HINDI binigyang pansin ni Anya ang matinding sikat ng araw. Bukod kasi sa paglalako ng mga kakanin ay nagtitinda naman siya ng mga rosas tuwing araw ng biyernes. Suot ng dalaga ang kulay dilaw na bestidang mabulaklakin na pinaresan niya lamang ng murahing sandalyas. At dahil, sa kalumaan na nito ay nagkasugat-sugat ang kanyang talampakan.Mala-manika kung siya ay ikukumpara. Subalit, tanging kapintasan niya lamang ay ang kakulangan nito sa edukasyon. Hindi siya nakapagtapos sa pag-aaral dahil, maaga siyang naulila sa kaniyang ina at naging obligasyon na rin niyang alagaan ang kaniyang tiyahin. Sa murang edad ni Anya ay natuto siyang magtrabaho para may maibigay na pera. Kahit sobra-sobra na kung siya ay tratuhin ng kaniyang Tiya Marites. Ngunit, hindi siya kailanman nagtanim nang sama ng loob dito. Kahit pa na, lagi nitong ipinagduldulan na, isa siyang anak ng mamatay-tao.Sa bagay na iyon, mas nanatili sa kaniya ang laging binilin ng kaniyang ina. Ang mahalin ang Tiya Marites niya.
Author's note: Please, kung inosente ka, skip mo lang ito. Patnubay at gabay ng magulang ang sapat na kailangan.—------KAHIT gabi na, bumiyahe mula Maynila si Demon Silvestre pauwing probinsya. Muntik nitong makalimutang kaarawan ngayon ng kaniyang mamita, ang ina ng kaniyang papa.Napatingin siya sa kaniyang pambisig-relo. Naikagat niya ang kanyang ibabang labi at namumuo ang tensyon na kanyang nararamdaman. Patungo na siya sa Hacienda De Silvestre, kung saan pagmamay-ari na ito ng kaniyang Lolo Gildo.Malayo pa ang mansion nang tumunog ang kanyang cellphone. Gamit ang earpiece bluetooth ay nasagot niya ang tawag nang walang kahirap-hirap.“Where are you now? For Christ sake, Dark! It’s already seven in the evening and the party is already started, kayo na lang ang hinihintay ng mamita mo!” narinig niyang bulyaw ng kaniyang stepmom mula sa kabilang linya.“Mom, don’t worry. I’m already here! Kunting tiis na lang okay,” pabirong aniya.“Kasama mo ba ang kapatid mo?” usisa nito.“No,
A/n: Pasensya. Pero, skip mo lang kung birhen pa mga mata mo. -----MAHIGIT tatlong araw ang nakakalipas, nangangapa pa rin sa mga taong nakakasalamuha niya si Anya. Naging, maayos naman ang pagtrato sa kaniya ng mga kasamahan niya. Lalo na si Madam RR, hindi gaya noong nakaraang araw. Lagi itong nagagalit kapag makita siya. Subalit, kabaliktaran na ito ngayon, dahil kung tratuhin siya ay para bang kaibigan lang.“Anya, mag-ayos ka na. Pupunta ngayon si Dark Silvestre. Alalahanin mo, siya ang bumili sayo at gumastos ng malaking halaga!” paalala nito.Pagkarinig niya sa ngalan ng lalaki ay ramdam niya ang kilabot. Sa ngalan pa lang nito, nakakatiyak siyang, hindi magiging maganda ang kapalaran niya sa mga kamay nito.“Oo po, susundin ko,” nauutal niyang sagot.Takot at pangamba ang naramdaman niya bagay na ikinalunok niya sa sariling laway. Takot siyang tumakas dahil, sa binantaan siya ni Madam RR. Galit man ang naramdaman niya sa kaniyang kinilalang kamag-anak ay wala na rin siyang m
