Leonora's POV
Isang buwan na ang lumipas simula noong mangyari ang mainit na gabing namagitan sa amin ni señorito Drack. Hindi ko man maalala ang gabing iyon, pero may kakaiba akong napapansin sa katawan ko nitong mga nakaraang linggo. Ipagsasawalang-bahala ko sana iyon nang biglang sabihin ni Nay Iska, “Tumaba ka yata, iha, at madalas kang natutulog.” “Buntis ka ba, iha?” tanong niya, na nagpatigil sa akin sa ginagawa kong paglilinis. Iniisip ko nga kung bakit hindi pa ako dinadatnan, sa pagkakaalam ko—regular naman ang regla ko. "Hindi ko rin po alam, Nay Iska," sabi ko sa kanya, natatakot ako baka totoo na ang sinasabi ni Nay Iska. Hindi pwede ito dahil nagsisimula pa lang akong mag-ipon para sa pagpapagamot kay Inay. "Who's pregnant?" tanong ni señorito Drack na kakababa lang ng kwarto niya. Sobrang gulat ako na nakatingin sa kanya. "N-nako, señorito, wala po, may na-chismis lang ako kay Nay Iska," kinakabahan at nauutal na sabi ko sa kanya. "Wala naman, iho. Kumain ka na, pupunta ka pa sa opisina, hindi ba?" sabi ni Nay Iska kay señorito Drack. Tumango naman ito sa kanya. "Leonora, can I ask, taga saan ka pala?"nagtatanong na tanong ni Sir Drack, habang kumakain ito. "Sa Mindanao po, Sir, sa Dipolog," sabi ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin. Nang matapos kumain si señorito, niligpit ko na ang pinagkainan niya. Tapos, hinugasan ko. Bigla ko namang naamoy ang pabango ni señorito Drack, kaya nagmamadali akong napunta sa CR para magsuka. "Are you okay, Leonora?" sabi ni Sir sa akin. Hindi ko napansin na sumunod pala siya sa akin sa banyo. Nang makalapit siya, tinakpan ko ang ilong ko para hindi maamoy ang masangsang na pabango niya. "Sir,sorry po sa sasabihin ko,pero ang baho po ng pabango ninyo," nahihiyang sabi ko rito, habang tinatakpan ang ilong ko. "What!" gulat niyang sabi,sabay amoy sa damit niya. "It smells good, Leonora. What are you talking about?" sabi niya sa akin. "Sorry po, Sir, ang baho talaga," sabi ko saka lumabas sa CR at pumunta sa kwarto ko."Hindi ako pwedeng mabuntis," bulong na sabi ko sa sarili ko. Nagulat naman ako nang makita ko si Sir Drack na sumunod pa sa akin. "So you're pregnant?" sabi niya sa akin. Nagtataka ako kong bakit mukha siyang nagalit dahil buntis ako. ”H-hindi ko pa po alam sir,” sabi ko sa kanya habang naka yuko. Hindi tumitingin ng diretso sa mga mata niya. "Who's the father? Yan ba yung naghatid sa'yo before?" malamig na sabi niya sa akin. "Hindi po siya ang ama, kung may bata man sa sinapupunan ko. Hindi siya ang ama, iba po," sabi ko sa kanya, na lalo pang ikinagalit niya. Umalis siyang bigla at malakas na sinarado ang pintuan ng kwarto. Habang nasa labas ako at nakatingin sa langit, bigla na lang may alaala na bumalik sa akin—ng gabing may nangyari sa amin ni Sir. Kaya namula ako nang maalala ang ginawa namin na iyon. "Grabe, nagkasya yun sa akin, kaya pala nilagnat ako nang hapon," sabi ko sa sarili, habang hinahawakan ang mukha ko at ramdam na ramdam ko ang pag-iinit nito. "Sino,iha? Umamin ka nga sa akin.Si Sir Drack ba ang nakabuntis sa'yo?"tanong ni Nay Iska sa akin. Nagulat ako bigla sa presensya niya at sa tanong na binitawan niya. Hindi ko alam kung sasagot ba ako o hindi sa tanong niya. Hindi nagtagal ay sinabi ko sa kanya na may nangyari sa amin ni señorito Drack, noong