Share

CHAPTER 06

CHAPTER 06: CALL

LYN'S POV

"Where are you?"

Napabuntong hininga ako nang mabasa ang panibagong text mula sa hindi rehistradong numero. Blinock ko na ang number niya dati. Buti nga at hindi na nagparamdam ng ilang linggo. Pero ngayon ay may panibago na naman siyang number. Bakit nagpaparamdam na naman siya, huh?

Nasa labas kami ngayon ng mga kaibigan ko. Kakatapos ng klase at dahil weekend na naman bukas ay napagpasyahan naming magrelax para i-treat ang sarili namin

"Nakakalasing ba 'to?" kuryosong tanong ni Rave nang mailapag sa lamesa namin ang inuming Soju. Sa isang Korean Restaurant kasi namin napagpasyahang kumain dahil kay Scarlet. Fan daw siya ng K-drama at K-pop.

Maganda ang ambiance ng lugar. Malinis at tahimik kahit may soft korean music na tumutogtog. Chill lang ang vibes. Nakaka-relax!

"Try mong laklakin para malaman mo!" bulgar na sagot ni Scarlet at tumawa sila.

"Bawal si Lyn," agarang anunsyo ni Khan.

"Tangina mo, ginagawa mo namang baby masyado si Lyn! Shot tayong lahat!" pagmumura ni Rave kay Khan na katabi ko lang.

"Let her decide if she wants to try or not," simpleng paliwanag ni Love Joshua na siyang nasa kabilang gilid ko.

"True! 'Wag kang mahiya, Lyn!" si Zai kaya napangiti ako.

Hinintay namin ang lahat ng main at side dishes. Nang makumpleto ay nanguna si Scarlet na kuhanan iyon ng picture. "Let's cook and eat na!" excited na anunsyo niya nang matapos.

Itinupi ni Love Joshua ang long sleeves at siya na ang nanguna sa pagluluto sa harap namin. Napangiti ako nang ako ang una niyang bigyan nang may luto nang bacon dahil katabi ko siya. "Thank you," sinserong sagot ko at ginamit ng thong para kumuha ng lettuce. Gusto kong gayahin iyong ginagawa ni Scarlet. Iyong ibinabalot niya sabay kakainin ng buo.

"Bro naman, si Scarlet na bigyan mo!" reklamo ni Khan kaya natawa ako. "Ako na kay Lyn!"

Nang maibalot ko ang bacon at ilang side dish sa lettuce ay hinarap ko si Khan. "'Wag ka na magtampo," panunuyo ko at itinapat ang nagawa ko sa bibig niya. "Ahh," marahang utos ko sa kanya at pinanood siyang kainin iyon.

"Grabe naman 'yon! Sakit sa mata!" reklamo ni Rave at tumawa sina Zai at Scarlet.

"'Pag inggit, pikit, bro!" pagmamayabang ni Khan at malawak ang ngiti nang balingan ako. "Tumatapang na baby ko, ah?" tukso niya sa akin.

"Kumain ka na po!" reklamo ko at ngumuso.

Mamaya kasi ay wala nang katapusan ang pang-aasar niya. Mas nagiging malapit kasi kami lalo na ay palagi kaming magkasama at ganito ang turing at pantawag niya sa akin. Mas gumaan ang loob at naging komportable akong kasama siya pero ayaw kong inaasar niya ako sa harap ng maraming tao at sa harap ng pagkain. May oras naman para roon.

"May nag-text sa 'yo, Lyn!" ani Khan habang kumakain ako ng tteokbokki gamit ang chopstick. Ang sarap! Sobrang chewy at cheezy dahil nilagyan ko ng melted cheese.

"Sino po?" tanong ko at itinigil ko na muna ang pagkain para tignan ang phone ko na ibinigay niya sa akin. Inilagay kasi namin iyon sa gilid para hindi kami maistorbo o mabaling doon ang atensyon habang magkakasama kami.

Inasahan kong si Ate Lia iyon pero si unknown number na naman. "I missed you. I missed seeing your smile. Enjoy your food, baby."

Bumagal ang pagnguya ko at pasimpleng bumaling sa paligid. Nandito ba siya? Kung oo, paano niya ako nahanap?

