Share

CHAPTER 05

Author: sshhhhin
last update Last Updated: 2024-08-14 18:46:48

CHAPTER 05: GREY EYES

LYN'S POV

"Okay ka lang?"

Mabilis akong tumango at kinontrol ang paghinga kahit pakiramdam ko ay nanghihina pa rin ako dahil sa ginawang pagyakap no'ng misteryosong lalake kanina. After he hugs me for a minute, he left without saying anything. Katawan niya lang na balot na balot ang nakita ko, hindi ang mukha niya.

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Takot, kaba, panghihina at kirot sa dibdib. His hug is warm and tight. Parang ang tagal niyang hinintay na makayakap ako ulit.

And the way he breaths while hugging me? Parang pagod na pagod siya at kinailangan niya lang ng yakap para bumalik ulit ang lakas niya. Weird pero iyon ang nararamdaman ko noong yakap niya ako. May parte sa aking naawa sa kanya.

"Oo," maikling sagot ko kay Khan at ngumiti para hindi na siya mag-alala.

Laman pa rin ng isip ko iyong lalake kanina. Gusto ko siyang makilala. Gusto kong malaman kung bakit niya ako nilalapitan, sinusundan, niyakap at hinalikan.

"Lyn!" Kaagad akong niyakap ni Scarlet nang makita ako. Itinaas niya pa ang kamay ko at inikot ako. "Ang pretty mo! Para kang korean!" puri niya at nagni-ningning ang mga matang sinuri ang suot at ayos ko.

Isang set ng autumn pink tube mini dress ang suot ko na pinatungan ng crop top at fitted blazer. Kinulot ko rin ang dulo ng mahabang buhok ko at may light make up kaya siguro nagustuhan niya ang ayos ko. Pinaghandaan ko kasi ito! Siya naman ay efforrless ang ganda. Kahit casual na black na rib knit tank top at denim shorts ang suot niya ay bagay na bagay dahil sexy talaga siya! Nakapusod din ang buhok niya at sobrang linis ng pagkakagawa pati na ang make-up niya.

"Thank you! Ang ganda mo rin tapos ang sexy mo pa," sinserong sambit ko at niyakap ang braso niya. "Baka lamigin ka sa sine mamaya?" nag-aalalang tanong ko.

"Kaya nga! Hihiram ako kay Love o kaya, yayakapin ko na lang siya!" halata ang pagbibiro sa boses niya at humalakhak pa bago kami niyaya na sa loob na maghintay.

Naroon na sina Rave at Zai nang magkita kami. Si Love Joshua na lang talaga. Ewan ko kung pupunta ang isang 'yon dahil hindi naman nag-confirm o nag-decline sa GC namin. Nag-seen lang siya kaya kampante si Scarlet na alam niyang may lakad kami ngayon.

"R18! Pass kami ni Lyn!" kaagad na tanggi ni Khan nang mag-suggest si Rave ng papanoorin namin.

"Sige, do'n kayo sa pangbata!" pagtataboy niya sa amin at humalakhak. "Saan ka, Scar?"

"Romance para magka-idea si Love na lumandi sa akin!" umaasang sagot ni Scarlet.

Natawa rin ako at tinignan ang mga pagpipilian. Hinarap ko ang katabi at ngumiti. "Sa Romance na lang din tayo? Rom-Com din 'yon, oh! Feel ko maganda. Para light lang," pagki-kwento ko kay Khan.

"Gusto mo ng gano'n?" Mas lumawak ang ngiti niya at muling tinignan ang mga kaibigan namin. "Romance din kami ng baby ko! Kayo na lang dalawa sa R18 na 'yan!"

"Okay, romance it is!" anunsyo ni Zai at napatingin kay Rave nang akbayan siya nito.

"Nasaan na ba partner mo? Fifth wheel ka na lang sa amin?" tukso ni Rave kay Scarlet.

Napanguso tuloy siya. "Baka busy talaga si Love! So, tara na!" sumigla ang boses niya at nauna nang naglakad para bumili ng ticket at pagkain namin. Popcorn at softdrinks.

