakatingin siya ng nalilito kay Gwen. Ang lal
“Hindi ko gusto ang pares ng sapatos na ito.” Sumandal si Kate sa braso ng lalaki habang nakatingin siya ng masaya. “Pero, kung sa tingin mo ay maganda ito, maganda siguro ito!” Ngumiti ang lalaki at pinisil niya ng malambing ang ilong ni Kate. Habang nakayuko siya, nakita niya na ang sales attendant ay hinihimas ang likod ng babaeng nakaupo sa sahig. Hindi niya makita ang mukha nito, ngunit kumunot ang noo niya nang makita ang payat na katawan nito. Tumingin si Kate sa direksyon kung saan nakatingin ang lalaki kay Gwen, ngunit hindi niya nakilala si Gwen. Tinikom niya ang labi niya at tinaas niya ang kamay niya para takpan ang mga mata ng lalaki. “Wag kang tumingin sa ibang babae!" Ngumiti ang lalaki at tumingin siya sa harap. “Sige na, selosa ka talaga.” Tumunog ang nakakaakit na boses niya sa kalsada. Masayang sumandal si Kate sa braso ng lalaki. “Kung ganun, hindi ka na dapat pala maging sobrang gwapo! Sasabihin ko sa tatay mo na ganapin na natin ang kasal sa madaling panah
Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya sa TV. Si Kate ito. Ang mukha ng babae ay klaro mula sa litrato sa TV habang ang mukha ng lalaki ay malabo. Sino pa ba ang babaeng ito kundi si Kate? Bukod pa dito, paulit ulit na binanggit ng report ang ‘pinakamatandang young miss ng pamilya Miller’, kaya’t si Kate dapat ito. Sigurado si Gwen dito. Tinikom ni Luna ang mga labi niya at tumingin siya kay Gwen. “Sa simula pa lang, gusto mo pa siyang…” Hindi tinapos ni Luna ang pangungusap niya dahil napagtanto niya na hindi niya dapat banggitin si Kate at Luke sa harap ni Gwen. “Hahayaan ko siya na pumalit sa pwesto ko at makasama si Luke, para magkasama na sila?” Tumingala si Gwen at tumingin siya kay Luna. “Iniwan lang ako ni Luke, ‘yun lang. Mabubuhay pa ako. Hindi mo kailangan mag ingat.” Pagkatapos, ngumiti siya ng maliwanag. “Hindi ako ganun kahina.” Ngumiti siya na parang hindi ito isang problema. Ang taong umiyak habang nakaupo sa sahig sa mall ay hindi siya. Gumaan na an
Kahit na malabo ang mukha ng lalaki, kuminang ang kagandahan ni kate sa bagong litrato. Halata rin ang kaligayahan sa kanyang mukha. Kumunot ang noo ni Gwen. Mula sa anggulo ng litrato, naisip niya na medyo pamilyar ito. Mula sa anggulo na ito, kitang kita niya na ang lalaki na yumayakap kay Kate ay pareho ng tangkad at katawan ni Luke. Kahit na hindi niya nakikita ang mukha ng lalaki, alam ni Gwen na ang katawan at pagkilos ng lalaki… ay pareho kay Luke. Tumitig siya ng ilang sandali sa TV bago niya ito pinatay. Ito ang rason kung bakit hindi mabigat ang loob ni Kate noong pumanaw si Luke; nakahanap siya ng kapalit at wala na ang kalungkutan niya sa pagkawala kay Luke. ‘Paano naman ako?’ Nagbuntong hininga si Gwen at nilabas niya ang kanyang phone. Binuksan niya ang Tweeter account na hindi niya pinansin ng matagal na panahon. Nagpost siya ng selfie ng sarili niya habang naglalakad siya sa niyebe ngayong araw at may nakalagay na caption dito. [Dalawang buwan na ang lumipas.
Isa itong gabi na mahimbing ang pagtulog.Ngayong umaga sa pangalawang araw, may taong kumatok sa pinto ng kwarto nila Luna at Gwen. Sa mga sandaling ito, busy si Luna sa pagluto ng agahan sa kusina habang pinaplano ni Gwen ang mga dadaanan nila ngayong araw.Nang marinig ang mga katok, ang hula ni Gwen ay si Joshua ito. Kaya naman, tumingin siya sa busy na babae sa kusina. “Uy, ikaw na ang magbukas ng pinto.”Tumigil si Luna sa paghihiwa ng gulay at tumingin siya kay Gwen, na siyang nakaupo sa sofa. “At bakit ko naman dapat buksan ang pinto?” Ito ang tanong niya kahit na papunta siya sa pinto.“Dahil baka hinahanap ka ng taong ‘yun,” Ang sabi ni Gwen ng hindi lumilingon. “Gaano katagal mo na bang kasama si Joshua? Bakit pareho kayong malambing pa rin sa isa’t isa?”Tinikom ni Luna ang mga labi niya at binuksan niya ang pinto. “Paano mo nalaman na si Joshua ito?”Nang matapos na siya sa pagsasalita, may tumunog na seksi na boses ng lalaki mula sa pinto, “Bakit hindi pwede maging
“Oo.” Huminga ng malalim si Yannie at naglakad siya papasok ng kwarto, tumayo siya sa harap ni Luna. “Masaya ako na makita ka dito. Sinabi ni Mr. Lynch na maglilibot kayo ngayong araw. Pwede ba akong sumama?”“Syempre.” Si Gwen, na siyang kakatapos lang gumawa ng plano para sa lakad, ay tumingin kay Yannie. “Medyo boring kung dalawa lang kami. Gusto namin na sumama ka kung may oras ka.”Tumingin ng mapagpasalamat si Yannie kay Gwen. “Salamat.”Dahil hindi sila malapit ni Gwen sa isa’t isa, konti lang ang alam niya tungkol kay Gwen. Habang nakatingin siya sa babae na nawalan ng minamahal na mukhang masaya at puno ng buhay, biglang naisip niya na hindi na masama ang sitwasyon nito.Kumain silang apat ng agahan ng magkakasama, at umalis na si Joshua pagkatapos. Tutal, kailangan niya pa rin makipagkita kay Thomas para gumawa ng plano para talunin ang pamilya Howard. Samantala, nagsimula nasina Luna at Gwen na maglibot ng Saigen City kasama si Yannie.Noong umaga na ‘yun, pumunta sila