Leonora’s POV
“Alex, Ezra, mag-ingat kayo baka madapa!” saway ko sa mga anak kong tumatakbo sa labas ng bahay namin. Simple lang naman ang bahay na ito—sakto lang para sa isang pamilya. Kasama rin namin dito sina Inang at ang mga kapatid ko, na tumutulong sa pag-aalaga sa mga anak ko. “Ate, hinahanap ka ni Inay,” tawag sa akin ni Ana, kaya lumabas ako at tinawag ang dalawa para isama. “Alex, Ezra, dito muna kayo kay Tita Ana,” sabi ko. Tumango naman ang dalawa kaya pumasok na ako at pinuntahan si Inay. “Nay, ano po iyon?” tanong ko. “Punta ka kay Aling Marites, bumili ka ng pang-ulam natin mamaya,” utos niya, kaya pumunta na ako. Habang naglalakad, naririnig ko na naman ang mga bulong-bulungan ng mga tao sa paligid. Noong araw na umuwi ako mula Maynila, galit na galit si Inay nang malaman niyang buntis ako. Hindi ko na sinabi kung sino ang ama, dahil alam kong hindi niya matatanggap ang mga bata. “Aling Marites, pabili po ng isang gulay na sariwa, ha,” sabi ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin habang nakangiti. “Oo nga pala, Leonora, kailan ang graduation mo?” tanong niya sa akin. Napangiti naman ako sa tanong niya. “Sa susunod na araw na po,” sagot ko. Nakakatuwa lang dahil sa dami ng problemang dumating sa buhay namin, hindi ko inakalang makakapagtapos ako. Nang makauwi na ako, narinig ko umiiyak ang isa sa kambal kaya dali-dali akong pumonta sa likod. “Ate, nadapa si Alex,” sabi ni Ana sakin, kaya lumapit ako kay Alex para tignan kung malaki ba ang sugat. “M-mommy, ouchy,” sabi sa akin ni Alex, samantalang si Ezra naman ay umiiyak lang na nakatingin sa kambal niya. “Ana, kunin mo nga yong first-aid sa kwarto ko,” sabi ko kay Ana, kaya umalis na siya at pumunta sa kwarto ko. “What happened?” malumanay kong sabi sa anak ko, tumingin naman sa akin si Ezra. “We we’re just running mama, then Alex hit he’s foot sa stone,” sabi niya sa akin, nang makarating si Ana agad kong nilinisan ang tuhod ni Alex para hindi ma-infection. Matapos gamutin ang sugat ni Alex, binuhat ko siya at niyakap nang mahigpit. “Huwag ka nang tatakbo nang mabilis, anak. I don't wan't you to get hurt always,” sabi ko habang pinupunasan ang luha niya. Tumango naman siya, at si Ezra, na tahimik na nakatayo sa tabi namin, ay humawak sa laylayan ng suot kong damit, mukhang nag-aalala rin para sa kakambal niya. Pagkatapos, lumapit si Inay mula sa pintuan. “Leonora, halika sa loob, may kailangan tayong pag-usapan,” sabi niya. Iniwan ko muna ang kambal kay Ana at sumunod sa kanya. Sa loob ng bahay, naupo kami sa maliit na mesa. Huminga nang malalim si Inay bago nagsalita. “Leonora, alam kong mahirap ang lahat para sa’yo, pero natutuwa akong hindi mo isinuko ang mga pangarap mo. Ngayon, tapos ka na sa pag-aaral, ano’ng plano mo?” Hawak ko ang kamay ni Inay at ngumiti. “Nay, pagkatapos ng graduation, gusto kong bumalik sa Maynila. Gusto kong magbagong buhay, maghanap ng mas magandang trabaho para makapag-aaral na sina Alex at Ezra. Isasama ko rin si Ana para may katuwang ako sa pag-aalaga sa kambal.” Tahimik na tumango si Inay, halatang nag-iisip. “Siguraduhin mong magiging maayos kayo roon. Ayoko nang marinig na nahihirapan ka. Alam kong matapang ka, anak, pero huwag mong kalimutang magdasal palagi.” “Opo, Nay,” sagot ko habang niyayakap siya. Ilang linggo ang lumipas matapos ang graduation, natanggap ako sa isang kumpanya sa Maynila. Kabado ako noong unang araw ng trabaho, pero alam kong kailangang magsimula muli para sa mga anak ko. Habang naghihintay ako sa orientation, napansin ko ang pangalan ng kumpanya sa badge na binigay sa akin ‘Asher Corp. Inc.’ Parang may kung anong gumuhit na kaba sa dibdib ko. May halong takot at pagtataka ang naramdaman ko, pero pinilit kong balewalain ito. Siguro naman hindi ito konektado sa kanya… hindi ba? Pagkatapos ng ilang minuto, narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang pagtapak ng pamilyar na sapatos. Napalingon ako, at halos tumigil ang mundo ko nang marinig ang boses na iyon—isang boses na ilang taon kong iniwasan. “Good morning, everyone. I’m Drack Mozen Asher, the CEO of this company.” Hindi ko alam kung paano ako napako sa kinauupuan ko. Nang makita ko ang mukha niya, tila bumalik lahat ng alaala—ang masasayang araw, ang kirot ng paghihiwalay, at ang lihim na matagal ko nang kinikimkim. Hindi ako makapaniwala. Siya nga—si Drack, ang ama ng kambal ko, at ang lalaking iniwan ko noon nang walang paliwanag. Ngayon, narito siya sa harapan ko, walang kaalam-alam na may dalawang anak kami. Kailangan ko bang sabihin sa kanya ang totoo? O dapat ko siyang iwasan para protektahan ang mga anak ko? Ang bigat ng desisyon na iyon ay tila bumalot sa akin habang nakatingin ako sa kanya, naghahanap ng sagot sa mga mata niyang minsang naging tahanan ko. Habang patuloy siyang nagsasalita sa harapan, halos hindi ko na naririnig ang mga sinasabi niya. Ang utak ko ay naguguluhan sa dami ng tanong. Dapat ko bang sabihin sa kanya ang totoo? Paano kung malaman niya ang tungkol sa kambal? Anong mangyayari sa amin? Nang matapos ang orientation, nagmadali akong lumabas ng kwarto, umiiwas na mapansin niya. Ayoko pa siyang makausap—hindi pa ako handa. Pero hindi ko akalain na sa pagmamadali ko ay magtatama ang mga mata namin. “Leonora?” tanong niya, halatang gulat. Tumigil ako sa paglalakad. Pakiramdam ko’y nabuhay muli ang mga multo ng nakaraan sa simpleng pagtawag niya ng pangalan ko. “Sir, ah, hello po,” sagot ko nang mahina, pilit na pinapanatili ang mahinahong mukha kahit na bumibilis ang tibok ng puso ko. Lumapit siya, kitang-kita ko ang hindi maipintang ekspresyon sa mukha niya. “Ikaw nga… Hindi ko akalain na dito tayo muling magkikita.” Ang boses niya’y puno ng pagtataka sa akin. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. “Yes, Sir, swerte po pala. Ikaw pala ang may-ari ng kumpanya.” Tahimik siya sandali, at naramdaman ko ang bigat ng tingin niya. “You look good, Leonora, kamusta ang pamilya mo?” tanong niya sa akin. Bago pa ako makasagot, biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong si Ana ang tumatawag. Nagpaalam ako nang mabilis kay Drack, hindi na hinintay pa ang sagot niya, at dali-daling umalis. Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ng kambal. “Mommy, look! We made drawings!” sabi ni Ezra habang masaya niyang pinapakita ang mga guhit nila ni Asher. Pinilit kong ngumiti, pilit na tinatanggal ang bigat sa dibdib ko. Lumuhod ako at niyakap silang dalawa. “Ang gaganda ng drawings nyo, mga anak. Proud ako sa inyo,” sabi ko habang hinahalikan ang mga noo nila. Pero sa likod ng mga ngiti, hindi ko maiwasang mag-alala. Paano kung malaman nila ang tungkol sa ama nila? Paano kung makilala sila ni Drack? Alam kong darating ang araw na kakailanganin kong harapin ang katotohanan, pero ngayon, gusto ko munang sulitin ang tahimik na buhay naming mag-iina. Kahit gaano kahirap, kailangan kong protektahan sila—kahit pa ang kapalit nito ay muling ilayo ang sarili ko kay Drack.Leonora's POVMaaga ako nagising para ipagluto. Sina Alex at Ezra. Magsisimula na ang pasukan para sa mga-kinder, gusto ko sila makapag-aral man lang sa mamahalin na iskwelahan. Kaya na enroll ko sila sa-private school, habang ang kapatid ko naman ay nasa-college na at Nursing student.