"Ako na magdadala," ani Khan nang makabili siya ng dalawa, para sa amin siguro.

Akmang susunod na ako sa kanya nang may maramdamang nahulog na gamit sa likuran ko. Tumama iyon sa sapatos ko. Kaagad kong tinulungan ang lalake at ako na ang kumuha ng itim na wallet niya.

Nang mai-abot iyon ay kaagad na akong tumalikod para sumunod na kay Khan.

"Thanks," sagot ng lalake sa pamilyar na malalim na boses dahilan para mapatigil ako.

Akmang lilingunin ko siya ulit nang tawagin ako ni Khan. "Lyn, let's go! Naunahan na tayo nina Rave!" parang batang reklamo niya.Nag-uunahan pa talaga sila kung saan uupo!

"Okay..." sagot ko at hindi na nilingon ulit iyong lalake. Matangkad siya, parang iyong lalakeng humalik at yumakap sa akin ng walang pahintulot. Hindi ko lang naamoy ang pabango niya dahil nangingibabaw iyong nakakagutom na amoy ng popcorn sa pwesto namin kanina.

Ipiniling ko ang ulo para alisin siya sa isip ko nang makitang nakatitig na naman sa akin si Khan. "Okay lang ako!" inunahan ko na siya sa pagtatanong.

"Para kang lutang, Lyn? Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi kasi iniisip mo ko?" mapang-asar na tanong niya at humalakhak nang ngumuso ako.

Maraming tao sa loob nang makapasok kami kaya nag-unahan talaga sina Rave at Khan sa bandang likuran. "Lyn, dito ka po!" tawag sa akin ni Khan at inayos iyong uupuan ko.

Dahil ako ang nahuling nakaupo ay wala akong katabi. Si Scarlet ang nasa pinakadulo. Katabi niya si Zai, si Rave, si Khan at ako.

Kaagad na kumuha ng popcorn si Khan nang magsimula na ang panood. Kumuha rin ako ng matapos siya at akmang kakain na nang lumapit siya sa akin. "Subuan po kita?" tanong niya sa malambing na boses.

"Meron na ako, e!" sagot ko at kinain iyong kinuha ko mismo. "Sa 'yo na 'yan," dagdag ko.

Humalakhak muna siya bago nanahimik dahil nagseryoso na yata siya sa pinapanood. Doon ko na rin itinuon ang atensyon ko nang may lalakeng tumabi sa akin. May isa pa kasing bakante bago iyong susunod na katabi niya.

Napatingin ako sa kanya at sa dilim na tanging iyong malaking screen na nasa harap lang ang nakikita ay naabutan ko siyang nakatingin sa akin.

Napaawang ang labi ko at kaagad na nag-iwas ng tingin dahil nanuyo agad ang lalamunan ko sa itsura niya. He looks like a foreigner kaya hindi pangkarinawan ang magandang musculine features ng mukha niya. Makapal pa ang buhok kaya mas lumakas ang appeal niya.

Eh? Bakit ko naman pinupuri ang katabi ko? Nandyan naman na si Khan! Dapat si Scarlet dito, e! Mahilig pa naman 'yon sa gwapo. Pati kasi si Sir Kyrous, crush niya!

Muli akong napatingin sa katabi ko nang makitang may umilaw sa pwesto niya mula sa peripheral vision ko. Kaagad iyong nawala nang ibaba niya ang phone niya at mabilis na tumayo. Ang kaso, biglang natapon iyong drinks niyang nakapatong pa mismo sa tabi ko.

"Fuck!" matalim na mura niya at hinawakan iyon sabay hinila ako patayo gamit ang isang kamay niya.

Narinig ko ang reklamo ng mga nasa likuran namin kaya itinulak ko siya. Matangkad kasi siya. "Okay lang," paninigurado ko at dinala ang bag para para umalis muna.

Nabasa kasi ang parteng hita ko ko. Ramdam ko ang lagkit doon pero wala naman yata sa dress ko. Halatang nagmamadali kasi siya kaya hindi niya napansin iyong drinks sa upuan niya.

Naramdaman kong sumunod sa akin iyong lalake.

