Chapter: CHAPTER 8. ALEJANDRA SAMONTE PABAGSAK kong isinara ang pinto. Habang unti-unting naman akong napaupo sa sahig. Hindi ko man lang nagawang gumanti sa mga masakit na salitang iginawad nʼya sa akin. Sino ba naman ako sa kanʼya? Iyon ang tanong ko sa sarili. “Siguro nga ay isa akong bayarang babae. Siyam na buwan. Magtitiis ako. Hindi para sa sarili ko, kundi para sa kapatid ko.”Napatakip ang dalawa kong kamay sa aking mukha. Ramdam ko ang sakit mula sa aking puso, sa mga salitang hindi ko kayang kalimutan. Minabuti kong kuhanin ang aking telepono sa bag. Subalit, naalala kong wala nga pala iyon sa akin. Ilang beses kong binanggit kay Mr. Thom ang telepono ko. Pero, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya naibibigay. Lakas loob akong lumabas ng silid. Bahagya pa akong bumaba ng ikatlong baitang ng hagdan. Laking pasasalamat ko at wala na roon ang lalaking sumira ng araw ko. Kahit baliktarin man ang mundo. Hindi ko talaga magugustuhan ang isang tulad nʼya. Kahit siya pa ang pinakamayaman sa buong mundo. Dahan-dahan ko
Huling Na-update: 2024-08-29
Chapter: CHAPTER 7. HEARTBEATALAS-OTSO ng umaga nang marinig ko ang alarm clock mula sa aking bedside table. Dali-dali akong napabalikwas nang bangon sa pag-aalalang, baka bigla ko na naman makita ang matalim na tingin sa akin ng lalaking, tila malaki ang nagawa kong kasalanan. Mabilis kong iniayos ang aking kama. Saka ako malalim na nagpakawala ng buntonghininga. “Dapat masanay na ako sa bahay na ito.” Pangungumbinsi ko sa sarili. Bigla kong naalala si Erika. “Kamusta na ba sʼya? Kamusta na kaya ang kapatid ko? Nababantayan kaya niya si Anton?” Sa kalagayan pa lang ng aking kapatid ay hindi na ako mapakali. Naiisip ko kung tumupad ba si Travish sa aming napagkasunduan? Dahan-dahan kong pinihit ang doorlock. Ngunit, hindi ko pa man ito nabubuksan nang biglang bumungad sa akin, ang mukha ng lalaking aking iniiwasan. Bahagya ko pang napaatras ang kaliwang paa ko, na naging sanhi nang pagkawalan ko ng balanse. “Hindi ka ba marunong mag-ingat?” masungit na sambit niya sa akin. “N-nagulat lang ako sa—” Hindi ko
Huling Na-update: 2024-08-26
Chapter: Chapter 6. Travish Villamor “As soon as possible, I need another result, so I can be sure she is pregnant. Do you understand?” “Yes, Mr. Villamor.” Kaagad kong ibinaba ang aking telepono, na kahit man si Jacob ang nagsabing magiging maganda ang resulta. Mas nasunod pa rin ang kagustuhan kong makasigurado. She was glaring at me, and I saw it. Iyon ang mga tingin na ibinibigay niya sa akin. She clearly has a lot on her mind. But, I won't let it go away just because of her. I removed the necktie I was wearing. I feel like I'm being suffocated by something I can't explain. Tanging buntonghininga na lamang ang aking pinakawalan. Saka ako lumabas ng kaniyang silid. Naroroon pa rin ang pagdududa ko mula sa kaniya. Pagdududa na baka hindi siya sumunod sa aming napagkasunduan. Iniwan kong madilim ang silid. Ang bakas ng dampi ng ulan mula sa kurtina ay siyang nag-iwan ng marka sa akin. Wala akong pakialam. Iyon ang mas higit kong naramdaman. Masakit. Ngunit, hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa? Tila bumalik ang
Huling Na-update: 2024-08-25
