POINT OF VIEW
ALEJANDRASA PAGPASOK ko pa lamang ng mansion. Bumungad sa harapan ko ang ilang mga babaeng nakasuot ng maids uniform. Habang dala-dala ko naman ang isang bag na aking iniingatan. Narinig ko na lang ang pagbati ng isang babae. Unang tingin ko pa lang sa kaniya ay tila bata pa ito kumpara sa akin. Ngumiti siya sa akin. Kasabay nang pagkuha nito ng aking itim na bag. Hindi ko pa sana ibibigay ang hawak ko. Subalit, nagpumilit si Mr. Thom. Napansin ko naman ang magandang istilo ng hagdan. Kahit ang pagkakagawa nito ay hindi mo talagang masasabing may pagkakamali sa bawat disenyo. Narinig ko ang pagtikhim ni Mr. Thom. Saka ito umalis sa aking tabi. Napatingin siya sa akin, na tila ba may ibig siyang pakahulugan? Sinundan ko na lamang siya. Napakatahimik. Iyon ang aking nararamdaman. Sumagi sa isipan ko kung nasaan na ba si Travish Villamor. Pangalan pa lamang niya ay may kaba na ng puso sa aking dibdib. Marahan kong hinawakan ang aking tiyan. Naiisip ko pa lamang ang sanggol sa aking sinapupunan ay may kasiyahan na akong nararamdaman.“Ito ang magiging silid mo sa loob ng siyam na buwan.”Napawi ang kaisipan na dumadaloy sa akin. Nang magsalita si Mr. Thom. Umiling na lamang ako sa kaniya. Kontento na rin naman ako sa ganda ng silid na inilaan para sa akin. Sa totoo lang ay kahit sinong katulad ko ay magagandahan sa silid na ito. Ilang minuto pa ay ipanakita sa akin ni Mr. Thom ang ilan sa mga damit na aking gagamitin. Dahan-dahan kong binuksan ang kabinet. May ibaʼt ibang klase ng damit na talagang ngayon ko lamang maisusuot.“Maraming salamat po, sa inyo Mr. Thom,” ngiting sambit ko sa kaniya.“Hindi mo naman kailangang magpasalamat sa akin, Señorita. Trabaho ko lang gawin na ayusin ang lahat. Iyon kasi ang bilin ni Mr. Villamor.”Hindi ko alam ang magiging reaksʼyon ko sa matanda. May lungkot at kaba na lumulukob sa aking damdamin. Napabuntong-hininga na lamang ako. Wala rin naman akong masasabing iba pa sa kaniya. Ang inaalala ko lang ay ang lalaking makikilala ko mamaya. Siya lang naman ang magiging ama ng aking nasa sinapupunan. Batid ko na hindi ko kailangang mag-isip ng higit pa roon. Ngunit, gusto ko pa rin ang magkaroon ng simple at masayang pamilya. At ang kailangan ko lang gawin ay sulitin ang mga sandaling mga buwan. Alang-ala lang sa aking pamilya.“Mr. Thom. Okay lang po ba kung sa maliit na silid na lamang po ako. Masyado po kasing malaki ito sa akin. Saka sanay naman po ako sa maliit na kʼwarto.”“Kung iyan ang gusto mo. Hindi ko iyon maibibigay sa ʼyo. Ayokong mawalan ng trabaho, Miss Samonte.”Kaagad umalis si Mr. Thom, sa aking harapan. Narinig ko na lamang ang pagbilin niya sa isang kasambahay.“Hindi ako makapaniwala na ganito pala kalaki ang mansion.”Hinawi ko ang kurtinang sumasangga sa isang malaking glass door. Halos matanaw ko na ang kabundukang bumungad sa aking paningin. Napakaganda nito. Tanging sariwang hangin ang iyong mararamdaman. Itinaas ko ang aking mahabang buhok. At naupo sa isang wooden chair. May napansin din akong flower vase sa ibabaw ng lamesa. Natuyo na ito at sa aking palagay ay matagal nang hindi nalalagyan ng tubig. May mga dahon na ring nalaglag sa tabihan nito.