Share

CHAPTER 03

CHAPTER 03: HE KNOWS

LYN'S POV

Napaawang ang labi ko nang makita ang sarili sa alamin. Namumula at namamaga ang labi ko. Sobrang pula rin ng pisngi ko pati na ng parte sa leeg ko kung saan niya ako hinalikan ng estrangherong lalake kanina. He left me with a kiss mark!

Hindi ko alam ang nararamdaman. Nagustuhan ng katawan ko ang ginawa niya pero hindi ko siya kilala para gawin nita sa akin iyon kaya nandidiri ako.

Pinunasan ko iyon ng wipes bago ikinabit ang scarf ko para takpan ang marka.

Halos mapatalon ako sa gulat nang muling bumukas ang pinto. "Okay ka lang?" natatawang tanong ni Scarlet.

"Oo," nahihiyang sagot ko at nagpasalamat sa kanya nang ibigay niya sa akin ang bagong damit para magbihis.

"Sabihin mo kapag binubully ka ni Anastacia, igaganti kita," paalala niya pa sa akin nang pabalik na kami sa Cafeteria.

"Hindi naman niya sinasadya. Kasalanan ko rin kasi nakatingin ako sa inyo kanina," paliwanag ko at nginitian siya. "Pero thank you, Scarlet!"

Tinabihan niya si Love Joshua kaya sa pagitan na ako ni Rave at Khan pumwesto. Nakita kong kumakain na silang lahat pero si Khan ay hindi pa. "Hinintay kita," sagot niya na parang nabasa niya ang nasa isip ko.

Napangiti rin ako at binuksan na ang lalagyan ng kutsara at tinidor ko para makapagsimula nang kumain. "Salamat," bulong ko sa kanya at sumubo ng pagkain pero habang ngumunguya ay tumunog ang phone ko.

Kinuha ko iyon mula sa ilalim ng blazer ko at binasa ang text message na na-receive mula sa hindi registradong numero. "You're making me jealous."

Kinalibutan ako at luminga sa paligid para hanapin iyong lalake kanina pero hindi ko siya nakita.

"Looking for me, huh?" iyon ang panibagong mensahe niya kaya mas lalong nalaglag ang panga ko. Is he for real? Sino ba talaga siya?

"Lyn, kumain ka na," alok ni Khan at sumilip pa sa phone mo. "Sinong ka-text mo?"

"Wala," mabilis na sagot ko at pinatay na ang phone.

"Sus! 'Wag ka nang mahiya sa akin," halakhak niya at nagulat ako nang subuan niya pa ako gamit ang kutsarang nasa plato ko.

"Hoy, ano 'yan, ha?" kaagad na kinikilig na tukso ni Scarlet sa amin. "Bilis mo, Khan, ah?"

"Mas mabilis ka, master!" ngising sagot ni Khan at binawian ng nanunuksong tingin si Scarlet at Love Joshua.

Poker face lang ang mukha ni Love Joshua habang patuloy na kumain. Natawa ako dahil mukha siyang walang pakealam. Pero kaagad akong nag-iwas ng tingin nang tumingin siya sa akin. "Hoy, Lyn! 'Wag mo ngang inaasar 'tong love ko!"

"Psh! 'Wag mo ring inaaway baby ko!" pagtatanggol sa akin ni Khan. Sina Zai at Rave, parehong tumawa.

"Zai, babe, awayin mo rin sila! Sali tayo!" mapanlarong sambit ni Rave.

Pwede pala 'yon. Mag-asaran na parang mag-jowa. Tawa ako nang tawa dahil sa kanila. Nang mag-isa na lang ako ulit pauwi ay doon lang bumalik sa isip ko iyong lalakeng humalik sa akin sa CR ng mga babae.

Muli kong binasa ang text message niya sa akin at huminto para lumingon. Pakiramdam ko ay nakasunod pa rin siya sa akin ngayon. Creepy, I have a maniac stalker!

Ano na lang ang gagawin niya kapag nahuli niya ako ulit? Paano kung pagsamantalahan niya ako?!

Mabilis akong naglakad para umakyat na papunta sa unit ko. I need to be careful from now on.

Wala kaming quiz bukas kaya nagscroll ako sa social media account ko. I reached Tik.Tok and coincidently, a video about an obsessed stalker from a fictional book played.

I'll follow you until you love me~

Papa-paparazzi~

Napangiwi ako at kaagad na nag-scroll up para mawala iyon. Creepy! Iyon ang nasa isip ko nang bigla akong napahawak sa labi ko. Uminit bigla ang pisngi ko. Why do I find it hot?

Malaki ang katawan ng lalakeng humalik sa akin kanina. Matigas ang katawan, matangkad, mabango at eksperto humalik.

"Gosh!" Napatili ako at gumulong sa kama para alisin siya sa isip ko. Kung sino man ang lalakeng iyon, delekado siya. Period!

Tinanghali ako ng gising dahil sa kakaisip. Naghihintay ako ng taxi sa labas nang makita ang pamilyar na mukha. "Lyn!" si Khan kaya napaawang ang labi ko.

"Hi! Anong ginagawa mo rito?" litong tanong ko dahil malayo ang bahay nila rito.

"Sinusundo ka. Tinanong ko ang address mo kay Scarlet," paliwanag niya habang malaki ang ngiti. "Kanina pa ako rito," dagdag niya pa at lumakad kaya sinundan ko siya.

Nakita ko ang nakaparadang itim na magarang kotse. Sa kanya pala iyon! "Thank you," sinserong sambit ko nang pagbuksan niya ako ng pinto.