“Ana, maligo kana, mamaya mo na ako tulongan maaga klase mo hindi ba,” sabi ko sa kanya, tumango naman siya sa akin bago siya umalis at pumonta sa banyo. Habang ang mga bata naman ay tulog pa, mamaya ko na siguro gigisingin ang mga iyon.Habang naghahanda ako ng almusal, hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa mga pagbabago sa buhay ko. Dati, ang buhay ko ay puno ng takot at pangarap para sa pamilya ko. Ngayon, iniisip ko nalang ang kaligayahan at pagaaral nag anak ko. Ang mga anak kong, si Alex at Ezra, ay parang mga bagong simula sa buhay ko. Hindi ko sila palalagpasin ng walang magagandang oportunidad, kaya't mahpursige akong mapagtapos sila sa magandang eskwelahan.Tulad ng mga magulang ko noon, ang
Leonora's POVPagkatapos ng mahabang araw ng trabaho, medyo pagod na ako. Ang buong opisina ay tahimik, halos walang tao, at ang mga ilaw ng building ay nagsimula nang magdilim. Nang tapos na ang lahat ng mga gawain ko, bumangon ako mula sa aking mesa at nagsimulang mag-ayos ng mga gamit. Sobrang tahimik ng paligid na ang tanging tunog na naririnig ko ay ang mga yapak ko sa sahig at ang ingay ng air-conditioning na malayo.Habang inaayos ko ang mga papeles sa ibabaw ng aking mesa, bigla na lamang lumabas si Drack mula sa kanyang opisina. Halos hindi ko siya naramdaman na lumapit, pero naramdaman ko agad ang bigat ng kanyang presensya. Tiningnan niya ako, at sa kanyang mga mata, may mga alaala ng mga pagsubok na tinahak na.“Leonora,” simula niya, ang boses niya ay may halong pag-aalala at hindi ko maintindihang pagkabahala. “Gusto mo bang mag-dinner? Mag-isa ka na lang yata. Siguro, matagal ko nang gustong makipag-usap sa’yo.”Nagdalawang-isip ako. Hindi ko alam kung paano ko tatangga
Leonora's POVMadilim na ang gabi, at halos wala nang tao sa paligid. Tahimik sa loob ng bahay, pero ramdam ko ang bigat sa aking katawan. Simula pa lang ng umaga ay medyo masama na ang pakiramdam ko, pero inisip kong baka pagod lang ito sa trabaho. Ngayon, parang mas lalong bumigat ang ulo ko, at pakiramdam ko’y nilalagnat na ako.Sinilip ko ang kambal na natutulog sa kwarto nila. Mahimbing ang tulog nila, pero hindi ko maiwasang mag-alala. Wala akong ibang kasama sa bahay, kaya kahit masama ang pakiramdam ko, kailangan kong magpakatatag para sa kanila. Dumaan ako sa kusina at kumuha ng basang bimpo para ilagay sa noo ko, umaasang kahit papaano’y mababawasan ang init ng katawan ko.Habang nakahiga ako sa sofa, unti-unti akong nadala ng antok. Ngunit ang pahinga ko’y biglang naantala nang makarinig ako ng mahinang katok sa pinto.Sino kaya ang maaaring dumalaw ng ganitong oras? Kinabahan ako. Kinuha ko ang bimpo sa noo at pilit na bumangon para tingnan kung sino iyon.Pagbukas ko ng p
