Share

Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss
Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss
Author: Quen_Vhea

001: Ang Pagkikita

Author: Quen_Vhea
last update Huling Na-update: 2024-11-20 01:34:50

Leonora's POV

"Nay, kailangan kong pumunta sa Maynila, para din sa ’tin to," sabi ko kay inay, malungkot man pero wala akong magawa, kailangan ko na talaga magpunta sa Maynila.

"Anak naman, sino ang mag-aalaga sa mga kapatid mo? Alam mo namang hindi ko pa kaya, lalo na at may sakit pa ako," sabi ni Inay sa akin. Tiningnan ko ang mga kapatid ko. Nakakalungkot man isipin, wala akong magawa dahil sa kalagayan namin dito sa Mindanao.

"Nay, mas ok na andon ako para makapagpadala man lang ako kahit konti," sabi ko kay inay.

"O siya, sige, kung ‘yan ang gusto mo," sabi ni inay sa akin. Nagtatampo siya, kaya nilambing ko na lang siya para kahit papaano ay hindi siya malungkot sa pag-alis ko.

Kinabukasan, hinatid ako nila tatang sa airport kasama ang mga kapatid ko. "Tang, salamat sa paghatid. O, pa’no alis na si ate," sabi ko sa mga kapatid ko. Hindi naman mapigilang tumulo ang mga luha ko nang naglalakad na ako papasok sa loob ng airport.

Ako nga pala si Leonora Handerson Magaspang. Di ko na nakilala ang tunay kong ama, sa pagkakaalam ko isang mayaman daw na negosyante ang ama ko. Yon lang ang nasabi ni ina sa akin, hindi ko rin naman siya kailangan kaya okay lang na hindi ko siya makilala. Ok naman kami ni inang kahit na may na dagdag sa pamilya namin.

Alas 9 na ng umaga nang nakarating ako sa airport ng Maynila, hindi ko alam kung saan ako magsisimula maghanap ng matutuluyan pansamantala. "Ma'am taxi po?" sabi ng lalaki sa akin, papayag na sana akong sumakay ang problema lang ang mahal ng hinihingi ni manong.

"Nako ang mahal naman pala, wala bang tawad manong ang mahal kasi," sabi ko kay manong taxi, sinabihan naman akong ang kuripot ko daw kaya umalis na lang ako. Palinga-linga ako naghahanap ng masasakyan na jeep, nang may biglang sasakyan na bumusina at muntik na akong sagasaan.

"Ay jusko!!" sabi ko nang tumilapon ang handbag at naglabasan ang mga gamit sa loob, kaya pinulot ko nalang ang mga ito. May narinig naman ako na boses ng lalaki. " Miss, are you ok?" tanong niya sa akin. Nang lumingon ako, hindi ako makasagot agad sa kanya dahil sa sobrang kagwapuhan niya.

“Ahh….” tanging salita na lumabas sa bibig ko. Iwinagayway niya naman ang kamay niya sa harap ko kaya nabalik ako sa realidad. “Ah, nako, Sir, sorry po, okay lang po ako,” sabi ko sa kanya, habang hindi inaalis ang mga mata ko sa pogi niyang itsura.

"You need help with that?" sabi niya at akmang luluhod sana para tulungan akong pulutin ang mga gamit na nahulog. Sinabihan ko na lang siya na huwag. “Sorry, naghahanap kasi ako ng trabaho na mapapasukan, kaya napadaan ako sa kalye na ito,” kwento ko sa kanya. Pinagpag ko naman ang bag at damit ko para kahit papaano ay magmukha akong malinis.”

"You're finding, you say?" sabi niya. Tumango lang ako sa kanya. Kahit nag-Ingles siya, naiintindihan ko naman kahit papaano. Hindi man ako nakapag-aral sa kolehiyo, valedictorian naman ako noon sa high school.

"I'm hiring a maid, do you want to apply?" tanong niya sa akin.

"Nako, Sir, oo, saan ba iyan, nang makapag-apply ako?" masayang sabi ko sa kanya, dahil sa wakas ay makakapagtrabaho na rin ako. Nang sa ganun, ay may maipadala ako kay Inang sa Mindanao.

"Just go to this address,” sabi niya sa akin, at binigay ang papel na may nakasulat na address at pangalan niya. ‘Drack Mozen Asher,’ sabi ko sa isip ko. Ang gandang pangalan naman.

