CHAPTER 38: PROBLEM LYN'S POV "Want to me to open the window, baby?" Habang nakatingin ako sa bintana ng kotse ay nilingon ko si Kael na siyang nagmamaneho ng sasakyan. Mabilis akong tumango para mas makita ang papalubog nang araw. "Ang ganda no'n, Kael!" pagki-kwento ko sa kanya at mas lumapit sa bintana nang maramdaman ang hangin. Naramdaman ko ring bumagal ang pagpapatakbo ng kotse. Nilipad ang buhok ko pero hinayaan ko na lang iyon para langhapin ang preskong hangin. Hindi ko alam kung kailan ako huling nakapunta sa labas para magpahangin at manood ng sunset. Habang nakangiti ay napa-ayos ako ng upo at napa-tingin kay Kael nang marinig ang tunog ng camera. "Ang ganda mo," puri niya bago ibinaba ang hawak na cellphone. "Thank you!" sinsero at may ngiting sambit ko. Bumalik ang tingin niya sa harapan pero pansin kong naroon pa rin ang ngiti sa labi niya. Inilabas ko rin ang phone para kuhanan siya ng picture. Pero 'di ko napansing may flash pala iyon. Natawa ako sa sari
CHAPTER 39: EIGHTEENLYN'S POV"Kiss me, Kael," utos ko sa kanya habang nakatitig sa nakaawang na labi niya.Umangat ang tingin ko sa mga mata niya at nakita kong nanliliit iyon. "Why?" Umangat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ko."Kasi gusto ko? Kasi mahal mo 'ko?" magkasunod na tanong ko at bumuntonghininga. "Ayaw mo ba?"Tinitigan niya ako na parang binabasa niya ang emosyon sa mga mata ko. Ayaw niya ba talaga? Siguro hindi na niya ako mahal? "Break na lang tayo," pagbawi ko at akmang aalis na sa ibabaw niya nang mabilis niyang kinabig ang batok ko at inilapit ang mukha sa akin para halikan ang labi ko.Mabilis lang iyon at mababaw. Dampi lang pero sapat na iyon para magwala ang puso ko dahil sa kilig. "Galit ka pa ba, hmm?" may ngiti nang tanong niya. Nakita niya siguro ang pagbabago ng reaksyon ko dahil sa ginawa niya."Hindi na po," sagot ko at inilagay ang braso sa palibot ng leeg niya para yakapin siya. Nagsumiksik ako sa leeg niya at inamoy ang panlalakeng bango niya.
CHAPTER 40: HOT LYN'S POV Is it too much to ask? Bakit pa namin papatagalin? May magbabago ba kapag ginawa namin 'yon kapag eighteen na ako? Pareho lang rin naman na mawawala ang virginity ko, 'di ba? Napanguso ako nang hindi niya talaga ako hinintay na lumabas. Fine! Kung ayaw niya, marami pa namang ibang lalake r'yan! Imbes na lumabas sa elevator ay isinarado ko iyon para muling bumaba. Sasama ako kina Ate Liandra na uminom! Baka ito na lang ang gabi na pwede kong maranasan ang mga bagay na tulad ng ganito dahil hindi ako pinapayagan nina mommy at daddy. Buong buhay ko ay sa hospital room at bahay lang umiikot ang mundo ko. Ngayong magaling na ako, pwede ko naman na sigurong magawa iyong mga ginagawa ng ibang teenager tulad ng pagpa-party. "Hi, Lyn! Why did you call? May problem ba?" kaagad na tanong ni Tash nang tawagan ko siya. Natatakot kasi akong lumabas mag-isa kaya magpapasama na lang ako sa kanya. "Samahan mo ako. Gusto kong puntahan sina ate," sagot ko at napatin
CHAPTER 41: EATLYN'S POV"Good morning!" Iminulat ko ang mga mata ko nang magising dahil sa malambot na halik sa pisngi ko. Napangiti ako at mas lalong niyakap si Kael. "Morning!" inaantok na sambit ko dahil gusto ko pang matulog.Narinig ko ang munting halakhak niya at naramdaman ang paggalaw ng katawan niya. "Lyn, wait..." pigil niya. "Mamaya na ulit. Delikado," paliwanag niya kaya iminulat ko ang mga mata ko."Bakit?" kuryosong tanong ko."Bathroom lang ako saglit," paalam niya at bumangon."Okay po," sagot ko at inayos ang nakalugay na buhok. Nakita kong bumaba ang tingin niya sa parteng leeg ko at napalunok siya bago tuluyang umalis sa kama. Napangiti ako at niyakap ang unan na kaamoy na ni Kael. Ganito pala ang feeling na kasama mo sa pagtulog at paggising ang boyfriend mo. Ang sarap! Nakakakilig!Bumangon ako nang sa wakas ay lumabas na siya sa banyo. Itinaas ko pa ang braso para senyasan siyang yakapin ako. Napangiti siya at muling bumalik sa tabi ko. Sumandal siya sa kam
