Erika's PovBisita ko ngayon si David. Pagkatapos nga ng kanyang meeting ay nagtungo siya sa bahay ko dahil nag-aalala pa rin siya sa amin ni Rose. At habang nasa sala kami ni David nag-uusap ay ilang beses na dumaan sina Rose at Charles kahit na wala naman silang gagawin sa ibaba.Nasa bahay ko pa si Charles dahil gusto ni Rose na makatabing matulog sa kuwarto nito ang ama. Siguro ay labis na natakot ang anak ko sa nangyari kanina kaya hinayaan ko siya sa gusto niyang mangyari. Hindi na ako tumutol. Kung sa pamamagitan ni Charles ay mawawala ang takot na naramdaman ng anak ko ay papayagan kong sa bahay ko matulog ang huli. Si Rose naman ang katabi niya sa kama at hindi ako."I think, you need to hire a bodyguard, Erika," suhestiyon ni David matapos umakyat ni Charles sa hagdan. Bumaba ulit ito at kumuha ng gatas para kay Rose. "Hindi na biro ang gustong mangyari ng taong iyon. Gusto ka niyang patayin. At mas lalong delikado dahil hindi mo alam kung sino ang nagpapapatay sa'yo. Nasa
Erika's Pov"Ihahatid na kita sa bahay mo, Erika."Palabas na ako sa office ko para umuwi nang lapitan ako ni David. Ang alam ko ay nasa meeting ito para sa launching ng project namin na nasa last phase na bago i-release sa market. Ka-meeting nito ang iba pang mga investors dahil hindi lamang si Charles ang nahikayat naming mag-invest sa project na ito. Ngunit aaminin ko na nakatulong ng malaki ang pag-invest ni Charles. Nang malaman kasi ng ibang investors na nag-invest sa kompanya ni David ang kompanya naman ni Charles ay saka naengganyong mag-invest din ang iba pang mga investors."Don't bother, David. Alam ko na sobrang busy ka ngayon dahil sa kaliwa't kanang meeting na inaatiran mo. Mas mabuting umuwi ka na para makapagpahinga ka dahil mas magiging busy ka kapag nai-launch na sa market ang product natin," sagot ko kay David. Ayokong makadagdag pa sa kanyang pagod na nararamdaman."Pero nag-aalala ako sa'yo, Erika. Ayaw mo namang kumuha ng bodyguard para mapanatag ang loob ko," pa
Erika's PovKasalukuyan kaming kumakain ng pananghalian nang bigla na lamang may nag-doorbell sa labas ng gate. "Parcel for Miss Erika White!" malakas na sigaw ng delivery man mula sa tapat ng gate."May parcel kang dumating, Ma'am Erika," sabi sa akin ng maid. Tumayo ito para kuhanin ang parcel sa labas. Pagbalik nito sa loob ay may dala na itong parcel na dalawang dangkal yata ang taas at laki. "Heto na ang parcel mo, Ma'am Erika.""Ilapag mo na lang muna sa sala. Mamaya ko na lamang bubuksan iyan," sabi ko sa maid. Ngunit napapakunot ako ng noo dahil wala naman akong ini-expect na darating na parcel. Wala naman akong binayaran sa parcel kaya tinanggap ko na lang ito.Inilagay ng maid ang parcel sa sofa pagkatapos ay bumalik na ito sa mesa para ipagpatuloy ang pagkain."Can we go to a mall, Mom? I want to play in my favorite playhouse. Wala namang pasok ngayon kaya puwede tayong magpunta sa mall, 'di ba?" wika ni Rose sa akin habang kumakain kami."Hindi ako puwede, Rose. May work
Erika's PovMahinang ungol ang kumawala sa aking lalamunan habang unti-unti akong pinagbabalikan ng aking malay."Mom? Mom, you're okay, right?" Hindi ko pa man naimumulat ang aking mga mata ay narinig ko na ang boses ni Rose na kinakausap ako. Parang maiiyak ang boses nito at dama ko ang matinding pag-aalala nito sa akin.Nang sa wakas y iminulat ko ang aking mga mata ay nakita kong nasa loob ako ng hospital at may nakakabit na dextrose sa aking kamay. "Rose." Ang pangalan ng anak ko ang unang salita na namutawi sa aking mga labi paggising ko."I'm here, Mom. I'm glad you're finally awake," sagot ni Rose, marahan siyang yumakap sa akin.Sinubukan kong gumalaw para yakapin ang anak ko ngunit bigla akong napangiwi nang maramdaman ko ang pagsigid ng kirot sa dalawa kong braso. Actually, hindi lang mga braso ang masakit sa akin kundi maging ang buo kong katawan. Pakiramdam ko ay pinagtulungan akong bugbugin ng ilang katao."Ang sakit ng buong katawan ko," hindi napigilang daing ko, napa
