Share

CHAPTER 17

CHAPTER 17: BABY

LYN'S POV

Pinatag ko ang concealer na inilagay sa ilalim ng mga mata ko gamit ang make up sponge. Nang makuntento ay tinuloy ko ang video tutorial na pinapanood. Ang kaso, halata ang pagkakaiba ng resulta sa nagawa ko sa mukha ko.

Tinigil ko iyon at nakangusong binura ang kolorete gamit ang face wipes. Gusto kong matutong mag-ayos dahil pakiramdam ko, ito ang isang dahilan kung bakit walang may gustong magsayaw sa akin sa darating na Ball. Pero hindi ko naman magawa nang mag-isa.

Magpapaturo na lang talaga ako Tash! Alam ko kasing madami pang itatanong si Ate Liandra sa akin bago niya ako turuan.

"Lyn! Good thing you're here!" si Kuya Lucio na 'di mapakali. Akmang tatanungin ko siya kung anong problema pero nagsalita siya ulit, "Can you tell mom to go home later? Ate Lia called and she almost got kidnapped!"

Nanlaki ang mga ko at muling naalala ang mga lalakeng kumuha sa akin no'n kaya kami nagkakilala ni Kael. Sila rin ba ang nagtangkang dumukot kay ate?

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status