Leonora's POVKinabukasan, habang pinagmamasdan ko ang kambal na naglalaro sa sala, ramdam ko ang bigat ng mundo sa balikat ko. Paano ko sasabihin sa kanila na ang lalaking halos hindi nila kilala ay ang kanilang ama? Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Drack kagabi. Gusto niyang makilala ang kambal, pero paano? Paano ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat?"Moma, bakit po kayo nakatitig lang?" tanong ni Ezra, ang panganay kong anak, habang hawak ang kanyang paboritong laruan.Naputol ang iniisip ko at agad akong ngumiti. "Wala, anak. Iniisip ko lang kung ano ang gusto niyong kainin mamaya.""Spaghetti, Moma!" sigaw naman ni Ezra, ang kakambal ni Alex. Natawa ako. Kahit sa gitna ng lahat ng problema, ang saya nilang dalawa ang nagpapagaan sa puso ko.Habang abala ako sa pagluluto ng spaghetti, nakatanggap ako ng text mula kay Drack."Leonora, kailan ko sila makikilala? Hindi ko na kayang maghintay."Napabuntong-hininga ako. Masyado na bang mabilis ang lahat? Pero alam kong hindi
Leonora's POVAs usual maaga na naman akong nagising para ipagluto ang mga chikiting, nag-mamadali rin ako dahil may meeting daw kami. Sa pagkakaalam ko meron atang new manager ang ads department, isa lang talaga masasabi ko sa kanila sana all.“Moma, what's the breakfast po?” tanong sa akin ni Ezra, kakalabas lang nag-kwarto nila nang kambal niya. “Egg and Hotdog, baby, come eat kana,” sabi ko sa kanya, umupo naman siya.Sakto naman na lumabas rin ang isa pang-pogi sa buhay ko. “Goodmorning po, Moma,” sabi ni Alex sa akin, lumapit naman siya sa akin at niyakap ako. “Goodmorning too,” sagot ko, sabay siya hilikan sa noon.“Moma, sabi nang teacher punta ka raw sa school, may meeting daw,” sabi ni Alex sa akin. “Sama mo si Dada. Please Moma,” sabi ni Ezra sa akin, iniisip ko baka busy si Drack.“Sure, baby I'll ask your Dada, if hindi siya busy,” sabi ko nalang, ayaw ko lang na humindi sa kanila. “O time to eat, kain na kayo,” sabi ko sa kanila, tumango naman sila at nag-simula na kumai
Leonora's POVNasa sasakyan ako ni Drack ngayon, at ang laki talaga ng inis ko sa kanya. Paano ba naman kasi, inutusan niya ang guard na huwag akong palabasin sa building. Ang ending, hindi ko na naituloy ang lunch namin ni Lance. Ang effort ko pa naman mag-sorry kanina, tapos ganito lang? Kaya ngayon, deadma mode ako. Wala akong balak pansinin ang lalaking 'to.“Hey, Leonora, talk to me,” sabi niya, pero nagkunwari akong walang naririnig. Tumingin lang ako sa labas ng bintana. Bahala ka diyan. Hindi ako matitinag kahit boss pa kita.“Come on, Leonora, talk to me. I’m your boss, woman.” Ang tono niya ay parang inuutusan pa rin ako, kaya napalingon ako sa kanya at tinaasan ng kilay.“O? Tapos, anong connect non, boss?” Naiiritang sagot ko. Hindi ba siya naasiwa sa ginawa niya kanina?“What’s your problem ba?” tanong niya, at ramdam ko ang tensyon sa boses niya, parang malapit na rin siyang magalit. May gana pa siyang mainis, e siya naman ang may kasalanan!“Paki mo,” sagot ko nang wala
Leonora’s POV“Moma, you know their is a guy outside in our room yesterday, he is wearing a black suit po,” sabi ni Ezra sa akin, kaya napatingin ako sa kanya. Puno ng pagtataka ako nakatingin lang sa kanya, I wonder who’s that guy.“Lumapit ba sa inyo?” I ask, Ezra just nodded at what I just said. God I don’t know kung sino man iyon. “Sinaktan ba kayo?” tanong ko, sa kanya.“No, Moma there good naman,” sabi ni Alex sa akin, kaya na kampanti ako na okay lang. Bigla naman tumunog ang cellphone ko, pagtungin ko si Drack pala kaya sinagot ko nalang.“Hello, Drack ano iyon?” tanong ko pagkasagot ko sa tawag niya sa akin. “I just want to say that, binigyan ko ng body guard ang mga bata. Para narin walang mangyari sa kanila,” sabi niya, kaya pala may mga lalaki naka itim sa labas.Napangiti nalang ako, he cares for the kids. “Ganon ba, sige, thank you Drack,” mahinang sabi ko, habang hindi parin mapigilang ngumiti. Tama ang ng ang naging desistion ko, ang ipakilala ang mga bata sa kanya.“I