"Lyn, okay ka lang?" si Khan kaya napatingin ako sa kanya. Sobrang dilim sa hallway kaya hindi ko siya halos makita.

"Okay lang," sagot ko at nagpatuloy sa paglabas hanggang sa makarating ako sa malapit na comfort room.

Pinunasan ko ng wet wipes ang hita ko at inayos ang laylayan ng dress para tignan kung may basa ba. Light color lang kasi iyon. Nang masiguradong walang rumi ay naghugas na ako ng kamay.

"I'm sorry," iyon ang bungad no'ng lalake. Napaawang ang labi ko dahil pamilyar ang boses niya. Pinakatitigan ko ang mukha niya pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

Hindi ko maalis ang tingin sa kanya dahil sa pagkamangha sa mukha niya lalo na ay maliwanag na rito. His jawline is so define. Iyon ang una kong napansin. Medyo makapal ang kilay at mahaba ang pilik mata, inaantok ang mga mata, matangos na ilong at labing mas makapal ang pang-ibabang labi.

Nakasuot siya ng black hoodie. Kitang-kita ang adams apple niya at ang tattoo sa leeg niya. Wow! He looks so hot!

"It's okay po," marahang sagot ko at muli siyang tinitigan. Ang ganda ng mga kulay abong mata niya. May naalala tuloy ako! Parang kakulay iyon ng kay Mika, iyong anak ni Ate Lia.

"Lyn, okay ka na?" Napabaling ako kay Khan nang magtanong siya. Mabilis siyang nakalapit sa akin. "Balik na tayo sa loob," anyaya niya.

"Okay. Thank you sa pagsama sa akin," sinserong dagdag ko at sumabay na sa kanya.

Pero hindi pa kami nakakalayo nang marinig ko ulit 'yong pamilyar na boses ng lalake. Marami namang magkakapareho o hawig ng boses sa mundo pero 'yong stalker ko talaga ang naalala ko roon.

"Miss!"

Nilingon ko ito. Akala ko may sasabihin siya dahil bumuka ang labi niya pero ngumiti lang siya.

Kusang umangat ang gilid ng labi ko at yumuko ng kaunti para senyasan siyang magpaalam na.

Akala ko, iyon na ang huli naming pagkikita. Pero hindi pala.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
sshhhhin
yes po nagkaroon ng error and now ko lang napansin sorry po. will edit po yung chapter 5-9 para ma-replace siya and maging chronological order na ulit. sorry po ulit and thank you for reading!
goodnovel comment avatar
Jovita Bongalon
w8bat walang 5 to 9 nah 10 agad
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Mafia's True Love   CHAPTER 06

    CHAPTER 06: CALL LYN'S POV "Where are you?" Napabuntong hininga ako nang mabasa ang panibagong text mula sa hindi rehistradong numero. Blinock ko na ang number niya dati. Buti nga at hindi na nagparamdam ng ilang linggo. Pero ngayon ay may panibago na naman siyang number. Bakit nagpaparamdam na naman siya, huh? Nasa labas kami ngayon ng mga kaibigan ko. Kakatapos ng klase at dahil weekend na naman bukas ay napagpasyahan naming magrelax para i-treat ang sarili namin "Nakakalasing ba 'to?" kuryosong tanong ni Rave nang mailapag sa lamesa namin ang inuming Soju. Sa isang Korean Restaurant kasi namin napagpasyahang kumain dahil kay Scarlet. Fan daw siya ng K-drama at K-pop. Maganda ang ambiance ng lugar. Malinis at tahimik kahit may soft korean music na tumutogtog. Chill lang ang vibes. Nakaka-relax! "Try mong laklakin para malaman mo!" bulgar na sagot ni Scarlet at tumawa sila. "Bawal si Lyn," agarang anunsyo ni Khan. "Tangina mo, ginagawa mo namang baby masyado si Lyn!