araw na hindi niya ako nakita. "Pero, Nay, nagmamakaawa ako, please huwag niyo pong sabihin sa kanya," sabi ko sabay hawak sa kamay niya. "O, siya, magpahinga ka na at sasamahan kita sa ospital bukas," sabi ni Nay Iska, kaya pumasok na ako sa loob para magpahinga. Kinaumagahan, umalis kami ni Nay Iska. Nagpaalam kami kay Sir Drack pero hindi namin sinabi na pupunta kami sa ospital. Habang nasa ospital,mag-isa lang ako sa loob habang si Nay Iska naman ay nasa labas at naghihintay. "Ano po ang nakita ninyo, Dok?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin sabay sabi ng "Congrats,Mommy, you're 4 weeks pregnant." Nagulat ako nang marinig iyon. Naluluha akong lumabas mula sa opisina ni Doktora. Tumayo naman si Nay Iska at nilapitan ako. "Anong balita, Leonora?" tanong niya sa akin. Mangiyak-ngiyak kong niyakap si Nay Iska. "Nay Iska, buntis daw po ako,"sabi ko. Ikinagulat niya rin ang sinabi ko, at napaupo naman ako sa upuan dahil sa sobrang panghihina na nararamdaman ko. "Anong gagawin ko ngayon?" umiiyak kong sabi. "Sabihan mo si señorito Drack, Leonora," sabi niya sa akin. Umiling ako, natatakot na baka ipalaglag niya ang bata. "Wag po, uuwi na lang siguro ako sa Mindanao, Nay Iska," sabi ko sa kanya. Hindi naman na siya tumutol pa. Nang makauwi kami, sakto namang nasa sofa si Sir Drack at nanonood ng TV. "Señorito, magpapaalam lang po sana ako. Babalik po ako sa Mindanao. May nangyari lang po sa Inay ko," pagsisinungaling ko pa. "What? Hindi ba kakarating mo pa lang dito?" sabi niya sa akin. Hindi naman ako makatingin nang diretso sa kanya dahil sa nalaman ko ngayon. "Opo, señorito," sabi ko. "Bukas po ng umaga ako aalis," sabi ko sa kanya. Naningkit ang mata nito nang sabihin ko iyon. "Is that so? Sige, pumasok ka sa opisina ko,so that I can give you your salary," sabi nito sa akin. Tumango naman ako sa kanya at pumunta na sa kwarto. Nang makapasok ako, nalulungkot ang ibang kasambahay dahil aalis na ako. Kumatok muna ako sa pintuan ng opisina ni Sir Drack. Sumagot naman siya sa akin na "pasok daw ako." Umupo naman ako sa upuan sa harap nito habang siya ay may binabasa na papeles. Tinitignan ko lang siya. ’Ang pogi naman ni Sir sa salamin na 'yan,’ sabi ko sa isipan ko. "Done checking me out?" sabi niya, kaya napabalik ako sa ulirat nang sabihin niya iyon sa akin. "N-nako, señorito, sorry po," nahihiyang sabi ko sa kanya. Binigyan niya naman ako ng bayad at lumabas na ako. ’Hindi man lang niya ako sinabihan ng safe flight,' sabi ko sa isipan ko. 'Hanggang sa muli nating pagkikita, señorito, kung may pag-asa pa tayong magkita,' sabi ko sa aking isipan. Nasa airport na ako, kinakabahan kung ano ang sasabihin ko kay Inay. "Sana ay hindi magalit si Inay," bulong ko sa sarili ko. Kinausap ko naman ang kapatid kong si Ana na uuwi ako, pero sinabi ko sa kanya na huwag muna niyang ipaalam kay Inay.Leonora’s POV “Alex, Ezra, mag-ingat kayo baka madapa!” saway ko sa mga anak kong tumatakbo sa labas ng bahay namin. Simple lang naman ang bahay na ito—sakto lang para sa isang pamilya. Kasama rin namin dito sina Inang at ang mga kapatid ko, na tumutulong sa pag-aalaga sa mga anak ko. “Ate, hinahanap ka ni Inay,” tawag sa akin ni Ana, kaya lumabas ako at tinawag ang dalawa para isama. “Alex, Ezra, dito muna kayo kay Tita Ana,” sabi ko. Tumango