Leonora's POV Papunta na ako ngayon sa opisina, shimpre hinatid ko muna ang mga bata sa iskwelahan bago ako pumonta. Nasa ground floor palang ako nang makasalubong ko si Sir Drack. Naka busangot siyang nakatingin sa akin, ewan ko anong nangyari sa lalaki na ito.“Goodmorning po, Sir,” magalang kong sabi sa kanya, tumango naman siya sa akin. “You didn't tell me, pumonta pala si Xiana doon,” sabi niya, kaya napatingin ako sa kanya. Akala ko pa naman alam na niya na nagpunta ang kapatid niya doon.“Alaka ko alam mo na,” sabi ko sa kanya, tumingin naman siya sa akin. “Yeah, when she got home,” sabi niya, galit ba ito. “Galit kaba, Sir?” tanong ko, he just rolled he's eyes at me.Pambihira hindi ko naman alam na maypagka bakla pala itong tatay ng mga anak ko. “No, If ever pupunta kapatid ko sa inyo, please say it to me,” sabi niya, kaya tumangon nalang ako at tumahik baka ma sigawan pa ako nito.“Okay, po,” huling sabi ko bago ako bumaba sa-elevator, umupo nalang muna ako sa secretary's d
Leonora’s POVSumunod ako kay Kuya Lance. Gusto ko siyang kausapin—alam kong nagkasala si Inang sa kanya. Pero baka hindi lang niya alam kung ano talaga ang nangyari kay Inang at sa ama namin, kaya siya galit."K-Kuya," mahinang tawag ko sa kanya habang nakatalikod siya sa akin. Lumingon naman siya, at kitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata."Ahm, hindi ko alam kung pwede ba kitang tawagin na Kuya," sabi ko. Nakatingin lang siya sa akin, kaya lumapit pa ako."You’re my baby sister, Leonora… It’s okay to call me Kuya. I did not expect that you were my sister. Well, I knew Mom was pregnant with you back then, but I never realized you were so close to me this whole time, and I never even noticed," sabi niya bago ako niyakap.Ito ang pinakaunang yakap ko mula sa nakatatanda kong kapatid. Napaiyak ako habang nakayakap sa kanya."K-Kuya, please… pakinggan mo naman si Inang. Alam kong galit ka sa kanya dahil iniwan ka niya noon, pero Kuya, trust me, may rason kung bakit niya ginawa 'yo
Leonora's POVSiya na ba iyon? Ang lalaking nanakit kay Inang noon—ang tatay ko. Pinapanood ko lang silang dalawa ni Inang. Hindi ko siya nakitang ganyan noon kay Tatang. Kahit galit si Inang, sinusuyo pa rin siya ng lalaking iyon."Hey, are you okay, Leonora?" tanong sa akin ni Drack. Tumango lang ako sa kanya. Napatingin naman sa akin ang ama ko, kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko siya kayang tingnan dahil sa ginawa niya noon kay Inang."Is she really my daughter, Vivian?" tanong niya kay Inang. Ako na ang sumagot. Hindi ko naman alam na may sa sirang plaka pala itong tatay ko."Oo, paulit-ulit, tanda," diin kong sabi."Halata naman na siguro, Emanuel. Magkaugali kayo—may pagka-pilosopo," inis na sabi ni Inang rito. Nakanganga lang siya, kaya nilapitan ko siya sabay sabing,"Isara mo bibig mo, tanda, baka makapasok ang langaw," sabay irap ko sa kanya.Pumunta naman ako kina Ezra at Alex na naglalaro. Hindi ko na tiningnan kung nakasunod ba sina Inang at Drack. Wala ako sa mood ng
