CHAPTER 26: FUTURE BOYFRIENDLYN'S POV"Good morning!" matamis na bati ni Anastacia nang magising ako. Kinusot ko ang mga mata at nahawa sa ngiti niya. Ang ganda niya! May suot nang make up, nakakulot na ang buhok at naka-uniporme na."Sorry, ngayon lang ako magpapaalam. Pahiram nitong uniform mo at pahingi ng make up. I woke up really early and got bored kaya I dressed up na," paliwanag niya habang itinuturo ang mga hiniram.Tumango ako nang 'di nawawala ang ngiti. Nasabi ko naman na kagabi na pwede siyang gumamit ng kahit ano sa kwarto ko kaya walang problema roon. "And by the way, Kael was here a while ago." Doon ako natigilan. So, nagkita sila habang tulog ako? "Talaga?" Hindi ko alam ang mararamdaman lalo na't mas lumawak ang ngiti ni Tash. "Yup! He must be a sweet boyfriend or suitor of yours? Kasi pinupuntahan ka pa niya rito," tukso pa niya."Oo, sweet talaga siya!" hindi ko naitago ang pagiging mapagmalaki sa boses ko.Ngumisi naman siya at inikot sa daliri niya ang ilang
CHAPTER 27: MISSINGLYN'S POV "So, your sister likes Kael too?" iyon ang bungad ni Anastacia nang makabalik kami sa kwarto ko. Natapos na akong mag-mouthcare. Nag-retouch lang ako at nag-double check ng mga gamit. Nang hindi ako sumagot ay nagsalita ulit siya. "Don't worry, Lyn, I know Kael likes you." Dahil do'n ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Yup! It's obvious!" Humalakhak pa siya. "If you just saw how he turned down your sister's request kanina!" sagot niya at nanunuksong ngumiti. Gumaan na ang pakiramdam ko dahil doon at pinansin ko na rin ang mga text ni Kael. Sabay na kami ni Anastacia na bumaba para magpahatid. "See you later? Call me if you need something," paalam niya. Tumango ako at ngumiti kay Kael. Gano'n din siya. "Punta ka na rin do'n," iginalaw niya ang ulo sa direksyon kung nasaan na si Anastacia. Napanguso ako kaunti. "Pinapaalis mo na 'ko agad?" may bahid ng pagtatampong aniya. Lumawak ang ngiti niya
CHAPTER 28: FAMILIAR SCENTLYN'S POV "Yaya, hindi pa po ba talaga bumaba si Tash?" muling tanong ko sa kanya at binuksan ang walk in closet pero wala rin siya roon. Baka kasi nagpa-prank siya at tinataguan ako! "Kanina pa po ako roon pero hindi ko po talaga napansin, ma'am," malungkot na paliwanag nito. Tumango ako at kaagad na kinuha ang phone. Pagbukas ko ay may dalawang text message. Isang unknown number at isang galing kay Kael. Unknown Number: Lyn, Tash here! Save my number, okay? Sorry, I didn't wake you up na para magpaalam. May pupuntahan ako ngayong araw so I left an excuse letter in my bag. Can you give it to our teachers later? Thanks! See you tomorrow! Kael: good morning baby! sorry, di muna kita maihahatid ngayon, busy ulit. i missed you so much. i'll see you tomorrow okay? i love you Ha? Dalawa silang wala ngayon at bukas pa makaka-uwi? Napanguso ako. Wala pala akong ka-kwentuhan ngayon sa School kasi wala si Tash. Nag-reply na lang ako sa kanilang dalawa pa
CHAPTER 29: PROMLYN'S POVPero marami namang magkakaparehas ng pabango sa mundo 'di ba? Tinugunan ko ang ngiti ni Anastacia nang humiwalay siya ng yakap sa akin. "I have pasalubong for you!" Hinila niya pa ako papunta sa kama ko at ibinida niya ang chocolate na galing ibang bansa. May bagong lipstick din siyang ibinigay sa akin. "You liked it?" malaki ang ngiting tanong niya. Mabilis akong tumango at niyakap siya saglit. "Thank you, Tash!" sinserong sambit ko. "No, Lyn, thank you," sagot aniya at hinawakan ang kamay ko. "You know what, I'm so happy 'cause when I'm with you, I feel like I have my own sister. I'm an only child kasi!" pagki-kwento niya. Doon na nawala ang kung anong pagdududa ko sa kanya. Ngumiti ako at pinisil din ang kamay niya. "Masaya rin ako kasi dahil sa 'yo, nagkaroon akong ng bestfriend, Tash. Alam mo namang homeschool ako simula elementary, right? Wala rin akong naging kaibigan hanggang mag-grade ten ako. Buti na lang talaga nilapitan mo 'ko, no'n! Akala
