Alaiza Pov"Hi, Erika. How was your day? You look beautiful today." Pumasok si David sa loob ng opisina ko at naupo sa harapan ng aking mesa."May kailangan ka sa akin,Mr. Wilson?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Umaakto lamang siya ng ganito kapag may nais siyang ipagawa sa akin o di kaya may pabor siyang hihingin. "C'mon. Spil it out.""Matinik ka talaga, Erika. Wala akong maitago sa mga mata mo," nakangiting wika ni David. May inilabas itong isang puting envelope sa suot nitong coat at ibinigay sa akin."Ano 'to?" tanong ko nang makita kong isang invitation letter ang ibinigay nito."Puwede ba kitang maging ka-date sa event na iyan? Balita ko ay isa sa mga guest speaker si Professor Montilla," nang-eengganyo ang boses na wika ni David."Professor Montilla? Iyong pinakamagaling na IT Professor sa U.S?" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya. Iniidolo ko si Professor Montilla. Hindi lang kasi siya magaling mag-advice magaling din siya sa larangan ng technology. At alam
Erika's PovMaaga kaming dumating sa event kaya naman nakahanap pa kami ng mauupuan. Habang nagsasalita sa stage si Professor Montilla ay all-ears akong nakikinig sa kanya. Napatunayan kong napakagaling nga niyang mag-speech. Nagbigay din siya ng advice sa mga business people lalo na ang mga taong ang business ay naka-linya sa makabagong technology.Isang oras ang speech ni Professor Montilla ngunit kahit isang segundo ay walang boredom sa kanyang speech. Patunay ang malakas na palakpakan mula sa mga tao. Pagkatapos ng speech ni Professor Montilla ay nagkaroon kami ni David ng pagkakataon na makausap at makilala siya ng personal. Ngunit hindi lamang kami nagtagal sa pakikipag-usap sa kanya dahil kailangan na rin nitong umalis ng bansa. Pero at least, nakausap at nakilala ko ang iniidolo kong professor. Pagkatapos ng seminar ay dumiretso kami sa kabilang function hall kung saan bumabaha ang maraming pagkain at inumin para sa mga dumalo sa naturang event."Stay here, Rose. Kukuha lan
Erika's Pov"Kaya naman pala walang galang ang batang iyan dahil anak mo, Erika. Hindi mo ba siya naturuan ng tamang asal?" Puno ng pang-iinsulto na wika ni May nang bitiwan ang braso ng anak ko."Kung kagandahang asal lamang ang pag-uusapan ay marami kami niyan. Ngunit ikaw, mukhang hindi mo alam ang salitang kagandahang-asal," balik-pang-iinsulto ko sa kanya bago ko niyuko ang anak ko. "Are you okay, sweetheart?"Mabilis na tumango si Rose. "I'm okay, Mom. Hindi ko naman talaga sinasadya na malagyan ng ice cream ang dress niya. Nakatayo lamang ako tapos siya ang bumangga sa akin. Nagulat ako kaya nabitiwan ko ang ice cream ko at nalagyan ang dress niya," paliwanag ni Rose sa akin."It's okay, sweetheart. Hayaan mo na siya. Basta nakahingi ka ng sorry kahit na hindi naman ikaw ang may kasalanan. Ngayon, kung ayaw niyang tanggapin ang sorry mo ay hindi mo na problema iyon," sabi ko kay Rose. "Anong hindi niya kasalanan ang nangyari? Kung hindi ba naman siya parang tanga na nakatayo s