Kaagad ko iyong idinelete habang malakas ang kabog ng dibdib dahil sa kaba. Ibinalik ko iyon kay Khan para ilagay sa tabi niya at piniling sulitin ang pagkain kasama ang mga kaibigan ko.

"Gago, matapang din pala 'to? Hindi halata!" mura ni Rave nang nakailang bote na sila ni Zai ng Soju. Habang lumalalim ang gabi ay parami nang parami ang nauubos nila ni Scarlet.

Si Love Joshua ay hindi umimom gaya ko. At si Khan naman ay kaunti lang.

Namumula na silang tatlo at namumungay ang mga mata pero pinaka halatadong lasing na ay si Zai. "Uwi na tayo," anyaya ko sa kanila. Baka kasi hindi na kayang mag-drive ni Rave para ihatid si Zai.

"Mamaya, Lyn! KJ mo naman!" mabilis na sagot ni Rave at inilapag sa harap ko ang boteng hawak niya. "Try mo kaya?"

"Bro, ayaw nga niya," si Khan ang humawi ng kamay ni Rave palayo sa akin.

"Tangina!" Tumawa ng nakakaloko si Rave bago inakbayan si Zai at humalik pa sa leeg niya.

Nanlaki ang mga mata ko at bago pa makapagsalita ay tumayo na si Love Joshua. Napatingala ako sa kanya. "Let's just go. Lyn, wanna go with me? Ako na ang maghahatid sa 'yo."

"Ako na, bro," mabilis na pagsali ni Khan at tumayo na rin.

"Si Scarlet na ihatid mo. Lasing na, oh!" Tinuro niya ang kaibigan naming mag-isang tumatawa sa gilid.

Akmang babalingan ko sina Rave at Zai pero hinarangan ako ni Khan. "Tara na, Lyn. Si LJ na ang bahala na sa kanila," anyaya niya at kinuha ang phone at mga gamit namin bago ako sinamahan pauwi.

"Sa bahay ako uuwi ngayon, Khan. Hindi sa Condo," pagtatama ko sa kasama nang mapansin ang tinatahak naming daan.

"Oh! Sorry, Lyn!" mabilis niyang pagbawi at humalakhak bago pinalitan ang direksyon na sinusundan niya.

"Lasing ka na yata, e!" biro ko sa kanya.

Mabilis naman siyang umiling. "Hindi pa. Ipapahatid kita kay LJ kung lasing na ako. I don't want to risk you knowing I couldn't drive properly."

Hindi ko mapigilang mapangiti. He's really sweet and always sincere to his words and actions. Kahit pilyo siya sa lahat ng oras alam ko namang seryoso siya sa akin.

"Hanggang kailan ka sa inyo?" maya-mayang tanong niya habang nakatitig ako sa kanya dahil ang swerte ko at hinahatid niya ako kahit malayo ang bahay nila.

"Mga one week. After kasi ng birthday ni Kuya Lucio, anniversary na rin nila nina mommy at daddy. Tapos miss ko na rin si Mika. 'Yong kinukwento kong anak ni Ate Lia ko," napangiti ako ng bandang huli habang nagpapaliwanag.

Naging busy kasi ako sa pag-aaral kaya gabi na ako nakakatawag kay Ate Lia. Kaya ayon, 'di ko na naabutan si Mika na gising.

Lumawak ang ngiti niya nang sumulyap siya sa akin. "Birthday pala ni bayaw, e! 'Di bale, bibili ako ng regalo sa kanya. Alam mo na, pampalakas sa future family ko!"

Nahawawa ako sa tawa niya. Napaka-advance talaga niya mag-isip! Kinuwentohan niya rin ako habang nasa byahe kaya nang makarating sa mismong bahay ng pamilya ko ay doon ko lang naramdaman lahat ng pagod.

"Thank you, Khan! Sobrang na-appreciate ko lahat ng effort mo lalo na ngayon. Ang layo pa ng uuwian mo," medyo nagu-guilty na pasasalamat ko sa kanya.

Napangiti siya at napayuko sabay kamot ng batok niya. Parang nahihiya siya bigla. "Wala 'yon! Pasok ka na, Lyn, gabi na."

