NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT- Kakalapag lang ng eroplano sinasakyan nila Catherine. Ipinikit niya ang kanyang mga mata atsaka humugot ng malalim na hininga, inipon niyon sa kanyang dibdib pagkatapos ay nirealese rin agad. ‘Finally, Im back after five years,’ piping usal niya sa kanyang sarili. Limang taong nawala siya at sa loob ng limang taon ay marami na rin ang nangyari. “Are you okay?” Tanong ni David, hinawakan sa isang kamay si Catherine. Tumingin dito si Catherine na may mabining ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi. “Yeah.”“Don’t worry, Miggy and I, are always by your side,” sabi ni David. Saglit nagpaalam si David para kunin ang mga bagahe nila.“Mommy, we are here in the Philippines, already?” Tanong ni Miggy na palinga-linga sa paligid, ito ang unang pagkakataon na napunta si Miggy dito sa ‘Pinas.“Yes, baby,” sabi ni Catherine, hinawakan ang isang kamay ng anak. “Lets go,” yakag ni David ng makuha na nito ang mga maleta nila. Samantala kakalapag lang din ng e
“DADDY!” anang batang lalaki na tumatakbo palapit dito. Nang tuluyan na itong nakalapit ay agad yumakap sa mahabang binti ni Travis. “Hey, buddy,” nakangiti wika ni Travis, medyo nagulat pa siya sa ginawa ng batang lalaki. “Daddy,”sabi ulit ng batang lalaki na nakatingala kay Travis.Gusto niya sabihin sa batang lalaki na hindi siya ang daddy nito at napagkamalan lamang siya. Palinga-linga sa paligid si Travis para hanapin kung may kasama ang bata. “Buddy, I'm not your daddy…”“No! You are my daddy,” giit pa rin sabi ng bata na mas lalong humigpit ang pagkakayapos nito sa binti ni Travis. Habang tinititigan ni Travis ang itsura ng batang lalaki, animo,y may gusto itong ipaalala sa kanya ngunit binalewala niya na lamang iyon. Baka nagkataon lang at mas lalong imposible ang nasa isip niya. Nagpaskil ng maluwang na ngiti sa kanyang mga labi si Travis. “Nasaan ang mga parents mo, buddy? Tiyak hinahanap ka na nila,” sabi ni Travis na yumukod siya upang magpantay sila. Ngunit mas lal
BELLA, saan tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ni Catherine. Bigla lang siya hinawakan ni Bella sa kamay at hinila palabas ng social hal. Pareho silang nasa fourth year college at graduating sa kursong Fashion and arts. “Basta sumunod ka na lang sa ‘kin,” sabi ni Bella na hawak pa rin nito ang isang kamay ni Catherine. “Saglit lang.” Huminto siya sa paghakbang ng kanyang mga paa. “Mamaya hanapin tayo,” may rehearsals kasi sila para sa nalalapit nilang graduations. “Saglit lang naman tayo, atsaka babalik din tayo agad,” ani Bella sabay hatak sa kamay ni Catherine. “Saan ba tayo pupunta?” pangungulit pa rin tanong ni Catherine. “Basta. May naghihintay na surprise sa ‘yo,” nakangiti sabi ni Bella. Kunwari sumimangot si Catherine. “Ayoko ng surprise,” aniya pero sumama na rin siya kay Bella. Ang hagdan ng alba hall paakyat ang binabaybay nila paakyat doon sa fourth floor nitong building. Nasa fourth floor na sila ay tumampad sa paningin ni Catherine ang mga petals ng red roses na
TWO YEARS LATER“TRISTAN,no!”Napabalikwas ng bangon si Catherine. Napanaginipan niya na naman si Tristan. Simula nang nangyari ang trahedyang iyon. Dalawang taon na ang nakalipas ay paminsan-minsan naging laman ng panaginip niya si Tristan.“Im sorry, Tristan,” mahinang usal niya sa kanyang sarili. Pinunasan niya malapot at malamig na pawis sa kanyang noo.“Gising ka na pala,” sabi ni Lea. Kakapasok lang dito sa cottage nila.“Kagigising ko lang din,” bali-walang sagot niya.“Get-up, Catherine. Marami ng mga guwapo roon sa labas,” nakangisi turan ni Lea.Naniningkit ang mga mata pinukol niya ng tingin si Lea. “Walang laman iyang isip mo at bukang bibig ang lalaking guwapo at katakam-takam.”“Sympre naman daiza. Ako pa ba ang aayaw kung naka balandra na sa harapan ko.” Ani Lea, tila kinikilig pa.“Iwan ko sa ‘yo,” sabi ni Catherine, pumasok na rin siya roon sa loob ng banyo para mag toothbrush at maghilamos.“Kailan mo balak magkaroon ng jowa?!” Pasigaw tanong ni Lea.Tumirik ang mga
