Home / Romance / MOON BRIDE / CHAPTER 5

Share

CHAPTER 5

Author: Maricar Dizon
last update Huling Na-update: 2020-09-06 02:54:08

(Cain)

Isang araw ang nakakaraan…

“Master Cain, pinapatawag kayo ng Elders. Importante daw ang pag-uusapan sa araw na ito.”

Sinulyapan ko si Arnold mula sa repleksiyon namin sa salamin. Assistant ko siya mula pa nang magtapos ako sa kolehiyo. Pero hindi ako ang kumuha sa kaniya kung hindi ang taong nagpalaki sa akin at tinitingala ko. Ang sabi sa akin ng taong iyon, ang isang taong nakatadhanang maging leader ay dapat may tapat at mapagkakatiwalaang kanang kamay. Kaya ibinigay niya sa akin si Arnold.

“Arnold. Sinabi ko na sa iyo na huwag mo akong tawaging master. Hindi na bagay sa panahon ngayon ang termino na iyan. It will sound odd to other people’s ears,” sagot ko.

“Pero hindi ka basta tao lang, Master Cain,” seryosong sagot ni Arnold.

Well, iyon ang totoo. In more ways than one.

Tinapos ko ang pagbubutones sa long sleeved polo ko. Pagkatapos siniguro ko na maayos na ang hitsura ko bago tumalikod sa salamin. Isa pa sa mga turo sa akin ng taong nagpalaki sa akin: siguruhin na walang maipipintas ang kahit na sinong makakakita sa akin kapag lumabas ako ng bahay. Kailangan daw perpekto ang hitsura, kilos, pananalita at kahit facial expressions para makuha ko ang respeto, paghanga at paggalang ng mga tao.

“Let’s go Arnold.” Nauna na akong maglakad palabas sa dressing room at patungo sa living room ng tinitirhan ko. Nakatira ako sa penthouse ng isang gusali sa Makati na pagmamay-ari ng pamilya. Minimal lang ang disenyo niyon at kaunti lang ang mga gamit. Frosted glass ang mga nagsisilbing divider ng living room, kusina at iba pang bahagi ng buong penthouse maliban sa mga silid. It doesn’t really look like a house. Mas mukhang hideout. A very high-tech one. Dahil computerized ang lahat sa penthouse na iyon.

Gawa sa makapal na glass wall ang isang bahagi na nakaharap sa kalawakan ng siyudad. Dahil nasa ika-tatlumpung palapag ako, parang ang lapit ko sa kalangitan. Lalo na kapag gabi at bilog ang buwan. Mas nakikita ko ng maayos ang buwan. And it always reminds me of my missions in life.  Of the destiny I have to fulfill. Hindi lang para sa akin, hindi lang para sa taong nagpalaki at naging mentor ko, kung hindi para sa buong Alpuerto clan.

“Master Cain?” Inalis ko ang tingin sa glass wall. Humarap ako kay Arnold. Nakatayo na siya sa tapat ng pinto at binuksan na iyon para sa akin.

Kumilos ako at tuluyang lumabas ng penthouse.

WALA pang bente minutos ang nakalilipas pumasok na sa mahaba at mataas na gate ng Old Alpuerto mansion ang gamit kong sasakyan. Si Arnold ang nagmamaneho.

Old Alpuerto mansion ang tawag doon dahil isa ang ancestral house na iyon sa mga pinakalumang bahay sa Forbes Park. Isa iyon sa mga unang bahay na itinayo doon noong 1940’s.

Hindi lang doon nauna ang mga Alpuerto. Bago pa man dumami ang mga tao sa Pilipinas, bago pa ang Spanish invasion, katunayan bago pa ang henerasyon ng bayaning si Lapu-lapu, nag-e-exist na ang pamilya namin. Hindi pa nga lang Alpuerto ang apelyido namin noon. We just acquired that name to go with the flow of the changing times.

Sa ngayon may isa pang malaking bahay sa Forbes Park na tinitirhan ng branch family ng mga Alpuerto. Ang head ng Alpuerto clan at ang kanyang pamilya ang nakatira sa old mansion.

