Share

CHAPTER 39

CHAPTER 39: EIGHTEEN

LYN'S POV

"Kiss me, Kael," utos ko sa kanya habang nakatitig sa nakaawang na labi niya.

Umangat ang tingin ko sa mga mata niya at nakita kong nanliliit iyon. "Why?" Umangat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ko.

"Kasi gusto ko? Kasi mahal mo 'ko?" magkasunod na tanong ko at bumuntonghininga. "Ayaw mo ba?"

Tinitigan niya ako na parang binabasa niya ang emosyon sa mga mata ko. Ayaw niya ba talaga? Siguro hindi na niya ako mahal?

"Break na lang tayo," pagbawi ko at akmang aalis na sa ibabaw niya nang mabilis niyang kinabig ang batok ko at inilapit ang mukha sa akin para halikan ang labi ko.

Mabilis lang iyon at mababaw. Dampi lang pero sapat na iyon para magwala ang puso ko dahil sa kilig.

"Galit ka pa ba, hmm?" may ngiti nang tanong niya. Nakita niya siguro ang pagbabago ng reaksyon ko dahil sa ginawa niya.

"Hindi na po," sagot ko at inilagay ang braso sa palibot ng leeg niya para yakapin siya. Nagsumiksik ako sa leeg niya at inamoy ang panlalakeng bango niya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rezaline Consorte
I like kael
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status