“Sa laki ng mansion na ito. Tiyak hindi ka talaga nila mapapansin,” wika ko sa hawak kong bulaklak.Nagpasya akong tumayo. At kinuha ang nakalaylay na bulaklak mula sa isang paso. Inilagay ko ito sa flower vase at nilagyan ng panibagong tubig. Pakiramdam ko ay hinihila ako ng malalim na pagkaantok. Bumalik na rin ako sa aking silid upang makapagpahinga.“Gagawin ko ang lahat gumaling ka lang mahal kong kapatid.” Nakatitig kong sambit sa hawak kong litrato.Nagising ako sa hanging dumadampi sa aking mukha. Ang malakas na bagsak ng ulan ay akin ring naririnig. Nakalimutan ko pa lang isarado ang pintuan sa may balkonahe. Mabilis akong bumangon at dali-daling isinara ang pinto nito. Ngunit, sa muli kong paglingon sa aking kinahihigaan ay bigla na lamang nag-off ang ilaw sa loob ng aking silid. Takot ang aking naramdaman. Kaagad kong hinananap ang switch ng ilaw. Pero, nabigo kong makita ito. Dinaig ko pang bulag sa bawat pagdama ko sa mga bagay na aking nahahawakan. Hanggang sa may kakaiba akong naramdaman. Kahit ako ay hindi makapaniwala kung bakit doon ako dinala ng aking mga kamay. Ang bawat haplos na ginagawa ko sa kaniyang dibdib ay nagrehistro sa kaba ng aking puso. Iiwasan ko na sana ang pagkakahawak ko sa kaniya. Nang biglang nagliwanag ang loob ng silid.Nakita ko ang mapupungay niyang mga mata. Maydiin ang pagkakatitig niya sa akin. Kasabay nang paghawak niya sa aking mga kamay. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ko ay sinusuri niya ang aking pagkatao o, pagkakakilanlan.“Who are you?” bulong niyang sambit.Naamoy ko pa ang alak na nagmumula sa kaniyang bibig. Gusto ko siyang itulak. Subalit, hindi ko kaya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking mga kamay.“A-ako si Alejandra Samonte. I-iyong babaeng—” nauutal kong wika sa hindi ko maituloy na sasabihin.Mas lalong humigpit pa ang pagkakahawak niya sa akin.“Siguraduhin mo lang na mabibigyan mo ako ng anak. Dahil kung hindi— pagsisihan mo ang tadhanang pinili mo.”“Nagtagumpay naman ang artificial insemination sa akin ni Dr. Jacob De Jesus. Kaya nga naririto ako para sa isisilang nating anak.”Tila hindi ko na napag-isipan pa ang aking sasabihin. Bigla na lamang iyon ang lumabas na salita sa aking mga sinabi. Napalunok ako sa takot na aking nararamdaman. Kinakabahan. Iyon ang mas nanaig sa aking puso.“Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Anak ko lang . . . pero hindi sa ʼyo!”Malakas ang pagtulak na iginawad niya sa akin. Nang maramdaman ko ang pagbagsak ko sa kamang kinahigaan ko lang kanina. Gustong umiyak sa kaniyang harapan. Tila ba gusto kong bumalik sa dating trabaho ko noon. Ngunit, kailangan ko itong gawin para sa kapatid kong nangangailangan. Bagay na nagbibigay sa akin ng lakas para siya ay mabuhay.“Ang lahat ay may katumbas na malaking halaga. Kaya dapat mong pag-ingatan ang nasa iyong sinapupunan. Kung ayaw mong buhay ang maging kapalit nito sa kapatid mo!”“Huwag kang mag-alala. Hindi ko naman iyon kalilimutan. Pakiusap, iligtas mo siya. Gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti ng anak mo. Ipinapangako kong— mabibigyan kita ng anak,” nangingilid na luhang sambit ko sa kaniya.“Kung ganoon ay pirmahan mo ang agreement, nating dalawa.”“A-agreement. Hindi ba naka-sign na ako sa dokumentong ipinakita sa akin ni Mr. Thom?”