Erika's PovMahinang ungol ang kumawala sa aking lalamunan habang unti-unti akong pinagbabalikan ng aking malay."Mom? Mom, you're okay, right?" Hindi ko pa man naimumulat ang aking mga mata ay narinig ko na ang boses ni Rose na kinakausap ako. Parang maiiyak ang boses nito at dama ko ang matinding pag-aalala nito sa akin.Nang sa wakas y iminulat ko ang aking mga mata ay nakita kong nasa loob ako ng hospital at may nakakabit na dextrose sa aking kamay. "Rose." Ang pangalan ng anak ko ang unang salita na namutawi sa aking mga labi paggising ko."I'm here, Mom. I'm glad you're finally awake," sagot ni Rose, marahan siyang yumakap sa akin.Sinubukan kong gumalaw para yakapin ang anak ko ngunit bigla akong napangiwi nang maramdaman ko ang pagsigid ng kirot sa dalawa kong braso. Actually, hindi lang mga braso ang masakit sa akin kundi maging ang buo kong katawan. Pakiramdam ko ay pinagtulungan akong bugbugin ng ilang katao."Ang sakit ng buong katawan ko," hindi napigilang daing ko, napa
Erika's Pov"What the heck are you doing, David?" hindi napigilang sigaw ko nang makita kong bigla na lamang nitong sinuntok si Charles pagkapasok nito sa loob ng silid na kinaroroonan ko. Kahit sina Bruce, Tony, at Raven na kasamang ni David sa pagpasok sa loob ng silid ay nagulat din sa ginawa ng huli. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Walang nakapigil kay David nang sinuntok nito si Charles dahil wala namang nag-eexpect na gagawin nito iyon kay Charles. "It's his fault kung bakit ka nandito sa hospital ngayon, Erika! Dahil hindi ka niya nagawang bantayan ng mabuti! Ang kapal ng mukha ng lalaking iyan na manatili sa tabi mo!" malakas ang boses na sigaw ni David sa akin, namumula ang mukha nito sa matinding galit."Puwede bang huwag mo akong sigawan, David?" inis na sabi ko sa kanya. Akmang babangon ako sa kama ngunit hindi natuloy dahil napangiwi ako nang sumigid sa aking tagiliran ang matinding kirot. Nakalimutan kong ipinagbilin nga pala ng doktor na hindi pa ako puwedeng mag
Erika's PovPagka-discharge ko sa hospital ay sa bahay ni Charles ako umuwi. Sinamahan ako nina David at Raven papunta sa bahay ni Charles ngunit hindi lamang sila nagtagal dahil parehong may mga gagawin pa silang mahalagang bagay. Ngunit nangako ang dalawa na madalas ay dadalawin siya nila sa bahay ni Charles."Ito ang magiging silid mo, Erika." Itinulak ni Charles ang kinauupuan kong wheelchair papasok sa isang silid na medyo may kalakihan. Mukhang sinadyang i-decorate ang silid base sa gusto kong style. Pink and blue and sky blue ang mga malalaking kurtina sa gilid ng bintana na siyang paborito kong kulay. Maging ang bedsheet, unan, at kumot ay pink at sky blue rin ang kulay. Maaliwalas ang paligid at masarap tulugan."Thank you, Charles," sinserong pasasalamat ko sa kanya. Sa ganitong kalagayan ko ay talagang kailangan ko ang tulong niya. "Hindi mo kailangang magpasalamat sa akin, Erika. Pamilya tayo. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayong magkakapamilya lamang?" nakangiting s
Erika's PovI'm totally healed right now. Sa Lunes ay papasok na ako sa office. Natitiyak kong maraming trabaho sa opisina ang naghihintay sa akin. Almost four weeks akong hindi nakapasok sa opisina dahil gusto ni David na talagang magaling na ako at walang nararamdamang maski maliit na sakit sa katawan kapag bumalik na ako sa trabaho.Si Rose ay nasa school kasama ang maid ni Charles na si Mona na siyang pansamantalang yaya nito. Nag-hired si Charles ng driver-bodyguard na siyang tagahatid at sundo kay Rose sa school para hindi ako mag-alala sa kaligtasan ng anak ko.Nabo-bored ako sa bahay ni Charles dahil wala naman akong ginagawa kaya nagpasya akong lumabas ng bahay at mag-alis ng mga tuyong dahon sa mga halaman na nasa harapan ng bahay ni Charles. "Ano ang ginagawa mo, Ma'am Erika? Pagagalitan ako ni Sir Charles kapag nalaman niyang nagtatrabaho ka," nag-aalalang wika ni Leonora, isa sa apat na maid ni Charles. Lumapit siya sa akin at kinuha mula sa kamay ko ang malaking gunting
