CHAPTER 34: BOYFRIEND LYN'S POV "Baby, baby..." Naalimpungatan ako nang marinig ang malambing na boses ni Kael. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at bumungad sa akin ang isang bouquet ng pink roses! Kaagad kong nalanghap ang natural na bango no'n. "Good morning!" Kinusot ko ang mga mata at kaaagad akong napangiti. Tinanggap iyon bago bumangon. "Ang cute!" natutuwang puri ko bago ko inangat ang braso para yakapin siya. Pansin ko naman ang malawak at sinsero na ngiti niya. "Thank you, Kael!" "I love you." Humalik pa siya sa pisngi ko at umupo sa tabi ko. "Love you too!" Humagikgik ako at muling tinignan ang ibinigay niya. Ang cute ng kulay. Baby pink. Mas gusto ko ito kaysa iyong ibinigay niya sa akin kagabi. "Kailan mo binili 'to?" "Kanina. Those pink roses reminds me if you so I bought them to surprise you," paliwanag niya. Niyakap ko iyon at mas lalong napangiti. "Bakit mo naman ako naaalala sa pink?" kuryosong tanong ko. "'Cause you're innocent and sweet. Y
CHAPTER 35: TRUST LYN'S POV "Lyn! Gusto mong sumama mamaya?" Pabalik na kami sa kwarto ko nang itanong iyon ni Anastacia. Si Kael, nando'n pa sa dining room, tumulong siyang magligpit. Ang sipag niya talaga! "Ayaw ko sana," sagot ko at lumapit sa kanya para bumulong, "Magde-date kami mamaya ni Kael." Malawak akong napangiti nang manlaki ang mga mata niya at napatili siya. "Wait! So ibig sabihin okay na ulit kayo?! Oh my god! I'm so happy for the both of you! Sasama na lang ako sa kanila so you two could enjoy here!" "Actually, Tash..." Kinagat ko ang pang-ibabang labi at huminga ng malalim dahil sa kaba. "Kami na." "'Wag kang maingay!" puna ko nang tumili siya, mas malakas na ngayon kaya kaagad ko siyang hinila papasok ng kwarto ko. "Congrats, Lyn! May boyfriend ka na! Anong feeling?" malaki ang ngiting tanong niya. "Masaya," simpleng sagot ko at nahawa sa tili at tawa niya. "Kailan? Kanina lang?" kuryosong tanong niya. "Kagabi," nahihiyang pag-amin ko at ramd
CHAPTER 36: DATELYN'S POV "Si K-kael 'yong kausap ko, ate," nauutal na sagot ko."Kael? You mean your boyfriend? What's his full name again?" mataray na tanong niya kaya kinabahan ako.Napalunok ako. "Kael Nikolich. Pero...""Pero ano?" naghahamon ang boses niya. Pinagkrus niya pa ang braso sa dibdib at matalim na tumitig sa akin."Si Michael," mahinang sagot ko."Ha! I knew it!" Ngumisi pa siya kaya kinabahan ako lalo. "Ano, siya 'yong boyfriend mo?" "Opo," lakas loob na sagot ko at pumikit para hintayin ang reaksyon niya. Hindi ko siya matignan. Pakiramdam ko, may kasalanan ako sa kanya kasi may gusto siya kay Kael. Unti-unti akong napadilat nang marinig ang halakhak niya. "Sis, I know! Bakit ngayon mo lang sinabi, my god!""Huh?" hindi iyon ang inaaasahan kong sagot ko. Malaki ang ngiti niya nang hawakan ang kamay ko. "He told me he will court you back then. I tried flirting him but he proves that he likes you so... it's a yes! I let him and now, I'm so happy for you!" masayan
CHAPTER 37: DREAMLYN'S POV"Sis, what's up? Enjoying your date?" si Ate Liandra na biglang sumulpot sa likuran namin.Mabilis akong tumango at ngumiti. "Opo, ate! Dito rin kayo kakain?" tanong ko pa dahil napansin kong siya lang ang nandito."Nah, I just came here to remind you not to be too PDA! Imagine this, napansin ko kayo agad dahil ang lapit niyo sa isa't-isa!" puna niya at hinila ako palayo kay Kael. "And for you, Mr. Nikolich, easyhan mo muna habang hindi pa kayo legal, okay?" paalala niya pa."Ate, wala namang nakakakilala sa amin dito, e!" pagtatanggol ko."You wouldn't know people nowadays, Lyn," nagseryoso ang boses niya. "What if you gone viral? Michael is hot! Can't you see the girls watching over him?" may gigil nang paliwanag niya at inirapan ang isang banda. Nang tignan ko sila ay nakatitig nga sila sa pwesto namin... kay Kael. Hindi ko man sila napansin kanina. "Sorry."Nag-aalala ako nang tignan si Kael. "Let's go somewhere else, baby?" "Ew!" mabilis na lumayo si