Pero kapag may meeting ang Elders, kapag may kailangan pag-usapan at importanteng issues na kailangan ang interference ng pamilya, sa Old Alpuerto mansion iyon ginaganap. Katulad ngayon.

                Huminto sa garahe ang sasakyan at hindi ko na hinintay si Arnold na pagbuksan ako ng pinto. Kusa na akong lumabas. Naglakad kami patungo sa malaking entrance door ng mansiyon at bago pa man ako makakatok bumukas na iyon.

Sinalubong ako ni Lito, ang matandang katiwala ng mansiyon. Nasa sisenta na ang edad niya. Bata pa lang ako doon na siya nagtatrabaho. Katunayan, ang buong pamilya ni Lito mula pa sa kauna-unahang henerasyon niyon mga tapat na tagasunod at tagasilbi ng pamilya Alpuerto. Mula pa noon hindi basta ipinagkakatiwala ng pamilya namin ang kahit na anong bagay na may kinalaman sa amin sa mga estranghero. For a very good reason.

“Maligayang pagdating, master Cain. Sasamahan ko kayo papunta sa Black Library. Doon naghihintay ang mga Elder para sa iyo,” sabi ni Lito at nauna na sa paglalakad.

Walang salitang sumunod ako kay Lito. Alam ko naman kung nasaan ang Black Library pero ayokong alisan si Lito ng trabaho kaya hinayaan ko na lang siya. Nakarating kami sa ikatlong palapag. Matatagpuan ang Black Library sa pinakatagong bahagi ng palapag na iyon. Maraming pasikot-sikot bago makakarating doon. Intruders will find it difficult to locate. Iyon ay kung makakapasok sila sa mansiyon na hindi nadidiskubre. There are cameras outside and inside the house. Ang tanging wala lang ganoon ay ang Black Library dahil doon ginaganap ang mga pagpupulong at kung anu-ano pa na hindi dapat marinig ng kahit na sino maliban sa mga taong nag-uusap.

Ah. Mayroon pa palang isa na walang mga camera. The underground. The hidden dungeon. Iyon ang tawag naming magpipinsan sa lugar na iyon noong mga bata pa kami. It was the place where the Elders do the dirty works and where they keep the darkest of secrets.

Ipinilig ko ang ulo ko para alisin ang imahe ng lugar na iyon sa isip ko. Lalo na at sa tuwing inaalala ko ang lugar na iyon parang tinutusok ng maraming karayom ang ulo ko. Na para bang may kung ano sa utak ko ang kinokontra akong alalahanin ang lugar na iyon.

Ilang minuto ang nakalilipas nakarating din kami sa harap ng Black Library. Binuksan ni Lito ang pinto pero hindi pumasok. Sa halip humarap sa akin ang matandang lalaki, bahagyang yumukod at iminuwestra akong pumasok. Tumango ako. Nilingon ko si Arnold. “Stay here.”

“Yes, Master Cain,” sabi ng kanang kamay ko.

Saka lang ako muling humarap sa nakabukas na pinto at tuluyang humakbang papasok sa Black Library. Kasing laki iyon ng buong penthouse kung saan ako nakatira. Lahat ng pader, mula sahig hanggang kisame punong puno ng mga librong nakolekta ng pamilya simula pa nang mauso ang printing press. Black Library ang tawag doon dahil itim ang motif. Ang mga kulay ng mga librong nakalagay sa shelf ang tanging kulay na makikita roon.

Naglakad ako hanggang sa dulong bahagi ng library at huminto sa isang shelf. Pinaraan ko ang isang kamay sa mga librong nakalagay sa ikalimang row. Pagkatapos huminto ang kamay ko sa pulang hardbound na libro. I pressed it and the shelf began to move. Bumukas ang shelf na isa talagang secret door para sa inner room. Pumasok ako doon. Sumara ang shelf sa likuran ko.

“Kanina ka pa namin hinihintay,” sabi ng isang matandang lalaki.