"Sige po sir, makakaasa po kayo," sabi ko sa kanya, sobrang saya ang nararamdaman ko sa araw na ito. Pero ang tanong saan kaya ako pwede matulog kung bukas pa ako pupunta sa bahay para mag-apply bilang isang katulong.

Hindi rin nagtagal ay nakahanap ako ng paupahan na maliit na apartment, baka ng isang araw lang ako dito. Baka may libreng matutulungan doon sa papasukan ko, para kahit papaano ay makatipid ako sa gastosin dito sa Maynila.

Kinabukasan, maaga akong umalis upang puntahan ang address na ibinigay sa akin ng poging lalaki kahapon. Pagdating ko sa gate ng kanyang bahay, nagulat ako dahil napakalaki pala ng bahay niya parang isang palasyo! Kaya nag-doorbell ako, at hindi nagtagal ay may nagbukas ng gate. Isang matandang babae ang sumalubong sa akin, siguro nasa 60 na ang edad niya.

"Magandang umaga po, ako nga po pala si Leonora," masiglang sabi ko sa kanya, ngumiti naman ang matanda sa akin .

"Ikaw ba yung muntik ng masagasaan ni Sir Drack?" tanong niya sa akin, habang naglalakad kami papasok.

"Ay nako po opo, pero ok naman na hindi naman din ako tumilapon hahaha," sabi ko pa sa kanya na may kasamang pagtawa. Habang papasok kami sa loob bumaba naman ang lalaki na nakita ko kahapon sa hagdanan.

"You’re here," malamig na sabi niya sa akin nang makita niya ako. Nag-bow naman ako sa kanya.

"Magandang umaga po, Sir," sabi ko. Tumango naman siya sa ’kin. Suplado pala itong magiging-boss ko. Sana maging maayos pagsasama namin.

"Nay Iska, may breakfast na ba tayo?" tanong ni Sir Drack kay Nay Iska.

"Oo, Señorito, ilalabas na ni Magda," sabi ni Nay Iska kay boss Drack. Maya-maya, lumabas ang isang babae mula sa dirty kitchen, na mukhang nasa trenta na ang edad. Tahimik siyang naglakad papunta sa lamesa, dala ang mga plato at mga kaserola. Nang magtama ang aming mga mata, nginitian ko siya nang magalang, at tumango siya nang bahagya bilang tugon habang inilalagay ang mga plato sa lamesa.

"Anyway, you can start later. Nay Iska will guide you," malamig na sabi niya sa akin bago siya umupo sa hapag. Ramdam ko ang lamig ng kanyang boses, pero sinikap kong ngumiti at tumango bilang sagot.

“Sige po, Señorito, salamat po,” sabi ko sa kanya habang tumatango siya nang bahagya. Sinundan ko si Nay Iska papunta sa magiging kwarto ko, at doon niya ipinaliwanag sa akin ang aking mga gawain. Sinabi niya kung ano ang mga dapat kong linisin at kung anong oras aalis si Sir Drack upang maisagawa ko nang maayos ang paglilinis sa kanyang kwarto.

Hapon na noon habang naglilinis ako sa sala. Habang nagwawalis, bigla akong nagulat nang may tumahol na aso sa likuran ko. Sa sobrang gulat, nauntog ako sa isang pader. Kinapa ko ito pababa at may nahawakan akong matigas na bagay, kaya napasigaw ako sa takot.

"Ay! Cobra!" sigaw ko, sabay lingon para tingnan kung sino iyon. Jusko, nakakahiya si Sir Drack pala iyon! Nahawakan ko pa ata ang cobra niya. Halata sa mukha niya na parang malapit na siyang magalit. Pasalamat na lang ako at hindi niya ako sinigawan nang mahawakan ko ang cobra niya. Ang laki pala! "Jusko naman, Leonora, nadudumihan na naman ang utak mo," sabi ko sa isip ko.