Leonora’s POV“Leonora, say it to me… who killed our daughter,” nanginginig na sabi ni Drack sa akin. Nasasaktan akong makita siyang nasasaktan rin.Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang paglabas ng ingay. Ayaw kong marinig na naman ng mga bata na umiiyak ako palagi tuwing pumupunta kami rito.“Hindi ko maalala, Drack… Noong araw na pinanganak ko ang tatlo, nasa ospital kami noon. Pagising ko, may nakita akong babae. Karga-karga niya si Vicky—she was crying so hard… but I couldn't save her. Dahil sobrang pagod ako, kakagaling ko lang sa panganganak noon,” umiiyak kong sabi sa kanya.Nakatingin lang si Drack sa kalangitan. Sana alam ko man lang kung ano ang iniisip niya ngayon.“I’m sorry, Drack… Hindi ko man lang nailigtas ang anak natin. Hindi ko man lang nailigtas si baby Vicky,” sabi ko rito. Humagulgol lang ako habang nakaluhod sa damuhan.“Hindi nakuha sina Ezra at Alex dahil nasa incubator pa sila noon. Si Vicky ang mas malakas sa kanilang tatlo,” nahihirapan kong sabi sa k
Leonora’s POVNakatingin lang ako kay Drack—bakas sa itsura niya na nagagalit siya habang nakatingin sa pinapakita ni Walter sa kanya. I can see how his face darkened. Nagsalita naman si Walter, na mas lalong ikinagalit ni Drack.I wonder what they are talking about. Saan kaya iyon tungkol? Nakakuyom ang kamao ni Drack ngayon kaya naglakad ako palapit sa kanila. Habang papalapit ako, unti-unti ko nang naririnig ang sinasabi nilang dalawa.“What should we do to her, boss?” tanong ni Walter kay Drack. Sino kaya ang tinutukoy ni Walter doon?“No, just make her move… para malaman natin ang susunod niyang galaw,” sagot ni Drack.“How about the men? What should we do?” tanong ulit ni Walter kay Drack.“Let them talk… and if hindi sila magsalita lahat, kill them all!” galit na sabi ni Drack.Umatras ako, na nagbigay ng tunog, kaya napalingon si Drack sa akin. Naglakad siya palapit sa akin, bakas sa reaksyon niya ang pag-aalala.“Hey, kanina ka pa ba rito?” nag-aalalang tanong niya sa akin.“H
Leonora’s POVPapunta kami ngayon sa bahay ng mga magulang ni Drack. Hindi na namin sinama ang mga bata. Lumipat na rin kami sa bahay ni Drack kahapon kasama sila Inang.“What’s bugging you, Leonora?” biglang tanong sa akin ni Drack.Nakatingin pa rin ako sa labas ng sasakyan. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang napag-usapan namin ni Drack noong isang linggo.“Wala naman, na-miss ko lang kaagad ang mga bata,” malumanay na sabi ko sa kanya. Narinig ko naman siyang napabuntong-hininga kaya napatingin ako sa kanya.Nakasimangot na naman siya—sobrang gwapo niya pa naman kapag gano’n siya.“Quit staring, Leonora. Hindi ako makapag-focus sa pagmamaneho dahil sa malagkit mong tingin,” sabi niya pa, sabay bahagyang tawa.“Sorry, ang gwapo mo kasi talaga,” I burst out. Nang magsink-in sa akin ang sinabi ko, napatakip na lang ako sa mukha ko.Sobrang kahihiyan ang nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi ko—grabe, nakakahiya talaga! Narinig ko naman siyang tumatawa kaya mas lalo pa akong namula sa
Leonora’s POVTahimik ang biyahe pauwi. Nakaupo si Alex at Ezra sa likuran, abala sa laruan nilang dala mula sa opisina ni Drack. Hindi ko alam kung iniisip pa rin ni Drack ang pinag-usapan nila ni Mom Cass, pero ramdam ko ang bigat ng hangin sa loob ng sasakyan.Nilingon ko siya. Nakatitig siya sa daan, pero alam kong hindi lang pagmamaneho ang iniisip niya."Drack," mahina kong tawag.Saglit siyang lumingon sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. "Hmm?"Alam kong hindi ito ang tamang oras para pag-usapan si Cleo, lalo na't kasama namin ang kambal, pero hindi ko na kayang kimkimin ang bigat sa dibdib ko."Anong napag-usapan niyo ni Mom Cass?"Napahinga siya nang malalim. "She wanted to know what I plan to do about Cleo.""And?"Saglit siyang natahimik bago sumagot. "I told her the truth. That I have no plans of letting Cleo back into my life. Pero hindi ganon kasimple, Leonora.""Because of the child?"Tumango siya, pero hindi na nagsalita pa.Nilingon ko ang kambal. Buti
