Home / Romance / MOON BRIDE / CHAPTER 6

Share

CHAPTER 6

Author: Maricar Dizon
last update Huling Na-update: 2020-09-06 02:55:42

(Cain)

“What?” manghang bulalas ko. “Iaasa ninyo sa desisyon niya ang kinabukasan ng pamilya natin?”

“Ganoon din naman. Siya naman talaga ang pag-asa ng pamilya natin, Cain,” seryosong sabi ng aking ama.

“Gregorio,” nagbabantang sabi ni lolo Bartolome. Na para bang ayaw niyang marinig ko ang sasabihin ng aking ama.

“He deserves to know, tito Bartolome,” sabi ng papa ko at sinalubong ng tingin ang aking mga mata.

“Makinig kang mabuti, Cain. Kung handa at desidido ka talagang maging clan leader. Our family is old. Very very old. At hindi tulad ng normal na lahi hindi tayo dumadami ng husto. Noong unang panahon mas malakas tayo, mas makapangyarihan. Ginagamit natin ang biyayang ipinagkaloob sa atin, ang abilidad na regalo sa atin ng mga Diyos, para sa tunay niyong silbi. Ang protektahan ang bansa sa masasamang puwersa at mapanatili ang katahimikan. To ensure the safety ang purity of our land. To protect nature. Para siguruhin na hindi nakakalimutan ng mga tao kung sino ang may lalang sa kanila, kung sino ang mga gumabay sa mga ninuno nila kaya sila nabubuhay ngayon sa mundo. We were given the gifts. In return, we were assigned to be the guardians of this country. Of this land.

“Pero hindi na ngayon. The world is changing. Sure we are extremely wealthy. We are powerful in terms of influence and social status. Pero ang kapangyarihan natin, the power that was given to us by the Gods, unti-unting humihina. Nagsimula noong sakupin ang Pilipinas ng mga dayuhan na may dalang mga sandata. Kahit na ginamit ng mga ninuno natin ang mga kapangyarihan nila hindi pa rin sila nanalo. Hindi nila nailigtas ang ating bayan. They were overpowered by guns and outnumbered by the enemies. Kaya upang pangalagaan ang ating angkan, our great grandfathers sided with the enemy. Kaya naging mas makapangyarihan ang pamilya natin. Mas yumaman at naging maimpluwensiya. Pero kapalit niyon naging traydor tayo sa ating sinumpaang responsibilidad sa ating tinubuang lupa.

“Kaya siguro pinarurusahan tayo ngayon ng mga Diyos. Generation by generation, the unique and supernatural powers born within every boy in our family is getting weaker. Habang napapalayo ang mga tao sa bansang ito sa ugat ng kanilang pinanggalingan, habang natututok na sila sa siyensiya at teknolohiya, nawawala na ang tunay na silbi ng pamilya natin. Lalo na at ni wala na yatang nakakakilala sa mga Diyos. Si Bathala na lang ang kilala nilang lahat. Who they now call God,” mahabang litanya ni papa.

Humugot ng malalim na paghinga si lolo Ingracio at parang pagod na sumandal sa kinauupuan at nagsalita na rin, “Sa tingin namin unti-unti nang binabawi ng mga Diyos ang kapangyarihang ibinigay nila sa atin. Dahil wala na iyong masyadong silbi ngayon. Sa hinaharap, kapag hindi natin napigilan, tuluyan nang maglalaho iyon. At kapang nangyari iyon, maglalaho rin ang lahi natin. After all, without our powers, our existence no longer has a purpose.”

Kumuyom ang mga kamao ko. Naiintindihan ko ang mga sinasabi nila. Pero ang huling sinabi ni lolo Ingracio hindi ko masyadong matanggap. “We do have a purpose. Kahit na dumating ang panahon na mawala ang abilidad natin na wala ang mga normal na tao mananatili pa rin ang pamilya natin. You are the shadows behind the most influencial people in this country. Lolo Bartolome, hindi ba kayo ang chief advisor ng mga nagiging Presidente ng bansang ito noon pa man? Lolo Ingracio, hindi ba kayo ang nagkokontrol sa Ekonomiya ng bansa? Kung hindi dahil sa iyo hindi mahuhulaan ng mga namumuhunan kung ano ang tumataas at bumababang value sa stock exchange. At ikaw, papa, hindi ba isa ka sa matunog na pangalan sa mga senador ngayon? We are still doing what we can for this country. We are trying to protect this land from its destruction. Kahit na maging normal na tao tayo katulad ng iba magagawa pa rin natin iyon.”

