Share

CHAPTER 6: Affiction

TAHIMIK lamang na sinindi ni Dark ang sigarilyo nito. Naroon si Anya sa kabilang kwarto kung saan niya ito pinatulog. Tahimik niya lamang din isinalin ang alak sa isang rock glass.

Tumayo siya, saka hinubad ang suot na damit saka nagpalit din pagkatapos. 

Suddenly, his phone beeps once. He receives a message from Terrence. Naroon ito sa labas ng bahay niya at naghihintay. Bumaba siya para harapin ang bisita.

He heard a noise. The door creaks open, revealing Terrence, his trusted member.

Tinanguan niya ito hudyat para lumapit ito sa kaniya.

“Boss, may problema tayo. The Cartel is moving in on our territory,” bulong ni Terrence nang makalapit ito sa kaniya.

He remained calmed, “Handle it discreetly. I don't want any innocent lives affected!” He said in his full authoritative tone.

“Yes, Boss! Nakahanda na kami.” 

Tanging pagtango ang ibinigay ni Dark sa kausap. Nagtangis ang bagang nito. 

Hindi na talaga sila titigilan ng Cartel. Naikuyom niya ang kaniyang kamao. Saglit ay nagdesisyon siyang pumanhik muna sa kwarto ng dalaga.

While, Terrence exits the room, leaving him alone with his conflicted thoughts. Dark, stands at the entrance, silently observing the room. Anya, sleeping peacefully on a plush bed in the centre of the room. Anya's innocence and beauty captivate him. He watches her intently, torn between his dangerous lifestyle and an unexplainable attraction.

He moves closer to Anya, his emotions conflicting with his dangerous nature. He reaches out and gently brushes a strand of hair away from her face.

He heaved a sigh. 

Before he left. He takes one final look at Anya. He straightens his suit, and clenches his jaw. Dark exits the penthouse, stepping into the night, prepared to confront the treacherous world that lies outside.

ABANDONED WAREHOUSE-NIGHT

Nababalot nang dilim ang bodega, puno din ito ng tensyon. Isang grupo ng mga indibidwal na nakadamit ng itim, na kumakatawan sa pamilyang Cartel's Mafia, na naroon nakatayo lamang sa isang gilid ng bodega. Sa kabilang panig, ay grupo naman ng The Shadow Mafia. Parehong armado ang dalawang grupo, pansin din ang pag-umbok ng jacket ng mga ito at nagpapahiwatig na may nakausling armas.

Nakatitig nang matalim si Dark sa head ng Cartel Mafia. Kalmado siya, subalit, ramdam sa boses nito ang bagsik.

“Russo, you've crossed a line this time. Our territories are off-limits, and you know it!” 

Russo smirks, his face a mask of arrogance.

“Dark, baka nakalimutan mong. . .ang lugar na ito ay puwedeng angkinin ng kahit sino!”

Dumilim ang anyo at nagkasalubong ang mga kilay ni Dark. 

His patience wears thin. The tension in the room is palpable, every member of both groups ready for the storm about to be unleashed.

Ngumisi si Dark saka ito natawa na para bang isang kabaliwan ang sinabi ni Russo.

“You dare challenge me? You think your family can handle what's coming?” 

Tanging pagngisi ang nagawa ni Russo. Pansin ang galit nito.

Habang si Demon naman ay napapangising aso. Naroon ang inis at galit nito na kanina pa niya pinipigilan. Nakatago ang kaniyang mukha mula sa suot na Black hoodie. Pansin niya ang bagsik ni Dark sa kabila nang pagiging kalmado ng boses nito.

Bakas din sa mukha ni Russo ang bangis. Hindi nito iniintindi ang nagbabantang tinig ni Dark.

Mas lalong namuo ang tensyon sa pagitan nila. Mula sa madilim na paligid, ay tanging pundidong light bulb ang nagbigay liwanag sa pagitan ng mga ito.

KALAUNAN, nang isang pagsabog ang gumulat sa grupo nila Dark bagay para tumawa nang malakas si Russo kasabay nang pagtago nito.

Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid. Lumilipad naman ang mga bala sa ere, nabasag ang mga crates at nagkapira-piraso ang kahoy na naroon. Dumepensa ang panig ni Dark. Nakipag-palitan ang mga ito nang putok ng baril. 

Subalit, hindi nila napaghandaan ang dami ng kalaban. Isang riot ang naganap. Dumanak din ang dugo sa lugar na iyon.

Ang mga pagsabog ay nagbubunsod sa kaguluhan habang nag-aapoy ang mga Molotov cocktail, na nagdaragdag sa maapoy na kaguluhan. Ang nakakabinging tunog ng putok ng baril ay pumupuno sa bodega.

Mahusay na nagmamaniobra si Dark, at ang kaniyang mga tauhan sa kaguluhan, na madiskarteng sumusulong patungo sa kanilang mga kalaban.