Kaugnay na kabanata

  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   002: Lasing (SPG)

    Leonora's POV"Hala ka!" bulong ko, habang tumingin sa akin si Sir Drack. Halata sa mukha niya na malapit na siyang magalit."Naku, Sir, sorry po," sabi ko habang nakayuko at nakatingin sa sahig. Nakakahiya siyang tingnan; baka bigla niya akong kagatin."It's okay. Anyway, tell Nay Iska that I'll be out," sabi niya sa akin bago siya lumabas ng pintuan. Hindi ko alam kung anong nangyari. Nakakahiya, nahawakan ko pa ang cobra niya! "Ano ba, Leonora, ang dumi ng isip mo," sabi ko sa aking sarili. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang nahawakan ko ang haba kasi.Dumating si Nay Iska at nakita niya akong namumula ang mukha habang nakatingin pa rin sa pintong dinaanan ni Sir Drack."Leonora," tawag niya sa akin na hindi ko agad narinig, hanggang sa sumigaw siya na ikinagulat ko."Ay! Kolera, Nay Iska, ikaw pala!" sigaw ko, sabay hawak sa dibdib dahil sa gulat. Sinabi ko naman sa kanya ang iniutos sa akin ni Sir Drack kanina bago siya umalis."Gano'n ba? O siya, maglinis ka na," sabi ni Nay Is

    Huling Na-update : 2024-11-20
  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   003: Gulat!!

    Leonora's POV Nagising ako sa isang kwarto na hindi ko kilala. Ang kulay ng bubong ay gray at may black. Nang tignan ko ang kabilang bahagi ng kama, gulat na gulat ako nang makita na ang lalaki na iyon ay si Sir Drack. ‘Jusko po,’ tanging nasabi ko sa isip ko. Tiningnan ko ang katawan ko sa ilalim ng kumot at nagulat nang makita kong wala na akong saplot. Kaya napa-tayo ako bigla, pero naramdaman ko ang sakit sa aking pagkababae. Wala akong magawa kundi magtiis na lang at kinuha ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. Pagkalabas ko sa kwarto ni Sir Drack, hindi ko pa rin lubos maisip ang nangyari. Kahit anong pilit kong alalahanin ang nangyari kagabi, wala man lang kahit konting alaala. Kailangan ko nang iwasan si Sir Drack kung maaari, sabi ko sa isip ko.” "Leonora, saan ka galing?" sabi ni Nay Iska sa akin na ikinagulat ko. Kaya napa-hawak ako sa aking dibdib. "A-ah, Nay Iska, dyan lang po, hahaha," nauutal na sagot ko sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. "O si

    Huling Na-update : 2024-11-20
  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   004: Pangarap para sa Pamilya ni Leonora

    Leonora’s POV Gabi na, at narito ako sa labas ng hardin, nakatingin sa langit. Iniisip ko kung ano na ang nangyari sa kanila. Okay lang ba sila ngayon? 'Makakaahon din tayo sa kahirapan, Inay,' bulong ko habang nakatitig sa mga bituin sa langit. "Lord, gabayan Mo sana ako," sabi ko. Ipinangako ko sa sarili ko na pagkatapos ng mga problema namin, ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko. "Are you not cold, Leonora?" sabi ng isang boses mula sa likuran ko. Paglingon ko, si Sir Drack pala iyon, may hawak na baso ng alak. "Magandang gabi po, Sir," sagot ko, kahit na medyo kinakabahan sa presensya niya. Umiwas ako ng tingin at bahagyang dumistansya para hindi ko maamoy ang pabango niya. “Hindi naman po, Sir,” dagdag ko. Tumango lang siya, at katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Dahil sa awkward na sitwasyon, naisipan ko na lang pumasok sa loob. Habang nakahiga na ako sa kama, biglang tumawag si Ana, ang kapatid ko. "O, Ana, bakit napa-tawag ka? Gabi na," tanong ko sa kanya. Umiiyak ni

    Huling Na-update : 2024-11-20
  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   005: Ang alaala sa mainit na gabi!

    Leonora's POV Isang buwan na ang lumipas simula noong mangyari ang mainit na gabing namagitan sa amin ni señorito Drack. Hindi ko man maalala ang gabing iyon, pero may kakaiba akong napapansin sa katawan ko nitong mga nakaraang linggo. Ipagsasawalang-bahala ko sana iyon nang biglang sabihin ni Nay Iska, “Tumaba ka yata, iha, at madalas kang natutulog.” “Buntis ka ba, iha?” tanong niya, na nagpatigil sa akin sa ginagawa kong paglilinis. Iniisip ko nga kung bakit hindi pa ako dinadatnan, sa pagkakaalam ko—regular naman ang regla ko. "Hindi ko rin po alam, Nay Iska," sabi ko sa kanya, natatakot ako baka totoo na ang sinasabi ni Nay Iska. Hindi pwede ito dahil nagsisimula pa lang akong mag-ipon para sa pagpapagamot kay Inay. "Who's pregnant?" tanong ni señorito Drack na kakababa lang ng kwarto niya. Sobrang gulat ako na nakatingin sa kanya. "N-nako, señorito, wala po, may na-chismis lang ako kay Nay Iska," kinakabahan at nauutal na sabi ko sa kanya. "Wala naman, iho. Kumain ka na,

