Share

CHAPTER 20

CHAPTER 20: OWNER

LYN'S POV

"Oo," mahinang sagot ko habang nakayuko sa dibdib niya.

"Really?" Hinawakan niya ang ibaba ng mukha ko pilit iniangat. "Face me, please," utos pa niya.

"Bakit ba?" Hindi ko napigilang umirap.

"Wala. Gusto ko lang makita kung paano mukha mo kapag nagseselos." Humalakhak pa siya nang tignan ko siya.

"Ano ba?!" puna ko at muling nagtago sa dibdib niya dahil sa hiya. Sumalakay tuloy ulit sa ilong ko ang pabango niya.

"Tangina, ang cute mo pa rin!" aniya at niyakap ako bigla. Para siyang gigil na gigil.

"'Wag ka na magselos. Ikaw lang ang baby ko at sarili ko lang ang irereto ko sa 'yo!" dagdag niya at sunod ay hinalikan ang noo ko.

Nang sa wakas ay nagawa ko na siyang tingalain ulit ay nagtanong ako, "Talaga? Promise? 'Di mo 'ko niloloko?" hindi naniniwalang tanong ko.

"Oo. Sigurado 'yon," mabilis na sagot niya at yumuko.

Akala ko ay hahalikan niya ako kaya napapikit ako. Pero tanging paghaplos lang ng ilong niya sa tungki ng ilong ko ang nangyari.

"You
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status