Ang amoy ng pulbura ay tumatagos sa hangin habang ang bawat panig ay nawawalan ng mga miyembro sa walang humpay na pagsalakay. Nagiging isang larangan ng digmaan ang loob ng bodega. At ang maindayog na palitan ng putok ay bumubuo ng isang nakamamatay na simponya, na pinuno ng mga hiyawan, at paminsan-minsang paghihirap na daing ng bawat miyembrong nasasaktan.

Sa gitna ng kaguluhan, nakita ni Dark, si Russo Cartel, na nagtangkang tumakas sa isang back exit. Nagngangalit ang kaniyang mga ngipin nang masipat ito. Pinaputokan niya ito ngunit, nakailag ito at mabilis nitong ikinubli ang sarili. 

Tinugis niya ito, sinundan hanggang sa bigla itong sumulpot sa kung saan, at walang awa siya nitong inundayan ng saksak. 

Napaungol at napainda sa sakit si Dark habang hawak ang tagiliran na nagtamo ng saksak.

Nang akmang sasaksakin na sana siyang muli nito ay nakailag na siya at isang malakas na pagsipa ang pinagkaloob niya kay Russo. Dahil, sa lakas niyon ay tumilapon si Russo. Kahit dumugo ang tagiliran ni Dark ay nilapitan niya ang lalaki at muli itong itinulak sa isang matayog na stack ng mga crates. 

Nagtama ang kanilang mga mata ng lalaki, kumukulo ang dugong kuwenelyuhan ito ni Dark saka pinagsasapak sa mukha. Nang hindi makuntento ay gigil niya itong sinakal.

“I've told you, Russo. Once you step into my territory you can’t get away alive!” Dark said with gritting his teeth.

Walang pag-aatubili ay itinutok ni Dark sa ulo ng lalaki ang nakausling baril sa kaniyang tagiliran saka ito kinasa at kinalabit ang trigger niyon. Bumagsak ang katawan ni Russo Cartel sa mga crates, at wala na itong buhay. 

Unti-unting humihina ang putok ng baril. 

Madilim, nakatayong iginala sa paligid ni Dark, ang paningin. Mabigat ang bawat paghinga nito. Tila, noon lang siya nahimasmasan. Para bang gusto niyang magwala sa mga sandaling iyon. Punong-puno ng dugo ang kaniyang mga kamay nang sipatin niya ang sarili. Marami rin sa kaniyang mga kasamahan ang nagbuwis ng buhay.

Ang brutal na katotohanan ng buhay ng isang mafia ay nagpapatunay na, mundo ng kamatayan.

NAKITA ni Demon ang pananahimik ng kaniyang kapatid. Dahan-dahan ay nilapitan niya ito, kita niya rin ang pag-iinda nito sa karamdaman. Kaagad niya itong inalalayan. Gaya ng kambal niya, may sugat din siyang natamo. Pero, hindi naman malalim ang pinsalang idinulot ng balisong ng kaniyang nakalaban. Dahil, daplis lamang iyon sa kaniyang bandang braso.

“Ilibing ang mga ’yan nang hindi umamoy!” utos ni Dark sa mga tauhan nito.

Nagsikilos ang mga ito, gamit din ang backhoe ay mas napabilis ang paghukay sa lupa upang magsisilbing libingan ito ng mga binawian ng buhay. Patapon na inihagis ang walang buhay na katawan ni Russo, kasabay niyon ay ang sampong mga tauhan nito. Pagkatapos na mailibing ang mga ito doon mismo sa bodegang kinatatayuan ni Dark, ay nagpasya silang umalis.

Inalalayan ni Demon ang kapatid papalabas ng bodega. Sumunod naman sa kanila sina Terrence, Azul, at Leiron na kapwa, nag-aalala.

Sa sasakyan ni Demon isinakay si Dark. Pansin din sa binata ang pagputla nito na marahil ay sa dami ng dugo na tumatagos mula sa sugat nito.

“Pupunta tayo sa malapit na hospital para magamot ang sugat ni, Boss Dark!” Sambit ni Leiron.

Kunot-noo, umiling si Dark.

“No, just take me home!” Igting ang pangang naisambit ni Dark.

“Are you sure, Boss? Si Anya, ba-baka magtaka ang babaeng iyon,” usisa ni Azul.

Nagmulat ng mata si Dark, tanging pagsenyas ng kamay ang ginawa nito. 

“Sa basement gagamutin ang sugat ni Dark, malamang sa mga oras na ito, nakarating na sa ibang mafia group ang pagpaslang sa grupo ni Russo,” sambit ni Demon sa seryosong tinig.

—BASEMENT—

Kunot-noo, nilagyan ni Terrence ng benda ang sugat ni Dark, medyo tumigil ang pagdurugo ng sugat ng binata dahil, sa itinurok nitong gamot. Nakatulog na rin ito. Matapos nitong tahiin ang sugat ng kaibigan ay nagpasya siyang lumabas. Paglabas niya ay naroon nakaabang sa kaniya ang tatlo.

Pinatay ni Demon ang kaniyang sigarilyo saka ito dinurog sa astray. Tumayo ito bago humakbang para  kamustahin ang kalagayan ng kapatid.

“Is he okay? Kailangan ba niya ang dugo ko?” nag-aalala nitong tanong.

