Share

CHAPTER 21

CHAPTER 21: CRUSH

LYN'S POV

"Good morning po, my!" una kong binati si mommy nang makarating ako sa dining room. Naroon na silang lahat, pati si Kael, at sabay-sabay na napatingin sa akin.

Kumapit ako sa dulo ng palda dahil iyon ang una kong nahawakan. Kanina ko pa iniipon ang self-confidence para maging kompyansa kapag nakaharap na sa kanila. Pero nawala na agad iyon na parang bula.

"You looks blooming today, sis!" puri ni Ate Liandra dahilan para muling umangat ang tingin ko sa kanila ni Kael. Magkatabi kasi sila. "Oh, is it because of your boyfriend?" kuryoso niya pang tanong.

Bumilog ang mga mata ko sa gulat. "P-po?"

"Opps, sorry my tongue slips!" Maarte niya pang tinakpan ng kamay ang awang ng bibig.

"You have a boyfriend, Lyn?" sabay na tanong pa nina mommy at daddy.

Mabilis akong umiling habang kinakabahan. "W-wala po," sinserong sagot ko. Bakit naman kasi iyon sinabi ni ate?

Umupo ako sa tabi ni Kuya Lucio at nakayukong hinintay ang kasambahay na lagyan ng pagkain ang plato ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status