CHAPTER 29: PROMLYN'S POVPero marami namang magkakaparehas ng pabango sa mundo 'di ba? Tinugunan ko ang ngiti ni Anastacia nang humiwalay siya ng yakap sa akin. "I have pasalubong for you!" Hinila niya pa ako papunta sa kama ko at ibinida niya ang chocolate na galing ibang bansa. May bagong lipstick din siyang ibinigay sa akin. "You liked it?" malaki ang ngiting tanong niya. Mabilis akong tumango at niyakap siya saglit. "Thank you, Tash!" sinserong sambit ko. "No, Lyn, thank you," sagot aniya at hinawakan ang kamay ko. "You know what, I'm so happy 'cause when I'm with you, I feel like I have my own sister. I'm an only child kasi!" pagki-kwento niya. Doon na nawala ang kung anong pagdududa ko sa kanya. Ngumiti ako at pinisil din ang kamay niya. "Masaya rin ako kasi dahil sa 'yo, nagkaroon akong ng bestfriend, Tash. Alam mo namang homeschool ako simula elementary, right? Wala rin akong naging kaibigan hanggang mag-grade ten ako. Buti na lang talaga nilapitan mo 'ko, no'n! Akala
CHAPTER 30: FLASHBACKLYN'S POVPara masagot na iyon at binuksan ko na ang pinto ng rooftop. Umakyat ako at inilibot ang mga mata sa maliwanag na palapag sa gitna ng madilim na kalangitan. May tumugtog pa rin na violine galing sa dalawang lalakeng musikero sa gilid. May lamesa rin ng mga pagkain sa gitna at dalawang upuan. Kita rin mula rito ang mga nagtataasang gusali sa malapit. Muli kong inilibot ang paningin ko pero wala si Kael! Nasaan siya? Akmang tatawagan ko na siya nang marinig ang pagbukas ng pinto. Kumalabog ang dibdib ko at awtomatikong napangiti nang sa wakas ay nakita ko siya. Pormal na tuxedo at suot niya at kaparehas ng kulay ng gown ko iyong tie niya. May hawak pa siyang bouquet mg pulang rosas kaya nanubig ang mga mata ko. Parang noon ay nababasa at napapanood ko lang 'to sa fiction book at movies. "I missed you," bungad niya nang makalapit kaya nanlambot ang puso ko. "Flowers for my baby," dagdag niya kaya tinanggap ko iyon pero itinagilid ko lang para mayakap na
CHAPTER 31: BREAK LYN'S POV Ramdam kong nilapitan ako ni Kael nang mapatakip ako ng sariling mukha dahil sa pagluha. Hindi ko alam kung bakit natakot ulit ako sa kanya dahil naalala ko ulit 'yong gabing iyon. Marahan niyang kinuha ang dalawang kamay na nasa mukha ko at kaagad na pinunasan ang pisngi ko. "Why? What are you thinking, Lyn? I'm sorry," magkakasunod na sambit niya. "Why are you crying? Hmm? Please, tell me." Inayos niya pa ang ilang hibla ng buhok ko palayo sa mukha ko. Kinalma ko ang sarili nang makita ang pag-aalala sa mga mata niya. "Hindi mo naman na uulit 'yon, 'di ba?" tanong ko sa kanya. Kumunot ang noo niya. "What do you mean?" "Ki-kidnap-in," tangging sagot ko. Mabilis siyang umiling at ngumiti. "I won't." Habang nakaluhod siya sa harap ko ay kinuha niya ang kanang kamay ko at hinawakan iyon ng dalawang kamay niya. "Ako ang pupunta kung nasaan ka, Lyn. Hindi kita pipiliting sumama sa akin." "Kahit mag-18 na ako?" dagdag ko. "Kahit ilang tao
CHAPTER 32: TYPELYN'S POVTumalon ako sa pool kasabay si Anastacia at sabay pa kaming natawa nang umahon. May mga kaibigan si Ate Liandra na tumalon na rin sa pool habang suot ang kani-kanilang swimsuit. Maingay rin sila, pati na ang speaker. "First time mo?" tanong ni Anastacia nang umahon ako sa pool pero binabad ko pa rin ang hita sa tubig. "Oo.""You should do this always! Masaya rin 'to!" aniya at hinila ako pabalik sa pool. Napatili ako at nang mapaahon ay tinawanan niya ako."Just think of what's happening now, Lyn. 'Wag mo munang isipin si Kael," pangungumbinsi niya.Nalunod ang sinabi ni Anastacia nang mas lalong mag-ingay iyong grupo ni Ate Liandra. "Michael! Michael!" Sabay kaming napatingin do'n at kaagad na natagpuan ng mga mata ko si Kael habang hawak ni Ate Liandra ang braso niya. "Ops! No girls, he's mine!" halakhak pa ni ate.Gano'n pa rin ang ayos ni Kael noong huli ko siyang nakita kanina pero wala na siyang coat ngayon. Black long sleeves na lang at royal blue