NAALIMPUNGATAN ng gising si Anya kinabukasan nang maramdaman niya ang mabigat na brasong nakayakap sa kaniyang katawan. Paglinga niya ay, nasaksihan niya ang maamong mukha ng binata. Payapa itong natutulog. Nang ibaba niya ang tingin, nakadantay sa hita niya ang binti nito. Pinamulahan siya ng mukha. Sarap na sarap sa tulog nito ang binata habang siya ay masakit ang buong katawan. Nang akma niyang ilayo rito ang sarili, pansin niya ang paggalaw ng mga namumutok sa masel nitong braso. Bahagya siyang napalunok. Makailang beses na niyang binabalik-balikan ang kaanyuan ng katabi. Napaka-perpekto ng mukha nito, na para bang nililok ang mga iyon. Mula sa makakapal nitong kulay itim na kilay, matangos na ilong, maging ang pilik-mata nito. Manipis din ang namumulang labi nito. Napalunok si Anya, kagat-labi niyang hinagod ang labi ng binata na hindi lumalapat ang kaniyang daliri. “Done examining me? Gusto mo yata akong lunukin ng buo, Miss?” nakangising anito. Gulat at halos takasan ng k
SAMANTALA, ingat na ingat si Anya mula sa kaniyang paghakbang. Pakiramdam niya kasi, maling galaw na gagawin niya ay sasakit iyon. “Masakit ba talaga?” naulinagan niyang usisa ni Merry.Iniwas niyang mapatitig dito. Alam niyang pagtatawanan lamang siya nito.“Masasanay ka rin, Anya. First time mo kasi, kaya ganyan. Pero noong akin, hindi ko naranasan ’yan.”Nag-angat ng mukha si Anya. “Bakit? Bakit sa akin masakit?” takang tanong niya rito.Humagalpak ng tawa si Merry. “Kasi nga malaki! Siguro, ganito kalaki ano?” usisa ni Merry sabay sinukat ang kamay hanggang siko.Pinamulahan ng mukha si Anya. Bigla siyang nahiya.“Sobra ka naman, Merry. Hindi naman ganyan kalaki, ah!” Depensa niya at saka iniiwas dito ang tingin.Namilog ang bibig ni Merry, kalaunan ay tumawa ito sabay sinusundot siya sa kaniyang tagiliran.“Uy! Alam niya,” pilya nitong sabi. “Sabi ko na
AFTER a while, Terrence gives Dark the information he need. Si Terrence, ang pangatlo sa ranggo ng grupo.Napatitig si Dark sa lumang larawan ng mag-anak at sa birth mark ng batang babae. It was familiar, pero hindi siya sigurado.“Nasa probinsya ng Davao makikita ang mag-inang ito, Dark. Heto ang nakalap kong impormasyon. I hope, makatulong ito sa pagpapahanap mo,” sambit nito matapos nitong mailapag sa mesa ang hawak.Nasa hide out sila ng mga sandaling iyon.“Good! Hintayin ko na lang ang tawag ni Demon, siya ang inutusan kong makipagkita sa matandang si, Mister Akuzama. He's on his way going back here,” Dark said in his serious tone.“I think,
TAHIMIK lamang na sinindi ni Dark ang sigarilyo nito. Naroon si Anya sa kabilang kwarto kung saan niya ito pinatulog. Tahimik niya lamang din isinalin ang alak sa isang rock glass.Tumayo siya, saka hinubad ang suot na damit saka nagpalit din pagkatapos.Suddenly, his phone beeps once. He receives a message from Terrence. Naroon ito sa labas ng bahay niya at naghihintay. Bumaba siya para harapin ang bisita.He heard a noise. The door creaks open, revealing Terrence, his trusted member.Tinanguan niya ito hudyat para lumapit ito sa kaniya.“Boss, may problema tayo. The Cartel is moving in on our territory,” bulong ni Terrence nang makalapit ito sa kaniya.