    Last Updated : 2024-08-14
  • Mafia's True Love   CHAPTER 07

    CHAPTER 07: HOT LYN'S POV Simula ng gabing iyon ay mas lalo akong naging kuryoso sa kanya. Hindi ko alam ang pangalan, itsura at kung taga saan siya. Boses lang ang tangging kilala ko sa buong pagkatao niya. Kinaumagahan ay kaagad kong kinuha ang nakabalot ng regalo ko sa kapatid at pumunta sa kwarto niya para personal iyong ibigay. Baka kasi maging busy na siya mamaya sa mga kaibigan niya. "Happy birthday, kuya!" bati ko nang pagbuksan niya ako ng pinto. Nakabihis na siya ng pang-pormal. Parang tama ako na aalis muna siya para sa trabaho. "Thank you, Lyn!" Nakangiti niyang tinanggap ang regalo ko at binigyan pa ako ng yakap. "I appreciate! How are you by the way?" tanong niya kaya humiwalay na ako sa yakap. "I'm happy living independently, kuya," sinserong sagot ko at tiningala siya habang nakayakap pa rin sa bewang niya. "Hopefully, you're happy too." "Masaya ako," paninigurado niya at tumango. "I'll get going. May ime-meet pa akong client." Tumango na rin ako at nagpaa

    Last Updated : 2024-08-15
  • Mafia's True Love   CHAPTER 08

    CHAPTER 08: WAIT LYN'S POV "Washroom lang po ako," paalam ko sa mga kasama ko sa table at tumayo para pumunta sa comfort room at mag-freshen up. Inaantok na rin kasi ako dahil gabi na. Pero gusto kong samahan at ihatid si Khan sa baba bago siya umuwi. Dito kasi kami sa Hotel mag-stay ng pamilya ko. Habang naglalagay ng lip balm sa labi ay napatingin ako sa lalakeng pumasok sa girl's comfort room mula sa salamin. Napahinto ako sa ginagawa nang makitang pamilyar ang mukha nito. Napakurap ako at hinarap siya habang hindi makapaniwala. Gaya ng mga taong nasa venue ay nakasuot siya ng pormal na itim na coat, tie at pants. Mas malinis na ang gupit niya ngayon kaya mas nakikita lalo ang kagwapuhan niya. Totoo ba talaga 'to? Nandito siya? "Kael?" namamaos na banggit ko sa pangalan niya. Mula sa diretsong titig sa akin ay nanliit ang mga mata niya. "Yeah, that's me baby," may ngising sagot niya at humakbang palapit sa akin. Kasing lakas ng umaalingawngaw na tunog ng leather na

    Last Updated : 2024-08-15
  • Mafia's True Love   CHAPTER 09

    CHAPTER 09: KIDNAP LYN'S POV Habang nakahiga sa kama ay humigpit ang kapit ko sa phone nang makita ang text message ni Kael sa akin. "Can I sleep with you?" Nagtagilid ako ng higa at niyakap ang unan dahil naalala ko ang usapan namin kanina bago siya lumabas sa girl's restroom. "Can I sleep with you tonight, baby?" masuyong tanong niya kasabay ng marahang haplos sa pisngi ko. "Sleep lang?" Napanguso ako para pigilan ang ngiti nang humalakhak siya. "We'll do whatever you want. Just tell me..." makahulugang sagot niya. "Let's kiss and..." Napakagat ako ng ibabang labi nang muling umangat ang kamay niyang nasa bewang ko. "Touch." "My pleasure, baby," halata ang pagkasabik sa senswal na boses niya Napakagat ako ng pang-ibabang labi nang nag-ring ang phone ko. Tumatawag na siya. Imbes na ma-excite ay nakaramdam ako ng pagka-guilty nang makitang may text si Khan. Khan: Nakauwi na po ako! Tulog ka na o nasa party pa rin ni bayaw? Sleepwell, baby! See you sa panaginip k