naman ang dalawa kaya pumasok na ako at pinuntahan si Inay. “Nay, ano po iyon?” tanong ko. “Punta ka kay Aling Marites, bumili ka ng pang-ulam natin mamaya,” utos niya, kaya pumunta na ako. Habang naglalakad, naririnig ko na naman ang mga bulong-bulungan ng mga tao sa paligid. Noong araw na umuwi ako mula Maynila, galit na galit si Inay nang malaman niyang buntis ako. Hindi ko na sinabi kung sino ang ama, dahil alam kong hindi niya matatanggap ang mga bata. “Aling Marites, pabili po ng isang gulay na sariwa, ha,” sabi ko sa kanya. Tumango
Leonora's POVMaaga ako nagising para ipagluto. Sina Alex at Ezra. Magsisimula na ang pasukan para sa mga-kinder, gusto ko sila makapag-aral man lang sa mamahalin na iskwelahan. Kaya na enroll ko sila sa-private school, habang ang kapatid ko naman ay nasa-college na at Nursing student.“Ana, maligo kana, mamaya mo na ako tulongan maaga klase mo hindi ba,” sabi ko sa kanya, tumango naman siya sa akin bago siya umalis at pumonta sa banyo. Habang ang mga bata naman ay tulog pa, mamaya ko na siguro gigisingin ang mga iyon.Habang naghahanda ako ng almusal, hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa mga pagbabago sa buhay ko. Dati, ang buhay ko ay puno ng takot at pangarap para sa pamilya ko. Ngayon, iniisip ko nalang ang kaligayahan at pagaaral nag anak ko. Ang mga anak kong, si Alex at Ezra, ay parang mga bagong simula sa buhay ko. Hindi ko sila palalagpasin ng walang magagandang oportunidad, kaya't mahpursige akong mapagtapos sila sa magandang eskwelahan.Tulad ng mga magulang ko noon, ang
Leonora's POVPagkatapos ng mahabang araw ng trabaho, medyo pagod na ako. Ang buong opisina ay tahimik, halos walang tao, at ang mga ilaw ng building ay nagsimula nang magdilim. Nang tapos na ang lahat ng mga gawain ko, bumangon ako mula sa aking mesa at nagsimulang mag-ayos ng mga gamit. Sobrang tahimik ng paligid na ang tanging tunog na naririnig ko ay ang mga yapak ko sa sahig at ang ingay ng air-conditioning na malayo.Habang inaayos ko ang mga papeles sa ibabaw ng aking mesa, bigla na lamang lumabas si Drack mula sa kanyang opisina. Halos hindi ko siya naramdaman na lumapit, pero naramdaman ko agad ang bigat ng kanyang presensya. Tiningnan niya ako, at sa kanyang mga mata, may mga alaala ng mga pagsubok na tinahak na.“Leonora,” simula niya, ang boses niya ay may halong pag-aalala at hindi ko maintindihang pagkabahala. “Gusto mo bang mag-dinner? Mag-isa ka na lang yata. Siguro, matagal ko nang gustong makipag-usap sa’yo.”Nagdalawang-isip ako. Hindi ko alam kung paano ko tatangga
Leonora's POVMadilim na ang gabi, at halos wala nang tao sa paligid. Tahimik sa loob ng bahay, pero ramdam ko ang bigat sa aking katawan. Simula pa lang ng umaga ay medyo masama na ang pakiramdam ko, pero inisip kong baka pagod lang ito sa trabaho. Ngayon, parang mas lalong bumigat ang ulo ko, at pakiramdam ko’y nilalagnat na ako.Sinilip ko ang kambal na natutulog sa kwarto nila. Mahimbing ang tulog nila, pero hindi ko maiwasang mag-alala. Wala akong ibang kasama sa bahay, kaya kahit masama ang pakiramdam ko, kailangan kong magpakatatag para sa kanila. Dumaan ako sa kusina at kumuha ng basang bimpo para ilagay sa noo ko, umaasang kahit papaano’y mababawasan ang init ng katawan ko.Habang nakahiga ako sa sofa, unti-unti akong nadala ng antok. Ngunit ang pahinga ko’y biglang naantala nang makarinig ako ng mahinang katok sa pinto.Sino kaya ang maaaring dumalaw ng ganitong oras? Kinabahan ako. Kinuha ko ang bimpo sa noo at pilit na bumangon para tingnan kung sino iyon.Pagbukas ko ng p