Iginala ko ang tingin sa pabilog na lamesa kung saan nakaupo paikot ang tatlo sa pinakamatatanda at pinakamakakapangyarihang lalaki sa pamilya Alpuerto. Not that we are a large family. Dahil isa sa kapalit ng kapangyarihan at kayamanang mayroon kami ang katotohanan na hindi kami dumadami. Mula pa noong unang panahon, hanggang dalawa lang ang nagiging anak ng bawat isang Alpuerto. Karamihan lalaki. Katunayan isa lang ang tiyahin ko na dugong Alpuerto talaga at hindi lang napangasawa ng mga tiyuhin ko. Si tita Martha. Na hindi nakapag-asawa dahil walang mapiling lalaki ang pamilya na mapagkakatiwalaan ng aming lihim. O kahit sana lalaki na hindi kayamanan ng pamilya ang habol. 

“Lumapit ka dito, Cain,” sabi uli ng matandang lalaki na nagsalita kanina. Si Lolo Ingracio. Sa tabi niya nakaupo si Lolo Bartolome, kapatid ni lolo Ingracio at ama ni tita Martha. Sa kabisera ng lamesa nakaupo si Gregorio Alpuerto, ang kasalukuyang leader ng aming pamilya, anak ni lolo Ingracio at ang taong nagpalaki sa akin at tinitingala ko.

He is my father. And he treats me like his own son. Dahil katulad ni tita Martha hindi rin nag-asawa at bumuo ng pamilya si papa. Hindi ko alam kung bakit. Sa tuwing tinatanong ko siya iniiba niya ang usapan. Wala rin sa matatandang Alpuerto ang nagbabanggit ng tungkol sa nakaraan. Anak daw ako ng kapatid ni papa na matagal nang pumanaw kaya inampon niya ako. Iyon lang ang impormasyon na sinasabi nila sa akin.

Ilang beses na sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko para malaman ang tunay na nangyari. Pero masyadong malakas kaysa sa akin ang mga tiyuhin ko. Lalo na ang aking ama. He’s not the clan leader for nothing. Kaya madali nilang ma-reject ang pagtatangka kong gamitin ang kapangyarihan ko sa kanila.

Humakbang ako palapit sa tatlong lalaki at hindi ko naiwasan ang pag-angat ng aking mga kilay habang pinagmamasdan sila. “Nang sabihin sa akin ni Arnold na may meeting ang Elders, akala ko kumpleto kayo. Pero kulang kayo ng tatlo,” puna ko.

Nagkatinginan ang tatlo at bumakas ang pagkailang sa mga mukha. Ang aking ama naman bumuntong hininga at nahilot ang sentido. Tumikhim si Lolo Bartolome. “Well, hindi makakarating ang lolo Carlos mo. Maging ang tito Demetrio at tito Victor mo. We had a… conflict of opinions.”

Napaderetso ako ng tayo. Hindi ko naiwasan makaramdam ng tensiyon. Dahil big deal kapag nagkaroon ng conflict of opinions ang mga Elder ng Alpuerto clan. These are the people running the country in the shadows. Malaki ang epekto sa buong bansa, ekonomiya, political at iba pa, kapag nagkaroon ng conflict sa pagitan nila.

“Tungkol saan ang hindi ninyo pinagkasunduan?” tanong ko.

Bumuntong hininga ulit si papa bago seryosong sinalubong ng tingin ang aking mga mata. “It’s about the issue of the next clan leader.”

Natigilan ako. Realization hit me. “Hindi sila pabor sa napagkasunduan ninyo noon na ako ang magiging susunod na clan leader? Hindi ba iyon ang main purpose kung bakit ako nag-te-training sa ilalim mo, papa?”

“Well, oo. Noon pa mang tumuntong ka sa edad na disiotso iyon na talaga ang plano. Pero ngayon biglang may iba nang gusto ang lolo Carlos mo. Gusto niya na magkaroon ng pantay na karapatan at pagkakataon kayong magpipinsan para maging clan leader,” sabi ni lolo Ingracio.

“And you see, wala kaming makitang dahilan para tumanggi sa suhestiyon niya. After all, mas matanda pa nga sa iyo ang dalawa mong pinsan. The three of you grew up together right? Even your powers and intelligence are on par with each other,” sabi naman ni lolo Bartolome.

