Share

MY RUTHLESS ZILLIONAIRE IMPREGNATE ME
MY RUTHLESS ZILLIONAIRE IMPREGNATE ME
Author: Jenica Mades

Chapter 1. THE BEGINNING

Author: Jenica Mades
last update Last Updated: 2023-06-04 13:48:24

HALOS dalawang linggo na, buhat nang tumigil ako sa aking pag-aaral. Alam ko naman na hindi sapat ang kinikita ng aking magulang, para matustusan ang aking pangangailangan. Inaamin ko na may nakuha nga akong scholarship. Subalit, mas iniisip ko pa rin ang kalagayan ng aking kapatid. Narinig ko ang pagtunog ng aking di-keypad na telepono. Saka ako dali-daling napatakbo sa loob ng aming bahay.

Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagkirot ng aking paa. “A-aray!” sigaw ko nang mapahakbang ako sa nakaawang na pintuan.

“Anong nangyari at namimilipit ka sa sakit ng paa mo?” pagtatakang sambit sa akin ni Mama.

“Naku! Wala po ito, Mama. Nagkamali lang ako nang hakbang.”

“Sabi ko naman kasi sa ʼyo na mag-iingat ka. Lalo naʼt hindi pa gaanong maayos ang pintuan natin ngayon.”

“Salamat. Pero, ayos lang naman po ako.”

Hindi ko na, nasagot ang tawag sa aking telepono. Dahan-dahan akong tumayo. Habang nakahawak sa upuang gawa sa kawayan. Nagtungo na lamang ako sa kʼwarto. Kasabay nang pagkuha ko sa teleponong nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Napansin ko ang ilang missed call, sa akin ni Erika.

“Sumang-ayon kaya sʼya sa akin. Kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho. Hindi talaga sapat, kung sina Mama at Papa lang ang maaasahan ko sa pang-araw-araw namin.” Napabuntong-hininga na lamang ako nang sambitin ko iyon sa aking isipan.

Napalingon ako sa bintanang nakabukas. Tanaw na tanaw ko ang mga bituing nagsisilbing liwanag sa kalangitan. Pero, ang pagtitig kong iyon ang nagsisilbing simula, sa nagbabadya kong mga luha. Ipinikit ko ang aking mga mata, baka sakaling sa kahit ilang segundo lamang ay makalimutan ko, ang hirap na pinagdadaanan ng aking magulang. Saka ako tumalikod at marahang humiga sa kama. Samantala, muli kong narinig ang pagtunog ng aking telepono. At kaagad ko itong sinagot.

“He-hello.”

“Alejandra! Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko?”

“Pasensʼya na, Erika. Alam mo naman na marami akong ginagawa.”

“Tumawag na kasi ang may-ari na pagtutuluyan natin sa Maynila. Isa pa, ang sʼwerte natin kasi malaki-laki ang ating kikitain doon.”

“Talaga ba? Mabuti naman kung ganoʼn.”

“Eh, bakit malungkot ka?”

“Naiisip ko lang kasi kapag naiwan na rito ang pamilya ko.”

“Alejandra, pupunta tayo ng Maynila para magtrabaho. Isipin mo na lang na ginagawa mo ito, para sa kanila. Ano sasama ka pa ba? Bukas nang umaga ang alis ko, para hindi traffic.”

“Si-sige, sasama ako.” Iyon na lamang ang huling nasabi ko sa aking kaibigan. Kahit na may kaba pa rin akong nararamdaman. Ini-off ko na ang telepono. At muling bumalik sa aking pagkakahiga. Nang maramdaman ko ang pagbigat ng talukap sa aking mga mata.

***

KINABUKASAN kaagad kong iniligpit ang mga dadalhin ko sa Maynila. Ang sabi kasi ni Erika, ay alas-tress kami magkikita sa terminal ng bus.

“Sigurado ka na ba sa gagawin mo? Malayo iyon at higit sa lahat hindi ganoon kadali ang maghanap ng trabaho sa Maynila?”

Napalingon ako nang magsalita ang aking ina sa aking likuran.

“Huwag po kayong mag-alala. Kasama ko naman po si Erika, sa paghahanap ng maayos na trabaho roon.”

