Leonora’s POV
Gabi na, at narito ako sa labas ng hardin, nakatingin sa langit. Iniisip ko kung ano na ang nangyari sa kanila. Okay lang ba sila ngayon? 'Makakaahon din tayo sa kahirapan, Inay,' bulong ko habang nakatitig sa mga bituin sa langit. "Lord, gabayan Mo sana ako," sabi ko. Ipinangako ko sa sarili ko na pagkatapos ng mga problema namin, ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko. "Are you not cold, Leonora?" sabi ng isang boses mula sa likuran ko. Paglingon ko, si Sir Drack pala iyon, may hawak na baso ng alak. "Magandang gabi po, Sir," sagot ko, kahit na medyo kinakabahan sa presensya niya. Umiwas ako ng tingin at bahagyang dumistansya para hindi ko maamoy ang pabango niya. “Hindi naman po, Sir,” dagdag ko. Tumango lang siya, at katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Dahil sa awkward na sitwasyon, naisipan ko na lang pumasok sa loob. Habang nakahiga na ako sa kama, biglang tumawag si Ana, ang kapatid ko. "O, Ana, bakit napa-tawag ka? Gabi na," tanong ko sa kanya. Umiiyak niyang sinabi, "Ate, nasa ospital si Junjun." “Anong nangyari, Ana?” natataranta kong tanong sa kanya. “May dengue si Junjun, Ate. Kailangan natin ng pera pambayad sa ospital at pambili ng gamot,” umiiyak niyang sagot. “Sige, bukas na bukas magpapadala si Ate. Okay? Huwag ka nang umiyak. Si Inang, nasaan?” tanong ko ulit sa kanya. “Nasa ospital po kami ngayon, Ate. Si Nanay nakatulog habang binabantayan si Junjun,” sagot niya sa akin. Matapos ang usapan namin, lumabas ako ulit,nagbabasa,kaling na sa labas pa si Sir. Kukunin ko muna ng advance ang sahod ko sa buwan na ito para may maipadala sa kanila. Sakto naman at nakasalubong ko si Sir, paakyat na sana siya. “Ah, Sir, pwede ko po ba kayong makausap?” sabi ko sa kanya. Tumango lang ito sa akin at sininyasan akong sumunod sa kanya. “Sir, gusto ko po sanang mag-advance sa sweldo ko. Na-ospital po kasi yung kapatid ko na lalaki,” sabi ko sa kanya, bakas sa boses ang kalungkutan. “Sige,” sabi niya sa akin at kumuha ng pera sa wallet niya. “Here, tulong ko na lang sa kapatid mo,” sabi niya sa akin. Subrang rami ng pera na ito kaya nagulat ako at napa-tingin sa kanya. “Nako, Sir, okay lang po sakin ang sahod ko,” sabi ko. Isasauli ko sana ang pera pero binabalik niya ito sa akin. “Just take it, Leonora,” kalmadong sabi niya sa akin, kaya labis akong nagpapasalamat sa kanya. “Salamat talaga, Sir,” sabi ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin. Lumabas naman ako at tinawagan ang kapatid ko. “Ana, magpapadala ako bukas,” sabi ko sa kanya. Nag-okay naman siya sa akin. Binaba ko naman ang tawag at bumalik sa kwarto para matulog. Kinabukasan ay maaga na akong nagising para makapag-luto ako ng maaga. “O iha, ang aga mo ata ngayon,” sabi sa akin ni Nay Iska, habang kasalukuyang umiinom ng kape. “Napa-aga lang, Nay. May alalayan din kasi ako mamaya,” sabi ko sa kanya, tiyaka ako nagpunta sa kusina para magluto. Ilang oras ay natapos ako sa pagluluto, tinulungan naman ako ni Manang Lora sa paghain. “Salamat po,” sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at umalis. Maghapon na ng maisipan kung umalis para magpadala ng pera sa kanila. “Ana, nasa padalahan na ako ng pera,” sabi ko sa kapatid ko. “Okay po, Ate. Magpapasama nalang ako kay