Kumunot ang noo ko. “Tama kayo. Lumaki kaming magkakasama. Kaya alam ko na wala ni isa sa kanila ang may interes na maging clan leader.”

“Hindi iyon ang opinyon ng ama nila,” sabi ni lolo Ingracio. Pagkatapos huminga siya ng malalim. “So, pumayag din kami sa gusto nila. I am allowing your two cousins to be a candidate as the clan leader.”

Sigurado ako na hindi magugustuhan ng mga pinsan ko kapag nalaman nila na gusto ng mga tiyuhin kong maging clan leader sila. “Pero paano kayo magdedesisyon kung sino ang magiging clan leader sa aming lahat?” tanong ko.

Muli nagkatiningan ang tatlo bago tumingin sa akin. Ang aking ama ang seryosong nagsalita. “Natagpuan na namin ang moon bride.”

Tumango ako. Alam ko na matagal nang hinahanap ng Elders ang moon bride. Alam ko rin na matagal na nilang nakita ang babae. Mas lalong alam ko na malaki ang papel niya sa pamilya namin. At lalo na sa akin. After all, she’s my fiancée. Kahit na hindi ko kilala kung sino ang moon bride na iyon. O kung ano ang hitsura niya. O kung ano ang ugali niya. She can be the meanest person in the country or the ugliest. It doesn’t change a thing. Nakatakda ko pa rin siyang mapangasawa. At least, iyon ang plano. Bago magprotesta si lolo Carlos.

“At siya ang magiging pamantayan ng kung sino ang susunod na magiging clan leader,” patuloy ng aking ama.

Kumunot ang noo ko. “How, exactly?”

“Kung sino sa inyong tatlo ang mapipili niya. Kung kanino siya iibig. Siya ang magiging clan leader,” pinal na sagot ni lolo Ingracio.

Kaugnay na kabanata

  • MOON BRIDE    CHAPTER 6

    (Cain)“What?” manghang bulalas ko. “Iaasa ninyo sa desisyon niya ang kinabukasan ng pamilya natin?”“Ganoon din naman. Siya naman talaga ang pag-asa ng pamilya natin, Cain,” seryosong sabi ng aking ama.

    Huling Na-update : 2020-09-06
  • MOON BRIDE    CHAPTER 7

    (Ayesha)“YOU heard me. I am going to be your husband. Itinakda na iyon sa araw pa lang ng iyong kapanganakan. You cannot run away from your destiny, Ayesha.”

    Huling Na-update : 2020-09-06
  • MOON BRIDE    CHAPTER 8

    (Ayesha)Huminga ako ng malalim. Professor ko naman siya. Mapagkakatiwalaan ko naman siguro siya. “Okay,” nasabi ko na lang. Ngumiti si sir Angus at tinapik ang ulo ko. “Good.” Napasinghap ako nang lumapat ang palad niya sa likod ko at itinulak niya ako papasok sa apartment complex.

    Huling Na-update : 2020-09-06
  • MOON BRIDE    CHAPTER 9

    (Ayesha)Madilim ang paligid. Nasa kung saan ako na para bang maliit at dim na ilaw lang ang nagbibigay liwanag. Kahit saan ako lumingon sementong pader ang nakikita ko. Luma na ‘yon at may lumot pa nga. Para bang nawala na ang kulay ‘non dahil sa paglipas ng napakahabang panahon. Makitid ang daan. Isang pasilyo. Malamig. Hindi ‘yong lamig ng aircon o simoy ng hangin kung hindi lamig na para bang nasa ilalim ako ng lupa. Parang tunnel. O isang basement.