“Iba pa rin kasi, kung dito ka na lang maghahanap ng trabaho. Hindi biro ang buhay sa Maynila.”

“Naiintindihan ko po, Mama. Pero, sa estado ng buhay natin ay hindi kakayanin ang lahat ng ating pangangailangan. Higit sa lahat kinakailangan kong suportahan si Anton sa kaniyang pag-aaral.”

Nahinto ang pag-uusap namin ng aking ina. Nang dumating si Erika.

“Mawalang galang na po, Aling Laila. Kinakailangan na po naming umalis. At baka maiwan po kami ng bus sa terminal.”

“Mama, mag-iingat po kayo rito. Huwag po kayong mag-alala sa akin. Magpapadala ako ng pera, kapag nakahanap na ako ng trabaho roon.”

Nakita ko ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ng aking ina. Habang lumabas naman ng kusina si Papa, kasama ang nakababata kong kapatid.

“Ate . . .” malumanay na wika ni Anton sa akin.

Napayuko ako sa aking kapatid. At hinaplos ang kaniyang buhok.

“Anton, babalik pa rin naman si ate. Sa ngayon, kailangan ko muna magtiis. Basta mangako ka na, pagbubutihin mo ang iyong pag-aaral.”

Niyakap ko siya nang mahigpit. Habang narinig ko ang paghikbi niya sa akin. Pinalis ko ang luha sa kaniyang mga mata at saka ko siya hinalikan sa noo. Sa totoo lang ay napakabata pa ni Anton, na kahit anong mangyari ay gagawin ko ang lahat, para sa kaniya?

Makailang sandali ay nagpasya na kaming umalis ni Erika. Nang marating namin ang terminal. Naghintay pa kami sa susunod na byaheng Maynila. Naiwan na kasi kami nang naunang umalis na bus. Kaya naman ilang minuto pa, ang dapat naming ilaan sa paghihintay.

“Pagdating natin doon ay maghahanap kaagad tayo ng trabaho.”

“May alam ka na ba?” tanong ko sa aking kaibigan na si Erika.

“Ang sabi noong babae na nakilala ko. Mayroong naghahanap ng waitress. Ang hindi ko lang alam ay kung saan sa Maynila?”

Naramdaman ko na lamang ang pagtapik ni Erika sa aking balikat. Hudyat na kailangan na naming sumakay ng bus. Mula Batangas ay halos isang oras lang namin narating ang Maynila. Wala naman gaanong traffic, dahil maaga kaming nakaalis at nakasakay. Dumaan muna kami sa karinderya na malapit sa bus station. Mas makakatipid kami kung sa murang kainan lang kami pupunta. Matapos noon ay hinintay pa namin ang mensahe ng kaibigan ni Erika.

“Matagal pa ba sʼya?” tanong ko sa aking kaibigan. Habang pinagpapawisan na ako sa sobrang init ng panahon.

“Ang sabi nʼya nasa Taguig sʼya. Kaya tayo na lamang ang pupunta roon.”

Hindi na lamang ako tumugon kay Erika. Sumunod na lamang ako sa mga sinabi nʼya. Ilang minuto lang ay narating na namin ang Taguig. Halos malula ako dahil sa taas ng building na aming nakikita.

“Huwag mong sabihin—” naputol ang sasabihin ko, nang hinawakan ni Erika ang kamay ko.

“Halika na. Pagod na rin ako. Huwag ka mag-alala kaibigan ko iyon.”

Tila ba natulala ako sa ganda ng condo unit, na aming pinuntahan? Kompleto sa amenities na halos wala ka nang iisipan pa.

“Hoy! Erika. Magsabi ka nga. Sino ba ang kaibigan mo na ʼyon? At bakit ang yaman naman nʼya?”

“Nakilala ko lang sʼya sa resort noon sa Batangas. Isa pa, wala naman sʼya rito dahil nasa airport na ʼyon.”

Kunot noo akong napatingin sa kaniya. “Lalaki ba ʼyan?”

“Babae ʼyon!”

“Eh, bakit sabi mo nandito sʼya?” Sabay taas ng kabilang kilay ko sa kanʼya.

“Marami pa kasi siyang gagawin. Kaya emergency ang pagpunta niya ng Paris.”