Bumakas ang malungkot na ngiti sa mukha ng tatlo. “Nagagawa namin ang lahat ng iyan dahil sa espesyal naming abilidad, Cain. Without my powers, how can I convince the president of this country to do what I want?” tanong ni lolo Bartolome. May power of tongue si lolo. Kaya niyang mapaniwala ang kahit na sino sa mga sinasabi niya. Kahit mga imposibleng bagay pa iyon. Kung sasabihin niyang flat ang earth gamit ang kapangyarihan niya mapapaniwala niya ang nakarinig. Lolo Bartolome can easily alter history with just a word if he chose to. Siya ang dating clan leader bago si Papa.

“At kung wala ang kapangyarihan ko, sa tingin mo paano ko malalaman kung ano ang magiging takbo ng stocks sa bansang ito?” tanong naman ni lolo Ingracio. Kabaligtaran kasi ng kapangyarihan ko may kakayahan si lolo Ingracio na malaman ang hinaharap. Although short sighted siya pagdating doon. Hanggang isang araw lang na advance ang kaya niyang makita. Still, his power is very advantageous for many things.

“At kung wala ang kapangyarihan ko na katulad ng sa lolo Bartolome mo, hindi ko makukuha ang mga boto at tiwala na kailangan ko. You should know that our abilities are part of what we are Cain. It has been part of our charm. Iyon ang isa sa dahilan kung bakit attracted sa atin ang mga normal na tao. Hindi ba ganoon ka rin? Losing our power will be the end of our clan,” seryoso namang sabi ng kaniyang ama.

Hindi na bago sa pamilya namin ang may magkakaparehong espesyal na abilidad. Throughout generations may mga kapangyarihang madalas na lumalabas sa mga bagong silang na batang lalaki. Mayroon din namang mga kapangyarihan na akala ng pamilya hindi susulpot until the day that a boy was born with that unique ability. Power of the tongue is a common ability. Ang kapangyarihang makita ang mabilis na hinaharap limang beses lang daw sumulpot sa kasaysayan ng pamilya Alpuerto.

Sa kapangyarihang taglay ko naman ako pa lang ang pangalawa. I have the power to see a person’s past with just a touch. Hindi iyon gumagana kung sarili ko ang hahawakan ko. At sa pamilya ko naman wala iyong epekto dahil may pangontra sila.

Narealize ko na baka sa susunod na henerasyon wala na ang mga abilidad na iyon. Kung magkakaroon man ng susunod na henerasyon ang pamilya namin.

Ilang sandali na hindi ako nakapagsalita at napatitig lang sa tatlo. Pagkatapos marahas na lang akong napabuntong hininga. “And so? Ang moon bride ang pag-asa natin.”

Tumango ang tatlong lalaki. Pagkatapos may sumilay nang ngiti sa mga labi ni papa. “Pero kailangan mo muna siyang mapaibig, Cain.” Ngumiti din ang dalawang matandang lalaki.

Base sa pag-iiba ng ekspresyon sa mukha ng tatlo tapos na ang meeting na iyon. Umayos na ako ng tayo at bumuntong hininga. “Well, it can’t be helped.” Gagawin ko ang dapat gawin para maging clan leader at ma-meet ang expectations ng aking ama.

“Do you even know how to seduce a woman?” amused na tanong ni papa.

Natigilan ako. Sa totoo lang hindi ako marunong manuyo ng babae. Mula pa noong teenager ako kusa na silang lumalapit sa akin. I dated a few but I was never serious with any of them. Bukod sa hindi rin naman ako puwedeng mapalapit ng husto sa ibang tao para protektahan ang lihim ng aming pamilya, alam ko rin naman na may nakatakda na akong mapangasawa. Hindi na mahalaga kung gusto ko ang babaeng iyon o hindi.

“I’ll get by,” iyon na lang ang sinabi ko at tinanguan na ang tatlo. “Kung wala nang ibang pag-uusapan mauuna na ako.”

“Sige. Alam na ni Arnold ang address at iba pang impormasyon tungkol sa moon bride. Puntahan mo siya sa lalong madaling panahon,” sabi na lang ni lolo Bartolome.

“Fine. Goodbye,” paalam ko sa Elders. Tumalikod na ako, pinidot ang button sa gilid ng pader kung saan ako nanggaling at bumukas uli iyon. Lumabas ako at kusa iyong sumara. Nang lumingon ako sa likuran ko nagmukha na namang normal na shelf ang daan patungo sa hidden room.

