Share

CHAPTER 10

Note: This chapter is the continuation of Prologue.

TRIGER WARNING: SPG. The ML is a redflag mafia.

CHAPTER 10: WELCOME TO MY WORLD

LYN'S POV

Napanguso ako nang iwan ako ni Master. Nakakatakot tuloy kasi mag-isa ko na lang dito. Ibinaba ko na ang inhaler dahil gumaan na kahit papaano ang pakiramdam ko at sumampa sa kama. Nilalamig ako, nagugutom at inaantok na.

Inayos ko ang sarili bago nagkumot para magdasal muna bago matulog. Sana panaginip lang 'to. Gusto ko nang bumalik sa amin. Natatakot ako rito.

Napabangon ako dahil sa gulat nang malakas na bumukas ang pinto ng kwarto. Medyo nahilo pa ako dahil sa biglaang pagbangon. Naroon ang matangkad na lalakeng nakasama ko kanina rito at isang estrangherang babae. Salubong ang kilay ni Master at umigting pa ang panga nang magsalubong ang mga mata namin. Dahil doon ay muling bumalik ang takot sa dibdib ko. Nagsimula na namang kumirot at bumumigat ang dibdib ko. Nag-unahan na ring bumagsak ang luha sa pisngi ko.

"Get out of my bed!"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status