Erika's Pov"Bitiwan mo ako ngayon din!" mariin ang boses na wika ko kay Charles nang imulat ko ang aking mga mata. Nagkakawag ako para bitiwan niya ako."Stop struggling, Mom. Baka mahulog kayo ni Daddy sa hagdan." Narinig ko ang boses ni Rose. Nag-alala ako na baka nga malaglag kami sa hagdan kaya huminto ako sa pagkawag. Hinintay ko muna na makalagpas sa hagdan si Charles bago ako muling magsalita."Wala na tayo sa hagdan kaya ibaba mo na ako, Charles," muling utos ko sa kanya. Ngunit hindi ako pinansin ni Charles. "Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko ay ibaba mo na ako.""I'm going to my room, Dad. Mom. Good night to both of you," paalam ni Rose bago naglakad papunta sa silid nito."Wala ka ba talagang balak na ibaba ako?" naiinis na tanong ko kay Charles nang wala na ang anak namin."Ibababa kita sa silid mo," mabilis nitong sagot. "And don't worry dahil wala akong gagawin sa'yo. Pagkatapos kitang maipasok sa silid mo ay aalis na rin ako," agad nitong dugtong nang mabasa ang pa
Erika's Pov"Mom!" Maluwag ang ngiti na tumakbo palapit sa akin si Rose nang makita niya akong naglalakad palapit sa kanya. Yumakap siya sa akin ng mahigpit pagkatapos ay humalik sa aking pisngi. "Hello, Aunt Raven. It's nice to see you again," bati naman nito sa kaibigan ko bago binigyan ng isang mabilis na halik sa pisngi."How is your school, pretty princess?" nakangiting kausap ni Raven kay Rose."Hmm. Medyo boring ang ipinagawa ni teacher kanina sa amin pero nakakuha pa rin ako ng five star," buong pagmamalaking sagot ni Rose."Wow! Nakaka-proud ka naman. At dahil may five star kang nakuha today kaya iti-treat kita. Ano ang gusto mong kainin?" tanong ni Raven sa anak ko na agad namilog ang mga mata sa narinig."Can I eat pizza and ice cream, Mom?" tanong ni Rose sa akin. Puno ng pag-asam ang mukha nito kaya sino ba ako para ipagkait sa kanya ang kaligayahan niyang pagkain? Nakangiting tumango ako sa kanya. "Alright! We will eat pizza and ice cream!" sabi naman ni Raven bago hina
Erika's PovMahigpit na niyakap ni Charles ang anak namin pagdating nito. Pagkatapos nitong yakapin si Erika ay ako naman ang niyakap niya ng mahigpit."Thank God, walang masamang nangyari sa inyo ni Rose. Hindi ko alam ang gagawin ko kung may nangyaring hindi maganda sa inyong dalawa," buong pag-aalala na wika ni Charles habang nananatiling nakayakap sa akin ng mahigpit."I know that you're worried about us, Charles. Pero puwede bang bitiwan mo na ako? Hindi na ako makahinga." Bahagya kong tinampal ang kanyang balikat para bitiwan niya ako. Sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin ay halos hindi na ako makahinga."Oh, I'm sorry. Masyado lang akong masaya na walang masamang nangyari sa inyo ni Rose," paumanhin ni Charles na agad akong binitiwan."I'm very scared, Dad. Mabuti na lang magaling mag-drive ng kotse si Mommy kaya nakaligtas kami," sabi naman ni Rose, muli itong yumakap sa ama at nagpakarga."Nag-file na ba kayo ng report tungkol sa nangyari?" tanong naman sa akin ni B
Erika's PovBisita ko ngayon si David. Pagkatapos nga ng kanyang meeting ay nagtungo siya sa bahay ko dahil nag-aalala pa rin siya sa amin ni Rose. At habang nasa sala kami ni David nag-uusap ay ilang beses na dumaan sina Rose at Charles kahit na wala naman silang gagawin sa ibaba.Nasa bahay ko pa si Charles dahil gusto ni Rose na makatabing matulog sa kuwarto nito ang ama. Siguro ay labis na natakot ang anak ko sa nangyari kanina kaya hinayaan ko siya sa gusto niyang mangyari. Hindi na ako tumutol. Kung sa pamamagitan ni Charles ay mawawala ang takot na naramdaman ng anak ko ay papayagan kong sa bahay ko matulog ang huli. Si Rose naman ang katabi niya sa kama at hindi ako."I think, you need to hire a bodyguard, Erika," suhestiyon ni David matapos umakyat ni Charles sa hagdan. Bumaba ulit ito at kumuha ng gatas para kay Rose. "Hindi na biro ang gustong mangyari ng taong iyon. Gusto ka niyang patayin. At mas lalong delikado dahil hindi mo alam kung sino ang nagpapapatay sa'yo. Nasa
