Share

CHAPTER 01

CHAPTER 01: MESSAGE

LYN'S POV

"Congrats, Lyn!" Kaagad kong niyakap si Ate Lia nang nang magkita kami.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung para saan iyon. "Bakit naman congrats, ate?" naguguluhang tanong ko at humalakhak dahil ang wirdo niya.

Malaki ang mga mata at ngiti niya. "You passed at LDIAA! You're closer to your dream of becoming Flight Attendant!"

Nanlaki rin ang mga mata ko at malawak na napangiti. "Talaga, ate?!" hindi makapaniwalang tanong ko at dali-daling binuksan ang envelop na ibinigay niya sa akin.

Nang makita ko ang pasadong marka na nakuha ko sa entrance exam ay muli ko siyang niyakap. "Thank you so much, ate! Kinikilig ako!" pagki-kwento ko sa kanya at kaagad na kinuha ang kinakain para i-alok sa kanya. "Gusto mo po?"

"No thanks, sis! Pupuntahan ko na si Mika," paalam niya pagtukoy sa anak niyang babae.

"Pwede akong sumama?" hiling ko at yumakap sa braso niya.

Mas lumawak ang ngiti niya at mabilis na tumango. "Oo naman! Let's go!"

Napatalon ako dahil sa saya at sinuri ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng condo unit. Naka-hiwalay na kasi kaming dalawa sa bahay ng mga magulang. Single mom lang si Ate Lia ng 2 year old baby girl pero maraming manliligaw!

"Mama!" bati ni Mika sa akin nang muli akong makita.

Tumawa ako dahil ako na naman ang una niyang niyakap niya. Naghubad pa kasi ng heels si Ate Lia. "Hi, Mika? How are you, baby?" bati ko sa kanya sa matinis na boses.

"Miss you!" sagot niya at humalik sa akin kaya napahagikgik ako at marahang pinisil ang malambot na pisngi niya dahil sa pangigigil.

She's so pretty and looks like a doll! Mestisa, small face, big and gray eyes, long eyelashes, cute nose, pouty lips. Manang-ma kay Ate Lia, pareha silang maganda. For sure, magiging model din siya 'pag laki niya!

Mabilis na dumating ang unang araw ng klase namin. Maaga akong pumasok dahil sobrang excited ako para sa College life ko. Medyo nahuhuli ako kaysa mga ka-edad ko dahil sa sakit ko sa puso pero hindi iyon hadlang para hindi ako ganahang mag-aral. Pangarap na pangarap ko kasi talaga 'to!

"Hi! I'm Zai!"

Tinugunan ko ng ngiti ang babaeng lumapit sa akin. Friendly at extroverted ang vibe niya. "Hi! I'm Louissa Ylona Natalia Azarte. Lyn for short!" pagpapakilala ko sa sarili at humalakhak.

"Azarte? I'm Astria!" halata ang saya sa boses niya habang hindi makapaniwala. "Maybe we're seatmates kapag alphabettically arrange ang seat!"

"Pwede namang seatmate pa rin tayo kahit hindi alphabetical!" alok ko at nakipag-apir sa kanya sabay nakinig sa kwento niya sa akin tungkol sa sarili niya. Pansin kong madaldal siya at halos hindi nauubusan ng topic.

Sobrang saya tuloy ng first day of school ko! Kahit may quiz kami para sa oral at written kinabukasan ay nagsipag akong mag-review.

"Agape," tinawag na si Scarlet, iyong unang apilyedo sa aming mga babae kaya kinabahan na ako. Susunod si Zai sa kanya at ako na!

Confident naman ako kaya nakinig na lang ako sa kwento ni Zai habang naghihintay kami.

"Ang ganda mo talaga lalo na kapag close up!" puri niya saglit kaya naiba ang topic.

Uminit ang pisngi ko at kaagad na nahiya. "Hindi naman. Mas maganda ka kaya. Lahat kayo actually!" pagtatama ko dahil lahat sila ay kayang-kayang dalhin ang sarili nila.

"Ah, no! Mas maganda ka! Ang simple mo tapos hindi nakakasawa 'yong beauty mo! I swear, no sugarcoating!" depensa niya at tumawa.

May pumasok na officer sa kwarto habang nando'n pa lang si Scarlet sa loob. Medyo matagal siya pero nang si Zai na ay biglang ang bilis niyang lumabas.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko dahil busangot ang mukha niya.

"Bagsak," mahinang sambit niya at nauna nang bumalik sa classroom namin.

Napalunok ako at biglang kinabahan. "Azarte," rinig kong tawag sa akin ni Sir Kyrous kaya nagmadali akong pumasok sa loob.

Nanliliit ang mga mata niyang nakatitig sa akin kaya mas lalo akong kinabahan. Bakit parang galit siya? Nakakatakot naman!

Naiiyak na ako sa loob-loob ko at dahil nanano ang pag-o-overthink ko ay na-mental block ako nang magtanong siya.

