Share

CHAPTER 28: Critical!

TITIG na titig ang mga bata kay Dark. Wari’y kinikilatis ng mga ito ang lalaking nasa harapan nila. Naging kalmado man kung titigan sa mga pagkakataon na iyon si Dark subalit, hindi maipagkaila ang pagningning ng mga mata nito.

Pigil na pigil na hawakan kahit isa man lang sa kanila. Mga bagay na napapansin ni Leiron na siyang ikinatalikod kaagad niya. Siya tuloy ang nasasaktan para sa kaibigan niya. Kung sana, may magawa man lang siya, gagawin niya.

Tumungo siya sa hardin at doon nagsindi ng sigarilyo. Lately, nagiging malambot ang puso ng Pinuno nila, hindi na ito gaya nang dati. Alam niyang, kahit paano ay bumalik ang dating sigla at ngiti nito. At si Anya lamang ang makagawa niyon.

“Leiron Nicholai Kiosk!” buong sambit ni Terrence sa kaniyang pangalan.

Hindi na siya nagulat pa dahil, si Terrence lang naman ang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao.

“Bakit ka umalis?” usisa nito.

Hinarap niya ang kaibigan at saka ningisihan. Nakita niyang nakasuksok sa magkabilang bulsa n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status