Chapter: Chapter 5. AGREEMENT POINT OF VIEW ALEJANDRA SA PAGPASOK ko pa lamang ng mansion. Bumungad sa harapan ko ang ilang mga babaeng nakasuot ng maids uniform. Habang dala-dala ko naman ang isang bag na aking iniingatan. Narinig ko na lang ang pagbati ng isang babae. Unang tingin ko pa lang sa kaniya ay tila bata pa ito kumpara sa akin. Ngumiti siya sa akin. Kasabay nang pagkuha nito ng aking itim na bag. Hindi ko pa sana ibibigay ang hawak ko. Subalit, nagpumilit si Mr. Thom. Napansin ko naman ang magandang istilo ng hagdan. Kahit ang pagkakagawa nito ay hindi mo talagang masasabing may pagkakamali sa bawat disenyo. Narinig ko ang pagtikhim ni Mr. Thom. Saka ito umalis sa aking tabi. Napatingin siya sa akin, na tila ba may ibig siyang pakahulugan? Sinundan ko na lamang siya. Napakatahimik. Iyon ang aking nararamdaman. Sumagi sa isipan ko kung nasaan na ba si Travish Villamor. Pangalan pa lamang niya ay may kaba na ng puso sa aking dibdib. Marahan kong hinawakan ang aking tiyan. Naiisip ko pa lamang ang sangg
Huling Na-update: 2023-07-25
Chapter: Chapter 4. CONTRACT NANLALAMIG ang aking mga kamay nang maimulat ko ang aking mga mata. Walang kahit na anong sakit ang naramdaman ko sa pagitan ng aking mga hita? Halos manlabo ang paningin ko dahil sa nakakasilaw na ilaw, na nagmumula sa taas ng puting kisame. Hanggang sa marinig ko ang boses ni Erika. Naramdaman ko na lamang ang paghawak niya sa aking mga kamay.“Kamusta ka na. Wala ka bang kahit na anong sakit na nararamdaman sa katawan mo?” “Wa-wala naman akong kirot na naramdaman, Erika. Si Jacob ba nasaan sʼya?”“Nag-check lang siya nang ibang pasyenteng may sakit. Gusto mo baʼng kumain?” pag-aalala niyang tanong sa akin. Umiling ako. Saka ko hinawakan ang kaniyang mga kamay. “Hindi pa ako nagugutom. At isa pa, salamat sa pagbabantay mo sa akin.”“Kaibigan kita, Alejandra. Basta, magsabi ka lang kapag nagugutom ka na.”Nagpasya na siyang umalis sa aking tabi. Habang tahimik kong pinagmamasdan ang puting kisame na nagpapasulo sa aking mga mata. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang lal
Huling Na-update: 2023-06-04
Chapter: Chapter 3. UNEXPECTED TANGING kaba ng aking dibdib ang nagpabago sa aking nararamdaman. Buhat nang malaman ko ang malubhang sakit ng nakababata kong kapatid. Napahagulhol ako nang pag-iyak. Mabuti na lang ay nagkataon na breaktime ko. Kasabay nang pag-inom ko ng tubig. Binili ko pa ito sa malapit na convenience store, na hindi naman ganoon kalayo sa aking trabaho. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung saan ba ako hahanap ng malaking pera? Upang matustusan ang pangangailangang medical ng aking kapatid. Napatingin ako sa aking wristwatch. Konting oras na lamang ay matatapos na ang ilang breaktime na aking pahinga. Akmang tatayo na sana ako sa aking pagkakaupo nang tumawag si Erika. Mabilis ko naman ini-on ang kaniyang pagtawag. “Oh, Erika. At bakit napatawag ka yata? Huwag kang mag-alala may kaunting minuto pa naman akong natitira.”“Hindi naman dahil doon kaya ako tumawag. Nag-aalala lang ako sa ʼyo. Lalo naʼt nalaman kong may sakit ang nakababata mong kapatid na si Anton.” “Ilang araw ko nang iniisi
Huling Na-update: 2023-06-04