SUKAT sa mga sinabi ni Manang Mercedes, muling nabuhayan ng loob si Travis. Napag-isip isip niya rin na bumalik na lang ng trabaho habang naghihintay ng balita tungkol kay Catherine. Tama sina Manang Mercedez at Tristan, huwag niyang sirain ang buhay niya at may mga taong umaasa pa sa kanya. Higit sa lahat ang mga empleyado ng kompanya. Ayaw niya naman na mawalan ng trabaho ang mga ito at magutom ang pamilya ng mga empleyado.Ngunit hindi pa rin niya susukuan ang pagpapahanap sa kay Catherine. May palagay siya na sadyang nagtatago ang asawa niya . Kaya naman nahirapan ang agent na matunton ang kinaroroonan ni Catherine.Kinabukasan maaga nagising si Travis upang maghanda na rin ng pumasok sa opisina.Lumabas siya ng kwarto. He's wearing three pieces of business suits with self confidence.“Good morning, sir,” mabining ngumiti si Manang Mercedez ng makita nito si Travis na naglalakad papuntang labas ng bahay.Tinanguan ni Travis si Manang Mercedez. “Kayo na ang bahala dito manang, pap
NANG mga sumunod na mga araw ay nagiging busy pa rin si Travis. Walang nagbago sa routine niya, paggising niya sa umaga ay maliligo siya at maghanda upang pumasok na ng opisina. Pagdating ng gabi ay madalas overtime siya kaya naman ay gabi na rin siya makauwi ng bahay. Mas mabuti na rin na subsob siya sa trabaho. Kahit paano ay hindi niya na gaano naiisip si Catherine. Nag-alala pa rin siya sa asawa kung nasaan na ito at kung ano na ang nangyari kay Catherine dahil wala pa rin siyang balita tungkol sa asawa niya.Minsan natatagpuan niya na lamang ang kanyang sarili nasa labas ng boutique ni Catherine. Naka close na iyon at may signage na rin sa labas ng pinto na for sale.Kinuha niya ang cellphone na nakalagay sa bulsa ng suot ng pantalon niya, atsaka tinawagan ang kaibigan na makakatulong sa kanyang iniisip habang nakatingin sa nakasaradong boutique. Alam niya na mahalaga kay Catherine ang boutique nito ang hindi niya lubos maisip kung bakit binebenta na ito. Napabuntong-hininga na
FIVE YEARS LATER-Nagmulat ng mga mata niya si Catherine nang huminto ang sasakyan.“Narito na po tayo, Ma’am,” anang driver.Mabigat ang katawang bumaba ng kotse si Catherine. Natanaw niya ang apat na taong gulang na anak na kalaro ang yaya sa swing.“Mommy!” Sigaw ni Miggy na tumatakbong palapit sa kanya habang inaalalayan ng yaya.Patakbong sinalubong ni Catherine ang anak at kinarga. “Oppps! Amoy chocolates ka,ah. What did you eat, honey?”“Lots of cookies and ice creams…”“No wonder you have stains on your t-shirts. Come on, Mommy wil bathe you…”Bahagya niya pa ginulo ang buhok ng anak. Pumasok na rin sila sa loob kasabay ng yaya.“Mommy, you mess up my hair,” reklamo ng apat na taong gulang na si Miggy. Naka busangot ang mukha nito na halos hindi na maipinta ng magaling na pintor ang itsura nito. Ayaw na ayaw kasi nito na ginugulo ang buhok.Mahina na lamang natawa si Catherine. “Hmmm…marunong ng magreklamo ang baby ko.”“Mommy, big boy na po ako,” kontra agad ni Miggy, animo ma
NANG matapos nang magluto si Catherine para sa kanilang hapunan ay bumalik na rin siya sa sala para doon na lang hintayin sina David at Miggy. Para sabay na rin sila kumain ng hapunan.Mayamaya ay bumaba na rin dito sa sala si Miggy kasama ang yaya nito. “Mommy, where’s Papa David?” Tanong ni Miggy na palipat-lipat ang tingin nito sa kay Catherine at sa dalawang maleta.“Maybe he’s still sleeping, baby. Halika nga rito,” aniya binuka ang dalawang braso. At saka pinaupo sa kandungan niya si Miggy. “Hmmm… Ang bigat mo na,” kunwari reklamo niya.“I'm hungry,” ungot ni Miggy, hindi man lang napansin ang nagrereklamo ni Catherine.“Hey, little boy,” si David na kababa lang nito ng hagdan. May malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi nito at medyo magulo pa rin ang buhok nito. Tanda ng bagong gising lang ito.“Papa David…” Ani Miggy sabay talon mula sa kandungan ni Catherine.Yumukod si David at saka ibinuka ang mga braso nito upang salubungin ng yakap ang apat na taong gulang na si Miggy n