Tumahimik na lang ako. Kaysa makipagtalo sa aking kaibigan. Ang mahalaga ay mayroon kaming matutuluyan na pansamantala. Kaya pasalamat na lamang ako, dahil kahit paano ay may magandang loob pa rin na tumulong sa amin. Madiskarte si Erika, anumang oras ay tumutulong siya sa akin. Sa abot ng kaniyang makakaya. Iniayos ko na rin ang aking mga gamit. Ang sabi kasi ni Erika, ay baka abutin kami ng tatlong araw sa condo. Hindi na lang ako nagtanong, dahil kaibigan naman niya ang may-ari nitong unit.

Makalipas ang tatlong araw ay wala pa rin kaming nahahanap na maayos na trabaho. Tama nga ang sinabi ni Mama. Hindi ganoon kadali ang maghanap ng trabaho sa Maynila. Inaasahan kasi namin ni Erika ang trabahong iniaalok sa amin. Ang problema ay wala pa silang bakante.

“Erika, sa tingin mo ba kailangan pa natin hintayin ang tawag nila, kung kailan tayo mag-uumpisa?”

“Iyon kasi ang sabi nila. Saka hindi sila basta-basta tumatanggap ng empleyado. Mahigpit doon, dahil mga mayayamang tao ang kadalasang makikilala mo roon. Pero, huwag kang mag-alala bukas na bukas din ay susubukin nating bumalik.”

Sa sinabi ni Erika, nagkaroon pa rin ako ng tiwala na kami ay matatanggap. Kinausap na rin ni Erika ang babaeng kakilala nʼya. At iyon ang babaeng may-ari nitong condo. Kinaumagahan ay dumiretso kami sa nasabing exclusive bar. Unang pasok ko pa lang ay hindi na mawala ang tingin ko sa ganda ng loob. May glass wall na nagsisilbing attraction, sa lahat ng mga customer. Napansin ko rin ang maayos na uniform ng ibang waitress. Saka kami naupo sa malapit na bar counter. Habang yakap ko ang brown envelop, na naglalaman ng aking dokumento. Suot ko pa ang reading glasses, na nabili ko sa Divisoria, noong nakaraan.

“Alejandra. Okay ka lang ba? Start na raw tayo ngayon,” sambit sa akin ni Erika. Habang may kausap ito sa kaniyang telepono.

“Ta-talaga ba?” sagot ko sa aking kaibigan.

“Oo, pero kailangan nating magpalit ng damit.”

Sumunod na lamang ako sa sinabi ng aking kaibigan. At nagtungo sa isang private room, para magpalit ng aming isusuot. Sa una ay hindi ko nagustuhan. Bukod sa napakaikli nito at halos fitted sa aking katawan.

“Seryoso ka ba na ito ang isusuot natin?” pag-aalinlangan kong tanong kay Erika.

Hinawakan ni Erika ang balikat ko. “Wala naman tayong choice ʼdi ba?” nakangiting wika niya sa akin.

Lumabas na kaming dalawa ng kʼwarto. At bumalik sa bar counter. May isang waitress na nag-abot sa amin ng serving tray. Itinuro niya kung ano ang mga dapat naming gawin. Sa una ay mahirap. Pero, kalaunan ay natutunan din namin ang lahat.

Ilang linggo rin ang lumipas ay nakasanayan ko na ang aking pagtatrabaho. Ganoʼn din si Erika. Mabuti na lang ay pareho ang aming schedule. Natatakot kasi ako kapag closing ang natapat kong schedule, dahil sobrang gabi na rin akong nakauuwi.

“Alejandra!” malakas na pagtawag sa akin ni Erika. Mabuti na lang ay may kahinaan pa ang tugtog sa bar. Nakatayo ito sa malapit na bar counter, habang hawak ang kaniyang serving tray, na may ngiting nakatitig sa akin.

Agad akong lumapit. Matapos kong ilapag ang ilang wine na ini-order ng customers. Napansin ko ang lalaking nakangiti rin sa akin. Hawak nito ang kopita na may lamang red wine. Pinaikot-ikot pa nito ang baso, habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa akin.

“Ipinakikilala ko nga pala sa ʼyo si Jacob De Jesus. Malimit sʼya rito sa bar. Hindi ako makapaniwala na nakabalik na sʼya galing Paris.”