    Huling Na-update : 2020-09-06
  • MOON BRIDE    CHAPTER 10

    (Ayesha) NAKAKAILANG ang naging maghapon ko sa campus sa araw na ‘yon dahil kay Cain. Sa bawat klase ko mayroong mga nakasaksi sa nangyari kanina sa labas ng gate. Maraming ayaw akong tigilan sa kakatanong kung sino si Cain. Maging si Raye na hindi nasaksihan ang nangyari at narinig lang sa iba tanong ng tanong sa akin. Pero ano naman ang isasagot ko na hindi ako lalabas na gumagawa lang ng kuwento? Kahit kay Raye, paano ko sasabihin ang tungkol k

    Huling Na-update : 2020-09-09
  • MOON BRIDE    CHAPTER 11

    (Ayesha)Napasinghap ako nang maramdaman ko ang magaan na paglapat ng palad niya sa likod ko. Siguro para alalayan ako papasok sa restaurant. Nagpaubaya ako at inabala ang sarili sa pagmamasid sa loob ng Secret Garden. Puro pareha nga ang mga customer na nakapuwesto sa magkakalayong mga lamesa. May classical music

    Huling Na-update : 2020-09-17
  • MOON BRIDE    CHAPTER 12

    (Ayesha)KINABUKASAN ng hapon naabutan ko na naman si Cain sa fastfood chain kung saan ako nagtatrabaho. May nakabukas na laptop sa harap niya. Sa kabutihang palad hindi ko siya naabutan sa labas ng school gate kaninang pumasok ako. Binalaan ko kasi siyang huwag na ‘yong gagawin kagabi. Sinabi ko rin sa kaniya na ayokong makatawag ng unwanted attention.

    Huling Na-update : 2020-09-18
  • MOON BRIDE    CHAPTER 13

    (Ayesha)SANDALI lang kami nakapag-usap ni Cain nang gabing ‘yon. Hindi rin kasi ako komportable na magtagal. Kahit kasi pinipilit kong umaktong normal palagi ko pa ring naaalala ang anino sa dilim na nagmamatyag sa akin kanina. Mas gusto kong umuwi agad, sa piling ng nanay ko. Saka lang ako makakaramdam ng seguridad.

    Huling Na-update : 2020-09-20

Pinakabagong kabanata

  • MOON BRIDE    CHAPTER 81 (END)

    (Ayesha) HININTAY MUNA namin na talagang pwede na lumabas ng ospital si Zion bago kami humarap sa buong angkan ng Alpuerto. Mayroon din akong kailangan sabihin sa kanila bago ituloy ang ritwal. Kailangan nila malaman ang katotohanan sa likod ng kapanganakan ko. Kailangan nila malaman kung ano ang talagang mangyayari kapag ginawa ang ritwal ng pag-iisa sa gabi ng kaarawan ko. Katulad ng inaasahan namin nagulat ang lahat ng malaman ang nararamdaman namin ni Zion para sa isa’t isa. Pero dahil suportado kami nina Cain, Chance at sir Angus sandali lang sila nag protesta at nag-alangan. Pumayag din sila na kahit si Cain ang magiging clan leader, si Zion ang makakapareha ko sa ritwal. 

  • MOON BRIDE    CHAPTER 80

    (AYESHA) HUMINGA ako ng malalim habang nakatitig sa pinto ng hospital room kung nasaan si Zion. Tahimik sa loob. Baka natutulog siya at ayokong makaistorbo kaya hindi na ako kumatok. Maingat kong binuksan ang pinto. Suminghap ako nang makitang hindi naman tulog si Zion. Katunayan wala siya sa kama. Nakatayo siya at nasa aktong nagsusuot ng itim na t-shirt. Nakasuot na rin siya ng maong na pantalon at sapatos. Nakita ko pa ang benda sa bandang tiyan niya. Mukhang kailangan na palitan ang gasa sa tagiliran niya dahil may nakikita akong bakas ng dugo doon. Nakita ko na nakalaylay sa kama ang dulo ng dextrose na dapat nasa likod ng kamay ni Zion. May bakas din iyon ng dugo. Halatang pinuwersang hatakin paalis sa balat.&nb