“Isang kasunduan iyan na naglalaman ng mga hindi mo nararapat gawin.”Katulad nga nang nasabi ni Mr. Thom, ay kailangan ko munang basahin ang nakapaloob sa dokumento. Bago ko ito pirmahan. Lalo na kung galing ito kay Mr. Villamor. Muli akong napabuntong-hininga. Kasunod nang mga luhang dumadaloy mula sa aking mga mata. Ito na yata ang simula nang aking kalbaryo sa kamay ng isang Zillionaire na katulad niya. Totoo nga ang sinasabi ng iba. Wala itong pakialam sa damdamin ng kahit sinoman. Makuha lang nito ang kaniyang kagustuhan.“Hindi mo kailangang titigan ang dokumentong ibinigay ko sa ʼyo! Kung ayaw mo ay pʼwede naman nating ilabas ng ospital ang kapatid mo.”Kahit may katanungan sa aking isipan. Hindi pa rin mawala ang mga salitang nakapaloob sa dokumentong iyon. Agad-agad kong ibinigay ang papel sa kaniya. Isang papel na patunay sa aming napagkasunduan. Hinila ko ang kumot mula sa ibabang bahagi ng kamang kinahihigaan ko. Habang ramdam ko ang malamig na temperatura sa loob ng silid. Halos balutin ko nang buo ang aking katawan. Nang masilayan ko ang pag-upo niya sa couch na naroroon sa kanang bahagi ng aking paanan. Doon ko pa lamang mas naaninag ang gʼwapo niyang mukha. Ang manipis niyang mga labi at matangos niyang ilong na bumagay sa hugis ng kaniyang mukha. Ganoon din ang kulay-asul niyang mga mata. Pero, mas tumatatak pa rin sa aking isipan ang mga salitang aking nabasa. Wala akong karapatang magmahal ng iba o, umibig sa kahit sinomang lalaki. Na tanging sa mansion lamang ako mananatili sa loob ng siyam na buwan.Walang tigil pa rin ang lakas ng ulan. Ganoon pa rin ang kaniyang posisyon. Seryosong nakamasid sa aking pagkakahiga. Naramdaman ko ang kaniyang marahang pagtayo. Saka niya kinuha ang telepono sa ibabaw ng lamesa. Matapos ang mga salitang narinig ko mula sa kaniya ay lumabas na ito ng aking silid.***POINT OF VIEW TRAVISH V. ILANG beses kong pinaikot-ikot ang hawak kong shot glass. Habang malakas na musika ang sumasabay sa mga taong nagsasayawan.“Hey, how are you?” aniya ng babaeng may ibig pakahulugan sa akin.“Can you please, stay away from me!”Unti-unti kong naramdaman ang paghaplos ng kaniyang mga kamay sa aking dibdib. Tila ba mas lalo akong nag-iinit sa sensasyong idinudulot niya sa akin? Kaagad kong hinawakan ang kaniyang mahabang buhok. Kasabay nang halik na aking iginawad sa kaniyang mga labi. Nakahihilo. Ngunit, naroroon pa rin ang init na gusto kong marating. Natigil lang ang aming mainit na pagtatalo. Nang biglang dumating si Jacob.“Hindi na ako magtataka kung sa isang araw ay mas mauna pang mabuntis ang babaeng hinahalikan mo ngayon. Remember, kasama na ni Mr. Thom ang babaeng nararapat na inaasam mong anak. Bakit hindi mo na lang sa kaniya iyon gawin, atlis may mabubuo pa sa inyong dalawa?”“F*ck you, Jacob!” may inis kong sagot. “Anak lang ang habol ko sa babaeng nakilala mo. Hindi ko nga alam kung saan mo iyon nakuha.”“Are you crazy? Isang birheng babae si Alejandra. Maybe, hindi mo lang siya kilala. And I think, she's like innocent.”“Do you really think, na nagsasabi siya ng totoo.”