Erika's Pov"Ihahatid na kita sa bahay mo, Erika."Palabas na ako sa office ko para umuwi nang lapitan ako ni David. Ang alam ko ay nasa meeting ito para sa launching ng project namin na nasa last phase na bago i-release sa market. Ka-meeting nito ang iba pang mga investors dahil hindi lamang si Charles ang nahikayat naming mag-invest sa project na ito. Ngunit aaminin ko na nakatulong ng malaki ang pag-invest ni Charles. Nang malaman kasi ng ibang investors na nag-invest sa kompanya ni David ang kompanya naman ni Charles ay saka naengganyong mag-invest din ang iba pang mga investors."Don't bother, David. Alam ko na sobrang busy ka ngayon dahil sa kaliwa't kanang meeting na inaatiran mo. Mas mabuting umuwi ka na para makapagpahinga ka dahil mas magiging busy ka kapag nai-launch na sa market ang product natin," sagot ko kay David. Ayokong makadagdag pa sa kanyang pagod na nararamdaman."Pero nag-aalala ako sa'yo, Erika. Ayaw mo namang kumuha ng bodyguard para mapanatag ang loob ko," pa
Erika Pov "Hindi ba sinabi ko sa'yo na hindi ka puwedeng lumabas ng bahay hangga't hindi ako ang kasama mo? Bakit hindi mo sinunod ang sinabi ko sa'yo?" galit na sita ni Jake sa akin pagkapasok namin sa bahay. "At hindi ba kabilin-bilinan ko naman sa'yo na huwag mong hayaang lumaba sng bahay si Erin, Daina? Pero ano ang ginawa mo? Hindi mo lang siya hinayaan kundi sinamahan mo pa siya!" galit na baling naman nito sa pamangkin nito. "I'm sorry, Tito Jake. Hindi na mauulit ang nangyaring ito," umiiyak na paumanhin ni Daina sa tiyuhin. Halatadong takot ito sa kanyang tito kapag nagagalit ang lalaki. Sa isang buwan kong pananatili rito at pakikisama kay Jake bilang asawa niya ay ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng ganito katindi. At iisa lang ang aking na-realized ngayon. Hindi ko nga siya kilala. Wala akong familiarity na nararamdaman sa kanya kapag nagagalit siya, nagtatampo o naglalambing."Gusto mo akong nakakulong lamang sa loob ng bahay mo, Jake? Bakit? Dahil nag-aalala ka n
Erika Pov Habang nakatitig ako sa ama ng bata ay biglang kumislot ang aking puso at pagkatapos ay bumilis na ang pagtibok niyon. Mayamaya ay napahawak ako sa aking ulo dahil bigla itong sumakit. Para bang may mga alaala na nais lumabas sa aking isip ngunit hindi makalabas. "Let's go, Ate Erin. Sumasakit lamang ang ulo mo dahil sa kanila kaya umalis na tayo!" Hinawakan ulit ni Daina ang isa kong braso at hinila paalis. "Bakit gusto mong ilayo na kaagad si Erika, Miss? Dahil natatakot ka na bigla niyang maalala na anak at asawa niya ang mga taong nasa harapan niya?" Biglang kinausap ng lalaki si Daina kaya napahinto kami sa paglalakad. "Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo, Mister. Ngunit natitiyak ko na hindi mo asawa si Ate Erin dahil unang-una ay hindi Erika ang pangalan niya kundi Erin at pangalawa ay asawa siya ng Tito ko. Kaya kung naghahanap kayo ng nawawalang asawa mo ay sa police station kayo magpunta," mataray na sagot ni Daina sa lalaki. "Really? Kung totoo ang sinas