CHAPTER 38: PROBLEM LYN'S POV "Want to me to open the window, baby?" Habang nakatingin ako sa bintana ng kotse ay nilingon ko si Kael na siyang nagmamaneho ng sasakyan. Mabilis akong tumango para mas makita ang papalubog nang araw. "Ang ganda no'n, Kael!" pagki-kwento ko sa kanya at mas lumapit sa bintana nang maramdaman ang hangin. Naramdaman ko ring bumagal ang pagpapatakbo ng kotse. Nilipad ang buhok ko pero hinayaan ko na lang iyon para langhapin ang preskong hangin. Hindi ko alam kung kailan ako huling nakapunta sa labas para magpahangin at manood ng sunset. Habang nakangiti ay napa-ayos ako ng upo at napa-tingin kay Kael nang marinig ang tunog ng camera. "Ang ganda mo," puri niya bago ibinaba ang hawak na cellphone. "Thank you!" sinsero at may ngiting sambit ko. Bumalik ang tingin niya sa harapan pero pansin kong naroon pa rin ang ngiti sa labi niya. Inilabas ko rin ang phone para kuhanan siya ng picture. Pero 'di ko napansing may flash pala iyon. Natawa ako sa sari
CHAPTER 39: EIGHTEENLYN'S POV"Kiss me, Kael," utos ko sa kanya habang nakatitig sa nakaawang na labi niya.Umangat ang tingin ko sa mga mata niya at nakita kong nanliliit iyon. "Why?" Umangat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ko."Kasi gusto ko? Kasi mahal mo 'ko?" magkasunod na tanong ko at bumuntonghininga. "Ayaw mo ba?"Tinitigan niya ako na parang binabasa niya ang emosyon sa mga mata ko. Ayaw niya ba talaga? Siguro hindi na niya ako mahal? "Break na lang tayo," pagbawi ko at akmang aalis na sa ibabaw niya nang mabilis niyang kinabig ang batok ko at inilapit ang mukha sa akin para halikan ang labi ko.Mabilis lang iyon at mababaw. Dampi lang pero sapat na iyon para magwala ang puso ko dahil sa kilig. "Galit ka pa ba, hmm?" may ngiti nang tanong niya. Nakita niya siguro ang pagbabago ng reaksyon ko dahil sa ginawa niya."Hindi na po," sagot ko at inilagay ang braso sa palibot ng leeg niya para yakapin siya. Nagsumiksik ako sa leeg niya at inamoy ang panlalakeng bango niya.
CHAPTER 40: HOT LYN'S POV Is it too much to ask? Bakit pa namin papatagalin? May magbabago ba kapag ginawa namin 'yon kapag eighteen na ako? Pareho lang rin naman na mawawala ang virginity ko, 'di ba? Napanguso ako nang hindi niya talaga ako hinintay na lumabas. Fine! Kung ayaw niya, marami pa namang ibang lalake r'yan! Imbes na lumabas sa elevator ay isinarado ko iyon para muling bumaba. Sasama ako kina Ate Liandra na uminom! Baka ito na lang ang gabi na pwede kong maranasan ang mga bagay na tulad ng ganito dahil hindi ako pinapayagan nina mommy at daddy. Buong buhay ko ay sa hospital room at bahay lang umiikot ang mundo ko. Ngayong magaling na ako, pwede ko naman na sigurong magawa iyong mga ginagawa ng ibang teenager tulad ng pagpa-party. "Hi, Lyn! Why did you call? May problem ba?" kaagad na tanong ni Tash nang tawagan ko siya. Natatakot kasi akong lumabas mag-isa kaya magpapasama na lang ako sa kanya. "Samahan mo ako. Gusto kong puntahan sina ate," sagot ko at napatin
CHAPTER 41: EATLYN'S POV"Good morning!" Iminulat ko ang mga mata ko nang magising dahil sa malambot na halik sa pisngi ko. Napangiti ako at mas lalong niyakap si Kael. "Morning!" inaantok na sambit ko dahil gusto ko pang matulog.Narinig ko ang munting halakhak niya at naramdaman ang paggalaw ng katawan niya. "Lyn, wait..." pigil niya. "Mamaya na ulit. Delikado," paliwanag niya kaya iminulat ko ang mga mata ko."Bakit?" kuryosong tanong ko."Bathroom lang ako saglit," paalam niya at bumangon."Okay po," sagot ko at inayos ang nakalugay na buhok. Nakita kong bumaba ang tingin niya sa parteng leeg ko at napalunok siya bago tuluyang umalis sa kama. Napangiti ako at niyakap ang unan na kaamoy na ni Kael. Ganito pala ang feeling na kasama mo sa pagtulog at paggising ang boyfriend mo. Ang sarap! Nakakakilig!Bumangon ako nang sa wakas ay lumabas na siya sa banyo. Itinaas ko pa ang braso para senyasan siyang yakapin ako. Napangiti siya at muling bumalik sa tabi ko. Sumandal siya sa kam