Leonora's POVKinabukasan, habang pinagmamasdan ko ang kambal na naglalaro sa sala, ramdam ko ang bigat ng mundo sa balikat ko. Paano ko sasabihin sa kanila na ang lalaking halos hindi nila kilala ay ang kanilang ama? Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Drack kagabi. Gusto niyang makilala ang kambal, pero paano? Paano ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat?"Moma, bakit po kayo nakatitig lang?" tanong ni Ezra, ang panganay kong anak, habang hawak ang kanyang paboritong laruan.Naputol ang iniisip ko at agad akong ngumiti. "Wala, anak. Iniisip ko lang kung ano ang gusto niyong kainin mamaya.""Spaghetti, Moma!" sigaw naman ni Ezra, ang kakambal ni Alex. Natawa ako. Kahit sa gitna ng lahat ng problema, ang saya nilang dalawa ang nagpapagaan sa puso ko.Habang abala ako sa pagluluto ng spaghetti, nakatanggap ako ng text mula kay Drack."Leonora, kailan ko sila makikilala? Hindi ko na kayang maghintay."Napabuntong-hininga ako. Masyado na bang mabilis ang lahat? Pero alam kong hindi
Leonora's POVAs usual maaga na naman akong nagising para ipagluto ang mga chikiting, nag-mamadali rin ako dahil may meeting daw kami. Sa pagkakaalam ko meron atang new manager ang ads department, isa lang talaga masasabi ko sa kanila sana all.“Moma, what's the breakfast po?” tanong sa akin ni Ezra, kakalabas lang nag-kwarto nila nang kambal niya. “Egg and Hotdog, baby, come eat kana,” sabi ko sa kanya, umupo naman siya.Sakto naman na lumabas rin ang isa pang-pogi sa buhay ko. “Goodmorning po, Moma,” sabi ni Alex sa akin, lumapit naman siya sa akin at niyakap ako. “Goodmorning too,” sagot ko, sabay siya hilikan sa noon.“Moma, sabi nang teacher punta ka raw sa school, may meeting daw,” sabi ni Alex sa akin. “Sama mo si Dada. Please Moma,” sabi ni Ezra sa akin, iniisip ko baka busy si Drack.“Sure, baby I'll ask your Dada, if hindi siya busy,” sabi ko nalang, ayaw ko lang na humindi sa kanila. “O time to eat, kain na kayo,” sabi ko sa kanila, tumango naman sila at nag-simula na kumai
Leonora's POVNasa sasakyan ako ni Drack ngayon, at ang laki talaga ng inis ko sa kanya. Paano ba naman kasi, inutusan niya ang guard na huwag akong palabasin sa building. Ang ending, hindi ko na naituloy ang lunch namin ni Lance. Ang effort ko pa naman mag-sorry kanina, tapos ganito lang? Kaya ngayon, deadma mode ako. Wala akong balak pansinin ang lalaking 'to.“Hey, Leonora, talk to me,” sabi niya, pero nagkunwari akong walang naririnig. Tumingin lang ako sa labas ng bintana. Bahala ka diyan. Hindi ako matitinag kahit boss pa kita.“Come on, Leonora, talk to me. I’m your boss, woman.” Ang tono niya ay parang inuutusan pa rin ako, kaya napalingon ako sa kanya at tinaasan ng kilay.“O? Tapos, anong connect non, boss?” Naiiritang sagot ko. Hindi ba siya naasiwa sa ginawa niya kanina?“What’s your problem ba?” tanong niya, at ramdam ko ang tensyon sa boses niya, parang malapit na rin siyang magalit. May gana pa siyang mainis, e siya naman ang may kasalanan!“Paki mo,” sagot ko nang wala