    Huling Na-update : 2024-11-20
  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   006: 5 year's later

    Leonora’s POV “Alex, Ezra, mag-ingat kayo baka madapa!” saway ko sa mga anak kong tumatakbo sa labas ng bahay namin. Simple lang naman ang bahay na ito—sakto lang para sa isang pamilya. Kasama rin namin dito sina Inang at ang mga kapatid ko, na tumutulong sa pag-aalaga sa mga anak ko. “Ate, hinahanap ka ni Inay,” tawag sa akin ni Ana, kaya lumabas ako at tinawag ang dalawa para isama. “Alex, Ezra, dito muna kayo kay Tita Ana,” sabi ko. Tumango naman ang dalawa kaya pumasok na ako at pinuntahan si Inay. “Nay, ano po iyon?” tanong ko. “Punta ka kay Aling Marites, bumili ka ng pang-ulam natin mamaya,” utos niya, kaya pumunta na ako. Habang naglalakad, naririnig ko na naman ang mga bulong-bulungan ng mga tao sa paligid. Noong araw na umuwi ako mula Maynila, galit na galit si Inay nang malaman niyang buntis ako. Hindi ko na sinabi kung sino ang ama, dahil alam kong hindi niya matatanggap ang mga bata. “Aling Marites, pabili po ng isang gulay na sariwa, ha,” sabi ko sa kanya. Tumango

    Huling Na-update : 2024-11-21
  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   007: Galit na Boss

    Leonora's POVMaaga ako nagising para ipagluto. Sina Alex at Ezra. Magsisimula na ang pasukan para sa mga-kinder, gusto ko sila makapag-aral man lang sa mamahalin na iskwelahan. Kaya na enroll ko sila sa-private school, habang ang kapatid ko naman ay nasa-college na at Nursing student.“Ana, maligo kana, mamaya mo na ako tulongan maaga klase mo hindi ba,” sabi ko sa kanya, tumango naman siya sa akin bago siya umalis at pumonta sa banyo. Habang ang mga bata naman ay tulog pa, mamaya ko na siguro gigisingin ang mga iyon.Habang naghahanda ako ng almusal, hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa mga pagbabago sa buhay ko. Dati, ang buhay ko ay puno ng takot at pangarap para sa pamilya ko. Ngayon, iniisip ko nalang ang kaligayahan at pagaaral nag anak ko. Ang mga anak kong, si Alex at Ezra, ay parang mga bagong simula sa buhay ko. Hindi ko sila palalagpasin ng walang magagandang oportunidad, kaya't mahpursige akong mapagtapos sila sa magandang eskwelahan.Tulad ng mga magulang ko noon, ang

    Huling Na-update : 2024-11-22
  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   008: Dinner?

    Leonora's POVPagkatapos ng mahabang araw ng trabaho, medyo pagod na ako. Ang buong opisina ay tahimik, halos walang tao, at ang mga ilaw ng building ay nagsimula nang magdilim. Nang tapos na ang lahat ng mga gawain ko, bumangon ako mula sa aking mesa at nagsimulang mag-ayos ng mga gamit. Sobrang tahimik ng paligid na ang tanging tunog na naririnig ko ay ang mga yapak ko sa sahig at ang ingay ng air-conditioning na malayo.Habang inaayos ko ang mga papeles sa ibabaw ng aking mesa, bigla na lamang lumabas si Drack mula sa kanyang opisina. Halos hindi ko siya naramdaman na lumapit, pero naramdaman ko agad ang bigat ng kanyang presensya. Tiningnan niya ako, at sa kanyang mga mata, may mga alaala ng mga pagsubok na tinahak na.“Leonora,” simula niya, ang boses niya ay may halong pag-aalala at hindi ko maintindihang pagkabahala. “Gusto mo bang mag-dinner? Mag-isa ka na lang yata. Siguro, matagal ko nang gustong makipag-usap sa’yo.”Nagdalawang-isip ako. Hindi ko alam kung paano ko tatangga