    Last Updated : 2024-08-16
  • Mafia's True Love   CHAPTER 10

    Note: This chapter is the continuation of Prologue. TRIGER WARNING: SPG. The ML is a redflag mafia. CHAPTER 10: WELCOME TO MY WORLD LYN'S POV Napanguso ako nang iwan ako ni Master. Nakakatakot tuloy kasi mag-isa ko na lang dito. Ibinaba ko na ang inhaler dahil gumaan na kahit papaano ang pakiramdam ko at sumampa sa kama. Nilalamig ako, nagugutom at inaantok na. Inayos ko ang sarili bago nagkumot para magdasal muna bago matulog. Sana panaginip lang 'to. Gusto ko nang bumalik sa amin. Natatakot ako rito. Napabangon ako dahil sa gulat nang malakas na bumukas ang pinto ng kwarto. Medyo nahilo pa ako dahil sa biglaang pagbangon. Naroon ang matangkad na lalakeng nakasama ko kanina rito at isang estrangherang babae. Salubong ang kilay ni Master at umigting pa ang panga nang magsalubong ang mga mata namin. Dahil doon ay muling bumalik ang takot sa dibdib ko. Nagsimula na namang kumirot at bumumigat ang dibdib ko. Nag-unahan na ring bumagsak ang luha sa pisngi ko. "Get out of my bed!"

    Last Updated : 2024-08-16
  • Mafia's True Love   CHAPTER 11 (SPG)

    WARNING: SPG! CHAPTER 11: TAINTED LYN'S POV Hindi ko pa napapangalanan ang iba sa emosyong nagpakita sa mga mata niya nang tumakbo siya paakyat at pumasok sa isang malaking kwarto. Muli niya akong ibinaba sa kama at kinaibabawan. Hinila niya ang batok ko paangat at nanlaki agad ang mga mata ko nang lumapat muli ang labi niya sa akin. Napakapit ako ng mahigpit sa magkabilang balikat niya dahil sa takot. Pero unti-unti ring bumagsak sa kamay ko sa magkabilang gilid ko dahil parang hinihigop niya lalo ang lakas ko at nakakapanghina iyon ng kalamnan ko. Bumigat ang talukap ng mga mata ko nang maging marahang ang halik niya. Malambot at maingat ang bawat galaw niya. Kakaiba sa unang halik niya kanina. Hindi ako natatakot, nasasaktan o nandidiri. Masarap iyon sa pakidamdam. Ngayon ko lang iyon naramdaman at hindi ko mapigilang sabayan iyon. Para akong hinehele ng labi niya. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang dila sa bibig ko. Mabilis at parang alam na alam niya ang ginagawa. Nakaki

    Last Updated : 2024-08-17
  • Mafia's True Love   CHAPTER 12

    Author's Note: Finally, the chapter errors are now edited! Thank you for waiting! And happy reading!CHAPTER 12: BIRTHDAY LYN'S POV "Hi! I'm Tash, and you are?" Nag-angat ako ng tingin sa magandang babaeng lumapit sa akin. Ilang buwan na ang lumipas at grade ten na ako ngayon. At itong babaeng nasa harapan ko, sikat siya. Si Anastacia Estrada. Third section sila dati ng mga kaibigan niya pero ngayon ay nandito sila sa A. Hindi kami kailanman nagka-usap noon kaya nakakagulat na bigla niya akong lapitan ngayon. Inayos ko ang suot na salamin sa mga mata at iniabot sa kanya ang kakatapos ko nang gawin na Activity. "Ito. P-promise, 'di ako magsusumbong kay sir," kinakabahang sagot ko sa bati niya. Ang sabi ng iba ay walang nagkakamaling bumangga sa grupo nila dahil may fraternity sila. Kapag nilabanan mo ang isa sa kanila, maraming gaganti sa 'yo. Kaya ngayon pa lang, gusto ko nang iwasan ang isa sa kanila. "Oh, you think mangongopya ako?" nakangising aniya at ibinalik ang p