Leonora’s POV“Moma, you know their is a guy outside in our room yesterday, he is wearing a black suit po,” sabi ni Ezra sa akin, kaya napatingin ako sa kanya. Puno ng pagtataka ako nakatingin lang sa kanya, I wonder who’s that guy.“Lumapit ba sa inyo?” I ask, Ezra just nodded at what I just said. God I don’t know kung sino man iyon. “Sinaktan ba kayo?” tanong ko, sa kanya.“No, Moma there good naman,” sabi ni Alex sa akin, kaya na kampanti ako na okay lang. Bigla naman tumunog ang cellphone ko, pagtungin ko si Drack pala kaya sinagot ko nalang.“Hello, Drack ano iyon?” tanong ko pagkasagot ko sa tawag niya sa akin. “I just want to say that, binigyan ko ng body guard ang mga bata. Para narin walang mangyari sa kanila,” sabi niya, kaya pala may mga lalaki naka itim sa labas.Napangiti nalang ako, he cares for the kids. “Ganon ba, sige, thank you Drack,” mahinang sabi ko, habang hindi parin mapigilang ngumiti. Tama ang ng ang naging desistion ko, ang ipakilala ang mga bata sa kanya.“I
Leonora’s POV Pagkatapos ng isang buong araw ng gawaing bahay, errands, at online parent-teacher conference, ramdam ko na ang pagod sa katawan ko. Pero sa halip na umupo lang sa sofa, naisip kong maghanda ng maliit na sorpresa kay Drack. Alam kong pagod din siya. Ilang araw na rin siyang late umuwi, at kahit nagpapalitan kami ng mga mensahe, iba pa rin ‘yung personal mong maramdaman na may nag-aalala at nagmamalasakit sa’yo. Nag-set up ako ng simpleng dinner sa balcony—isang maliit na mesa, ilang kandila, at ang paborito niyang adobo na may twist: nilagyan ko ng pineapple bits, just how he likes it. Simple lang, pero alam kong matutuwa siya. Dumating siya bandang 7:30 ng gabi. Mukha siyang pagod, pero nang makita niya ang set-up sa balcony, napangiti siya agad. “Wow,” bulong niya habang inaalis ang coat niya. “Special occasion ba?” “Wala lang. Gusto lang kitang pakainin bago ka pa tuluyang kainin ng stress,” biro ko. Umupo siya sa tapat ko at hinawakan ang kamay ko. “This m
Leonora's POVKinabukasan, muling bumalik sa routine ang lahat. Maaga pa lang, gumising na ako para ihanda ang breakfast ng pamilya. Ang liwanag ng umaga ay dahan-dahang pumapasok sa mga bintana ng kusina, at habang inihahanda ko ang kape ni Drack, napaisip ako: paano nga ba pinagsasabay ang dalawang mundo na tila magkaibang-magkaiba?Sa isang banda, nandito ako sa bahay—nakatuon sa bawat kailangang ayusin, bantayan, asikasuhin. Sa kabilang banda naman si Drack, lumalaban sa corporate battlefield, laging may kasamang pressure, laging may kailangang patunayan. Pero sa kabila ng lahat, pinipilit naming hanapin ang gitna, ang balanse.“Mama, can I bring my drawing to school today?” tanong ni Alex habang nilalagyan niya ng crayons ang kanyang art project.“Of course, anak. Pero lagyan natin ng folder para hindi siya madumihan,” sagot ko habang nilalagay ang sinangag sa plato.Ezra appeared next, his hair messy and his eyes still half-closed. “Mom, where’s my blue notebook? The one with th