    Huling Na-update : 2024-11-22
  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   009: Lagnat

    Leonora's POVMadilim na ang gabi, at halos wala nang tao sa paligid. Tahimik sa loob ng bahay, pero ramdam ko ang bigat sa aking katawan. Simula pa lang ng umaga ay medyo masama na ang pakiramdam ko, pero inisip kong baka pagod lang ito sa trabaho. Ngayon, parang mas lalong bumigat ang ulo ko, at pakiramdam ko’y nilalagnat na ako.Sinilip ko ang kambal na natutulog sa kwarto nila. Mahimbing ang tulog nila, pero hindi ko maiwasang mag-alala. Wala akong ibang kasama sa bahay, kaya kahit masama ang pakiramdam ko, kailangan kong magpakatatag para sa kanila. Dumaan ako sa kusina at kumuha ng basang bimpo para ilagay sa noo ko, umaasang kahit papaano’y mababawasan ang init ng katawan ko.Habang nakahiga ako sa sofa, unti-unti akong nadala ng antok. Ngunit ang pahinga ko’y biglang naantala nang makarinig ako ng mahinang katok sa pinto.Sino kaya ang maaaring dumalaw ng ganitong oras? Kinabahan ako. Kinuha ko ang bimpo sa noo at pilit na bumangon para tingnan kung sino iyon.Pagbukas ko ng p

    Huling Na-update : 2024-11-23

Pinakabagong kabanata

  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   0017: Unspoken Questions

    Leonora's POVPagkatapos ng hapunan, inalok ako ni Tita Cassandra na maglakad-lakad sa kanilang napakalawak na hardin. Mahinahon ang kanyang aura, at kahit sobrang elegante ng dating niya, napakadali niyang lapitan. Sumama ako sa kanya kahit may kaunting kaba. Pakiramdam ko’y may gusto siyang itanong o sabihin sa akin."Leonora," bungad niya habang dahan-dahan naming nilalakad ang sementadong pathway na napapalibutan ng mga halaman at fountain. "Napakaganda ng mga anak mo. Lalo na’t magalang sila at matalino."“Maraming salamat po, Tita,” mahina kong sagot, habang pinipilit kong maging kalmado.Ngumiti siya nang malumanay at tumingin sa akin. “At talagang close din sila kay Drack. Mukhang mahal na mahal niya ang mga bata.”Napatingin ako kay Tita Cassandra, pero hindi ko alam kung paano sasagutin iyon. Totoo naman, sobrang maalaga si Drack kina Ezra at Alex, pero hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit ganoon siya ka-attach sa kanila.“Tita, mabait po talaga si Drack sa kanila,” sagot

  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   0016: Friendly naman pala

    Leonoras's POVPapasok na kami sa malaking gate, mashado akong na lulula dahil sa subrang laki talaga. “Gate niyo ba talaga itoi?” tanong ko kay Drack, nakangiti naman siyang naka tingin sa akin and nodded.“Wow, Dad your gate is so big, I bet malaki rin ang house nila grand-grand,” sabi ni Ezra sa ama niya, hindi mapagkakaila na magtatay sila hawig na hawig. Masnalula ako ng makita ko mismo ang bahay nila, jusko feel ko parang yong Cr siguro nila is apartment na namin.“Wow, Dada ang laki,” Ezra said full with amazement, habang si Alex naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana. For sure na-amaze rin ang isang iyon, nasa tapat na kami ng pintuan nila Drack makikita mo talaga sa bahay nila na may kaya sila. Habang papalabas ako sa sasakyan may-isang babae na dumating subrang ganda niya, makikita sa istura niya ang karangyaan. “Son, is that already you?” tanong niya, habang naka tingin kay Drack, hala ito ba ang nanay niya ang ganda pala. Pwede ko siya titigan buong araw, para siyan

  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   0015: Ang gulo ni Leonora