Bigla akong kinilig. Bakit ba niya kasi ako sinundo?

"Nag-breakfast ka na?" tanong niya nang maikabit ko ang seatbelt.

"Yup, ikaw po?" pabalik ko at umayos ng upo nang pindutin niya ang stereo at nagpatugtog siya ng chill na cute song!

"Po talaga?" Humalakhak siya at inalis ang kamay sa manibela. Umangat ang kamay niya papunta sa akin pero kaagad niyang binawi. "Bawal pala," aniya at malamyang humalakhak. "Pero ang cute mo!"

"Hindi naman, e! Pambata 'yon!" reklamo ko at ngumuso.

Bumalik ang sinserong tawa niya at umiling pa. "Okay po, sabi mo, e!" ginaya niya pa ang pananalita ko kaya hinampas ko siya.

"Isa pa, Lyn, hindi masakit!" pang-aasar niya lalo sa akin kaya natawa ako.

Magaang kasama si Khan. Lagi kang tumatawa dahil sa biro, harot at tawa niya mismo. Pero mabait din siya at maalaga.

"Lyn, bigat na bigat ka naman sa bag mo," aniya nang ayusin ko ang scarf ko habang dala ang bag.

Kinuha niya iyon sa akin at hindi na binalik hanggang sa makarating kami ng classroom. "Uy! Agang harot naman 'yan, Khan!" tukso ni Scarlet ang bumungad sa amin.

Ngumuso ako para pigilan ang ngiti dahil sa pang-aasar nila.

"Can you two move?!" Kaagad na nawala ng ngiti ko nang marinig si Anastacia. Nasa likuran pala siya namin at hindi makapasok.

"Sorry," sagot ko at gumilid para makadaan siya at mauna nang pumasok.

"Bitter! Halatang inggit na inggit ka kay Lyn, ah?" pagpaparinig sa kanya ni Scarlet pero umirap lang si Anastacia at padabog na umupo.

Mas lalo akong nakosensya. Ayaw ko pa naman iyong may kaaway. "Tama na, Scarlet," pigil ko sa kaibigan at umupo sa gitna nila ni Zai. Sa dulo kasi ay naroon ai Rave. Gusto niyang katabi si Zai kaya palit na muna kami ng upuan.

"Lyn! Punta na ako sa upuan ko," malambing na paalam sa akin ni Khan.

"Jusko! Tama ka na!" suway ni Scarlet at tinabihan ako sabay niyakap ang braso ko. "Kayo na ba no'n ni Khan? Pahirapan mo pa lalo!"

Uminit ang pisngi ko dahil sa pang-aasar niya. "Hindi, 'no? Hindi naman siya nanliligaw sa akin."

"E 'di kapag niligawan ka! Pag-isipan mo muna kung gusto mong maging Mrs. Tuts at magkaroon ng anak na pangalan ay Khan Tuts IV!" Malakas silang humalakhak ni Zai. The third kasi si Khan kaya for sure, kapag nagkaanak siya ng lalake ay magiging the fourth.

Hindi pa ako kailanman nagkaroon ng boyfriend. Mas kinikilig pa ako sa mga green flag character sa movies at fictional character na nababasa ko.

Green flag. Parang si Khan? Sweet, mabait, maganda ang humor, gwapo, matangkad...

Mas lalo akong kinilig sa naisip. Pero biglang sumiksik sa isip ko iyong red flag stalker na lalakeng humalik sa akin sa comfort room.

Wala sa sarili kong napahawak ng pang-ibabang labi. Gusto ko siyang makilala. Pero wala na siyang bagong mensahe sa akin. Should I reply?

"No!" iyon ang sagot ko sa sarili at umiling.

"Napaaano ka, Lyn?" biglang tanong ni Zai at tumawa.

"Gan'yan talaga 'pag in love!" sagot naman ni Scarlet.

Napanguso na lang ako at hindi na sila sinagot dahil dumating na si Sir Kyrous para magturo.

"Crush mo si sir?" tanong ko sa katabing si Scarlet dahil panay ang tingin niya sa instructor namin. Gano'n din si Sr Kyrous. Siguro napapansin niya ang kaklase ko.

"Gaga! Hindi, 'no? Kay Love Joshua lang ako," sagot nito at napalakas pa.

"Ako rin, kay Lyn lang!" sigaw ni Khan bigla.

Awtomatiko akong napangiti nang tuksuhin kami ng mga kaklase. Grabe talaga! Ang i-issue nila!

"Hatid kita, Lyn? Please?"

Hindi nakakasawa ang kakulitan ni Khan. Kahit kasama ko na siya mula kaninang umaga ay natatawa pa rin ako sa kanya. "Ako na nga ang magpapahatid, ikaw pa nagpe-please?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Gano'n talaga!" mayabang na sagot ngumuso. 'Baka ayaw mo kasi!"

"Gusto ko," pagtatama ko at napangiti nang humiyaw siya bigla kaya napatingin aa amin iyong ibang estudyanteng papunta rin sa parking lot. "'Yon oh! Tara na, baby! Uwi na tayo!"

Napailing na lang ako habang tumatawa dahil tumatalon-talon pa siya habang naglalakad. Siya nga itong parang bata!

Nasa kotse niya kami habang pauwi nang tumunog ang phone ko. Binuksan ko iyon para tignan at bumungad sa akin ang message notification galing sa unknown number.

"Ingat pa-uwi, baby."

It's him. My stalker knows what I am doing right now.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status