Hindi ko maintindihan ang tinutukoy ni Erika. Ang pagkakaalam ko kasi ay babae ang matalik nitong kaibigan. Napataas na lang ang gilid ng labi ko sa kaniya. Tila ba alam ni Erika ang aking ipinahihiwatig?

Lumapit ito at bumulong sa akin.

“Iʼm sorry, kung hindi ko na nasabi sa ʼyo ang totoo. Iyong babae na tinutukoy ko ay isang personal assistant nʼya. Pe-pero siya talaga ang may-ari ng condo unit.”

Wala na akong nagawa nang ilahad ng lalaki ang kaniyang kamay. Ayoko naman maging bastos sa kaniyang harapan. Nakipagkamay na rin ako. At naupo sa kaniyang tabi. Gustohin ko man na magsalita. Subalit, may kaba akong nararamdaman. Tumingin siya sa akin at kinuha ang isang boteng wine.

“Nice to meet you, Miss Alejandra Samonte.”

Tulala akong napatitig sa kaniya. Sa estado ng pananamit nito ay masasabi kong nagmula siya sa mayamang pamilya. Muli niyang hinawakan ang aking mga kamay. Kasabay ng mga ngiting kaniyang pinakawalan sa akin.

“Nice to meet you t-too, Mr. Jacob De Jesus,” mautal-utal kong sambit, sa lalaking nagpabilis ng kaba sa aking dibdib.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jenica Mades
To make pregnant, po. ...
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Anong ibig ng Impregnate Me?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • MY RUTHLESS ZILLIONAIRE IMPREGNATE ME    Chapter 2. Jacob De Jesus

    HINDI ko akalain na mas mapapabilis din ang pagbalik ko sa Pilipinas. Natanggap ko ang messages ng aking personal assistant. Kaya naman siya na ang nag-schedule ng lahat para sa pagbisita ko sa isang pribadong ospital. Lalo naʼt magkikita na naman kami ng matalik kong kaibigan na si Travish Villamor. Dumiretso na rin ako sa Taguig sa aking condo unit. Hindi na rin ako nabigla, dahil alam ko naman na naroroon si Erika Buena. A simple girl that I'll never forget in my life. She's so kind and beautiful. Nang makilala ko siya sa isang resort sa Batangas. And I think, she's the one for me. As being my friend of mine. Mabuti na lang at tinulungan siya ng aking personal assistant, para magkaroon ng trabaho sa isang kilalang exclusive bar.Nang makarating ako sa Limbo Exclusive Bar. Iʼll never thought, na makikilala ko ang kaibigan nʼya na si Alejandra Samonte. Katulad nʼya ay simple lang din ito. Kaagad kong inilahad ang aking mga kamay. Nakita ko ang kaba sa kaniyang mukha. Kaya sa halip n

    Last Updated : 2023-06-04
  • MY RUTHLESS ZILLIONAIRE IMPREGNATE ME    Chapter 3. UNEXPECTED

    TANGING kaba ng aking dibdib ang nagpabago sa aking nararamdaman. Buhat nang malaman ko ang malubhang sakit ng nakababata kong kapatid. Napahagulhol ako nang pag-iyak. Mabuti na lang ay nagkataon na breaktime ko. Kasabay nang pag-inom ko ng tubig. Binili ko pa ito sa malapit na convenience store, na hindi naman ganoon kalayo sa aking trabaho. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung saan ba ako hahanap ng malaking pera? Upang matustusan ang pangangailangang medical ng aking kapatid. Napatingin ako sa aking wristwatch. Konting oras na lamang ay matatapos na ang ilang breaktime na aking pahinga. Akmang tatayo na sana ako sa aking pagkakaupo nang tumawag si Erika. Mabilis ko naman ini-on ang kaniyang pagtawag. “Oh, Erika. At bakit napatawag ka yata? Huwag kang mag-alala may kaunting minuto pa naman akong natitira.”“Hindi naman dahil doon kaya ako tumawag. Nag-aalala lang ako sa ʼyo. Lalo naʼt nalaman kong may sakit ang nakababata mong kapatid na si Anton.” “Ilang araw ko nang iniisi