“Magkakilala sila ng kaibigan ko. Besides, ikaw ang nag-offer na maghanap ako ng babaeng birhen para sa ʼyo. At lahat naman nang detalye tungkol sa kaniya ay ibinigay ko na sa ʼyo.”Pabagsak kong inilapag ang shot glass na aking hawak. I don't care, kung magalit sa akin si Jacob. Ngayon pa lang ay iba na ang nararamdaman ko sa babaeng iyon, na hindi ko maipaliwanag. Umalis ako sa aking kinauupuan. At nagpaalam sa aking kaibigan. Habang hawak pa rin sa baywang ang babaeng hinahalikan ko lang kanina. Ilang minuto lang ang inilagi ko sa hotel. At nagdesisyong umuwi ng mansion. Nasabi na rin sa akin ni Mr. Thom na nasa mansion na ang babaeng nararapat, para sa magsisilang sa aking magiging anak.“Nasa taas na po ng silid si Señorita Alejandra. Wala na po ba kayong importanteng ipagagawa?”Napataas na lamang ang gilid ng labi ko. Alam na ni Mr. Thom ang ibig kong sabihin. Halos magulat ako sa dilim ng kaniyang silid. Ang malakas na kurtinang humahampas dulot ng hangin ang mas nangibabaw sa akin. At ang mga kamay na dumadaloy sa aking dibdib.“As soon as possible, I need another result, so I can be sure she is pregnant. Do you understand?” “Yes, Mr. Villamor.” Kaagad kong ibinaba ang aking telepono, na kahit man si Jacob ang nagsabing magiging maganda ang resulta. Mas nasunod pa rin ang kagustuhan kong makasigurado. She was glaring at me, and I saw it. Iyon ang mga tingin na ibinibigay niya sa akin. She clearly has a lot on her mind. But, I won't let it go away just because of her. I removed the necktie I was wearing. I feel like I'm being suffocated by something I can't explain. Tanging buntonghininga na lamang ang aking pinakawalan. Saka ako lumabas ng kaniyang silid. Naroroon pa rin ang pagdududa ko mula sa kaniya. Pagdududa na baka hindi siya sumunod sa aming napagkasunduan. Iniwan kong madilim ang silid. Ang bakas ng dampi ng ulan mula sa kurtina ay siyang nag-iwan ng marka sa akin. Wala akong pakialam. Iyon ang mas higit kong naramdaman. Masakit. Ngunit, hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa? Tila bumalik ang
ALAS-OTSO ng umaga nang marinig ko ang alarm clock mula sa aking bedside table. Dali-dali akong napabalikwas nang bangon sa pag-aalalang, baka bigla ko na naman makita ang matalim na tingin sa akin ng lalaking, tila malaki ang nagawa kong kasalanan. Mabilis kong iniayos ang aking kama. Saka ako malalim na nagpakawala ng buntonghininga. “Dapat masanay na ako sa bahay na ito.” Pangungumbinsi ko sa sarili. Bigla kong naalala si Erika. “Kamusta na ba sʼya? Kamusta na kaya ang kapatid ko? Nababantayan kaya niya si Anton?” Sa kalagayan pa lang ng aking kapatid ay hindi na ako mapakali. Naiisip ko kung tumupad ba si Travish sa aming napagkasunduan? Dahan-dahan kong pinihit ang doorlock. Ngunit, hindi ko pa man ito nabubuksan nang biglang bumungad sa akin, ang mukha ng lalaking aking iniiwasan. Bahagya ko pang napaatras ang kaliwang paa ko, na naging sanhi nang pagkawalan ko ng balanse. “Hindi ka ba marunong mag-ingat?” masungit na sambit niya sa akin. “N-nagulat lang ako sa—” Hindi ko
PABAGSAK kong isinara ang pinto. Habang unti-unting naman akong napaupo sa sahig. Hindi ko man lang nagawang gumanti sa mga masakit na salitang iginawad nʼya sa akin. Sino ba naman ako sa kanʼya? Iyon ang tanong ko sa sarili. “Siguro nga ay isa akong bayarang babae. Siyam na buwan. Magtitiis ako. Hindi para sa sarili ko, kundi para sa kapatid ko.”Napatakip ang dalawa kong kamay sa aking mukha. Ramdam ko ang sakit mula sa aking puso, sa mga salitang hindi ko kayang kalimutan. Minabuti kong kuhanin