Leonora’s POVHindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatayo lang doon, nakatitig kay Drack. Ang mga sinabi niya ay parang bombang sumabog sa loob ng utak ko.Cleo was pregnant… but not with his child.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Oo, niloko siya ni Cleo, pero hindi ko rin maiwasang mag-isip. Kung talagang mahal niya ito noon, bakit niya ito pinalayas sa buhay niya? Paano kung may iba pang dahilan bukod sa galit?“Leonora?” mahina niyang tawag.Napakurap ako. Hindi ko namalayang lumapit siya sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.“Hindi ko alam kung ano’ng iisipin ko, Drack.”He took my hand, but I didn’t hold him back. “I know this is hard to accept. And I know you're confused. But I want you to know that I have nothing to hide from you.”I looked up at him. “Nothing?”A flicker of hesitation crossed his face, but he quickly masked it. “I have no intention of hurting you, Leonora. You’re the one I love.”I wanted to believe him. But too many questions swirl
Leonora’s POVHindi ko maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Ang halik na iyon. Ang ngiti ni Cleo. At higit sa lahat, ang mga sinabi niya—na para bang may dapat akong alamin.Sinubukan kong mag-focus sa trabaho, pero kahit anong gawin ko, bumabalik sa isip ko ang tanong: Ano ba talaga ang nakaraan nila ni Drack?Napatingin ako kay Drack na abala sa pagbabasa ng mga papeles sa kanyang lamesa. Mukha siyang kalmado, parang walang nangyari. Pero ako? Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali.Gusto kong maniwala sa sinabi niya—na wala na siyang nararamdaman para kay Cleo. Pero paano kung hindi iyon totoo?Huminga ako nang malalim at tumayo mula sa desk ko. Kailangan kong malinis ang isip ko. Lumabas ako ng opisina para kumuha ng tubig, pero pagdating ko sa pantry, may narinig akong dalawang empleyadong nag-uusap.“Hala, nakita mo ba kanina? Si Ma’am Cleo, bigla na lang hinalikan si Sir Drack!”“Oo nga! Grabe, sa harap pa ni Ma’am Leonora! Pero alam mo, hindi na ako nagulat. Dati naman
Leonora’s POVMaaga akong nagising ngayon—trabaho na naman. Ihahatid namin ni Drack ang mga bata sa eskwelahan nila ngayon.Lumabas na ako sa kwarto at pinuntahan ang mga bata sa loob ng kwarto nila. Masyadong mapilit ang dalawa—gusto daw nilang magkaroon ng sariling kwarto, kaya pinagbigyan sila ni Drack.“Honey, anak, Ezra… Alex, wake up na. Hindi ba may school kayo ngayon?” paggising ko sa dalawa. Ang cute ng posisyon nilang dalawa—si Ezra ay nakayakap sa braso ni Alex.Hindi naman pahirapan ang paggising ko sa kanila. Pagkalabas ko sa kwarto nila, sakto namang lumabas rin si Drack mula sa kwarto niya. Hindi kami magkatabi ni Drack—nakakahiya kayang lumapit sa kanya.“Good morning, Leonora,” nakangiti niyang bati sa akin. Kaya nginitian ko siya pabalik at bumaba na kasama siya. Wala dito ngayon sila Inang; nasa bahay ni Mom Cass.Inaasikaso nila ang simpleng kasal namin ni Drack—malapit na rin iyon. Baka sa susunod na buwan ay maikasal na kaming dalawa.Matapos ang ilang oras, nata