    Last Updated : 2024-08-29
  • Mafia's True Love   CHAPTER 13

    CHAPTER 13: WEIRD LYN'S POV "Ughmm!" Umangat ang tuhod ko dahil sa kiliti nang bumaba ang halik niya sa leeg ko. Napakapit lalo ako sa malambot na kumot nang dahan-dahan niyang i-angat ang laylayan pang-itaas na damit ko. "Kael..." mahinang tawag ko sa pangalan niya at napakagat ng pang-ibabang labi. "Who the hell is Kael?!" Napamulat at napabangon ako nang marinig ang boses ng babaeng kapatid. "Ate?!" Nanlaki ang mga mata kong tinignan siya. Nakasuot siya ng sexing damit, may make-up sa mukha at kulot ang buhok. Dahil do'n ay bumalik ako sa reyalidad. "What the hell, Louissa Ylona Natalia?! Who's that Kael and why are you moaning his name? Is he your boyfriend?! You already have a boyfriend?" sunod-sunod na tanong niya habang pinanlalakihan ako ng mga mata na parang nambabantang 'wag akong magsinungaling. "Ate, hindi po!" mabilis na sagot ko at inayos ang sarili. Nakatulog pala ako sa kotse namin habang hinihintay siya. "Then why the heck are you moaning his name

    Last Updated : 2024-08-29

Latest chapter

  • Mafia's True Love   CHAPTER 52

    CHAPTER 52: LOVELYN'S POVMy heart feels warmer as I saw how his gray eyes watered with joy tears while he's looking, smiling, chuckling, singing and dancing with me. Ito na yata ang pinakamagandang birthday celebration na naranasan ko! "Time to make a wish, baby," malambing na aniya nang sa wakas ay makarating kami sa dining room kakasayaw. Sinindihan niya ang dalawang kandilang nasa ibabaw bago iyon dinala palapit sa akin. Napangiti ako at kaagad na inihipan iyon.Napaawang ang labi niya kaya mahina akong natawa. "'Di na ako nagwish kasi natupad na 'yong wish ko.""Ano bang wish mo?" kuryosong tanong niya at ibinaba ang cake para harapin ako."Makasama ka po," simpleng sagot ko at ipinalibot ang braso sa bewang niya."Happy birthday, Lyn," ramdam kong nakangiti siya nang batiin niya ako. Tumingala ako at sinalubong ang ngiti niya. "I love you," sambit niya pa at mabilis na humalik sa labi ko."I love you rin!" sagot ko at tumiklay para abutin ang labi niya pero hindi pa ako naka

  • Mafia's True Love   CHAPTER 51

    CHAPTER 51: MINE"Kael..." Kaagad ko itong pinigilan at hinawakan ang braso niyang mariing nakahawak sa palapulsuan ni daddy.Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya nang tignan niya ako bago niya binitawan si daddy at iniharang ang katawan niya sa akin. "You bastard!" sigaw ni daddy at nagmartsa palabas. "Just wait and I will kill you!" galit na galit na banta nito."Hon, what are you doing?!" Kaagad siyang hinabol ni mommy na takot na takot.Nagkatinginan kami ni Kael. "Tumakas na tayo!" utos ko sa kanya. "Baka anong gawin sa 'yo ni daddy, please!" pakiusap ko at niyugyog ang braso niya dahil sa inis nang hindi siya gumalaw. Nakatitig lang siya sa mukha ko."Kael!" kinakabahang tawag ko sa pangalan niya. "Tara na, please? Umalis na tayo rito!"Umigting ang panga niya. "Are you sure, Lyn?" "Oo!" atat na sagot ko dahil ayaw kong maabutan ulit kami ni daddy dito."Hon! Bring that down!" rinig kong sigaw ni mommy sa labas. Mas lalo akong kinabahan. "Tara na!" anyaya ko kay Kael at

  • Mafia's True Love   CHAPTER 50

    CHAPTER 50: HURTLYN'S POV"Miss Lyn!" Naalimpungatan ako nang marinig ang pamilyar na boses ni yaya. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at kaagad na naramdaman ang sakit ng buong katawan nang subukan kong bumangon. May suot na rin akong pares ng pink pajama. Hindi katulad kagabi na hubad akong nakatulog."Gising na po, ma'am. Pinapatawag ka ng mommy mo sa baba," aligagang aniya at lumapit sa akin."Mamaya po, please?" pakiusap ko at mapakagat labi dahil sa sakit ng katawan. Nanlalambot ang katawan ko. Sobrang sakit ng bewang at likuran ko na parang nabali ang buto ko. Ang pagitan naman ng hita at dibdib ko naman ay mahapdi. Wala na si Kael sa tabi ko kaya inabot ko ang phone para tawagan siya. Hindi ko talaga kayang bumangon! Naiiyak na ako sa sakit!"Bakit, ma'am? May masakit ba sa 'yo?" nagtatakang tanong ni yaya kaya mabilis akong tumango."Mamaya na lang po ako bababa. Pakisabi na lang, please?" sagot ko at muling humiga."Good morning, baby!" masigla ang boses ni Kael nang