    Leonora’s POVPanibagong araw nanaman, nakakapagod kukunin pala kami ngayon ni Drack. Dadalhin niya raw ang mga bata sa bahay nila. Kinakabahan na nga ako.“Moma, is my lolo po ba sa other side is nice?” tanong sa akin ni Alex, napaisip naman ako shimpre hindi ko pa nakikita parents ni Drack. “I don’t know baby, kasi never pa na meet ni Moma ang parents ni Dad mo,” sabi ko nalang, ipimagpatuloy ko nalang ang pagbibihis sa kanila.“Moma, I want to eat na,” sabi ni Ezra na kakapasok lang sa kwarto nila. Napatingin naman ako sa kanya, ang kulit talaga ng bata na ito.“Ok, but first, magbihis ka,” sabi ko, tumango naman siya at nagbihis na. Lumabas muna ako para ipaghain muna sila ng pagkain. Makalipas ang ilang oras, natapos ko na ipagluto ang adobo at chicken na paburito ng dalawa. “Moma, what time po pupunta dito si dad?” tanong ni Alex sa akin.“Let me text your dad first,” sabi ko nalang, shimpre hindi ko naman kasi alam kung anong oras siya pupunta. Pumunta muna ako sa kwarto para

  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   0014: Secret Admire

    Leonora's POV Papunta na ako ngayon sa opisina, shimpre hinatid ko muna ang mga bata sa iskwelahan bago ako pumonta. Nasa ground floor palang ako nang makasalubong ko si Sir Drack. Naka busangot siyang nakatingin sa akin, ewan ko anong nangyari sa lalaki na ito.“Goodmorning po, Sir,” magalang kong sabi sa kanya, tumango naman siya sa akin. “You didn't tell me, pumonta pala si Xiana doon,” sabi niya, kaya napatingin ako sa kanya. Akala ko pa naman alam na niya na nagpunta ang kapatid niya doon.“Alaka ko alam mo na,” sabi ko sa kanya, tumingin naman siya sa akin. “Yeah, when she got home,” sabi niya, galit ba ito. “Galit kaba, Sir?” tanong ko, he just rolled he's eyes at me.Pambihira hindi ko naman alam na maypagka bakla pala itong tatay ng mga anak ko. “No, If ever pupunta kapatid ko sa inyo, please say it to me,” sabi niya, kaya tumangon nalang ako at tumahik baka ma sigawan pa ako nito.“Okay, po,” huling sabi ko bago ako bumaba sa-elevator, umupo nalang muna ako sa secretary's d

  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   0013: His Sister

    Leonora’s POV“Moma, you know their is a guy outside in our room yesterday, he is wearing a black suit po,” sabi ni Ezra sa akin, kaya napatingin ako sa kanya. Puno ng pagtataka ako nakatingin lang sa kanya, I wonder who’s that guy.“Lumapit ba sa inyo?” I ask, Ezra just nodded at what I just said. God I don’t know kung sino man iyon. “Sinaktan ba kayo?” tanong ko, sa kanya.“No, Moma there good naman,” sabi ni Alex sa akin, kaya na kampanti ako na okay lang. Bigla naman tumunog ang cellphone ko, pagtungin ko si Drack pala kaya sinagot ko nalang.“Hello, Drack ano iyon?” tanong ko pagkasagot ko sa tawag niya sa akin. “I just want to say that, binigyan ko ng body guard ang mga bata. Para narin walang mangyari sa kanila,” sabi niya, kaya pala may mga lalaki naka itim sa labas.Napangiti nalang ako, he cares for the kids. “Ganon ba, sige, thank you Drack,” mahinang sabi ko, habang hindi parin mapigilang ngumiti. Tama ang ng ang naging desistion ko, ang ipakilala ang mga bata sa kanya.“I

  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   0012: No Talk

    Leonora's POVNasa sasakyan ako ni Drack ngayon, at ang laki talaga ng inis ko sa kanya. Paano ba naman kasi, inutusan niya ang guard na huwag akong palabasin sa building. Ang ending, hindi ko na naituloy ang lunch namin ni Lance. Ang effort ko pa naman mag-sorry kanina, tapos ganito lang? Kaya ngayon, deadma mode ako. Wala akong balak pansinin ang lalaking 'to.“Hey, Leonora, talk to me,” sabi niya, pero nagkunwari akong walang naririnig. Tumingin lang ako sa labas ng bintana. Bahala ka diyan. Hindi ako matitinag kahit boss pa kita.“Come on, Leonora, talk to me. I’m your boss, woman.” Ang tono niya ay parang inuutusan pa rin ako, kaya napalingon ako sa kanya at tinaasan ng kilay.“O? Tapos, anong connect non, boss?” Naiiritang sagot ko. Hindi ba siya naasiwa sa ginawa niya kanina?“What’s your problem ba?” tanong niya, at ramdam ko ang tensyon sa boses niya, parang malapit na rin siyang magalit. May gana pa siyang mainis, e siya naman ang may kasalanan!“Paki mo,” sagot ko nang wala

