Sa paglalakad patungo sa looban sa harap ng mansyon, ang malamig na simoy ng hangin sa gabi ay nagpalinaw sa isipan ni Luna.Umupo siya sa bench sa gilid at mahinahong sinabi, "Yannie, gusto kong malaman ang iniisip mo tungkol kay Thomas."Alam na niya ang nararamdaman ni Thomas kay Yannie. Gayunpaman, hindi niya alam kung payag si Yannie na ipanganak si Riley para kay Thomas noon dahil gusto niya si Thomas o dahil gusto lang niya ang mga bata.Hindi naman inaasahan ni Yannie na bigla siyang tatanungin ni Luna tungkol sa love life niya kaya natahimik siya. Tumagal ng mahabang ilang segundo ang katahimikan bago malungkot na sumagot si Yannie, "Luna, bakit…bigla kang nagtatanong sa akin nito?"Tumalikod si Luna. Pumikit siya at ninanamnam ang simoy ng gabi. "Curious lang ako. Ngayong alam mo na na anak mo si Riley kay Thomas, ano ang susunod mong plano? Hindi iiwanan ni Thomas si Riley, at kung ayaw mong isuko si Riley, parang ang magagawa mo lang ay...patuloy na sumama sa kanya. Kay
Hindi iminulat ni Luna ang kanyang mga mata. Sa halip, hinawakan niya ang kamay na nagpunas ng kanyang mga luha at ibinaon ang sarili sa mga bisig ng taong iyon.Hindi na niya kailangan pang tumingin sa kanya para malaman kung ano ang hitsura niya at kung ano ang ekspresyon niya sa sandaling iyon.Niyakap siya ni Joshua ng mahigpit. Medyo paos ang boses niya. "Narinig mo na ang tungkol dito?"Ang ibig niyang sabihin ay ang pag-alis ni Thomas kasama sina Riley at Yannie."Oo." tumango si Luna at sinabing, basag ang boses niya, "Aalis na si Riley. Mabuti na rin yun. Magkamag-anak talaga sila at magkapamilya. N ...nakasama ko lang siya sandali."Naiintindihan niya ito, ngunit…Naisip niya na kung hindi niya mahanap ang kanyang anak, ang pagpapalaki kay Riley ay magiging mabuti rin. Ang lahat ng ito ay magiging panaginip na lamang.Dapat niyang batiin sina Yannie at Thomas. Dapat ay masaya siya para kay Riley, ngunit pakiramdam niya…ay may kulang.Napabuntong-hininga si Joshua. Niy
Ngumiti si Joshua. "Huwag kang mag-alala, pupunta lang ako sa Saigen City kasama kayong dalawa. Kapag nandoon na tayo, magiging abala ako sa trabaho ko habang pareho kayong namamasyal. Walang pakialamanan."Kumunot ang noo ni Luna at tumingin kay Joshua na nakayakap sa kanya. "Anong pagkakaabalahan mo doon?"Lumapit si Joshua at marahang hinaplos ang ulo niya. "May business deal ako kay Thomas."Natigilan si Luna bago niya naalala na sa studio nang tawagan siya ni Thomas, tila malabo niyang binanggit ang business deal nila ni Joshua.Noon, napuno si Luna ng pag-aatubili na umalis sina Riley at Yannie kasama ni Thomas, kaya hindi niya pinansin ang paksang iyon.Sa pag-iisip tungkol dito, kumunot ang noo niya at tumingin kay Joshua. "Anong...deal ang ginawa niyong dalawa?""Malalaman mo kapag nasa Saigen City na tayo."Ibinaba ni Joshua ang ulo niya at marahan siyang hinalikan sa noo. "Ako ang nagmungkahi kay Thomas na isama sina Yannie at Riley."Sa gulat na titig ni Luna, napab
Nang marinig ni Luna ang sinabi ni Nellie, pinigilan niya ang sarili niya sa pagtawa habang nakatingin siya kay Joshua, na siyang nakangiti ng maliit. Lumapit siya at umupo para kargahin si Nellie sa braso niya bago siya naglakad palabas ng bahay. Nang makarating na sila sa pinto, tumalikod siya para tumingin kay Luna. “Tara, subukan natin ang luto ni Neil.” Ngumiti si Luna at naglakad na siya. “Paano naman ang luto ni Nigel?” “Si Lucas na ang kakain nun.” Tumalikod siya at pumasok ng bahay habang karga si Nellie. Ngumiti si Luna habang nakatingin siya sa likod ni Joshua at Nellie. Pagkatapos, mabilis niyang hinabol ang mga ito. Nang pumasok sila sa bahay, kakalabas lang ni Lucas ng banyo habang hinihimas ang kanyang tiyan. Sa mga sandaling ito, nakonsensya si Nellie habang nakatingin siya sa maputlang mukha ni Lucas. Tutal, naging malapit na siya kay Lucas pagkatapos itong makasama ng higit sa isang taon. Kaya naman, kumindat at tumingin si Nellie kay Joshua, pagkatapos