  • Mafia's True Love   CHAPTER 49 (SPG)

    CHAPTER 49: MIDNIGHTLYN'S POV"I can't get enough of you, Lyn!" Napangiti ako habang buhat niya ako at papunta kami sa bathroom para naglinis ng katawan. "Bathtub!" Itinuro ko iyon pero sa shower niya ako ipinasok.Hindi ako bumitaw sa kanya nang ibaba niya ako dahil nanghihina talaga ako! Kung hindi niya lang binuhusan ng oil ang tiyan ko ay hindi ako maliligo! "One more round, please?" pakiusap niya at niyakap ang bewang ko. Humugot ako ng malalim na hininga. Masarap pero masakit pala ang sex! Well, masarap habang ginawa pero masakit kapag natapos! Ramdam ba ramdam ko ang hapdi! "I feel sore po," pagtanggi ko at yumakap sa bewang niya. "Bukas na lang ulit?" "Okay, baby. I'm sorry I didn't control myself at the end. It was rough," paliwanag niya at hinaplos ang pagitan ng hita ko dahilan para mapatiklay ako dahil sa pinaghalong hapdi at kiliti. "Kael! Ahhh!" nasundan ng ungol ang reklamo ko dahil minasahe niya ang sensitibo pa ring tuktok ng pagkababae ko. Yumuko siya nang hu

  • Mafia's True Love   CHAPTER 48 (SPG)

    CHAPTER 48: EIGHTEENLYN'S POVWala akong masyadong ginawang paghahanda para sa debut ko. Pero si mommy at Ate Liandra, alam kong marami. Sila naman ang nagde-desisyon para sa akin kaya hinahayaan ko na lang. Basta ang mahalaga, hindi ako nai-stress! Sabay kaming nagreview ni Anastacia para sa exam. Si Kael naman, wala siya. Focus lang daw muna ako sa school. "Food break po?" Napatingin ako kay Kael nang saktong sumandal ako para magpahinga saglit. Natapos ko na ang isang Chapter. Napangiti ako nang makitang may dala siyang pagkain. May nuts at dark choloate, fruit shake at toasted bread na may palaman. "Ikaw po nag-prepare?" tanong ko at tumayo para lapitan siya. "Yes, baby!" matamis na sagot niya at inilapag iyon sa gitna namin ni Anastacia. "Meryenda muna kayo. Text mo lang ako 'pag gusto mo pa, hmm?" paliwanag niya at humalik sa pisngi ko. "Thank you!" sinserong sagot ko at nginitian siya nang lumabas din siya agad. "Ang sweet talaga ng boyfriend mo, Lyn! I can't imagine h

  • Mafia's True Love   CHAPTER 47

    CHAPTER 47: BESTFRIEND LYN'S POV "Hi, Lyn!" Kaagad akong yumuko nang marinig ang boses ni Anastacia na bumati sa akin nang sumapit ang Lunes. Isinalpak ko ang earpods sa magkabilang tenga ko at pinalakasan ang tugtog. Yumuko ako para magbasa ng librong dinala ko para may mapagkakaabalahan. I felt betrayed! Hindi ko na sila papansinin Kael. Hindi naman pala siya totoong kaibigan sa akin. Napipilitan lang siya! Kaya pala isang araw, bigla na lang niya akong nilapitan at hindi tinantanan. Akala ko, totoong gusto niya akong maging kaibigan. "Evan, pwedeng sumabay sa 'yo mamayang lunch?" tanong ko sa kanya dahil baka guluhin lang ako ni Anastacia kapag mag-isa ako. Ayaw ko na siyang kausapin. "Sige ba! Si Anastacia? Hindi kayo sabay?" tanong niya dahilan para mapabuntonghininga ako. "Hindi ko na siya kaibigan," sagot ko at hinawakan ang braso niya. Pansin ko naman ang pagtigil niya. Nagulat siguro siya sa ginawa ko. "Pwedeng ikaw na lang ang bestfriend ko?" Nahihiya siyang