"Sige, ingat po sa byahe!" paalam ko at humigpit ang kapit sa bag ko. "Gusto mo bang magpahinga muna sa loob? Mahaba pa byahe mo," alok ko sa kanya.

"Hindi na, Lyn. Sa susunod na lang ako magpapakilala sa parents mo. Pupunta ako sa birthday ni bayaw!" masiglang sagot niya at tumango nang humakbang ako paatras.

"Bye!" kumaway pa ako bago binuksan ang gate namin. Pero may pamilyar na kotse huminto sa likod sa likuran ng kotse ni Khan.

"What's up, sis?!" si Ate Lia!

Kaagad na pumasok si Khan sa kotse para dire-diretso nang makapasok ang kotse ni Ate Lia sa garahe. Pinindot ko na rin ang sensor ng automatic door para mas lumuwang ang pagkakaawang ng gate.

"Who's that guy?" may bahid ng panunuksong aniya.

Nilingon ko ang kotse ni Khan na muling pumarada sa harap ng bahay. Binuksan niya ang bintana at kumaway.

"Si Khan, ate. 'Yong ikinu-kwento ko," makahulugang sagot ko at kumaway ulit kay Khan bago muling nilingon si Ate Lia nang umalis na nang tuluyan si Khan.

"Oh, your boyfriend!" Tumango-tango pa siya bago binuksan ang passenger seat at kinuha roon si Mika.

Kaagad na lumawak ang ngiti ko lalo na nang ipasa niya ang bata sa akin. "Hello, Mika! I missed you!" pagka-usap ko sa kanya at niyakap siya.

"Miss you!" aniya sa maliit na tinig kaya napahahikgik ako.

Kinuha ni Ate Lia ang bag ko at sinabayan akong pumasok. "Lyn, who's that guy who drives you here?" bungad ni daddy.

"Chismoso," rinig kong bulong ni Ate Lia.

"Friend po, dad," mahinahong sagot ko at muling ibinaling ang atensyon kay Mika pero nagtanong naman si mommy.

"Ipakilala mo sa amin, Lyn. We want to know everyone who gets close to you, especially a guy."

"Okay po," tanging tugon ko at umupo sa upuang hinila ni Kuya Lucio para sa amin ni Mika.

"Welcome home, Lyn," bati niya pa at yumakap at humalik sa gilid ng noo ko.

"Thanks, kuya. I missed you," sinserong sambit ko at umupo na. Mabigat na kasi si Mika.

"Your phone is ringing, sis."

Napatingin ako kay Ate Lia nang sabihin niya iyon at kinuha ang phone sa bag na hawak niya kanina.

Unknown number is calling...

Huminga ako ng malalim. Gusto kong pindutin ang pulang call button para tapusin na iyon pero hinawakan ko si Mika at tinignan ang katabi ko. "Ate, sa 'yo muna si Mika. Sasagutin ko lang 'to tapos magbibihis na rin muna ako," paki-usap ko at nagpaalam sa kanila.

Umakyat na ako sa kwarto ko dala ang bag pero saktong namatay ang tawag. Akmang ilalapag ko na iyon nang muli iyong tumunog.

Humugot ako ng malalim na hininga at sinagot iyon sabay itinapat sa tenga ko. Hindi ako nagsalita. Gusto ko lang marinig ang boses niya.

"Lyn?"

Napaupo ako sa gilid ng kama dahil sa panghihina. His familiar deep voice sounds so emotional. Ang sakit sa dibdib.

"You answered," tunog hindi iyon makapaniwala at narinig ko ang paghinga niya. "Thank you, baby."

Sa 'di malamang dahilan ay namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko nang marinig ang panginginig ng boses niya.

"I missed you. So fucking much."

Tumindig ang balahibo ko dahil sa pagmumura niya pero hindi ko magawang patayin ang tawag.

"Lyn? Please say something. I miss hearing your voice. Please, baby?" paki-usap niya, malungkot pa rin at umaasa ang boses.

"Baby?" malambing na tawag niya. "Did you accidentally answer my call?" Narinig ko ang malalim na hininga sa kabilang linya. "I thought I'll have a chance to talk with you again..."

Kumunot ang noo ko. Again? Bakit, kailan ba 'yong huli?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status