Hindi kumain ng kahit isang subo si Luna. “Opo.” Ngumiti si Nigel habang napatingin siya kay Joshua. Nagkataon na tumingin din sa kanya si Joshua. Habang nagkatinginan sila, ngumiti si Joshua habang kuminang ang mga mata ni Nigel na tila puno ito ng kalokohan. Isang matalinong bata si Nigel; hindi mahirap para sa kanya ang magluto. Ayaw niya na abalahin siya nila Nellie at Neil sa pagluluto, kaya’t may idinagdag siya na ‘extra’ sa kanyang mga luto. Alam ni Joshua ang tungkol sa plano ni Nigel. Nangyari ito sa tamang oras habang gusto ni Joshua na turuan si Lucas ng leksyon. Nagtulungan sila pareho at magdesisyon sa immoral na planong ito. Mula sa mga nangyari, nagtagumpay sila sa plano nila. Naparusahan si Lucas, at walang kahit sino sa pamilya ang nakaisip na hayaan si Nigel na magluto ulit sa susunod. Si Nigel, ang munting henyo, ay pwedeng magpatuloy sa pagkain ng luto ni Neil at sa pag inom ng inumin na ginawa ni Nellie, habang hindi na siya hahayaan nila Neil at Nellie
Hindi inaasahan ni Luna na ito ang mangyayari. Sumandal siya sa likod ni Joshua, hindi niya alam ang sasabihin niya. “Sige.” Ngumiti si Joshua at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Luna. “Naging busy ka ngayong araw, at oras na para magpahinga. Kahit na nagkamali si Lucas, hindi ito dapat pagkaguluhan. Bago ko siya naging assistant, nagtrabaho siya para sa pamilya at naging malapit siya kay Adrian. Madaling maintindihan kung bakit tumawag siya kay Adrian. “Bukod pa dito, maraming taon na akong tinulungan ni Lucas. Nagsikap siya sa trabaho niya. Ito ang pangalawang beses na nagkamali siya.” Maaaring matiis ni Joshua ang una at pangalawang beses na gumawa ng pagkakamali si Lucas. Gayunpaman, kung nagkamali pa si Lucas ng pangatlong beses… Bahagyang sumingkit ang mga mata niya. Kung may pangatlong beses pa, hindi niya na hahayaan na manatili si Lucas sa tabi niya. “Sige.” Naiintindihan ni Luna ang iniisip ni Joshua, kaya’t tumango siya at pinabayaan niya na si Joshua. “Magp
Tulad ng inaasahan ni Luna, naging busy siya sa mga sumunod na araw. Umaalis siya ng maaga at umuuwi siya ng gabing gabi, pabalik balik sa bahay at sa studio niya. Wala man siyang oras para pumunta sa Landry Mansion para bisitahin si Gwen. Mabuti na lang at nandyan pa rin si Bonnie. Dahil halos magaling na si Bonnie, pwede niyang bisitahin si Gwen sa hospital at alagaan din sina Rosalyn at Charles. Kinukumbinsi ni Rosalyn na magpakasal sina Jim at Bonnie, ngunit kahit ano ang gawin niya, hindi pa rin kumikilos sina Jim at Bonnie. Sa gabi bago umalis sina Luna at Joshua ng Merchant City, nagluto ng hapunan si Rosalyn at inimbitahan niya sina Luna at Joshua para kumain. “Luna.” Bago pa dumating sina Bonnie at Jim, hinawakan ni Rosalyn ang kamay ni Luna at nagreklamo siya, “Kahit anong sabihin ko, hindi sila nakikinig. Ikaw ang best friend ni Bonnie, at makikinig si Jim sayo. Pakiusap, kumbinsihin mo sila para sa akin. Matanda na kami ng tatay mo, at gusto namin makita na maging mag
Tumingin si Luna sa isang tabi at nakita niya na seryoso si Bonnie. May gusto sana siyang sabihin, ngunit hindi niya ito tinuloy. Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Bonnie. “Sana ay magkatotoo ang lahat ng mga hiling natin.” Hiling niya na bumalik ang mga alaala ni Jim at hiling niya na matanggap na rin ni Bonnie ang ideya ng pagpapakasal. Para naman sa kanya… hindi na umaasa si Luna na mahahanap niya ang anak niya balang araw. “Mangyayari ang mga ito.” Ngumiti si Bonnie at tumingin siya kay Luna ng nakangiti. “Mag ingat ka sa biyahe niyo bukas. Aalagaan namin ni Jim ang tatlong mga anak niyo para sa inyo ni Joshua. ‘Wag kang mag alala, at mag enjoy kayo ni Gwen.” Huminga ng malalim si Bonnie nang mabanggit niya si Gwen. Tumingin siya sa kalangitan. “Sana, gumaling na rin si Gwen.” Tumingala rin si Luna, sumandal siya sa bench. Tahimik siyang nakaupo sa tabi ni Bonnie at tumingin siya sa kalangitan. Nanatili ang dalawang babae