Leonora’s POVPagkatapos ng ilang linggong pahinga, hindi na ako sanay sa normal na agos ng buhay. Si Drack, kahit papaano, agad na bumalik sa opisina, bilang CEO ng kumpanya niya. Hindi ko siya masisisi—he was always driven by his work, and I admired him for that. Pero ang pagkakaroon ng sarili kong oras na mag-isa sa bahay, nahirapan akong mag-adjust. Hindi ko alam kung saan ko ilalaan ang oras ko.Nagising ako ng maaga, tulad ng dati. Tumungo ako sa kusina at nagsimula maghanda ng almusal para kay Drack at sa mga bata. Si Ezra at Alex ay medyo tulog pa, kaya’t nagkaroon ako ng ilang minuto upang magmuni-muni.Habang nag-iisa sa kusina, naiisip ko kung paano ko i-balance ang pagiging isang ina at asawa, pati na rin ang pagtulong kay Drack sa pamamahala ng bahay. Magkakaibang mundo ang ginagalawan namin—siya, taas-noo sa kanyang mga business dealings, at ako, nakatutok sa pag-aalaga sa mga anak namin.“Mom, I need help with my math!” si Ezra ang unang bumangon at tumakbo patungo sa k
Leonora’s POVHuling araw na namin sa Hawaii, at kahit ako’y masaya na makakabalik sa mga anak namin, hindi ko maiwasang malungkot. May kakaibang pakiramdam ang pagkakaroon ng ilang linggong ganito—tahimik, puno ng pagmamahal, at walang iniintindi kundi ang isa’t isa.Habang inaayos ni Drack ang mga gamit, ako’y nakatayo sa veranda, tinitingnan ang huling pagkakataon na makapag-relax sa gilid ng dagat. Ang alon na dumarating sa buhangin ay tila nagsasabi ng paalam, na parang sinasabing ‘salamat’ at ‘hanggang sa muli.’Drack walked up behind me and wrapped his arms around my waist. “Gonna miss this place.”I nodded, leaning back into his chest. “Me too. It’s like time slowed down here.”“Pero may mga bagay na mas mahalaga sa atin, Leonora,” he whispered, planting a soft kiss on my hair. “Family. Home.”I smiled softly, turning around in his arms to face him. “Yeah. I’m ready to go home… but I’ll miss this. Us, alone, without anything else to worry about.”“We’ll make time for us, alway
Leonora’s POV“Drack, tama naaaa!” tawa ko habang pilit kong tinatakpan ang mukha ko sa halik niyang sunod-sunod na parang batang adik sa lambing.“Nagugutom na ako,” reklamo niya, pero halatang hindi pagkain ang nasa isip niya. Naka-boxers lang siya habang buhat-buhat ako mula sa kama papunta sa kusina ng villa. “But first, kisses.”“Hala ka, sinasagad mo honeymoon natin ha.”“Of course! We earned this, Leonora. After everything, don’t you think we deserve a thousand mornings like this?”Napangiti ako. Oo, tama siya. Sa dami ng pinagdaanan namin—lahat ng sakit, sakripisyo, at panganib—ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kasimple pero punong-punong ligaya.“Fine,” bumuntong-hininga ako, kunwaring seryoso. “Pero ikaw ang magluluto.”Natawa siya, sabay baba sa akin sa counter. “Challenge accepted.”I watched him move around the kitchen—shirtless, messy hair, humming an old jazz tune habang binubuksan ang mga cabinet. Ang lakas ng dating ng lalaking ‘to kahit nagluluto lang ng scrambl
Leonora's POVMainit ang hininga ko habang pinagmamasdan si Drack sa may veranda ng villa. Nakatayo siya roon, shirtless, habang ang mga patak ng tubig mula sa buhok niya'y dahan-dahang gumagapang pababa sa kanyang dibdib. Damn. Araw-araw ko siyang nakikita, pero ngayon lang ako nawalan ng ganitong kontrol.Hawak niya ang dalawang baso ng malamig na wine at habang papalapit siya, hindi ko mapigilang mapansin kung gaano kaganda ang katawan niya sa ilalim ng buwan. “For you, my queen,” he whispered, handing me the glass.“Thank you, my king,” tugon ko habang hinahaplos ang likod ng kamay niya.Tahimik kami habang umuupo sa lounge chair, ang hangin sa tabing-dagat ay banayad at maalinsangan, pero mas mainit ang titig niya sa akin. His eyes—those deep, glowing eyes—were undressing me slowly. At hindi ako tumutol.“Do you know how dangerous you look right now?” tanong niya, pabulong pero puno ng pagnanasa.Napatawa ako ng mahina. “Mas delikado ka.”Tumayo siya at lumuhod sa harapan ko, dah