Hinubad ni Terrence ang suot na white gloves. Seryoso ang mga mata nitong nakatitig.

“His safe, hindi naman ganoon kalala ang natamo niyang sugat kaya, baka mamaya ay magigising na siya,” sagot nito.

Bahagyang sumilip sa may siwang ng pinto si Demon, nang matiyak niyang totoo ang sinabi ng kaharap ay naging panatag ang kalooban niya.

He checked his wrist watch.

Past 11 pm na iyon ng gabi. Naroon sila sa basement. Well-organize ang buong kwarto at hindi mo ito pagkakamalang basement lang dahil, sa lawak niyon. Dahil, sa may hidden door doon ay malaya nilang napasok ang penthouse ni Dark, hindi rin nila nagambala ang natutulog na dalaga.

“Dem, may pagkain ba kayo rito? Mukhang, naniningil na kasi ng pagkain ang tiyan ko!” Reklamo ni Azul.

Sabay na lumingon kay Azul ang lahat. Na para bang, isang kasalanan ang pagkalam ng sikmura nito.

Hindi nakatiis, hinayaan ni Demon ang kaibigan. Baka kapag nagutom ito at nagka-ulcer ay kargo de konsensya pa niya.

Tinungo nila ang kusina. Dahil, na rin sa kailaliman na ng gabi ay imposibleng magising pa ang sinasabi ni Azul na dalagang pinatira ni Dark sa pamamahay nito. Bahagya napangiti si Demon, nabuhay bigla ang interest niya sa nasabing dalaga. 

Subalit, bago pa man nila narating ang pinto ng kusina, napansin kaagad ni Demon na may tao sa loob dahil, dinig niya ang pagtulak nito sa bangkong nandoon sa loob. Dahil, sa bahagyang nakaawang ang pinto, ay nasilip niya ang paggalaw ng taong iyon. Hindi man niya naaninag ang kabuuan nito dahil, natatakpan iyon ng dilim ay sigurado siyang kalaban ito.

Sinenyasan niya si Azul na tumahimik. Kinuha ng binata ang nakasuksok nitong baril mula sa kaniyang likuran, naka-cock na iyon at kalabit na lamang ang kulang.

Naging aktibo naman si Azul, at mabilis na nagtago sa kabilang bahagi.

Walang pagdadalawang-isip na pumasok sa loob ng kusina si Demon at kaagad na ni-lock nang mahigpit sa leeg ang mapangahas, gamit ang naglalakihan niyang braso. Na siya namang ikinagulat ng dalaga. At halos hindi na ito makahinga.

“Don't move, or I'll shoot you!” mabagsik na tugon ng binata.

Kasabay nang pagliwanag nang buong paligid, biglang nahulog mula sa bibig ni Anya ang kagat-kagat nitong chichen leg. Naluluha siya at takot na takot sa mga sandaling ito.

Tulala at nanginig sa nerbyos naman si Azul nang makita si Anya na nasasaktan.

“Anya!” Bulalas nito.

Doon, natigilan si Demon. Dahan-dahan ang ginawa nitong pagkalas ng kaniyang braso. Nang iharap niya sa kaniya ang dalaga ay nagkatitigan silang dalawa. Hindi siya nakaimik, napalunok siya at kaagad na humingi rito ng tawad.

Anya's tears fell from her eyes.

Naroon pala ito para kumain, nakaramdam kasi ito ng pagkalam ng sikmura kung kaya't bumaba ito para kumain sa dis-oras na ng gabi.

KALAUNAN, tanging pagsunod ng tingin sa dalaga ang ginawa ni Demon. 

The playful smirk smile trace on his lips. Bagay para hindi niya napigilan ang sariling humanga sa dalaga. Dark, has a perfect taste.

Anya, is such a fragile, a pure and innocent. Para itong babasagin na kailangan ingatan.

“Hey! I'm sorry for what I've done. Akala ko kasi, may ibang taong nakapasok,” paghingi niya ng tawad dito bagay para iangat ng dalaga ang mukha nito at tinitigan siya nito.

Abala ito sa pag-aayos nang kaniyang higaan.

“Ayos lang po, Sir Dark. Pasensya na rin po kung pinakialaman ko ang kusina mo,” mahinahon ang boses nitong tugon.

He gulped, although aware naman siya na inaakala lamang ng dalaga na siya si Dark ay hindi niya maiwasang kumunot-noo.

“Okay, leave that. You need back to sleep, it's getting late!” Puno ng awtoridad ang boses niyang sabi rito.

Napamaang si Anya, bagaman nagtataka ay lumabas na lamang ito sa silid ng binata. Hindi niya naman kasi naiintindihan ang sinasabi ni Dark. Panay kasi ang english nito samantalang, alam naman nitong hindi siya nakakaintindi.

“Nabagok na yata ang ulo niya, para bang ibang tao siya. Hayst! Nakakatakot siya sa totoo lang!” Naisambit ni Anya sa sarili.

Kaagad nitong tinungo ang kanyang naging silid, ni-lock ito at siniguradong hindi siya manganganib.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status