KINABUKASAN, tinanghali nang gising si Dark, pagmulat ng kaniyang mga mata ay bumungad sa kaniya ang kulay ng kisame. Paglinga niya ay kaagad niyang naiharang sa mukha ang sariling kamay nang tumama sa kaniyang mga mata ang sinag ng araw na nagmula sa nakabukas na bintana. Bumangon siya ngunit, bahagya siyang napainda dahil, sa sakit. May benda ang beywang niya nang tingnan niya ang sarili.Bumaba siya sa kanyang higaan at isinuot ang puting longsleeve na nakasabit lamang sa may stool, iniisa-isa nitong sinara ang mga butones pagkatapos. Bakas sa mukha ang kaseryosohan ngunit, pansin ang pagputla nito. Nilingon niya ang lamesita, may note na nakadikit doon, galing ito kay Terrence at nagpapasabing nauna na silang umuwi at hindi siya nahintay magising.Tinupi niya ang sulat saka isinuksok sa bulsa ng suot niyang pants. Taas-noo na hinakbang ang loob ng bahay.Sa mga sandaling iyon, nadatnan niyang nagluluto si Anya. Sa isip-is
ISANG larawan ng masayang pamilya kung ikukumpara sina Dark at Anya. Wala na ngang ibang maihihiling pa si Dark kundi makita sa araw-araw ang mag-ina niya. At sa mga sandaling iyon nasa picnic groove sila mula sa pakiusap ni Ericka, ang bunso nilang anak.Napangiti na lang si Anya nang pumwesto si Dark at nahiga ito sa kanyang hita. Suot ni Dark ang White Longsleeve Basic Shirts with Dress Pants. Habang suot naman ni Anya ang stripe jumpsuit. At kapwa masaya na pinapanood mula sa ‘di kalayuan ang kanilang mga anak. Naglalaro ang mga ito at sinusulit ang araw. “Gusto kong lumaki na malayo sa gulo ang mga bata, Dark. Balak ko sana, sa probinsya tayo tumira. Iyon ay kung gusto mo rin,” naisatinig ni Anya habang sinusuklayan ang buhok ni Dark. Hinuli ni Dark ang kamay ni Anya at saka dinala ito sa labi para halikan. “Sure, wife. Tatapusin ko lang ang misyon ko. Samahan ko muna ang daddy mo, saka na tayo aalis.” Napatingin si Anya at ngumiti na lang din kalaunan. “May tiwala ako sa
HABANG bumiyahe ay hindi maiwasan kabahan ni Dark. Wala siyang kinatatakutan but, this time. Ramdam na ramdam niya ang kaba. Pupunta sila ni Anya sa pamamahay ng ama nito kasama ang kanilang mga anak. Saglit niyang nilingon ang asawa nang maramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang kamay at hinigpitan ito. “Sigurado ka na ba, Dark?” usisa sa kaniya ni Anya. “Oo naman. Ito na rin ang tamang pagkakataon, Anya. Gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat sa inyo ng mga anak ko.” Natawa sa kaniya si Anya, “Don’t worry, kapag ipabugbog ka ni, daddy. Siguraduhin niya lang na hindi ka masasaktan. Ako, makakalaban niya!” “Silly! Hindi ako natatakot, Anya. But, I will respect your father. Hindi ako lalaban, huwag niya lang kayong ilayo sa ‘kin.” Ngumilid kaagad ang luha ni Anya habang nakatitig ito sa kanyang mga mata. At saka nito isinandal ang ulo sa kanyang balikat. “I want to be with you, Dark. I wanna grow old with you.” Tanging pagngiti nang malawak ang sumilay sa labi ni Dar
NAIHANDA na ang lahat at planado na rin. Mula sa idea ni Terrence ay nabuo ang surprise proposal ni Dark. Bagay na hindi naman nalaman ni Anya.Nasa outing sila sa pagkakataon na iyon. At sa pagmamay-aring resort ni Leiron ay doon nila napagpasyahan puntahan.Maaliwalas ang panahon sa mga sandaling iyon at sinasabayan nang paghampas ng hangin ang tuyong dahon. Sa pagbulusok niyon paibaba, hindi maiwasang sundan ito ni Anya nang tingin at damhin ang pagdampi niyon sa kaniyang palad.Napakaaliwalas ng mukha nito bagay para bahagyang mapangiti si Dark. Nasa kalagitnaan sila ng autumn forest, kung saan nakapalibot ang mga magagandang punong kahoy at naghalo-halo ang kulay ng mga dahon nito. Pinaghalong orange, red and gold.Dark stood still beside Anya. As they walked along a winding path carpeted with a mosaic of foliage, Dark's heart beat with a nervous anticipation that matched the rustling of the leaves above.