Tiyu,” sabi niya sa akin. Nag-antay lang ako ng ilang oras bago matapos ako. Kaya nag-message ako kay Ana na naipadala ko na. Habang papaalis ako, may bigla akong nabungguan na lalaki. Pagtingin ko, nagulat ako dahil sa sobrang kagwapuhan nito. “Miss, are you okay? Nasaktan ka ba?” sabi niya sa akin. Halata sa boses niya na may ibang lahi siya. “Miss, yohoo!” sabi niya habang kinakaway ang kamay niya sa harap ko. Natauhan lang akong nang pinigilan niya ang ilong ko. “A-ahh, opo, okay lang ako,” nahihiyang sabi ko sa kanya. Napa-tawa naman siya dahil sa naging reaksyon ko. “Bakit ka tumatawa?” nakasimangot na sabi ko sa kanya. “Nothing, you just remind me of my little sister,” sabi niya sa akin. “By the way, I’m Lance Ivan. But you can call me Lance,” sabi niya sa akin sabay lahad ng kamay niya. “Ako nga pala si Leonora. Nice meeting you po,” sagot ko, sabay abot sa kamay niya. ‘Ang lambot naman ng kamay nito,’ sabi ko sa isipan ko. Nag-sorry naman siya sa akin, pero sinabi ko na okay lang iyon. Kaya dahil na guilty siya, inalok niya ako na ihahatid na lang ako sa bahay ni Sir Drack. “Salamat, Lance,” sabi ko at bumaba sa sasakyan niya. Nang makapasok ako, nagulat ako ng makita si Sir Drack. Madilim ang mukha at nakatingin sa akin. “Who was that?” tanong niya sa akin, sabay ininom ang alak na hawak niya. “Ah, Sir, si Lance po. Bagong kakilala ko. Hinatid lang ako saglit,” sabi ko sa kanya. “Next time, huwag kang magpapahatid sa hindi mo masyadong kilala. Do you understand!” galit na sabi niya sa akin. Kaya napa-tango na lang ako dahil sa takot. Umakyat naman siya, samantalang naiwan ako sa may hagdan banda, nakatulala. “Sorry po, Sir,” mahina na sabi ko, kahit na wala na siya sa harapan ko. Tumunog naman bigla ang cellphone ko kaya sinagot ko na lang. “Ate, salamat po,” sabi ng kapatid kong si Junjun. Napaluha ako nang marinig ang nanghihinang boses niya. “Kamusta ka? Okay ka lang ba?” tanong ko habang pinipigilan ang mapaluha. Alam kong sa oras na umiyak ako, iiyak din sila. “Okay na ako, Ate. Malakas na ako,” sagot niya sa akin sabay tawa nang mahina. “O, magpakabait ka, ha,” sabi ko. “Oo, ate,” sabi niya sa akin. Papasok na ako sa kwarto para matulog muna saglit. Pagod akong napadapa sa kama. Hindi nagtagal, nakatulog ako. “Iha, gising,” sabi ng tao na tumatapik sa pisngi ko, kaya nagising ako mula sa tulog. “Nay, kayo po pala. Pasensya na po, hindi ko kayo natulungan sa mga gawain,” sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at sinabing okay lang.Leonora's POV Isang buwan na ang lumipas simula noong mangyari ang mainit na gabing namagitan sa amin ni señorito Drack. Hindi ko man maalala ang gabing iyon, pero may kakaiba akong napapansin sa katawan ko nitong mga nakaraang linggo. Ipagsasawalang-bahala ko sana iyon nang biglang sabihin ni Nay Iska, “Tumaba ka yata, iha, at madalas kang natutulog.” “Buntis ka ba, iha?” tanong niya, na nagpatigil sa akin sa ginagawa kong paglilinis. Iniisip ko nga kung bakit hindi pa ako dinadatnan, sa pagkakaalam ko—regular naman ang regla ko. "Hindi ko rin po alam, Nay Iska," sabi ko sa kanya, natatakot ako baka totoo na ang sinasabi ni Nay Iska. Hindi pwede ito dahil nagsisimula pa lang akong mag-ipon para sa pagpapagamot kay Inay. "Who's pregnant?" tanong ni señorito Drack na kakababa lang ng kwarto niya. Sobrang gulat ako na nakatingin sa kanya. "N-nako, señorito, wala po, may na-chismis lang ako kay Nay Iska," kinakabahan at nauutal na sabi ko sa kanya. "Wala naman, iho. Kumain ka na,