Sandali akong nanatiling nakatayo roon at iginala ang tingin sa paligid. Sa kabilang dulo ng Black Library, kahit hindi kita ngayon, alam kong may isa pang hidden room. Doon nakatago ang mga kasulatan na mas luma pa sa pinakalumang libro sa library na iyon. Mga kasulatan na tungkol sa kasaysayan ng aming pamilya.

                Espesyal ang lahi namin. Sa pamilya Alpuerto, ang mga ipinapanganak na lalaki may espesyal na abilidad. Isang kapangyarihan na wala ang normal na mga tao. Ayon sa mga kasulatan na hindi pa namin nababasa at sinabi lang sa amin ng aming mga ama, our bloodline possesses supernatural powers bestowed by the Gods to our ancestor thousands of years ago.  Regalo daw iyon sa pamilya namin.

Ayon sa kuwento tinulungan daw ng isang lalaki sa pamilya namin ang isang Diyosa at bilang pasasalamat biniyayaan siya at ang buo niyang angkan ng espesyal na kapangyarihan. Kung anong tulong iyon hindi ko alam at mukhang hindi na rin alam ng mga Elder. Baka nga hindi naman talaga ganoon ang tunay na nangyari. The truth must be in one of those parchments inside the hidden room. Siguro hindi na nila inabala pang hagilapin dahil iba rin naman ang lengguwaheng ginamit sa pagsulat niyon. Ang pamilya Malyari, kung saan nagmumula ang mga moon bride, sila ang marunog bumasa ng sinaunang lengguwahe. Pero dahil walang moon bride ang napabilang sa pamilya namin sa nakaraang dalawang henerasyon walang nakapagbasa ng mga kasulatan.

Bilang pasasalamat sa regalong kapangyarihan, nangako ang ninuno namin na gagamitin sa mabuti ang kapangyarihang ipinagkaloob sa amin. Na po-protektahan namin ang lupain at sisiguruhing hindi makakalimutan ng mga mortal ang mga diyos na nag-alaga at tahimik na nagbabantay at pumoprotekta sa kanila.

Pero libo-libong taon na ang nakararaan mula noon. At sa totoo lang hindi ko alam kung may nakakarinig at nakakaramdam pa ba sa mga diyos na binabanggit sa mga kuwento. Ni hindi ko rin alam kung binabantayan pa rin kami ng mga diyos o baka matagal na nilang inabandona ang bansang nakalimot na sa kanila. Labis na kayamanan at kapangyarihan na mas matatawag na espesyal na abilidad ang naiwan na lang sa aming mga bagong henerasyon. Ni hindi na namin magagamit para tumalo ng kampon ng kasamaan kung sakali. But still, our bloodline is very important to me. Our history is my roots. Kaya gagawin ko ang lahat para mapanatiling buhay ang lahi namin. Kahit pa kailangan kong manuyo ng babaeng hindi ko kilala.

Kaugnay na kabanata

  • MOON BRIDE    CHAPTER 7

    (Ayesha)“YOU heard me. I am going to be your husband. Itinakda na iyon sa araw pa lang ng iyong kapanganakan. You cannot run away from your destiny, Ayesha.”

    Huling Na-update : 2020-09-06
  • MOON BRIDE    CHAPTER 8

    (Ayesha)Huminga ako ng malalim. Professor ko naman siya. Mapagkakatiwalaan ko naman siguro siya. “Okay,” nasabi ko na lang. Ngumiti si sir Angus at tinapik ang ulo ko. “Good.” Napasinghap ako nang lumapat ang palad niya sa likod ko at itinulak niya ako papasok sa apartment complex.

    Huling Na-update : 2020-09-06
  • MOON BRIDE    CHAPTER 9

    (Ayesha)Madilim ang paligid. Nasa kung saan ako na para bang maliit at dim na ilaw lang ang nagbibigay liwanag. Kahit saan ako lumingon sementong pader ang nakikita ko. Luma na ‘yon at may lumot pa nga. Para bang nawala na ang kulay ‘non dahil sa paglipas ng napakahabang panahon. Makitid ang daan. Isang pasilyo. Malamig. Hindi ‘yong lamig ng aircon o simoy ng hangin kung hindi lamig na para bang nasa ilalim ako ng lupa. Parang tunnel. O isang basement.