“Ma!” naisambit ni Zee nang mapansin nito ang ina.Biglang umalis mula sa pinagtataguan niya si Anya. At kita niya ang kaagad na pagkahiwalay ng dalawa mula sa pagyakapan. Natuon din ang paningin sa kaniya ni Dark. Ngiting pilit naman ang ginawad ni Anya sa asawa. Habang nakatingin sa kinaroroonan niya ang kararating na mga bisita at saka lumapad ang ngiti ng mga ito.Hindi na rin kumibo pa si Anya nang humakbang papalapit sa kinaroroonan niya si Dark para puntahan at hulihin nito ang kamay niya para hawakan ito, bagay para titigan niya ito sa mukha.Umarko ang kilay ni Anya maging ang babaeng yumakap sa kaniyang asawa kanina ay nanlaki ang mga mata. Hanggang sa inagawa nito ang kamay niya mula kay Dark at saka ngiting-ngiting ipinakilala ang sarili.“Ate! Oh my Gosh. I’m Yviona Silvestre, natatandaan mo ba ako. Ako ’yung intern na hawak mo!” “Yve? Woah! Ma-magkapatid kayo?”“Aha! You're right! Ako
Habang nakasandal si Anya sa balikat ni Dark, napapangiti siya nang pinaglalaruan nito ang kanyang mga daliri. Nasa labas silang dalawa sa mga sandali na iyon habang nag-movie marathon. Habang nagbigay init sa malamig na gabi ang patuloy na pagsiga ng apoy sa may bandang bahagi. Agaw atensyon din ang mga magagandang ilaw sa paligid nila, na sa pagkakaalam niya, pinaglalaanan ayusin ng mga ka-grupo ni Dark. Isang linggo na rin mula nang maka-recover siya at inuwi siya ni Dark sa bahay nito. Noon niya lang talaga napagtanto na, marami itong bahay na pag-aari. Bantay-sarado rin ang bahay nito dahil, sa mga iilan na bodyguard. Sumilay sa labi niya ang ngiti at saka niya hinarap si Dark. Nangulila siya nang lubos sa lalaking ‘to at hindi niya napigilan ang sarili na kiligin na lamang bigla. Kahit kasi, malabo noon ang mukha nito kapag napapanaginipan niya, hindi niya maiwasan na mapaisip. Akala niya si Stewart talaga at sa kagustuhan niya; pinaniwalaan niya ang sarili noon na si Ste
TITIG na titig ang mga bata kay Dark. Wari’y kinikilatis ng mga ito ang lalaking nasa harapan nila. Naging kalmado man kung titigan sa mga pagkakataon na iyon si Dark subalit, hindi maipagkaila ang pagningning ng mga mata nito. Pigil na pigil na hawakan kahit isa man lang sa kanila. Mga bagay na napapansin ni Leiron na siyang ikinatalikod kaagad niya. Siya tuloy ang nasasaktan para sa kaibigan niya. Kung sana, may magawa man lang siya, gagawin niya. Tumungo siya sa hardin at doon nagsindi ng sigarilyo. Lately, nagiging malambot ang puso ng Pinuno nila, hindi na ito gaya nang dati. Alam niyang, kahit paano ay bumalik ang dating sigla at ngiti nito. At si Anya lamang ang makagawa niyon. “Leiron Nicholai Kiosk!” buong sambit ni Terrence sa kaniyang pangalan. Hindi na siya nagulat pa dahil, si Terrence lang naman ang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao. “Bakit ka umalis?” usisa nito. Hinarap niya ang kaibigan at saka ningisihan. Nakita niyang nakasuksok sa magkabilang bulsa n