Leonora’s POV “Alex, Ezra, mag-ingat kayo baka madapa!” saway ko sa mga anak kong tumatakbo sa labas ng bahay namin. Simple lang naman ang bahay na ito—sakto lang para sa isang pamilya. Kasama rin namin dito sina Inang at ang mga kapatid ko, na tumutulong sa pag-aalaga sa mga anak ko. “Ate, hinahanap ka ni Inay,” tawag sa akin ni Ana, kaya lumabas ako at tinawag ang dalawa para isama. “Alex, Ezra, dito muna kayo kay Tita Ana,” sabi ko. Tumango naman ang dalawa kaya pumasok na ako at pinuntahan si Inay. “Nay, ano po iyon?” tanong ko. “Punta ka kay Aling Marites, bumili ka ng pang-ulam natin mamaya,” utos niya, kaya pumunta na ako. Habang naglalakad, naririnig ko na naman ang mga bulong-bulungan ng mga tao sa paligid. Noong araw na umuwi ako mula Maynila, galit na galit si Inay nang malaman niyang buntis ako. Hindi ko na sinabi kung sino ang ama, dahil alam kong hindi niya matatanggap ang mga bata. “Aling Marites, pabili po ng isang gulay na sariwa, ha,” sabi ko sa kanya. Tumango
Leonora's POVMaaga ako nagising para ipagluto. Sina Alex at Ezra. Magsisimula na ang pasukan para sa mga-kinder, gusto ko sila makapag-aral man lang sa mamahalin na iskwelahan. Kaya na enroll ko sila sa-private school, habang ang kapatid ko naman ay nasa-college na at Nursing student.“Ana, maligo kana, mamaya mo na ako tulongan maaga klase mo hindi ba,” sabi ko sa kanya, tumango naman siya sa akin bago siya umalis at pumonta sa banyo. Habang ang mga bata naman ay tulog pa, mamaya ko na siguro gigisingin ang mga iyon.Habang naghahanda ako ng almusal, hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa mga pagbabago sa buhay ko. Dati, ang buhay ko ay puno ng takot at pangarap para sa pamilya ko. Ngayon, iniisip ko nalang ang kaligayahan at pagaaral nag anak ko. Ang mga anak kong, si Alex at Ezra, ay parang mga bagong simula sa buhay ko. Hindi ko sila palalagpasin ng walang magagandang oportunidad, kaya't mahpursige akong mapagtapos sila sa magandang eskwelahan.Tulad ng mga magulang ko noon, ang
Leonora's POVPagkatapos ng mahabang araw ng trabaho, medyo pagod na ako. Ang buong opisina ay tahimik, halos walang tao, at ang mga ilaw ng building ay nagsimula nang magdilim. Nang tapos na ang lahat ng mga gawain ko, bumangon ako mula sa aking mesa at nagsimulang mag-ayos ng mga gamit. Sobrang tahimik ng paligid na ang tanging tunog na naririnig ko ay ang mga yapak ko sa sahig at ang ingay ng air-conditioning na malayo.Habang inaayos ko ang mga papeles sa ibabaw ng aking mesa, bigla na lamang lumabas si Drack mula sa kanyang opisina. Halos hindi ko siya naramdaman na lumapit, pero naramdaman ko agad ang bigat ng kanyang presensya. Tiningnan niya ako, at sa kanyang mga mata, may mga alaala ng mga pagsubok na tinahak na.“Leonora,” simula niya, ang boses niya ay may halong pag-aalala at hindi ko maintindihang pagkabahala. “Gusto mo bang mag-dinner? Mag-isa ka na lang yata. Siguro, matagal ko nang gustong makipag-usap sa’yo.”Nagdalawang-isip ako. Hindi ko alam kung paano ko tatangga