ang aking telepono sa bag. Subalit, naalala kong wala nga pala iyon sa akin. Ilang beses kong binanggit kay Mr. Thom ang telepono ko. Pero, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya naibibigay. Lakas loob akong lumabas ng silid. Bahagya pa akong bumaba ng ikatlong baitang ng hagdan. Laking pasasalamat ko at wala na roon ang lalaking sumira ng araw ko. Kahit baliktarin man ang mundo. Hindi ko talaga magugustuhan ang isang tulad nʼya. Kahit siya pa ang pinakamayaman sa buong mundo. Dahan-dahan ko
HALOS dalawang linggo na, buhat nang tumigil ako sa aking pag-aaral. Alam ko naman na hindi sapat ang kinikita ng aking magulang, para matustusan ang aking pangangailangan. Inaamin ko na may nakuha nga akong scholarship. Subalit, mas iniisip ko pa rin ang kalagayan ng aking kapatid. Narinig ko ang pagtunog ng aking di-keypad na telepono. Saka ako dali-daling napatakbo sa loob ng aming bahay. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagkirot ng aking paa. “A-aray!” sigaw ko nang mapahakbang ako sa nakaawang na pintuan. “Anong nangyari at namimilipit ka sa sakit ng paa mo?” pagtatakang sambit sa akin ni Mama. “Naku! Wala po ito, Mama. Nagkamali lang ako nang hakbang.”“Sabi ko naman kasi sa ʼyo na mag-iingat ka. Lalo naʼt hindi pa gaanong maayos ang pintuan natin ngayon.”“Salamat. Pero, ayos lang naman po ako.”Hindi ko na, nasagot ang tawag sa aking telepono. Dahan-dahan akong tumayo. Habang nakahawak sa upuang gawa sa kawayan. Nagtungo na lamang ako sa kʼwarto. Kasabay nang pagkuha k
HINDI ko akalain na mas mapapabilis din ang pagbalik ko sa Pilipinas. Natanggap ko ang messages ng aking personal assistant. Kaya naman siya na ang nag-schedule ng lahat para sa pagbisita ko sa isang pribadong ospital. Lalo naʼt magkikita na naman kami ng matalik kong kaibigan na si Travish Villamor. Dumiretso na rin ako sa Taguig sa aking condo unit. Hindi na rin ako nabigla, dahil alam ko naman na naroroon si Erika Buena. A simple girl that I'll never forget in my life. She's so kind and beautiful. Nang makilala ko siya sa isang resort sa Batangas. And I think, she's the one for me. As being my friend of mine. Mabuti na lang at tinulungan siya ng aking personal assistant, para magkaroon ng trabaho sa isang kilalang exclusive bar.Nang makarating ako sa Limbo Exclusive Bar. Iʼll never thought, na makikilala ko ang kaibigan nʼya na si Alejandra Samonte. Katulad nʼya ay simple lang din ito. Kaagad kong inilahad ang aking mga kamay. Nakita ko ang kaba sa kaniyang mukha. Kaya sa halip n
TANGING kaba ng aking dibdib ang nagpabago sa aking nararamdaman. Buhat nang malaman ko ang malubhang sakit ng nakababata kong kapatid. Napahagulhol ako nang pag-iyak. Mabuti na lang ay nagkataon na breaktime ko. Kasabay nang pag-inom ko ng tubig. Binili ko pa ito sa malapit na convenience store, na hindi naman ganoon kalayo sa aking trabaho. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung saan ba ako hahanap ng malaking pera? Upang matustusan ang pangangailangang medical ng aking kapatid. Napatingin ako sa aking wristwatch. Konting oras na lamang ay matatapos na ang ilang breaktime na aking pahinga. Akmang tatayo na sana ako sa aking pagkakaupo nang tumawag si Erika. Mabilis ko naman ini-on ang kaniyang pagtawag. “Oh, Erika. At bakit napatawag ka yata? Huwag kang mag-alala may kaunting minuto pa naman akong natitira.”“Hindi naman dahil doon kaya ako tumawag. Nag-aalala lang ako sa ʼyo. Lalo naʼt nalaman kong may sakit ang nakababata mong kapatid na si Anton.” “Ilang araw ko nang iniisi