CHAPTER 33: OFFICIALLYN'S POVMasakit ang ulo ko nang umalis sa pool area. Hindi ko alam kung dahil iyon sa pagod o sa alak kahit tatlong lunok lang ang nagawa ko. Hindi ko rin alam kung paano ko kinayang makarating sa kwarto ko, makapagbihis ng pantulog at nakapagpatuyo pa ng buhok. "Lyn, can we talk." Imbes na sagutin si Kael ay dumiretso ako sa kama at hinayaan ang sariling sumalpak do'n. "Are you tired? Let's just talk tomorrow then," dagdag pa niya. "Pagod na ako," mahinang sambit ko at bumuntong hininga. "It's okay. Just rest now," marahang sambit niya.Pero imbes na gawin iyon ay inalala ko ang kaibigan kong iniwan ko sa pool area kasama ng tropa ni Ate Lia. "Si Tash?" "She's still with them," paliwanag niya. "Okay lang ba siya ro'n?" paninigurado ko."I think so." Muli akong bumuntonghininga at humarap sa pwesto niya. Nakatayo pa rin siya malapit sa kama ko. Nakabihis na siya ngayon ng itim na t-shirt at shorts. Basa rin ang buhok niya. Napanguso ako kaagad nang maal
CHAPTER 34: BOYFRIEND LYN'S POV "Baby, baby..." Naalimpungatan ako nang marinig ang malambing na boses ni Kael. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at bumungad sa akin ang isang bouquet ng pink roses! Kaagad kong nalanghap ang natural na bango no'n. "Good morning!" Kinusot ko ang mga mata at kaaagad akong napangiti. Tinanggap iyon bago bumangon. "Ang cute!" natutuwang puri ko bago ko inangat ang braso para yakapin siya. Pansin ko naman ang malawak at sinsero na ngiti niya. "Thank you, Kael!" "I love you." Humalik pa siya sa pisngi ko at umupo sa tabi ko. "Love you too!" Humagikgik ako at muling tinignan ang ibinigay niya. Ang cute ng kulay. Baby pink. Mas gusto ko ito kaysa iyong ibinigay niya sa akin kagabi. "Kailan mo binili 'to?" "Kanina. Those pink roses reminds me if you so I bought them to surprise you," paliwanag niya. Niyakap ko iyon at mas lalong napangiti. "Bakit mo naman ako naaalala sa pink?" kuryosong tanong ko. "'Cause you're innocent and sweet. Y
CHAPTER 35: TRUST LYN'S POV "Lyn! Gusto mong sumama mamaya?" Pabalik na kami sa kwarto ko nang itanong iyon ni Anastacia. Si Kael, nando'n pa sa dining room, tumulong siyang magligpit. Ang sipag niya talaga! "Ayaw ko sana," sagot ko at lumapit sa kanya para bumulong, "Magde-date kami mamaya ni Kael." Malawak akong napangiti nang manlaki ang mga mata niya at napatili siya. "Wait! So ibig sabihin okay na ulit kayo?! Oh my god! I'm so happy for the both of you! Sasama na lang ako sa kanila so you two could enjoy here!" "Actually, Tash..." Kinagat ko ang pang-ibabang labi at huminga ng malalim dahil sa kaba. "Kami na." "'Wag kang maingay!" puna ko nang tumili siya, mas malakas na ngayon kaya kaagad ko siyang hinila papasok ng kwarto ko. "Congrats, Lyn! May boyfriend ka na! Anong feeling?" malaki ang ngiting tanong niya. "Masaya," simpleng sagot ko at nahawa sa tili at tawa niya. "Kailan? Kanina lang?" kuryosong tanong niya. "Kagabi," nahihiyang pag-amin ko at ramd
CHAPTER 36: DATELYN'S POV "Si K-kael 'yong kausap ko, ate," nauutal na sagot ko."Kael? You mean your boyfriend? What's his full name again?" mataray na tanong niya kaya kinabahan ako.Napalunok ako. "Kael Nikolich. Pero...""Pero ano?" naghahamon ang boses niya. Pinagkrus niya pa ang braso sa dibdib at matalim na tumitig sa akin."Si Michael," mahinang sagot ko."Ha! I knew it!" Ngumisi pa siya kaya kinabahan ako lalo. "Ano, siya 'yong boyfriend mo?" "Opo," lakas loob na sagot ko at pumikit para hintayin ang reaksyon niya. Hindi ko siya matignan. Pakiramdam ko, may kasalanan ako sa kanya kasi may gusto siya kay Kael. Unti-unti akong napadilat nang marinig ang halakhak niya. "Sis, I know! Bakit ngayon mo lang sinabi, my god!""Huh?" hindi iyon ang inaaasahan kong sagot ko. Malaki ang ngiti niya nang hawakan ang kamay ko. "He told me he will court you back then. I tried flirting him but he proves that he likes you so... it's a yes! I let him and now, I'm so happy for you!" masayan