    Huling Na-update : 2020-09-06
  • MOON BRIDE    CHAPTER 10

    (Ayesha) NAKAKAILANG ang naging maghapon ko sa campus sa araw na ‘yon dahil kay Cain. Sa bawat klase ko mayroong mga nakasaksi sa nangyari kanina sa labas ng gate. Maraming ayaw akong tigilan sa kakatanong kung sino si Cain. Maging si Raye na hindi nasaksihan ang nangyari at narinig lang sa iba tanong ng tanong sa akin. Pero ano naman ang isasagot ko na hindi ako lalabas na gumagawa lang ng kuwento? Kahit kay Raye, paano ko sasabihin ang tungkol k

    Huling Na-update : 2020-09-09
  • MOON BRIDE    CHAPTER 11

    (Ayesha)Napasinghap ako nang maramdaman ko ang magaan na paglapat ng palad niya sa likod ko. Siguro para alalayan ako papasok sa restaurant. Nagpaubaya ako at inabala ang sarili sa pagmamasid sa loob ng Secret Garden. Puro pareha nga ang mga customer na nakapuwesto sa magkakalayong mga lamesa. May classical music

    Huling Na-update : 2020-09-17
  • MOON BRIDE    CHAPTER 12

    (Ayesha)KINABUKASAN ng hapon naabutan ko na naman si Cain sa fastfood chain kung saan ako nagtatrabaho. May nakabukas na laptop sa harap niya. Sa kabutihang palad hindi ko siya naabutan sa labas ng school gate kaninang pumasok ako. Binalaan ko kasi siyang huwag na ‘yong gagawin kagabi. Sinabi ko rin sa kaniya na ayokong makatawag ng unwanted attention.

    Huling Na-update : 2020-09-18
  • MOON BRIDE    CHAPTER 13

    (Ayesha)SANDALI lang kami nakapag-usap ni Cain nang gabing ‘yon. Hindi rin kasi ako komportable na magtagal. Kahit kasi pinipilit kong umaktong normal palagi ko pa ring naaalala ang anino sa dilim na nagmamatyag sa akin kanina. Mas gusto kong umuwi agad, sa piling ng nanay ko. Saka lang ako makakaramdam ng seguridad.

    Huling Na-update : 2020-09-20
  • MOON BRIDE    CHAPTER 14

    (Ayesha)Sandaling nagtama ang mga paningin namin ni mama. Parang may sasabihin siya sa akin. Nakita ko ‘yon sa kislap ng mga mata niya at sa pag-awang ng mga labi niya. Pero sa huling sandali kumurap siya at ngumiti. “May napupusuan ka na ba sa mga kaklase o kakilala mo, Ayes

    Huling Na-update : 2020-09-21

Pinakabagong kabanata

  • MOON BRIDE    CHAPTER 81 (END)

    (Ayesha) HININTAY MUNA namin na talagang pwede na lumabas ng ospital si Zion bago kami humarap sa buong angkan ng Alpuerto. Mayroon din akong kailangan sabihin sa kanila bago ituloy ang ritwal. Kailangan nila malaman ang katotohanan sa likod ng kapanganakan ko. Kailangan nila malaman kung ano ang talagang mangyayari kapag ginawa ang ritwal ng pag-iisa sa gabi ng kaarawan ko. Katulad ng inaasahan namin nagulat ang lahat ng malaman ang nararamdaman namin ni Zion para sa isa’t isa. Pero dahil suportado kami nina Cain, Chance at sir Angus sandali lang sila nag protesta at nag-alangan. Pumayag din sila na kahit si Cain ang magiging clan leader, si Zion ang makakapareha ko sa ritwal. 

  • MOON BRIDE    CHAPTER 80

    (AYESHA) HUMINGA ako ng malalim habang nakatitig sa pinto ng hospital room kung nasaan si Zion. Tahimik sa loob. Baka natutulog siya at ayokong makaistorbo kaya hindi na ako kumatok. Maingat kong binuksan ang pinto. Suminghap ako nang makitang hindi naman tulog si Zion. Katunayan wala siya sa kama. Nakatayo siya at nasa aktong nagsusuot ng itim na t-shirt. Nakasuot na rin siya ng maong na pantalon at sapatos. Nakita ko pa ang benda sa bandang tiyan niya. Mukhang kailangan na palitan ang gasa sa tagiliran niya dahil may nakikita akong bakas ng dugo doon. Nakita ko na nakalaylay sa kama ang dulo ng dextrose na dapat nasa likod ng kamay ni Zion. May bakas din iyon ng dugo. Halatang pinuwersang hatakin paalis sa balat.&nb