Erika/Erin Pov Wala sa bahay si Jake dahil pumasok ito sa trabaho kaya mas lalo akong na-bored sa loob ng bahay. Gusto kong mamasyal sa labas ngunit mahigpit na ipinagbilin ni Jake na huwag na huwag akong lalabas ng bahay lalo na kung hindi ko siya kasama. Magmula nang lumabas ako sa hospital ay hindi pa ako nakakalabas ng bahay para mamasyal man lang. Para may kinakatakutan siya o di kaya iniiwasan kung kaya't ayaw niya akong payagan na lumabas ng bahay. Hindi na ako nakatiis sa sobrang pagka-bored kaya pinuntahan ko sa silid nito si Daina, ang teenager na pamangkin ni Jake at kasama naming nakatira sa bahay. Niyaya ko siyang mamasyal kami sa mall dahil bored na bored na talaga ako rito sa bahay ngunit tumanggi siya. Mahigpit daw kasing ipinagbilin sa kanya ng Tito Jake niya na huwag akong hayaang lumabas ng bahay. Para naman ito sa kaligtasan ko kung kaya't ayaw niya akong payagang gumala. Baka raw kasi bigla akong maaksidente ulit. "Sige na, Daina. Mamayang hapon pa naman uuw
Erika Pov Nanginginig ang buo kong katawan at parang hindi ko magawang igalaw ang aking mga kamay. Nasa harapan na ako ng manibela ngunit hindi ko pa magawang hawakan ito at paandarin palayo sa lugar na ito. "Mommy! Let's go!" Malakas na boses ni Rise ang tila nakapagpagising sa aking diwa. Para akong nagkaroon ulit ng lakas dahil sa takot na boses na iyon ng anak ko. Hindi ko na isinuot ang seatbelt sa baywang ko at inapakan ko na lamang ang pedal para tumakbo ang kotse. "Are we safe now, Mom?" "I-I think so," nanginginig ang boses na sagot ko sa kanya. Akala ko ay nakatakas na nga kami mula kay Edgar ngunit hindi pa pala. Dahil bigla na lang may sasakyan ang malakas na bumalya sa likuran ng minamaneho kong kotse. Sabay kaming napasigaw ni Rose ng malakas. "Mommy! I'm scared!" umiiyak na wika ng anak ko. "Don't worry, baby. Mommy is here. Hindi kita pababayaan. Mommy will protect you, okay?" pagbibigay-assurance ko sa anak ko para mabawasan ang takot na nararamdaman niya. T
Erika Pov Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ko ang pintuan ng storage room. Mabuti na lang nilagyan nila ng ilaw ang silid at hindi katulad sa ginawa nila sa akin noon na hinayaan nila akong mangapa sa dilim. Nang mabuksan ko ang pintuan ay tumambad sa aking mga mata ang nakakaawang hitsura ng anak ko na halos magpadurog sa aking puso. Nakahiga sa malamig na sahig si Rose habang nanginginig sa lamig at nakapamaluktot. Nakapikit ng mariin ang mga mata nito at bakas sa mukha ang matinding takot. "R-Rose. A-Anak ko." Hindi ko napigilan ang pagpiyok ng boses ko dahil sa matinding awa sa kanya. Agad namang nagmulat ng mga mata ang anak ko at bumakas ang kasiyahan sa mukha nang makita ako. "Mom—" "Sshh. Huwag kang maingay." Agad ko siyang sinaway na huwag lakasan ang kanyang boses dahil baka may makarinig aa amin at mabuko pa nila na nandito ako. Agad namang nakaintindi ang anak ko. Tahimik itong tumayo at tumakbo palapit sa akin.Mahigpit na niyakap ko ang anak ko habang
Erika Pov Nang masiguro naming ligtas na si Dario ay umalis din kami sa hospital. Nagpaiwan sina Bruce at Raven para siyang magbantay at mag-asikaso sa mga pangangailangan ni Dario samantalang isinama ko pauwi sa bahay si Adelina para makapagpahinga. Alam kong hanggang ngayon ay shock pa rin ito sa nangyari kaya kailangan nitong makapagpahinga. "Manatili ka na lamang dito sa bahay, Erika. Kami na lamang ni Tony ang maghahanap sa anak natin," sabi ni Charles nang makarating kami sa tapat ng bahay namin. Nakababa na si Adelina at tanging ako na lamang ang at Tony maliban kay Charles ang nasa kotse. Sasama kasi ako sa paghahanap ni Charles sa anak namin. Hindi ako mapapakali kung nasa bahay lamang ako at naghihintay ng balita kung nahanap na ba ang anak ko o hindi pa. "No, Charles. Sasama ako sa inyo. Ayokong maiwan sa bahay habang kayo ay naghahanap sa anak natin," mariing tanggi ko sa kanya. "Please, Erika. Mas mapapanatag ang loob ko kung mananatili ka lamang dito sa bahay. Do