Leonora's POVMadilim na ang gabi, at halos wala nang tao sa paligid. Tahimik sa loob ng bahay, pero ramdam ko ang bigat sa aking katawan. Simula pa lang ng umaga ay medyo masama na ang pakiramdam ko, pero inisip kong baka pagod lang ito sa trabaho. Ngayon, parang mas lalong bumigat ang ulo ko, at pakiramdam ko’y nilalagnat na ako.Sinilip ko ang kambal na natutulog sa kwarto nila. Mahimbing ang tulog nila, pero hindi ko maiwasang mag-alala. Wala akong ibang kasama sa bahay, kaya kahit masama ang pakiramdam ko, kailangan kong magpakatatag para sa kanila. Dumaan ako sa kusina at kumuha ng basang bimpo para ilagay sa noo ko, umaasang kahit papaano’y mababawasan ang init ng katawan ko.Habang nakahiga ako sa sofa, unti-unti akong nadala ng antok. Ngunit ang pahinga ko’y biglang naantala nang makarinig ako ng mahinang katok sa pinto.Sino kaya ang maaaring dumalaw ng ganitong oras? Kinabahan ako. Kinuha ko ang bimpo sa noo at pilit na bumangon para tingnan kung sino iyon.Pagbukas ko ng p
Leonora's POVKinabukasan, habang pinagmamasdan ko ang kambal na naglalaro sa sala, ramdam ko ang bigat ng mundo sa balikat ko. Paano ko sasabihin sa kanila na ang lalaking halos hindi nila kilala ay ang kanilang ama? Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Drack kagabi. Gusto niyang makilala ang kambal, pero paano? Paano ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat?"Moma, bakit po kayo nakatitig lang?" tanong ni Ezra, ang panganay kong anak, habang hawak ang kanyang paboritong laruan.Naputol ang iniisip ko at agad akong ngumiti. "Wala, anak. Iniisip ko lang kung ano ang gusto niyong kainin mamaya.""Spaghetti, Moma!" sigaw naman ni Ezra, ang kakambal ni Alex. Natawa ako. Kahit sa gitna ng lahat ng problema, ang saya nilang dalawa ang nagpapagaan sa puso ko.Habang abala ako sa pagluluto ng spaghetti, nakatanggap ako ng text mula kay Drack."Leonora, kailan ko sila makikilala? Hindi ko na kayang maghintay."Napabuntong-hininga ako. Masyado na bang mabilis ang lahat? Pero alam kong hindi
Leonora's POVAs usual maaga na naman akong nagising para ipagluto ang mga chikiting, nag-mamadali rin ako dahil may meeting daw kami. Sa pagkakaalam ko meron atang new manager ang ads department, isa lang talaga masasabi ko sa kanila sana all.“Moma, what's the breakfast po?” tanong sa akin ni Ezra, kakalabas lang nag-kwarto nila nang kambal niya. “Egg and Hotdog, baby, come eat kana,” sabi ko sa kanya, umupo naman siya.Sakto naman na lumabas rin ang isa pang-pogi sa buhay ko. “Goodmorning po, Moma,” sabi ni Alex sa akin, lumapit naman siya sa akin at niyakap ako. “Goodmorning too,” sagot ko, sabay siya hilikan sa noon.“Moma, sabi nang teacher punta ka raw sa school, may meeting daw,” sabi ni Alex sa akin. “Sama mo si Dada. Please Moma,” sabi ni Ezra sa akin, iniisip ko baka busy si Drack.“Sure, baby I'll ask your Dada, if hindi siya busy,” sabi ko nalang, ayaw ko lang na humindi sa kanila. “O time to eat, kain na kayo,” sabi ko sa kanila, tumango naman sila at nag-simula na kumai