  • MOON BRIDE    CHAPTER 79

    (Ayesha) PAPASIKAT na ang araw nang tuluyang maapula ang sunog. Sa kabutihang palad hindi kumalat sa ibang mansiyon ang apoy. Sa kasamaang palad, sunog na bangkay na nang ilabas si Ambrosio. Ni hindi na siya ipinakita ng mga rescuer at dinala sa punerariya na nakabalot ng itim na tela ang natira sa kanyang katawan. Walang burol na nangyari. Deretso cremation at silang pamilya lang ang dumalo sa libing. Hindi pinayagan ang kahit na sino na lumapit sa mansiyon. Dahil daw sa sunog hindi na matibay ang natitirang nakatayong bahagi niyon. Kaunting galaw guguho iyon. Sa makatuwid, hindi na talaga pwedeng tirhan at kailangan na gibain para mapatayuan ng bago. Dahil namatay si Am

  • MOON BRIDE    CHAPTER 78

    (AYESHA)“Lumabas na tayo dito, Ambrosio. Lumabas tayong lahat na buhay. Huwag kang kumapit sa alaala ng patay na,” sabi naman ni senator Gregorio. Malumanay at nakikiusap ang boses.Nawala ang ngiti ni Ambrosio at nanlisik ang mga matang tumingin sa kapatid. “Patay na? Ganiyan mo na lang ituring si Rosario kahit na sinabi mong mahal mo siya noon? Ganiyan lang kababaw ang naging pagtingin mo sa kaniya? Tama lang pala na inagaw ko siya sa iyo!”“Minahal ko siya ng husto! Patuloy ko siyang mamahalin buong buhay ko. But more than the memory of her, I value the living more. Mahalaga sa akin ang pamilya natin. Mahalaga sa akin ang kasaysayan ng lahi natin na ngayon ay kinakain na ng apoy na ikaw ang may gawa! Sa kabila ng lahat ng nagawa mo noon at ngayon, kapatid pa rin kita at mas mahalaga ka rin sa akin kaysa kay Rosario. I want you to live. I want us to live. I want our bloodline to continue to exist in this world!” sigaw na ni

  • MOON BRIDE    CHAPTER 77

    (Ayesha)MALAKING bahagi na ng buwan ang nakalitaw sa kalangitan. Kahit kanina pa kami nagkaharap ni Zion, mabilis pa rin ang tibok ng puso ko hanggang ngayon. Lalo na kapag naaalala ko ang mga sinabi at ginawa ko. Hinalikan ko siya. Hindi ako makapaniwala na may lakas ako ng loob na gawin iyon. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Kahit anong sabihin ko, kahit gaano ko pa ipakita sa mukha ko ang nararamdaman ko, ayaw pa rin niyang maniwala. Ayaw niyang buksan ang isip niya. Ayaw niya akong papasukin sa harang na pinalibot niya sa sarili sa mahabang panahon bilang proteksiyon. Umakto ako base sa instinct ko. At kahit nahihiya ako, hindi ako nagsisis

  • MOON BRIDE    CHAPTER 76

    (ZION)MADALING araw na ako nakabalik sa hotel. Kakatapak ko pa lang sa palapag na bayad ng tatay ko naramdaman ko na agad na may hindi tama. Mabilis ang kilos ng mga puppet ng tatay ko papunta sa elevator at malamang palabas ng hotel. May determinasyon sa mga mukha nila.May inutos sa kanila si erpats. Sigurado ako.

  • MOON BRIDE    CHAPTER 75

    (ZION) “Zion.” Napalunok ako. “Bakit ba?”

  • MOON BRIDE    CHAPTER 74

    (Zion)GUSTO kong magwala. Gusto kong manira ng kahit anong bagay na maabot ng mga kamay ko. Gusto kong lumabas sa kalaliman ng gabi, magpakalat-kalat sa pinakadelikadong kalsada sa kamaynilaan at maghanap ng gulo. Para lang may mapaglabasan ako ng kumukulong emosyon sa dibdib ko. ‘Tangina, sigurado ako may makabangga lang sa akin sasabog ako.

  • MOON BRIDE    CHAPTER 73

    (Ayesha)ALAM naming lahat na huli na ang lahat. Mariing nakapikit si Cain. Biglang humagulgol. Parang nilamutak ang puso ko. Si Chance at Angus napatakbo para lapitan ang kambal pero natulak sila palayo ng pwersa ng kapangyarihan ni Cain. Si Zion naging itim na itim ang mg

DMCA.com Protection Status