    Last Updated : 2023-06-04
  • MY RUTHLESS ZILLIONAIRE IMPREGNATE ME    Chapter 4. CONTRACT

    NANLALAMIG ang aking mga kamay nang maimulat ko ang aking mga mata. Walang kahit na anong sakit ang naramdaman ko sa pagitan ng aking mga hita? Halos manlabo ang paningin ko dahil sa nakakasilaw na ilaw, na nagmumula sa taas ng puting kisame. Hanggang sa marinig ko ang boses ni Erika. Naramdaman ko na lamang ang paghawak niya sa aking mga kamay.“Kamusta ka na. Wala ka bang kahit na anong sakit na nararamdaman sa katawan mo?” “Wa-wala naman akong kirot na naramdaman, Erika. Si Jacob ba nasaan sʼya?”“Nag-check lang siya nang ibang pasyenteng may sakit. Gusto mo baʼng kumain?” pag-aalala niyang tanong sa akin. Umiling ako. Saka ko hinawakan ang kaniyang mga kamay. “Hindi pa ako nagugutom. At isa pa, salamat sa pagbabantay mo sa akin.”“Kaibigan kita, Alejandra. Basta, magsabi ka lang kapag nagugutom ka na.”Nagpasya na siyang umalis sa aking tabi. Habang tahimik kong pinagmamasdan ang puting kisame na nagpapasulo sa aking mga mata. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang lal

    Last Updated : 2023-06-04
  • MY RUTHLESS ZILLIONAIRE IMPREGNATE ME    Chapter 5. AGREEMENT

    POINT OF VIEW ALEJANDRA SA PAGPASOK ko pa lamang ng mansion. Bumungad sa harapan ko ang ilang mga babaeng nakasuot ng maids uniform. Habang dala-dala ko naman ang isang bag na aking iniingatan. Narinig ko na lang ang pagbati ng isang babae. Unang tingin ko pa lang sa kaniya ay tila bata pa ito kumpara sa akin. Ngumiti siya sa akin. Kasabay nang pagkuha nito ng aking itim na bag. Hindi ko pa sana ibibigay ang hawak ko. Subalit, nagpumilit si Mr. Thom. Napansin ko naman ang magandang istilo ng hagdan. Kahit ang pagkakagawa nito ay hindi mo talagang masasabing may pagkakamali sa bawat disenyo. Narinig ko ang pagtikhim ni Mr. Thom. Saka ito umalis sa aking tabi. Napatingin siya sa akin, na tila ba may ibig siyang pakahulugan? Sinundan ko na lamang siya. Napakatahimik. Iyon ang aking nararamdaman. Sumagi sa isipan ko kung nasaan na ba si Travish Villamor. Pangalan pa lamang niya ay may kaba na ng puso sa aking dibdib. Marahan kong hinawakan ang aking tiyan. Naiisip ko pa lamang ang sangg

    Last Updated : 2023-07-25
  • MY RUTHLESS ZILLIONAIRE IMPREGNATE ME    Chapter 6. Travish Villamor

    “As soon as possible, I need another result, so I can be sure she is pregnant. Do you understand?” “Yes, Mr. Villamor.” Kaagad kong ibinaba ang aking telepono, na kahit man si Jacob ang nagsabing magiging maganda ang resulta. Mas nasunod pa rin ang kagustuhan kong makasigurado. She was glaring at me, and I saw it. Iyon ang mga tingin na ibinibigay niya sa akin. She clearly has a lot on her mind. But, I won't let it go away just because of her. I removed the necktie I was wearing. I feel like I'm being suffocated by something I can't explain. Tanging buntonghininga na lamang ang aking pinakawalan. Saka ako lumabas ng kaniyang silid. Naroroon pa rin ang pagdududa ko mula sa kaniya. Pagdududa na baka hindi siya sumunod sa aming napagkasunduan. Iniwan kong madilim ang silid. Ang bakas ng dampi ng ulan mula sa kurtina ay siyang nag-iwan ng marka sa akin. Wala akong pakialam. Iyon ang mas higit kong naramdaman. Masakit. Ngunit, hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa? Tila bumalik ang