HATING gabi na ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Catherine. Mahimbing na rin ang tulog ni Miggy na nasa tabi niya. Dahan-dahan na bumaba mula sa kama si Catherine. Maingat ang bawat galaw niya upang sa ganun ay hindi magising ang anak na mahimbing ang tulog.Ngunit nakailang hakbang pa lang siya ng kanyang mga paa ay narinig niya na nagsasalita si Miggy.“Mommy…” Ani Miggy, half asleep.Biglang bumalik ng kama si Catherine, atsaka mahihinang tinapik-tapik ang anak upang makatulog muli ito. “Sleep well baby.”Nang naka sigurado siya na talagang mahimbing na ang tulog ni Miggy ay muling bumaba ng kama si Catherine. Maingat ang bawat kilos upang hindi siya makalikha ng ingay.Lumabas ng kwarto si Catherine, tuloy-tuloy ang hakbang ng kanyang mga paa patungo roon sa mini bar na nandito rin sa ikalawang palapag nitong bahay. She needs alcohol, upang makatulog siya. Ayaw niya rin magtake ng sleeping pills. Tahimik ang paligid. Siya na lang yata ang gising nang mga sandaling iyon
NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT- Kakalapag lang ng eroplano sinasakyan nila Catherine. Ipinikit niya ang kanyang mga mata atsaka humugot ng malalim na hininga, inipon niyon sa kanyang dibdib pagkatapos ay nirealese rin agad. ‘Finally, Im back after five years,’ piping usal niya sa kanyang sarili. Limang taong nawala siya at sa loob ng limang taon ay marami na rin ang nangyari. “Are you okay?” Tanong ni David, hinawakan sa isang kamay si Catherine. Tumingin dito si Catherine na may mabining ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi. “Yeah.”“Don’t worry, Miggy and I, are always by your side,” sabi ni David. Saglit nagpaalam si David para kunin ang mga bagahe nila.“Mommy, we are here in the Philippines, already?” Tanong ni Miggy na palinga-linga sa paligid, ito ang unang pagkakataon na napunta si Miggy dito sa ‘Pinas.“Yes, baby,” sabi ni Catherine, hinawakan ang isang kamay ng anak. “Lets go,” yakag ni David ng makuha na nito ang mga maleta nila. Samantala kakalapag lang din ng e
BELLA, saan tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ni Catherine. Bigla lang siya hinawakan ni Bella sa kamay at hinila palabas ng social hal. Pareho silang nasa fourth year college at graduating sa kursong Fashion and arts. “Basta sumunod ka na lang sa ‘kin,” sabi ni Bella na hawak pa rin nito ang isang kamay ni Catherine. “Saglit lang.” Huminto siya sa paghakbang ng kanyang mga paa. “Mamaya hanapin tayo,” may rehearsals kasi sila para sa nalalapit nilang graduations. “Saglit lang naman tayo, atsaka babalik din tayo agad,” ani Bella sabay hatak sa kamay ni Catherine. “Saan ba tayo pupunta?” pangungulit pa rin tanong ni Catherine. “Basta. May naghihintay na surprise sa ‘yo,” nakangiti sabi ni Bella. Kunwari sumimangot si Catherine. “Ayoko ng surprise,” aniya pero sumama na rin siya kay Bella. Ang hagdan ng alba hall paakyat ang binabaybay nila paakyat doon sa fourth floor nitong building. Nasa fourth floor na sila ay tumampad sa paningin ni Catherine ang mga petals ng red roses na
TWO YEARS LATER“TRISTAN,no!”Napabalikwas ng bangon si Catherine. Napanaginipan niya na naman si Tristan. Simula nang nangyari ang trahedyang iyon. Dalawang taon na ang nakalipas ay paminsan-minsan naging laman ng panaginip niya si Tristan.“Im sorry, Tristan,” mahinang usal niya sa kanyang sarili. Pinunasan niya malapot at malamig na pawis sa kanyang noo.“Gising ka na pala,” sabi ni Lea. Kakapasok lang dito sa cottage nila.“Kagigising ko lang din,” bali-walang sagot niya.“Get-up, Catherine. Marami ng mga guwapo roon sa labas,” nakangisi turan ni Lea.Naniningkit ang mga mata pinukol niya ng tingin si Lea. “Walang laman iyang isip mo at bukang bibig ang lalaking guwapo at katakam-takam.”“Sympre naman daiza. Ako pa ba ang aayaw kung naka balandra na sa harapan ko.” Ani Lea, tila kinikilig pa.“Iwan ko sa ‘yo,” sabi ni Catherine, pumasok na rin siya roon sa loob ng banyo para mag toothbrush at maghilamos.“Kailan mo balak magkaroon ng jowa?!” Pasigaw tanong ni Lea.Tumirik ang mga