  • MOON BRIDE    CHAPTER 79

    (Ayesha) PAPASIKAT na ang araw nang tuluyang maapula ang sunog. Sa kabutihang palad hindi kumalat sa ibang mansiyon ang apoy. Sa kasamaang palad, sunog na bangkay na nang ilabas si Ambrosio. Ni hindi na siya ipinakita ng mga rescuer at dinala sa punerariya na nakabalot ng itim na tela ang natira sa kanyang katawan. Walang burol na nangyari. Deretso cremation at silang pamilya lang ang dumalo sa libing. Hindi pinayagan ang kahit na sino na lumapit sa mansiyon. Dahil daw sa sunog hindi na matibay ang natitirang nakatayong bahagi niyon. Kaunting galaw guguho iyon. Sa makatuwid, hindi na talaga pwedeng tirhan at kailangan na gibain para mapatayuan ng bago. Dahil namatay si Am

  • MOON BRIDE    CHAPTER 78

    (AYESHA)“Lumabas na tayo dito, Ambrosio. Lumabas tayong lahat na buhay. Huwag kang kumapit sa alaala ng patay na,” sabi naman ni senator Gregorio. Malumanay at nakikiusap ang boses.Nawala ang ngiti ni Ambrosio at nanlisik ang mga matang tumingin sa kapatid. “Patay na? Ganiyan mo na lang ituring si Rosario kahit na sinabi mong mahal mo siya noon? Ganiyan lang kababaw ang naging pagtingin mo sa kaniya? Tama lang pala na inagaw ko siya sa iyo!”“Minahal ko siya ng husto! Patuloy ko siyang mamahalin buong buhay ko. But more than the memory of her, I value the living more. Mahalaga sa akin ang pamilya natin. Mahalaga sa akin ang kasaysayan ng lahi natin na ngayon ay kinakain na ng apoy na ikaw ang may gawa! Sa kabila ng lahat ng nagawa mo noon at ngayon, kapatid pa rin kita at mas mahalaga ka rin sa akin kaysa kay Rosario. I want you to live. I want us to live. I want our bloodline to continue to exist in this world!” sigaw na ni

  • MOON BRIDE    CHAPTER 77

    (Ayesha)MALAKING bahagi na ng buwan ang nakalitaw sa kalangitan. Kahit kanina pa kami nagkaharap ni Zion, mabilis pa rin ang tibok ng puso ko hanggang ngayon. Lalo na kapag naaalala ko ang mga sinabi at ginawa ko. Hinalikan ko siya. Hindi ako makapaniwala na may lakas ako ng loob na gawin iyon. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Kahit anong sabihin ko, kahit gaano ko pa ipakita sa mukha ko ang nararamdaman ko, ayaw pa rin niyang maniwala. Ayaw niyang buksan ang isip niya. Ayaw niya akong papasukin sa harang na pinalibot niya sa sarili sa mahabang panahon bilang proteksiyon. Umakto ako base sa instinct ko. At kahit nahihiya ako, hindi ako nagsisis

  • MOON BRIDE    CHAPTER 76

    (ZION)MADALING araw na ako nakabalik sa hotel. Kakatapak ko pa lang sa palapag na bayad ng tatay ko naramdaman ko na agad na may hindi tama. Mabilis ang kilos ng mga puppet ng tatay ko papunta sa elevator at malamang palabas ng hotel. May determinasyon sa mga mukha nila.May inutos sa kanila si erpats. Sigurado ako.

  • MOON BRIDE    CHAPTER 75

    (ZION) “Zion.” Napalunok ako. “Bakit ba?”

  • MOON BRIDE    CHAPTER 74

    (Zion)GUSTO kong magwala. Gusto kong manira ng kahit anong bagay na maabot ng mga kamay ko. Gusto kong lumabas sa kalaliman ng gabi, magpakalat-kalat sa pinakadelikadong kalsada sa kamaynilaan at maghanap ng gulo. Para lang may mapaglabasan ako ng kumukulong emosyon sa dibdib ko. ‘Tangina, sigurado ako may makabangga lang sa akin sasabog ako.

  • MOON BRIDE    CHAPTER 73

    (Ayesha)ALAM naming lahat na huli na ang lahat. Mariing nakapikit si Cain. Biglang humagulgol. Parang nilamutak ang puso ko. Si Chance at Angus napatakbo para lapitan ang kambal pero natulak sila palayo ng pwersa ng kapangyarihan ni Cain. Si Zion naging itim na itim ang mg

DMCA.com Protection Status