    Last Updated : 2024-08-25
  • MY RUTHLESS ZILLIONAIRE IMPREGNATE ME    CHAPTER 7. HEARTBEAT

    ALAS-OTSO ng umaga nang marinig ko ang alarm clock mula sa aking bedside table. Dali-dali akong napabalikwas nang bangon sa pag-aalalang, baka bigla ko na naman makita ang matalim na tingin sa akin ng lalaking, tila malaki ang nagawa kong kasalanan. Mabilis kong iniayos ang aking kama. Saka ako malalim na nagpakawala ng buntonghininga. “Dapat masanay na ako sa bahay na ito.” Pangungumbinsi ko sa sarili. Bigla kong naalala si Erika. “Kamusta na ba sʼya? Kamusta na kaya ang kapatid ko? Nababantayan kaya niya si Anton?” Sa kalagayan pa lang ng aking kapatid ay hindi na ako mapakali. Naiisip ko kung tumupad ba si Travish sa aming napagkasunduan? Dahan-dahan kong pinihit ang doorlock. Ngunit, hindi ko pa man ito nabubuksan nang biglang bumungad sa akin, ang mukha ng lalaking aking iniiwasan. Bahagya ko pang napaatras ang kaliwang paa ko, na naging sanhi nang pagkawalan ko ng balanse. “Hindi ka ba marunong mag-ingat?” masungit na sambit niya sa akin. “N-nagulat lang ako sa—” Hindi ko

    Last Updated : 2024-08-26
  • MY RUTHLESS ZILLIONAIRE IMPREGNATE ME    CHAPTER 8. ALEJANDRA SAMONTE

    PABAGSAK kong isinara ang pinto. Habang unti-unting naman akong napaupo sa sahig. Hindi ko man lang nagawang gumanti sa mga masakit na salitang iginawad nʼya sa akin. Sino ba naman ako sa kanʼya? Iyon ang tanong ko sa sarili. “Siguro nga ay isa akong bayarang babae. Siyam na buwan. Magtitiis ako. Hindi para sa sarili ko, kundi para sa kapatid ko.”Napatakip ang dalawa kong kamay sa aking mukha. Ramdam ko ang sakit mula sa aking puso, sa mga salitang hindi ko kayang kalimutan. Minabuti kong kuhanin ang aking telepono sa bag. Subalit, naalala kong wala nga pala iyon sa akin. Ilang beses kong binanggit kay Mr. Thom ang telepono ko. Pero, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya naibibigay. Lakas loob akong lumabas ng silid. Bahagya pa akong bumaba ng ikatlong baitang ng hagdan. Laking pasasalamat ko at wala na roon ang lalaking sumira ng araw ko. Kahit baliktarin man ang mundo. Hindi ko talaga magugustuhan ang isang tulad nʼya. Kahit siya pa ang pinakamayaman sa buong mundo. Dahan-dahan ko

    Last Updated : 2024-08-29

Latest chapter

  • MY RUTHLESS ZILLIONAIRE IMPREGNATE ME    Chapter 1. THE BEGINNING

    HALOS dalawang linggo na, buhat nang tumigil ako sa aking pag-aaral. Alam ko naman na hindi sapat ang kinikita ng aking magulang, para matustusan ang aking pangangailangan. Inaamin ko na may nakuha nga akong scholarship. Subalit, mas iniisip ko pa rin ang kalagayan ng aking kapatid. Narinig ko ang pagtunog ng aking di-keypad na telepono. Saka ako dali-daling napatakbo sa loob ng aming bahay. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagkirot ng aking paa. “A-aray!” sigaw ko nang mapahakbang ako sa nakaawang na pintuan. “Anong nangyari at namimilipit ka sa sakit ng paa mo?” pagtatakang sambit sa akin ni Mama. “Naku! Wala po ito, Mama. Nagkamali lang ako nang hakbang.”“Sabi ko naman kasi sa ʼyo na mag-iingat ka. Lalo naʼt hindi pa gaanong maayos ang pintuan natin ngayon.”“Salamat. Pero, ayos lang naman po ako.”Hindi ko na, nasagot ang tawag sa aking telepono. Dahan-dahan akong tumayo. Habang nakahawak sa upuang gawa sa kawayan. Nagtungo na lamang ako sa kʼwarto. Kasabay nang pagkuha k

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status