Leonora's POVNasa sasakyan ako ni Drack ngayon, at ang laki talaga ng inis ko sa kanya. Paano ba naman kasi, inutusan niya ang guard na huwag akong palabasin sa building. Ang ending, hindi ko na naituloy ang lunch namin ni Lance. Ang effort ko pa naman mag-sorry kanina, tapos ganito lang? Kaya ngayon, deadma mode ako. Wala akong balak pansinin ang lalaking 'to.“Hey, Leonora, talk to me,” sabi niya, pero nagkunwari akong walang naririnig. Tumingin lang ako sa labas ng bintana. Bahala ka diyan. Hindi ako matitinag kahit boss pa kita.“Come on, Leonora, talk to me. I’m your boss, woman.” Ang tono niya ay parang inuutusan pa rin ako, kaya napalingon ako sa kanya at tinaasan ng kilay.“O? Tapos, anong connect non, boss?” Naiiritang sagot ko. Hindi ba siya naasiwa sa ginawa niya kanina?“What’s your problem ba?” tanong niya, at ramdam ko ang tensyon sa boses niya, parang malapit na rin siyang magalit. May gana pa siyang mainis, e siya naman ang may kasalanan!“Paki mo,” sagot ko nang wala
Leonora’s PovKinabukasan, maaga akong nagising upang tumulong kay Inang sa mga gawain dito sa bahay. Samantalang si Drack at ang mga bata ay natutulog pa. Maaga pa rin naman para gumising sila, pero ako ay nasanay na sa ganitong oras.“O, anak, maayong buntag,” bati sa akin ni Inang. Ngumiti lang ako at lumapit sa kanya para yakapin siya. Namiss ko lang siguro si Inang kaya naglalambing ako sa kanya. “Nako, ang unika iha ko naglalambing sa akin,” pabiro niyang sabi sa akin.“Inang naman eh, hindi ba pwedeng namiss ko lang po kayo?” sabi ko habang hindi inaalis ang yakap ko sa beywang niya.“Ay, anak, pwede ba akong makahiram sa’yo? Naniningil na naman si Leandro, eh. Tinaasan na naman ang tubo dito sa lupa,” sabi niya sa akin, kaya biglang sumama ang itsura ng mukha ko.Siyempre, ilang taon na kaming nakatira dito sa lupa nila, at ngayon pa talaga sila nagtaas ng upa. “Magkano raw, Inang? Adik talaga yang si Leandro, ngayon pa talaga!” sabi ko kay Inang.“Tataasan niya daw ng 6k,” sa
Leonora’s POV“Drack, sorry pala sa ginawa ni tatang kanina sayo,” sabi ko sa kanya, habang bakas sa mukha ko ang pag-aalala. Napatingin naman siya sa akin, at ngumiti sa akin.“It’s okay, hindi naman ako nasaktan. Hindi ko naman alam naghahabol pala ang dad mo,” sabi niya sa akin. “Hindi ko siya tatay Drack,” sabi ko nalang sa kanya, umalis nalang ako at pinuntahan ang kambal.“Wai–,” sabi ni Drack, pero hindi ko na narinig ang lahat dahil naka pasok na ako sa loob ng bahay. May Kumatok naman sa pintuan, pagtingin ko sa pintuan si Joseph pala.Lumapit naman siya sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Napangiti nalang ako, kababata ko itong si Joseph anak ni tatang at Aling Lian.“Paparts, umuwi kana pala hindi ka man lang nag-pasabi nasundo ka sana namin,” sabi niya sa akin ng makahiwalay siya sa pag-yakap sa akin.“Ahh, Joseph maykasama kasi kami,” sabi ko, napapansin ko narin kasi ang pagdidilim ng itsura ni Drack. Tumabi naman si Drack sa akin sabay sabing.“I'm Leonora’s h
Leonora’s POV“Inang, may ipapakilala po ako sa inyo,” sabi ko rito, nagugulahan naman siya pero ng makita niya si Drack na nasa likod ko.“Sino siya Leonora?” tanong niya sa akin, napakamot naman ako sa ulo ko hindi ko alam ang sasabihin kay inang lalo na at ang seryoso ng mukha niya ngayon. “Good morning Ma’am, I’m Drack Mozen Asher,” pagkasabi ni Drack doon, halata sa mukha ni inang ang gulat.“A-asher?” nauutal niyang sabi sa apilyido ni Drack. “Yes, ma’am,” nakangiti naman na sabi ni Drack sa inang ko. Himala ngumiti siya ang pogi niya pala pag-naka ngiti, hindi halatang masungit itong isa na ito.“Ka-ano-ano mo si Cassandra Asher?” tanong ni Inang kay Drack, nagulat naman si Drack sa sinabi ni Inang. Pero ang mas nagulat ay ako, biruin mo alam ni Inang ang pangalan ni Tita Cass. “She’s my Mom, bakit niyo po pala kilala ang mom ko?” tanong niya kay Inang matapos niya sabihin iyon. “Ang liit lang pala ng mundo, kaybigan kaba ni Leonora Iho?” sabi niya kay Drack.Tinignan ko naman