NANLALAMIG ang aking mga kamay nang maimulat ko ang aking mga mata. Walang kahit na anong sakit ang naramdaman ko sa pagitan ng aking mga hita? Halos manlabo ang paningin ko dahil sa nakakasilaw na ilaw, na nagmumula sa taas ng puting kisame. Hanggang sa marinig ko ang boses ni Erika. Naramdaman ko na lamang ang paghawak niya sa aking mga kamay.“Kamusta ka na. Wala ka bang kahit na anong sakit na nararamdaman sa katawan mo?” “Wa-wala naman akong kirot na naramdaman, Erika. Si Jacob ba nasaan sʼya?”“Nag-check lang siya nang ibang pasyenteng may sakit. Gusto mo baʼng kumain?” pag-aalala niyang tanong sa akin. Umiling ako. Saka ko hinawakan ang kaniyang mga kamay. “Hindi pa ako nagugutom. At isa pa, salamat sa pagbabantay mo sa akin.”“Kaibigan kita, Alejandra. Basta, magsabi ka lang kapag nagugutom ka na.”Nagpasya na siyang umalis sa aking tabi. Habang tahimik kong pinagmamasdan ang puting kisame na nagpapasulo sa aking mga mata. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang lal

“As soon as possible, I need another result, so I can be sure she is pregnant. Do you understand?” “Yes, Mr. Villamor.” Kaagad kong ibinaba ang aking telepono, na kahit man si Jacob ang nagsabing magiging maganda ang resulta. Mas nasunod pa rin ang kagustuhan kong makasigurado. She was glaring at me, and I saw it. Iyon ang mga tingin na ibinibigay niya sa akin. She clearly has a lot on her mind. But, I won't let it go away just because of her. I removed the necktie I was wearing. I feel like I'm being suffocated by something I can't explain. Tanging buntonghininga na lamang ang aking pinakawalan. Saka ako lumabas ng kaniyang silid. Naroroon pa rin ang pagdududa ko mula sa kaniya. Pagdududa na baka hindi siya sumunod sa aming napagkasunduan. Iniwan kong madilim ang silid. Ang bakas ng dampi ng ulan mula sa kurtina ay siyang nag-iwan ng marka sa akin. Wala akong pakialam. Iyon ang mas higit kong naramdaman. Masakit. Ngunit, hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa? Tila bumalik ang
POINT OF VIEW ALEJANDRA SA PAGPASOK ko pa lamang ng mansion. Bumungad sa harapan ko ang ilang mga babaeng nakasuot ng maids uniform. Habang dala-dala ko naman ang isang bag na aking iniingatan. Narinig ko na lang ang pagbati ng isang babae. Unang tingin ko pa lang sa kaniya ay tila bata pa ito kumpara sa akin. Ngumiti siya sa akin. Kasabay nang pagkuha nito ng aking itim na bag. Hindi ko pa sana ibibigay ang hawak ko. Subalit, nagpumilit si Mr. Thom. Napansin ko naman ang magandang istilo ng hagdan. Kahit ang pagkakagawa nito ay hindi mo talagang masasabing may pagkakamali sa bawat disenyo. Narinig ko ang pagtikhim ni Mr. Thom. Saka ito umalis sa aking tabi. Napatingin siya sa akin, na tila ba may ibig siyang pakahulugan? Sinundan ko na lamang siya. Napakatahimik. Iyon ang aking nararamdaman. Sumagi sa isipan ko kung nasaan na ba si Travish Villamor. Pangalan pa lamang niya ay may kaba na ng puso sa aking dibdib. Marahan kong hinawakan ang aking tiyan. Naiisip ko pa lamang ang sangg