“FIFTY guests with bridesmaid's and sponsors.” She writes down her notes. Pagkatapos niyon ay discuss niya na rin ang ibang details para sa kasal ni Sheila. “Kung meron ka pang idagdag at baguhin, please tell me early,” aniya na may ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi.“Maybe wala na, Cath,” naka ngiti rin sabi ni Sheila.Tiniklop niya na ang notes planner niya. “Bukas pupuntahan naman natin ang cake shop for your cake and free taste na rin,” aniya naupo ng tuwid atsaka isinandal ang likod sa backrest ng silya.“Yeah,” nakangiti pa rin sabi ni Sheila. “Sa totoo lang sobrang excited ko na para sa big day namin ni Jules,” ang tinutukoy nito ay ang lalaking mapapangasawa nito. “And thank you so much for your help, Cath.”“You’re welcome, Shie, and I am happy for you atlast ikakasal na rin kayo ni Jules.” Aniya nilaro-laro ang straw nasa basong hawak niya. Magkaibigan silang tatlo si Sheila, Jules at siya. Pareho rin classmates niya ang mga ito noong nasa secondary pa lang sila. At sin
TRAVIS MONTEIRO- A young President of Monteiro Construction firm and shipping line. Ngunit hindi iyon naging madali para kay Travis. Nang namatay ang kanilang mga magulang sa plane crash. Naging automatic naisalin ang posisyon sa kanya ang pagiging presidente ng dalawang company na pagmamay-ari ng kanyang pamilya.Simula nawala na ang kanilang mga magulang. Naging ama’t ina na rin siya sa nag-iisang nakababatang kapatid niyang si Tristan. Tanging si Tristan na lamang ang nag-iisang pamilya meron siya. Ngunit sa pagmamahal nito sa isang babae ay nangyari ang trahedyang hindi inaasahan. Kasalukuyang nakaupo si Travis sa mataas na upuan at nakaharap sa bar counter ng mini bar niya. Nasa ikatlong palapag ng mansion na pagmamay-ari ng kanyang pamilya. Nilaro-laruan niya ang hawak na baso na may lamang whiskey at yelo. Naka ilang shot na rin siya ngunit hindi mawaglit-waglit sa kanyang isipan ang maganda at maamong mukha ng dalagang kinamumuhian niya. That lips… Ang mapupulang mga
KINABUKASAN masakit ang ulo ni Travis ng gumising siya. Gawa ng hangover at ramdam niya rin ang pamimigat ng kanyang ulo. Ngunit kailangan niyang pumasok ng opisina. Malapad ang ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi ng maalala ang nangyari nang nagdaang gabi. Animo'y ramdam pa rin niya ang malambot at matamis na mga labi ni Catherine.Bumangon na rin siya mula sa malambot niyang kama, pagkatapos tumungo na rin siya ng banyo para maligo.He's wearing three pieces of business suits with self confidence. “Good morning,Sir Travis,” nakangiti wika ni Elmo. Pinagbuksan siya ng pinto ng kotse ni Elmo ang bodyguard slash driver niya. Tanging tango lang ang sagot ni Travis. Pumasok na rin siya sa loob ng sasakyan.“Opisina na tayo, Sir?” Tanong ni Elmo, saglit itong tumingin sa side mirror. Sinimulan na rin nito buhayin ang makina ng kotse, atsaka pinausad paalis ang sasakyan minamaneho nito.“Commonwealth muna tayo, mang Elmo,” sagot naman ni Travis na prenteng nakaupo sa passenger seat n
“ANYWAY feel comfortable here,” nakangiti pa rin sabi ni Travis. “Anything you want, you can tell my secretary. Nasa labas lang siya.”Nagpaskil ng mabining ngiti sa kanyang mga labi si Catherine. “Thank you, and Travis sorry sa abala.”“No worries, pero mamaya na natin pag-usapan ang tungkol sa sadya mo, Cath. For now, I need to go back at the boardroom,” anito tiningnan saglit ang suot na writch watch. “We still have a meeting and I'm sure they are still waiting for me to come back there.”“Sige na bumalik ka na roon.”“Bata, kung may kailangan ka. Sabihin mo lang sa secretary ko. Okay.”“Okay,” sabi ni Catherine. “Umalis ka na,” natatawang pagtataboy niya kay Travis. Nakailang beses na rin kasi itong magpaalam pero hindi pa rin umaalis.‘Im go ahead,” ani Travis atsaka hinakbang ang mga paa paalis dito sa loob ng opisina nito.Nang nakaalis na si Travis. Naiwan naman si Catherine dito sa loob ng opisina ni Travis. Iginala niya ang kanyang paningin sa loob ng opisina ng lalaki. Sa