Leonora’s POV Puno pa rin ng tensyon ang mga sandali matapos ko masabi kay Drack na hindi pa alam ni Mama na siya ang ama ng mga anak ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang pakiramdam ko—parang may malaking bato na nasa dibdib ko. Habang lumalapit kami sa mga upuan ng mall, hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim tungkol sa lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Drack. “Are you sure about that, Leonora?” tanong ni Drack, sabay hawak sa aking braso upang pigilan akong maglakad nang mabilis. Wala akong magawa kundi tumigil at tingnan siya. Ang mga mata ni Drack, parang may pagnanais na malaman ang lahat, pero hindi ko pa kayang sabihin ang buong kwento. Hindi pa. “Wala kang dapat ipag-alala, Drack. Hindi naman siya masyadong masungit, mabait naman ang inang kaya okay lang,,” sagot ko sa kanya, tinatago ang kaba sa bawat salitang binibigkas ko. “It’s better if your mom knows, maybe we can go on a trip to your place,” sagot niya, wala akong nagawa kong hindi tumango sa sinabi niya. Ti
Leonora's POV Pauwi na kami sa bahay namin, nag stay lang kami kila tita nang ilang araw. “Bye po, grand-grand and dadilo,” pagpapaalam nila Ezra at Alex sa magulang ni Drack.Kumaway nalang ako sa kanila bago ako pumasok sa loob ng sasakyan. “Are you ok?” tanong ni Drack sa akin, pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng sasakyan. “Yeah,” malumanay kong sabi sa kanya, ewan ko ba ang gulo ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makatingin ng maayos kay Drack.Habang ilalagay ko muna ang seatbelt, nahihirapan akong ipasok iyon. Kaya lumapit si Drack sa akin, para tulongan ako. Subrang kabog ng dibdib ko, dahil sa subrang lapit ng mukha ni Drack sa akin.“Done, checking me out,” sabi ni Drack bigla, habang naka smirk sa akin. “H-hindi n-nuh,” nauutal kong sagot kay Drack, nakakahiya nahuli niya talaga.“Moma, let's buy po toy,” sabi sa akin ni Ezra, napatingin naman ako sa kanya. “Nako anak, walang money si moma today eh,” malambing kong sabi sa kanya.Nag-pout naman siya dahil sa sinabi ko
Leonora's POVPagkatapos ng hapunan, inalok ako ni Tita Cassandra na maglakad-lakad sa kanilang napakalawak na hardin. Mahinahon ang kanyang aura, at kahit sobrang elegante ng dating niya, napakadali niyang lapitan. Sumama ako sa kanya kahit may kaunting kaba. Pakiramdam ko’y may gusto siyang itanong o sabihin sa akin."Leonora," bungad niya habang dahan-dahan naming nilalakad ang sementadong pathway na napapalibutan ng mga halaman at fountain. "Napakaganda ng mga anak mo. Lalo na’t magalang sila at matalino."“Maraming salamat po, Tita,” mahina kong sagot, habang pinipilit kong maging kalmado.Ngumiti siya nang malumanay at tumingin sa akin. “At talagang close din sila kay Drack. Mukhang mahal na mahal niya ang mga bata.”Napatingin ako kay Tita Cassandra, pero hindi ko alam kung paano sasagutin iyon. Totoo naman, sobrang maalaga si Drack kina Ezra at Alex, pero hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit ganoon siya ka-attach sa kanila.“Tita, mabait po talaga si Drack sa kanila,” sagot