Leonora’s POVMabilis ang takbo ng oras. Parang kailan lang, kami ni Drack ay nag-uusap pa tungkol sa aming kasal, at ngayon, narito kami, ilang araw na lang ang natitira bago ang pinakamahalagang araw ng aming buhay—ang aming kasal. Ang lahat ng paghahanda ay natapos na, at ang mga detalye ng aming kasal ay nagsimula nang magbukas sa mata ng mga tao. Kasama ang aming pamilya at mga kaibigan, hindi ko maikakaila na ang araw ng aming kasal ay magiging isang napakagandang kaganapan sa aming buhay.Habang binabaybay ko ang mga huling hakbang ng paghahanda, napansin ko ang mga batang sina Ezra at Alex na abala sa pagtulong sa mga simpleng gawain. Nandiyan sila, kasing saya at kasing excited ng kanilang mga magulang. Ang mga mata nila ay puno ng kagalakan, at tuwang-tuwa silang makikita kaming magkasama, nagbabalak ng isang magandang bukas.“Ate, are we going to wear nice clothes on the wedding day?” tanong ni Ezra, ang kanyang mga mata ay kumikislap ng excitement habang hinawakan ang mga
Leonora’s POVNgayong araw, ang lahat ng mga detalye para sa aming pre-wedding pictorial ay naayos na. Hindi ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko habang papunta kami sa lugar kung saan gagawin ang shoot. Isang malaking garden na may mga eleganteng tanawin, at bawat sulok ay may tema na magpapakita ng aming pagmamahalan. Ipinagkatiwala ito kay Inang, kaya’t alam kong magiging perpekto ito.Habang papalapit kami sa lugar, hindi ko maiwasang mag-isip kung gaano kalaki ang magiging epekto nito sa aming buhay. Sa kabila ng lahat ng mga pagsubok, makakaya namin. Iniisip ko, ito na ba ang simula ng lahat ng plano at pangarap na binuo namin ni Drack?Pagdating namin sa set, agad kaming sinalubong ng mga stylist at photographer. Lahat ng bagay ay maayos na nakaayos at ang ambiance ay puno ng elegance. Napansin ko agad ang mga props at ang magandang set na tumpak na magrerepresenta ng aming kwento. Ang bawat anggulo ay sinadyang pag-isipan, at ito ang pagkakataon naming ipakita sa mundo
Leonora’s POVIt’s almost 3 day simula ng mangyari iyon kay Drack, okay naman na siya ngayon. Nagibi narin sila ng hideout nila dahil nalaman na ng Mr. Louies Tan na iyon. “Drack, pumasok na kayo dito,” pagtawag ko sa mag-ama ko.Nandito kami ngayon sa bahay ni papa, bumili pala sila ng bagong bahay kung saan katabi lang ng bahay ni Drack para daw kasama niya ako kahit na ikakasal na ako kay Drack. “Coming baby, come on boys let’s eat baka magalit pa ang moma ninyo kong matagalan tayo,” narinig kong sabi ni Drack sa mga bata.“Narinig ko iyon Drack,” sabi ko habang nakapamiwang pa na nakataas ang isang kilay, tumawa lang ang gago dahil sa sinabi ko. Habang ang kambal naman ay bumongis-ngis dahil sa reaction ko sa sinabi ng ama nila.“Anak, maysasabihin pala sayo ang papa mo,” sabi ni Inang sa akin ng makalapit sa kinatatayoan ko.“Ano po iyon Inang?” tanong ko nalang.Sakto naman at pababa si papa sa hagdan kaya tinawag ni Inang ito, ng makababa siya hinalikan niya muna si inang sa n