CHAPTER 30: FLASHBACKLYN'S POVPara masagot na iyon at binuksan ko na ang pinto ng rooftop. Umakyat ako at inilibot ang mga mata sa maliwanag na palapag sa gitna ng madilim na kalangitan. May tumugtog pa rin na violine galing sa dalawang lalakeng musikero sa gilid. May lamesa rin ng mga pagkain sa gitna at dalawang upuan. Kita rin mula rito ang mga nagtataasang gusali sa malapit. Muli kong inilibot ang paningin ko pero wala si Kael! Nasaan siya? Akmang tatawagan ko na siya nang marinig ang pagbukas ng pinto. Kumalabog ang dibdib ko at awtomatikong napangiti nang sa wakas ay nakita ko siya. Pormal na tuxedo at suot niya at kaparehas ng kulay ng gown ko iyong tie niya. May hawak pa siyang bouquet mg pulang rosas kaya nanubig ang mga mata ko. Parang noon ay nababasa at napapanood ko lang 'to sa fiction book at movies. "I missed you," bungad niya nang makalapit kaya nanlambot ang puso ko. "Flowers for my baby," dagdag niya kaya tinanggap ko iyon pero itinagilid ko lang para mayakap na
CHAPTER 31: BREAK LYN'S POV Ramdam kong nilapitan ako ni Kael nang mapatakip ako ng sariling mukha dahil sa pagluha. Hindi ko alam kung bakit natakot ulit ako sa kanya dahil naalala ko ulit 'yong gabing iyon. Marahan niyang kinuha ang dalawang kamay na nasa mukha ko at kaagad na pinunasan ang pisngi ko. "Why? What are you thinking, Lyn? I'm sorry," magkakasunod na sambit niya. "Why are you crying? Hmm? Please, tell me." Inayos niya pa ang ilang hibla ng buhok ko palayo sa mukha ko. Kinalma ko ang sarili nang makita ang pag-aalala sa mga mata niya. "Hindi mo naman na uulit 'yon, 'di ba?" tanong ko sa kanya. Kumunot ang noo niya. "What do you mean?" "Ki-kidnap-in," tangging sagot ko. Mabilis siyang umiling at ngumiti. "I won't." Habang nakaluhod siya sa harap ko ay kinuha niya ang kanang kamay ko at hinawakan iyon ng dalawang kamay niya. "Ako ang pupunta kung nasaan ka, Lyn. Hindi kita pipiliting sumama sa akin." "Kahit mag-18 na ako?" dagdag ko. "Kahit ilang tao
CHAPTER 32: TYPELYN'S POVTumalon ako sa pool kasabay si Anastacia at sabay pa kaming natawa nang umahon. May mga kaibigan si Ate Liandra na tumalon na rin sa pool habang suot ang kani-kanilang swimsuit. Maingay rin sila, pati na ang speaker. "First time mo?" tanong ni Anastacia nang umahon ako sa pool pero binabad ko pa rin ang hita sa tubig. "Oo.""You should do this always! Masaya rin 'to!" aniya at hinila ako pabalik sa pool. Napatili ako at nang mapaahon ay tinawanan niya ako."Just think of what's happening now, Lyn. 'Wag mo munang isipin si Kael," pangungumbinsi niya.Nalunod ang sinabi ni Anastacia nang mas lalong mag-ingay iyong grupo ni Ate Liandra. "Michael! Michael!" Sabay kaming napatingin do'n at kaagad na natagpuan ng mga mata ko si Kael habang hawak ni Ate Liandra ang braso niya. "Ops! No girls, he's mine!" halakhak pa ni ate.Gano'n pa rin ang ayos ni Kael noong huli ko siyang nakita kanina pero wala na siyang coat ngayon. Black long sleeves na lang at royal blue
CHAPTER 33: OFFICIALLYN'S POVMasakit ang ulo ko nang umalis sa pool area. Hindi ko alam kung dahil iyon sa pagod o sa alak kahit tatlong lunok lang ang nagawa ko. Hindi ko rin alam kung paano ko kinayang makarating sa kwarto ko, makapagbihis ng pantulog at nakapagpatuyo pa ng buhok. "Lyn, can we talk." Imbes na sagutin si Kael ay dumiretso ako sa kama at hinayaan ang sariling sumalpak do'n. "Are you tired? Let's just talk tomorrow then," dagdag pa niya. "Pagod na ako," mahinang sambit ko at bumuntong hininga. "It's okay. Just rest now," marahang sambit niya.Pero imbes na gawin iyon ay inalala ko ang kaibigan kong iniwan ko sa pool area kasama ng tropa ni Ate Lia. "Si Tash?" "She's still with them," paliwanag niya. "Okay lang ba siya ro'n?" paninigurado ko."I think so." Muli akong bumuntonghininga at humarap sa pwesto niya. Nakatayo pa rin siya malapit sa kama ko. Nakabihis na siya ngayon ng itim na t-shirt at shorts. Basa rin ang buhok niya. Napanguso ako kaagad nang maal