Leonoras's POVPapasok na kami sa malaking gate, mashado akong na lulula dahil sa subrang laki talaga. “Gate niyo ba talaga itoi?” tanong ko kay Drack, nakangiti naman siyang naka tingin sa akin and nodded.“Wow, Dad your gate is so big, I bet malaki rin ang house nila grand-grand,” sabi ni Ezra sa ama niya, hindi mapagkakaila na magtatay sila hawig na hawig. Masnalula ako ng makita ko mismo ang bahay nila, jusko feel ko parang yong Cr siguro nila is apartment na namin.“Wow, Dada ang laki,” Ezra said full with amazement, habang si Alex naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana. For sure na-amaze rin ang isang iyon, nasa tapat na kami ng pintuan nila Drack makikita mo talaga sa bahay nila na may kaya sila. Habang papalabas ako sa sasakyan may-isang babae na dumating subrang ganda niya, makikita sa istura niya ang karangyaan. “Son, is that already you?” tanong niya, habang naka tingin kay Drack, hala ito ba ang nanay niya ang ganda pala. Pwede ko siya titigan buong araw, para siyan
Leonora’s POVPanibagong araw nanaman, nakakapagod kukunin pala kami ngayon ni Drack. Dadalhin niya raw ang mga bata sa bahay nila. Kinakabahan na nga ako.“Moma, is my lolo po ba sa other side is nice?” tanong sa akin ni Alex, napaisip naman ako shimpre hindi ko pa nakikita parents ni Drack. “I don’t know baby, kasi never pa na meet ni Moma ang parents ni Dad mo,” sabi ko nalang, ipimagpatuloy ko nalang ang pagbibihis sa kanila.“Moma, I want to eat na,” sabi ni Ezra na kakapasok lang sa kwarto nila. Napatingin naman ako sa kanya, ang kulit talaga ng bata na ito.“Ok, but first, magbihis ka,” sabi ko, tumango naman siya at nagbihis na. Lumabas muna ako para ipaghain muna sila ng pagkain. Makalipas ang ilang oras, natapos ko na ipagluto ang adobo at chicken na paburito ng dalawa. “Moma, what time po pupunta dito si dad?” tanong ni Alex sa akin.“Let me text your dad first,” sabi ko nalang, shimpre hindi ko naman kasi alam kung anong oras siya pupunta. Pumunta muna ako sa kwarto para
Leonora's POV Papunta na ako ngayon sa opisina, shimpre hinatid ko muna ang mga bata sa iskwelahan bago ako pumonta. Nasa ground floor palang ako nang makasalubong ko si Sir Drack. Naka busangot siyang nakatingin sa akin, ewan ko anong nangyari sa lalaki na ito.“Goodmorning po, Sir,” magalang kong sabi sa kanya, tumango naman siya sa akin. “You didn't tell me, pumonta pala si Xiana doon,” sabi niya, kaya napatingin ako sa kanya. Akala ko pa naman alam na niya na nagpunta ang kapatid niya doon.“Alaka ko alam mo na,” sabi ko sa kanya, tumingin naman siya sa akin. “Yeah, when she got home,” sabi niya, galit ba ito. “Galit kaba, Sir?” tanong ko, he just rolled he's eyes at me.Pambihira hindi ko naman alam na maypagka bakla pala itong tatay ng mga anak ko. “No, If ever pupunta kapatid ko sa inyo, please say it to me,” sabi niya, kaya tumangon nalang ako at tumahik baka ma sigawan pa ako nito.“Okay, po,” huling sabi ko bago ako bumaba sa-elevator, umupo nalang muna ako sa secretary's d