Share

CHAPTER 4.2: The Continuous

SAMANTALA, ingat na ingat si Anya mula sa kaniyang paghakbang. Pakiramdam niya kasi, maling galaw na gagawin niya ay sasakit iyon. 

“Masakit ba talaga?” naulinagan niyang usisa ni Merry.

Iniwas niyang mapatitig dito. Alam niyang pagtatawanan lamang siya nito.

“Masasanay ka rin, Anya. First time mo kasi, kaya ganyan. Pero noong akin, hindi ko naranasan ’yan.”

Nag-angat ng mukha si Anya. “Bakit? Bakit sa akin masakit?” takang tanong niya rito.

Humagalpak ng tawa si Merry. “Kasi nga malaki! Siguro, ganito kalaki ano?” usisa ni Merry sabay sinukat ang kamay hanggang siko.

Pinamulahan ng mukha si Anya. Bigla siyang nahiya.

“Sobra ka naman, Merry. Hindi naman ganyan kalaki, ah!” Depensa niya at saka iniiwas dito ang tingin.

Namilog ang bibig ni Merry, kalaunan ay tumawa ito sabay sinusundot siya sa kaniyang tagiliran.

“Uy! Alam niya,” pilya nitong sabi. “Sabi ko na nga ba, tiyak na paika-ika ka pagkatapos. Pero ang swerte mo ha? Sa halagang 300 million, sold ka kaagad.” 

Kunot-noo, hindi naintindihan ni Anya ang sinabi nito.

“Ang dami mong alam,” sambit niya at sinubo ang prutas na dala ng babae.

Ilang saglit ay bumukas ang pintuan ng kwarto nila. Iniluwa niyon mula roon si Madam RR. As usual, napaka-elegante ng suot nito, mula sa mamahaling alahas at magandang damit.

“Oh, Anya! Bilisan mo nang ligpitin iyang mga gamit mo. May naghihintay na sayo sa labas!” abiso nito.

Umaliwalas ang mukha ni Anya. Sa pag-aakalang, ang tiyahin niya ang naghihintay.

“Si Tiyang Marites po ba?” tanong niya rito.

Umangat ang kilay na tumitig sa kaniya ang kausap. 

“Hindi! Kaya, huwag ka nang magtanong pa. Bilisan mo!” Utos nito saka ito tumalikod at naglakad palabas.

Nagkatinginan silang dalawa ni Merry. Tinulungan siya nitong magligpit ng mga damit niya. Ramdam niya ang pananahimik nito bagay na ikinangiti niya rito.

“Aalis ka na pala, buti ka pa. Samantalang ako, nakakulong pa rin sa impyernong lugar na ’to,” nanubig ang matang ani Merry.

Yumakap dito si Anya, “Pangako, babalikan kita, Merry.”

Pumatak ang luha nito, “Mag-iingat ka kung saang lugar ka pupunta, Anya.”

Tanging pagtango lang din ang itinugon ni Anya sa kaibigan, yumakap siya nang mahigpit pagkatapos ay humiwalay din.

Isang lalaki ang nabungaran ni Anya paglabas niya sa club. Bitbit niya ang hindi kalakihang bag nang kaagad na lumapit sa kaniya ang gwapong lalaki, kung hindi siya nagkakamali. Hindi nalalayo ang edad nito kay Dark Silvestre.

“Akin na, ako na ang magdadala ng mga ito,” sabi nito nang kinuha nito mula sa kaniya ang bitbit na bag.

Nag-aalangan at nahihiya siya sa mga oras na iyon bagay na ikinayuko niya ng ulo.

“Come, get inside!” Utos nito sa kaniya.

Nilaro-laro niya ang kaniyang mga daliri. Dala marahil ng kaba at nerbyos niya.

“Don't worry, ihahatid kita sa bahay ni Dark. Siya rin ang nagsabi na hindi ka dapat hawakan ni tingnan.”

Para bang napipi si Anya pagkarinig niya sa binigkas ng binata. Pansin niya ang nakakalokong ngiti ng kausap. Nang ilahad ng binata ang kamay nito para pumasok siya sa loob ng sasakyan ay hindi na siya nagpakipot pa.

Hindi kumibo si Anya sa loob ng sasakyan. Natatakot siyang magsalita. Magaan man ang loob niya sa lalaking ito pero hindi niya magawang magtanong. Alam niyang wala siya sa posisyong iyon.

“Anya, right?” usisa nito sa kaniya.

Bahagyang natigilan si Anya bago sumagot, “Oo,” tipid niyang sagot dito.

Sumulyap mula sa salamin sa harap nito ang binata, habang nakangiti ito.

“Huwag kang matakot. Ako si Azul Cartel, kaibigan ako ni Dark,” pakilala nito.

Tango at ngiting tipid ang sinukli ni Anya. Wala siyang alam na salita kung ano ang dapat sabihin dito.

“Siguro, nagtataka ka kung bakit ka pinapasundo ni Dark?”

Saglit siyang natigilan. Gusto niyang malaman din sa lalaki kung nasaan si Dark. 

“May importanteng pinuntahan si Dark, Miss Anya. Later on, uuwi iyon kapag nalaman niyang kasama na kita.”

“Sa-salamat. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong mararamdaman. Pero, masaya ako. Iniligtas ako ni sir Dark sa trabaho na iyon.”

Kaagad siyang yumuko upang itago ang mukha. Nangingilid na naman kasi ang luha sa kaniyang mga mata.

Hindi na nagsalita pa ang binata. Nakikiramdam na lamang ito at itinuon sa daan ang paningin. 

Ilang minuto ang itinagal, narating nila ng lalaki ang destinasyon. Sa isang malawak na Villa na kung saan, tanging mayayaman lamang ang puwedeng tumira sa ganoong kalaking bahay. 

Ginarahe ng nagpakilalang Azul ang sasakyan nito. Lumabas ito ng sasakyan pagkatapos ay pinagbuksan siya ng pintuan.

Halos malaglag ang panga ni Anya dahil, sa nakita. Kung ikukumpara kasi sa mansion ay kabilang na ang bahay na iyon.

“Nasaan po ba tayo?” takang usisa niya sa lalaki.

“Sa bahay ni Dark,” tipid na ngiting sagot nito.

Inilabas ng lalaki ang bag niya mula sa compartment ng sasakyan nito at walang sabi-sabing binitbit ito.  Sinundan niya ang binata nang humakbang ito papasok sa loob ng bahay.

“Dito na rin ang magiging tahanan mo, Anya.” 

Nahinto mula sa paghakbang si Anya. Seryoso ang tono ng binata at sigurado siya, hindi ito nagbibiro.

“Pe-pero, bakit po?” wala sa sariling naitanong niya.

Natawa ang binata, nagkibit-balikat ito. Inilagay din nito sa malaking sofa ang bag niya.

“Maupo ka, hintayin mo na lang si Dark, siya ang dapat na magpaliwanag sayo ng lahat.”

Lutang na naupo na lamang si Anya sa sofa. Dahil, sa lambot niyon ay siya rin ikinagulat niya.

“Maiwan na muna kita—oh! Before I leave, nagbilin si Dark, hintayin mo raw siya hanggang makauwi mamaya,” nakangising habilin nito sabay kinindatan siya.

Nakatulalang sinundan niya lamang ng tingin ang papalayong binata. Nilingon niya ang kanyang bag, saka nilibot ng tingin ang buong kabahayan. Mukhang, maliligaw siya oras na pasyalan niya ang bawat sulok niyon.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Clarisa
owemji! Sarap naman ng ganyan buhay hahaha. Sana magkaroon din ako hihihi
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status