Erika's PovTahimik lamang ako habang kumakain kami ng hapunan. Kanina ay nag-usap ng sarilinan sina Chona at Charles pagkatapos ay tahimik na umalis ang babae. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila ngunit nakita kong nakangiti si Chona nang lumabas ng gate. Nag-usap ang dalawa sa gilid ng swimming pool habang ako naman ay nakatayo sa gilid ng bintana at pasimpleng nakasilip sa kanila. Nang makita kong nakangiting umalis si Chona ay biglang bumigat ang aking pakiramdam. Mabilis akong umakyat sa aking silid bago pa man makita ni Charles na nasa gilid ako ng bintana at nakasilip sa kanila.Umakyat si Charles at kinatok ako sa aking silid ngunit hindi ko siya pinagbuksan ng pintuan. Nagkunwari ako tulog kaya walang naririnig na ingay sa labas. Ngunit napilitan akong lumabas sa aking silid nang sumapit ang gabi at kinatok ako ni Rose para kumain ng hapunan. Lumabas ako sa aking silid ngunit hindi ko kinausap si Charles na kasama ng anak ko. Natitiyak kong inutusan nito ang bata
Erika's PovIt's my birthday today. Mabuti na lamang na-eksaktong walang pasok sa office kaya makakapag-beauty rest pa ako dahil mamayang gabi ay may date kami ni Charles. Nagpa-reserved siya ng candle light dinner for two sa isang Italian restaurants. Gusto ko sanang kasama namin si Rose ngunit tumanggi si Charles na isama ang anak namin. Gusto daw niyang ma-solo ako ngayong birthday ko kaya kaming dalawa lamang ang kakain sa labas. Kinabukasan na lamang kami magla-launch sa labas kasama ang anak namin.Gusto nga ni Charles na magpa-party sa bahay niya ngunit tumanggi ako. Wala naman akong mga bisita kundi ang dalawang kaibigan niya at sina Raven at David. Ayokong mag-imbenta ng ibang tao dahil wala ako sa bahay ko. Nakakahiyang magdala ng mga bisita ko sa bahay ni Charles dahil hindi pa naman kami mag-asawa. Oo nga't mas naging maayos na ang samahan namin magmula nang magkabati kami pagkatapos kong ma-misunderstood ang relasyon nito kay Chona ngunit naroon pa rin ang pagiging res
Erika's PovParehong tahimik kami ni Charles habang sakay sa kotse niya pauwi sa bahay niya. Nakikita ko ang pagtatagis ng kanyang mga ngipin at ang mahigpit na paghawak niya sa manibela ngunit hindi pa rin ako umiimik. Tinanggihan ko ang kanyang marriage proposal kaya naiintindihan ko ang nararamdaman niya ngayon. Ngunit hindi ko siya tinanggihan dahil ayokong magpakasal sa kanya o di kaya hindi ko siya mahal. Ang totoo ay labis ang saya na naramdaman ko kanina nang mag-propose siya sa akin ng kasal. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam din ako ng takot at pag-aalinlangan. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko tinanggap ang kanyang marriage proposal.Walang dudang mahal ko si Charles at gusto ko siyang maging asawa. Ngunit kailangan kong hanapin ang kasagutan sa takot at pag-aalinlangan na naramdaman ko. Kailangan kong malaman kung saan nagmumula ang nararamdaman kong ito.Pagdating namin sa bahay ay hindi pa rin ako kinakausap ni Charles. Kung gaano kami kaingay nang um
Erika's PovMalalim na ang gabi ngunit gising pa rin ako. Hinihintay ko kasi ang pagdating ni Charles. Hindi pa siya umuuwi mula sa buong maghapon magmula nang umalis siya kaninang umaga. Siguro ay nasaktan ko siya ng labis kaya ayaw niya muna akong makita.Ilang minuto na lamang bago maghating-gabi nang marinig ko ang tunog ng paghinto ng isang kotse sa tapat ng bahay ni Charles. Agad akong sumilip sa bintana ng aking silid para tingnan kung si Charles na ba ang dumating.Tama ako. Si Charles nga ang dumating. Ngunit hindi siya sakay ng kotse niya kundi kotse ni Chona. Inihatid ng babae si Charles dahil mukhang lasing na lasing. Dumukwang si Chona palapit kay Charles ngunit hindi ko nakita kung hinalikan ba niya sa labi o sa pisngi ang huli dahil madilim sa harapan ng gate. Ngunit kahit na hindi ako sigurado kung hinalikan ba ng babaeng iyon si Charles ay hindi ko pa rin maiwasan ang pagkulo ng dugo ko dahil sa selos.Nang pumasok si Charles ay hindi na sumama si Chona at agad na ito