CHAPTER 42: RACE LYN'S POV "Pasok ka," anyaya niya pa kay Anaatacia bago ako tinignan. "Good morning, Lyn!" Yumakap si Anastacia sa akin saglit habang malaki ang ngiti. "Can I join you muna? Tulog pa kasi sina Ate Lia, they must be drunk from last night!" paliwanag niya. Mabilis akong tumango. "Oo naman, kumain ka na ba?" "Not yet, e! Good thing, I saw Kael downstairs! He invited me!" masayang pagki-kwento niya. Pinilit kong ngumiti at huwag iyon lagyan ng malisya. Well, wala naman talagang masama do'n. Mabait lang si Kael. Pero may pait ang dibdib ko. Maganda kasi si Anastacia. Paano kung magustuhan siya ni Kael? Ipiniling ko ang ulo at napatingin kay Kael nang maramdaman ang kamay niya sa bewang ko. "Are you okay, baby? Gutom ka na?" paglalambing niya sa akin. "Medyo!" Humalakhak ako at tinabihan si Anastacia sa high stool chair na nasa harap ng island counter. "How's your sleep, Lyn? Tabi kayo?" may bahid ng panunuksong tanong niya. Uminit kaagad ang pisngi ko. Doon ay t
CHAPTER 43: INSTINCT LYN'S POV Lumambot doon ang puso ko at ipinalibot ang braso para yakapin siya. "Oo naman po! Ikaw, anong pangarap mo?" pabalik na tanonf ko. "Ikaw," simpleng sagot niya at hinarap ako. Hinaplos niya ang basang mukha ko at pinakatitigan iyon. Mas lalo akong nanlambot. Bakit ganito siya tumingin? "Gusto kitang makasama habang buhay, Lyn. Soon, I want you to be my wife and have our own child. Naalala mo no'ng tinanong kita dati kung anong gusto mo? Sabi mo gusto mong mabuhay ng mas matagal kasi gusto mong matupad 'yong mga pangarap mo. I wanted to be with you while achieving those things, Lyn." Nanubig ang mga mata ko at tila may bumara sa lalamunan ko. "Bakit ako 'yong gusto mo?" hindi ko mapigilang itanong. Ngumiti siya, iyong hanggang sa mga mata niya. "You're an angel, Lyn. Gusto ko mabuti ang ang magiging ina ng mga anak ko. Ayaw kong matulad sila sa akin." Napayuko ako at napapikit habang dinadama ang marahang hawak niya sa pisngi ko. Hinalikan ko a
CHAPTER 44: WEIRD LYN'S POV "Who are these guys, baby?" bakas ang pagtatampo sa boses ni Kael nang makita ang pinapanood ko sa phone ko. Nakabalik na kami sa bahay at Linggo ngayon kaya wala kaming masyadong ginagawa. "Crush ko!" natatawang sagot ko at niyakap siya. "Joke lang po! Mga idol namin 'yan ni Tash!" "Oh!" Napatango siya at hindi na umangal. Hinila niya lang ako paupo sa hita niya at niyakap. "Gusto kong pumunta sa concert nila! Bibili akong ticket sa Monday!" excited na pagkikwento ko sa kanya. Mas lalo kasi akong na-hook sa KPOP group na ipinakilala sa akin ni Anastacia. Ang sayang maging fangirl nila! Pero tinignan niya ako na parang nagbibiro ako. "You have class, baby. Uunahin mo 'yang lalake na 'yan?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Opo!" Tumawa ako ulit para asarin siya. Nang ngumuso siya ay hinalikan ko na lang ang labi niya. "Tsansing ka, Lyn, ah?" Ngumisi siya. Mabilis na uminit ang pisngi ko. "Ayaw po kasi kitang malungkot!" dahilan ko na l
CHAPTER 45: STRANGELYN'S POVStart na ng exam namin sa Wednesday kaya doon ko na lang isinubsob ang sarili ko imbes na mag-isip ng kung anu-ano. Nang sumunod na araw ay maaga akong nagpahatid sa School namin para mag-review sa Library. Ayaw ko kasi sa bahay. Malungkot dahil wala si Kael.Dala ko ang bag ni Anastacia dahil baka pumasok na siya ngayon. Ang kaso, wala pa ring reply ang dalawa sa mga text message ko sa kanila kahapon."Bahala na," bulong ko at bumuntong hininga bago ibinalik ang tingin sa librong binabasa. Wala akong mapagsabihan dahil si Anastacia lang ang naging kaibigan ko rito. Si Kael din, sa kanya lang ako madalas na magkwento dahil siya ang palagi kong kasama sa bahay.Mapait akong napangiti nang may mapagtanto. Parehas ko silang hindi pa gaano'n katagal na nakakilala pero sila ang mas pinagkakatiwalaan ko kaysa sa sarili kong pamilya. Pero ngayon... ewan ko na lang. May sarili rin naman silang buhay. Sa iba rin umiikot ang mundo nila. Masyado akong naging depend