SA ISANG malawak at organisadong silid, kumuyom ang kamaong tinitigan ni Stewart ang hawak na inpormasyon, kung saan magtuturo s kaniya sa kinaroroonan ni Dark. Umigting ang panga at nalukot sa kanyang kamay ang kapirasong papel. “Damn it, Anika! How could you let that snake, Silvestre, get the jump on you?!” asik niyang sabi. Napuno nang tensyon ang buong silid habang ang kaniyang mga tapat na mga alipores ay nagpapalitan ng mga tingin. Alam ng mga ito na kapag galit na galit ang kanilang pinuno, ang paghihiganti niyon ang kasunod. Dumilim at masama ang mukha ni Stewart habang inikot niya nang tingin ang silid, palakad-lakad at nag-iisip sa kung ano ang susunod na gagawin. Dahil, hindi siya papayag na isang Dark, ang siyang magpapakaba sa kaniya. Mahinahon ang boses subalit, mas nangingibabaw ang nakakatakot nitong pagngisi. “Dark Silvestre, you've just signed your own death. N
PASADO alas-otso na ng gabi, hindi pa rin lumabas ng silid niya si Anika. Kahit pa na, kanina pa kumakalam ang sikmura niya. Natatandaan niyang kape lang at tinapay ang tanging laman ng tiyan niya, at kaninang umaga pa iyon. Ramdam niya ang pagkagutom pero, binalewala niya iyon nang sa gayon ay maiiwasan niya si Dark. Hanggat, hindi siya nito pinapauwi, hinding-hindi siya kakain. Nangilid bigla ang luha sa kanyang mga mata. Ngayon niya lamang naalala, ang sinabi sa kaniya ni Julea. Kasalanan niya rin, masyado siyang naka-focus sa lalaking iyon, dahil sa trabaho niya. Kahit alam niyang kaaway ito ng kaniyang ama, ay naniniwala siyang makausap niya ang binata nang maayos. Kaya nga, mas pinili niyang gamitin ang Moretti para hindi siya paghinalaan ng lalaki kung sakaling magkaharap sila. Subalit, akala niya ang lahat. Mas mautak pala ito. “Gosh! I miss my kids. I want to see them,” hikbi niyang usal sabay pahid ng kanyang mga
NAALIMPUNGATAN nang gising si Anika. Nang tamaan nang liwanag sa kaniyang mukha dahil, mula iyon sa ilaw na nasa kisame. Medyo, sumakit ang ulo niya. Bagay para pakiramdaman niya ang sarili. Maya’t maya pa ay, bigla siyang natauhan at napabalikwas nang bangon nang matitigan niya ang buong paligid. Mas lalo siyang nawindang at lalong naalarma nang iba na ang suot niyang damit. Dahil, isa na iyong magkapares na pajama. “Oh God!” naiyak niyang naiusal. Dali-dali siyang bumaba mula sa hinihigaan. At hindi na rin siya nag-abalang magsuot ng pangsapin sa kaniyang paa dahil, sa pagmamadali. Subalit, pagbukas niya sa pinto ay pagdidilim lamang ng kalangitan ang bumungad sa kaniya at isang malamig na paghampas ng hangin. Ang malamig na gabi ang nagpagising sa diwa at noon lamang napagtanto na naroon siya sa isang magandang yatch. At sa mga sandaling iyon ay naglalayag sa ka