  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   0011: Jelly si Drack

    Leonora's POVAs usual maaga na naman akong nagising para ipagluto ang mga chikiting, nag-mamadali rin ako dahil may meeting daw kami. Sa pagkakaalam ko meron atang new manager ang ads department, isa lang talaga masasabi ko sa kanila sana all.“Moma, what's the breakfast po?” tanong sa akin ni Ezra, kakalabas lang nag-kwarto nila nang kambal niya. “Egg and Hotdog, baby, come eat kana,” sabi ko sa kanya, umupo naman siya.Sakto naman na lumabas rin ang isa pang-pogi sa buhay ko. “Goodmorning po, Moma,” sabi ni Alex sa akin, lumapit naman siya sa akin at niyakap ako. “Goodmorning too,” sagot ko, sabay siya hilikan sa noon.“Moma, sabi nang teacher punta ka raw sa school, may meeting daw,” sabi ni Alex sa akin. “Sama mo si Dada. Please Moma,” sabi ni Ezra sa akin, iniisip ko baka busy si Drack.“Sure, baby I'll ask your Dada, if hindi siya busy,” sabi ko nalang, ayaw ko lang na humindi sa kanila. “O time to eat, kain na kayo,” sabi ko sa kanila, tumango naman sila at nag-simula na kumai

  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   0010: Ang pakikilala niya sa kambal

    Leonora's POVKinabukasan, habang pinagmamasdan ko ang kambal na naglalaro sa sala, ramdam ko ang bigat ng mundo sa balikat ko. Paano ko sasabihin sa kanila na ang lalaking halos hindi nila kilala ay ang kanilang ama? Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Drack kagabi. Gusto niyang makilala ang kambal, pero paano? Paano ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat?"Moma, bakit po kayo nakatitig lang?" tanong ni Ezra, ang panganay kong anak, habang hawak ang kanyang paboritong laruan.Naputol ang iniisip ko at agad akong ngumiti. "Wala, anak. Iniisip ko lang kung ano ang gusto niyong kainin mamaya.""Spaghetti, Moma!" sigaw naman ni Ezra, ang kakambal ni Alex. Natawa ako. Kahit sa gitna ng lahat ng problema, ang saya nilang dalawa ang nagpapagaan sa puso ko.Habang abala ako sa pagluluto ng spaghetti, nakatanggap ako ng text mula kay Drack."Leonora, kailan ko sila makikilala? Hindi ko na kayang maghintay."Napabuntong-hininga ako. Masyado na bang mabilis ang lahat? Pero alam kong hindi

  • Mafia Series 1: Ang Maid ng Mafia Boss   009: Lagnat

    Leonora's POVMadilim na ang gabi, at halos wala nang tao sa paligid. Tahimik sa loob ng bahay, pero ramdam ko ang bigat sa aking katawan. Simula pa lang ng umaga ay medyo masama na ang pakiramdam ko, pero inisip kong baka pagod lang ito sa trabaho. Ngayon, parang mas lalong bumigat ang ulo ko, at pakiramdam ko’y nilalagnat na ako.Sinilip ko ang kambal na natutulog sa kwarto nila. Mahimbing ang tulog nila, pero hindi ko maiwasang mag-alala. Wala akong ibang kasama sa bahay, kaya kahit masama ang pakiramdam ko, kailangan kong magpakatatag para sa kanila. Dumaan ako sa kusina at kumuha ng basang bimpo para ilagay sa noo ko, umaasang kahit papaano’y mababawasan ang init ng katawan ko.Habang nakahiga ako sa sofa, unti-unti akong nadala ng antok. Ngunit ang pahinga ko’y biglang naantala nang makarinig ako ng mahinang katok sa pinto.Sino kaya ang maaaring dumalaw ng ganitong oras? Kinabahan ako. Kinuha ko ang bimpo sa noo at pilit na bumangon para tingnan kung sino iyon.Pagbukas ko ng p

DMCA.com Protection Status