  • Mafia's True Love   CHAPTER 46

    CHAPTER 46: IMMATURELYN'S POV"P-paano mo nasabi? Hindi naman gano'n si Tash, ate. Bestfriend ko siya!" nanginginig na pagtatanggol ko sa kaibigan. Plastic na kung plastic dahil pinagtatanggol ko siya kahit alam ko sa sariling pinagseselosan ko rin siya. Pero kasi... ayaw ko! Ayaw kong maging mas matimbang iyong hinala namin ni ate tungol kay Anastacia at Kael. "OA!" Inirapan ako ni Ate Liandra at natatawa siyang umiling-iling. "That's just my instinct, sis! Hindi mo ba napapansin na panay ang tingin ng bestfriend mo sa boyfriend mo? Noong nasa Batangas tayo, I saw them alone at the beach during midnight!" Doon nalaglag ang panga ko kasabay ng panunubig ng mga mata ko. "And these past few weeks, I observed them both and found out that they keep stealing each other's glance while we're at dining table and..." "Tama na, ate!" pigil ko sa kanya at umayos ng upo para pakalmahin ang sarili. "Okay, chill! I'm just saying what I saw! Mahirap na rin kasi! Baka mas malala ang iyak mo kap

  • Mafia's True Love   CHAPTER 45

    CHAPTER 45: STRANGELYN'S POVStart na ng exam namin sa Wednesday kaya doon ko na lang isinubsob ang sarili ko imbes na mag-isip ng kung anu-ano. Nang sumunod na araw ay maaga akong nagpahatid sa School namin para mag-review sa Library. Ayaw ko kasi sa bahay. Malungkot dahil wala si Kael.Dala ko ang bag ni Anastacia dahil baka pumasok na siya ngayon. Ang kaso, wala pa ring reply ang dalawa sa mga text message ko sa kanila kahapon."Bahala na," bulong ko at bumuntong hininga bago ibinalik ang tingin sa librong binabasa. Wala akong mapagsabihan dahil si Anastacia lang ang naging kaibigan ko rito. Si Kael din, sa kanya lang ako madalas na magkwento dahil siya ang palagi kong kasama sa bahay.Mapait akong napangiti nang may mapagtanto. Parehas ko silang hindi pa gaano'n katagal na nakakilala pero sila ang mas pinagkakatiwalaan ko kaysa sa sarili kong pamilya. Pero ngayon... ewan ko na lang. May sarili rin naman silang buhay. Sa iba rin umiikot ang mundo nila. Masyado akong naging depend

  • Mafia's True Love   CHAPTER 44

    CHAPTER 44: WEIRD LYN'S POV "Who are these guys, baby?" bakas ang pagtatampo sa boses ni Kael nang makita ang pinapanood ko sa phone ko. Nakabalik na kami sa bahay at Linggo ngayon kaya wala kaming masyadong ginagawa. "Crush ko!" natatawang sagot ko at niyakap siya. "Joke lang po! Mga idol namin 'yan ni Tash!" "Oh!" Napatango siya at hindi na umangal. Hinila niya lang ako paupo sa hita niya at niyakap. "Gusto kong pumunta sa concert nila! Bibili akong ticket sa Monday!" excited na pagkikwento ko sa kanya. Mas lalo kasi akong na-hook sa KPOP group na ipinakilala sa akin ni Anastacia. Ang sayang maging fangirl nila! Pero tinignan niya ako na parang nagbibiro ako. "You have class, baby. Uunahin mo 'yang lalake na 'yan?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Opo!" Tumawa ako ulit para asarin siya. Nang ngumuso siya ay hinalikan ko na lang ang labi niya. "Tsansing ka, Lyn, ah?" Ngumisi siya. Mabilis na uminit ang pisngi ko. "Ayaw po kasi kitang malungkot!" dahilan ko na l

DMCA.com Protection Status