"Ten..." nagsimula siyang magbilang.

"Sir, pwede pong paki-ulit?" nahihiyang tanong ko.

"Failed. Get out," matigas na sagot niya dahilan para malaglag ang panga ko.

No way! I spent 5 hours of studying for our first lesson last night! Bakit ganito?

Umiyak ako sa comfort room bago bumalik sa classroom namin. Nakaka-disappoint! First oral quiz ko 'yon tapos bagsak agad? Sana pumasa ako sa written mamaya para makabawi.

"Bagsak ka rin?" iyon ang ibinungad ni Zai sa akin nang makita ako. Tatlo pa lang kaming babae dito dahil hindi pa tapos iyong iba.

Dahan-dahan akong tumango habang nakanguso. "Ang hirap tapos nakaka-mental block kasi ang bilis," nanghihinayang na paliwanag ko.

"Hi! Okay lang 'yan!" Parehas kaming napatingin kay Scarlet nang lapitan niya kami ni Zai. Kanina kasi ay nag-iingay sila ni Rave, iyong bestfriend o boyfriend niya yata. "Tara, sabay kayo sa aming mag-review ni Rave para makabawi," alok niya pa kaya napangiti ako.

"Mahirap ang mga binibigay nilang tanong, Scarlet. Kahit anong review natin, wala pa ring kwenta ang mga 'yon kung wala rin ang mga iyon sa test paper!" mapait na pag-tanggi ni Zai.

Mabilis namang umiling ang babaeng nag-alok sa amin. "'Di ba kaninang ako pa lang ang nasa Office, umalis si Sir?" panimula ni Scarlet at hininaan pa ang boses. Nailapit ko tuloy ang mukha sa kanya para marinig siya ng maayos. "Nakuhanan ko ng picture ang test paper."

"Ano? Talaga?!" Haloa sabay naming tanong ni Zai habang nanlalaki ang mga mata.

"Oo!" nakangising sagot niya at tumingin sa nameplate namin. "So ano, Lyn at Zai? Bawi tayo?"

Napangiwi ako. Kung kanina ay gusto ko at ayaw ni Zai pero ngayon ay baliktad na. Siya na ang may gusto at ako ang umayaw. Pandaraya kasi iyon! Unfair sa iba kung mandaraya kami at sarili lang namin ang lolokohin namin.

"Lyn, tara! Ayaw mo bang pumasa?" pagalit na tanong ni Zai sa akin.

Mabilis akong umiling at binasa ang ipinasa niya sa phone ko na test paper. Walang sagot pero madaya pa rin!

"Ano 'yan? Bakit may gan'yan kayong nirereview?"

Napalingon ako sa bagong dating na kaklase. Si Anastacia. Lumapit pa siya sa amin ni Zai habang magkasalubong ang kilay. "Nag-advance study lang kami," mahinahong paliwanag ng katabi ko sa kanya.

Napatitig ako sa kanya dahil sa akin siya nakatingin. "Patingin ako ng phone mo!" masungit na utos ni niya sa akin kaya napaawang ang labi ko at akmang ibibigay na kanya ang gusto niya nang lumapit si Scarlet.

"Hoy, anong problema mo, ha? Kita mong nag-aaral sila tapos nanggugulo ka?" iritadong tanong niya kay Anastacia. Hindi ko mapigilang mamangha! Pinagtatanggol niya ako sa bully naming kaklase.

Mabait din pala siya. Na-perfect ko ang exam dahil sa kanya kaya simula no'n ay gusto ko na siyang kaibiganin. Pero si Anastacia, lagi akong trip na asarin! Baka galit sa akin kasi nakisali ako sa grupo ng kaaway niyang si Scarlet.

"Naiwan mo."

Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita mula sa likuran ko. Habang hawak ang tray ng pagkain ko para sa lunch namin ay napatingin ako sa hawak ni Anastacia. Iyong phone ko! Muntik ko nang makalimutan!

"Thank you," sinserong sambit ko at kinuha iyon sa kanya. Simple akong ngumiti nang tumagal ang titig niya sa mukha.

"Uhm, una na ako," paalam ko pa dahil ang awkward! Hindi naman kasi kami close!

Sumabay ako kina Zai, Scarlet at Rave. Pati sa pag-uwi ay kasama ko sila. Pero nang mag-isa ko na lang na naglalakad papunta sa condo na tinutuluyan ay kumunot ang noo ko dahil parang may sumusunod sa akin.

Mabilis akong pumasok sa building at sumabay sa babaeng sumakay sa elevator. Weird!

Nagbihis ako at naghilamos para mas presko sa pakiramdam bago humilata sa kama at magpahinga. Iyon nga lang, tumunog ang phone ko. May na-receive akong text message.

Unknown Number: Your first day of school is over! I'm proud of you, baby! You looks good in your uniform. I missed you.

Kaagad na nagsalubong ang kilay ko. Baby raw? Sino 'to? Para sa akin ba talaga 'to? Kung oo, galing kanino?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status