Erika's Pov"What the heck are you doing, David?" hindi napigilang sigaw ko nang makita kong bigla na lamang nitong sinuntok si Charles pagkapasok nito sa loob ng silid na kinaroroonan ko. Kahit sina Bruce, Tony, at Raven na kasamang ni David sa pagpasok sa loob ng silid ay nagulat din sa ginawa ng huli. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Walang nakapigil kay David nang sinuntok nito si Charles dahil wala namang nag-eexpect na gagawin nito iyon kay Charles. "It's his fault kung bakit ka nandito sa hospital ngayon, Erika! Dahil hindi ka niya nagawang bantayan ng mabuti! Ang kapal ng mukha ng lalaking iyan na manatili sa tabi mo!" malakas ang boses na sigaw ni David sa akin, namumula ang mukha nito sa matinding galit."Puwede bang huwag mo akong sigawan, David?" inis na sabi ko sa kanya. Akmang babangon ako sa kama ngunit hindi natuloy dahil napangiwi ako nang sumigid sa aking tagiliran ang matinding kirot. Nakalimutan kong ipinagbilin nga pala ng doktor na hindi pa ako puwedeng mag
Erika's PovPagka-discharge ko sa hospital ay sa bahay ni Charles ako umuwi. Sinamahan ako nina David at Raven papunta sa bahay ni Charles ngunit hindi lamang sila nagtagal dahil parehong may mga gagawin pa silang mahalagang bagay. Ngunit nangako ang dalawa na madalas ay dadalawin siya nila sa bahay ni Charles."Ito ang magiging silid mo, Erika." Itinulak ni Charles ang kinauupuan kong wheelchair papasok sa isang silid na medyo may kalakihan. Mukhang sinadyang i-decorate ang silid base sa gusto kong style. Pink and blue and sky blue ang mga malalaking kurtina sa gilid ng bintana na siyang paborito kong kulay. Maging ang bedsheet, unan, at kumot ay pink at sky blue rin ang kulay. Maaliwalas ang paligid at masarap tulugan."Thank you, Charles," sinserong pasasalamat ko sa kanya. Sa ganitong kalagayan ko ay talagang kailangan ko ang tulong niya. "Hindi mo kailangang magpasalamat sa akin, Erika. Pamilya tayo. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayong magkakapamilya lamang?" nakangiting s
Erika's PovI'm totally healed right now. Sa Lunes ay papasok na ako sa office. Natitiyak kong maraming trabaho sa opisina ang naghihintay sa akin. Almost four weeks akong hindi nakapasok sa opisina dahil gusto ni David na talagang magaling na ako at walang nararamdamang maski maliit na sakit sa katawan kapag bumalik na ako sa trabaho.Si Rose ay nasa school kasama ang maid ni Charles na si Mona na siyang pansamantalang yaya nito. Nag-hired si Charles ng driver-bodyguard na siyang tagahatid at sundo kay Rose sa school para hindi ako mag-alala sa kaligtasan ng anak ko.Nabo-bored ako sa bahay ni Charles dahil wala naman akong ginagawa kaya nagpasya akong lumabas ng bahay at mag-alis ng mga tuyong dahon sa mga halaman na nasa harapan ng bahay ni Charles. "Ano ang ginagawa mo, Ma'am Erika? Pagagalitan ako ni Sir Charles kapag nalaman niyang nagtatrabaho ka," nag-aalalang wika ni Leonora, isa sa apat na maid ni Charles. Lumapit siya sa akin at kinuha mula sa kamay ko ang malaking gunting
Erika's PovTahimik lamang ako habang kumakain kami ng hapunan. Kanina ay nag-usap ng sarilinan sina Chona at Charles pagkatapos ay tahimik na umalis ang babae. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila ngunit nakita kong nakangiti si Chona nang lumabas ng gate. Nag-usap ang dalawa sa gilid ng swimming pool habang ako naman ay nakatayo sa gilid ng bintana at pasimpleng nakasilip sa kanila. Nang makita kong nakangiting umalis si Chona ay biglang bumigat ang aking pakiramdam. Mabilis akong umakyat sa aking silid bago pa man makita ni Charles na nasa gilid ako ng bintana at nakasilip sa kanila.Umakyat si Charles at kinatok ako sa aking silid ngunit hindi ko siya pinagbuksan ng pintuan. Nagkunwari ako tulog kaya walang naririnig na ingay sa labas. Ngunit napilitan akong lumabas sa aking silid nang sumapit ang gabi at kinatok ako ni Rose para kumain ng hapunan. Lumabas ako sa aking silid ngunit hindi ko kinausap si Charles na kasama ng anak ko. Natitiyak kong inutusan nito ang bata