Erika Pov "Anong sinabi mo? Ulitin mo nga ang sinabi mo, Adelina," utos ko sa yaya ng anak ko. Natutulog kasi ako nang makatanggap ako ng tawag mula kay Adelina. Umiiyak ito habang nagsasalita at humihingi ng sorry sa akin. "Nakidnap si Rose, Ma'am Erika!" sigaw ni Adelina mula sa kabilang linya. Actually, narinig ko ang sinabi niya kanina ngunit baka nagkamali lamang ako ng dinig kaya ipinaulit ko sa kanya. Ngunit hindi pala ako nagkamali ng dinig dahil totoo pala ang narinig ko. Sa pinaghalo-halong takot, pagkabigla, at pag-aalala ay nabitawan ko ang cellphone ko. Kahit nagsasalita pa si Adelina ay wala na akong maintindihan sa kanyang mga sinasabi. Pakiramdam ko ay bigla akong nabingi at lumaki ang ulo ko kasabay ng pangangapal ng pakiramdam ko bago nagdilim ang paningin ko at nawalan ng malay. Nang magising ako ay maayos na akong nakahiga sa kama habang nakahawak naman sa isa kong kamay si Charles at bahagyang hinahalik-halikan ang likuran ng palad ko. Nasa loob din ng akin
Erika PovNang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng silid namin at nakahiga sa kama. Naalala ko ang aking nakita kaya muli akong napasigaw ng malakas. Dahil naman sa sigaw ko ay biglang pumasok si Charles na dumating na pala. Agad niya akong niyakap ng mahigpit para maalis ang takot na nararamdaman ko."Nakita ko ang laman ng regalo, Charles! Hindi porn videos kagaya ng sinabi mo sa akin! Maliit na kabaong na puno ng daga at may laman na patay na puno rin ng dugo! May tao ba na gusto ulit akong patayin? Bakit ako pinadalhan ng ganoong klaseng regalo? Si Uncle Edgar ba ulit ang nananakot sa akin?" nagpapanic na tanong ko kay Charles ng sunod-sunod. "Bakit ka nagsinungaling sa akin? Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?""Calm down, Erika. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi sa'yo ang totoo. Kung bakit mahigpit kong pinigilan sina Dario at Merlyn na sabihin sa'yo ang kanilang nakita. Dahil ayokong magpanic ka kapag nalaman mo ang totoo. Ayokong matakot ka kagaya ngay
Charles' PovGusto ko nang magmura ng malakas habang yakap ko si Erika. Mabuti na lamang at hindi ako nahuli ng dating. Hindi pa nakikita ng asawa ko kung ano ang laman ng regalong natanggap nito. Hindi nito nakita ang isang maliit na kabaong na maraming dugo at sa loob ay may patay na daga na nakahiga. Tiyak na mula sa patay na daga ang dugong nakakalat sa kabaong.Kasalukuyan akong nasa meeting room kanina at ka-meeting ang isang kliyente nang makatanggap ako ng tawag mula sa numerong hindi nakarehistro sa cellphone ko. Sinabi sa akin ng taong tumawag na boses ng lalaki na may regalo raw na matatanggap ngayon ang si Erika. Tiyak na magugulat daw ang asawa ko kapag nakita nito ang laman ng regalo. Agad akong kinutuban at nagkaroon ng masamang hinala nang marinig ko ang malakas na halakhak ng lalaking nasa kabilang linya. Ngunit bago ko pa man siya matanong kung sino siya at ano ang kailangan niya ay agad na nitong pinatay ang cellphone nito. Wala akong inaksayang oras. Mabilis akon