Home / Romance / MOON BRIDE / CHAPTER 9

Share

CHAPTER 9

Author: Maricar Dizon
last update Huling Na-update: 2020-09-06 03:01:52

(Ayesha)

Madilim ang paligid. Nasa kung saan ako na para bang maliit at dim na ilaw lang ang nagbibigay liwanag. Kahit saan ako lumingon sementong pader ang nakikita ko. Luma na ‘yon at  may lumot pa nga. Para bang nawala na ang kulay ‘non dahil sa paglipas ng napakahabang panahon. Makitid ang daan. Isang pasilyo. Malamig. Hindi ‘yong lamig ng aircon o simoy ng hangin kung hindi lamig na para bang nasa ilalim ako ng lupa. Parang tunnel. O isang basement.

Hindi ko alam ang ginagawa ko ‘ron.

Naglalakad ako. Pero hindi ko alam kung bakit at kung saan ako patungo. Pakiramdam ko wala akong kontrol sa katawan ko, kumikilos mag-isa. Nakailang hakbang pa ako at nang kusang lumiko ang katawan ko may nakita akong nakatalikod na lalaki na nakatayo ilang dipa ang layo mula sa akin. Mas madilim sa bahaging ‘yon pero pamilyar sa akin ang bulto ng katawan niya. Nakita ko na siya noon, ‘yon ang dinidikta ng damdamin ko. Hindi ko alam kung bakit pero bumilis ang tibok ng puso ko at parang may humalukay sa sikmura ko habang nakatitig sa likod niya. Na para bang… na para bang may nararamdaman akong pangungulila para sa lalaking ‘yon.

Humakbang ang mga paa ko at umangat ang isa kong braso, gustong abutin ang lalaki na hindi pa rin tumitinag sa pagkakatayo. Naramdaman ko na ibinuka ko ang bibig ko para tawagin ang lalaki…

Napapitlag ako at napadilat. Kisame ng kuwarto ang nabungaran ko. Pagkatapos hindi ko alam kung bakit pero uminit ang mga mata ko. Hanggang napahikbi ako na nauwi sa pag-iyak. Ni hindi ko alam kung ano ang nakakaiyak sa panaginip ko. Ang alam ko lang parang may pumipiga sa puso ko. Naalala ko ang likuran ng lalaki sa panaginip ko, ang pagtawag ko sa pangalan niya na hindi ko na narinig dahil nagising ako, at parang may matinding pangungulila akong naramdaman. Lalo lang ako napaiyak.

Pero bakit? Bakit ako umiiyak? Bakit ganoon ang nararamdaman ko kapag naaalala ko ang lalaki sa panaginip ko? Ang kaparehong lalaki na ilang beses na akong dinadalaw sa pagtulog? Sino ba talaga ang lalaking ‘yon?

May kumatok sa pinto ng kuwarto ko. “Ayesha? Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni mama. Bago pa ako makasagot bumukas na ang pinto at pumasok siya. Binuksan niya ang ilaw bago ko pa mapunasan ang mga luha ko. Nakita na tuloy niya. “Bakit ka umiiyak anak?” Lumapit agad sa akin si mama, umupo sa gilid ng kama.

Umiling ako at bumangon. Pinahid ko ang mga luha ko at pilit kinalma ang sarili. “Wala po. Nanaginip lang ako. At ni hindi naman masama o nakakaiyak iyon. Pero nang magising ako… naiyak lang ako,” garalgal na paliwanag ko.

Hinaplos ni mama ang buhok ko at niyakap ako, katulad noong bata pa ako. Noon nga lang dalawa sila ni papa na umaalo sa akin. “Shh, panaginip lang iyon,” bulong ni mama sa akin.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Sa tingin ko hindi lang iyon basta panaginip. “Isang linggo ko na siyang napapanaginipan mama,” mahinang sabi ko.

Natigilan siya. “Sino?”

Medyo lumayo ako sa kaniya para magkaharap kami ng maayos. “Isang lalaki. Nakatalikod lang siya palagi. Pero kanina… sa panaginip ko nasa loob ako ng parang tunnel. O basta parang nasa ilalim ako ng lupa. Madilim. At naglalakad ako. Nakita ko siya sa dulo na nakatalikod. Hindi ko alam kung bakit pero parang may lumamutak sa sikmura ko nang makita ko siya. Na para bang sa panaginip ko kilala ko siya. Tatawagin ko pa lang ang pangalan niya pero nagising na ako. Pagkatapos bigla akong naiyak. Hindi ko alam kung bakit.”

Hindi nakaimik si mama. Napatitig lang sa akin. May dumaang emosyon sa mga mata niya. Rekognisyon. Pagkatapos napalitan ng matinding pag-aalala. Pero napansin ko na kinalma ni mama ang sarili at nawala ang mga emosyong ‘yon sa mga mata niya. “Panaginip lang iyon, anak. Don’t worry and stop crying na ha?” usal ni mama at pinahid ang luhang bumasa sa magkabilang pisngi ko.

“Pero alam mong may mga panaginip ako na nagkakatotoo. At nararamdaman ko po mama na pangitain ‘yon. Hindi lang basta panaginip. Para bang sinasabi na nakatakda kong makilala ang lalaking ‘yon,” giit ko.

Hindi nakaligtas sa pandama ko ang biglang panginginig ng mga kamay ni mama. Pero agad din niyang binawi ang mga kamay at tumayo na. “Umaga na. May pasok ka pa, hindi ba? Maligo at magbihis ka na at magluluto na ako ng almusal.” Bago pa ako makapagsalita hinalikan na niya ako sa noo at lumabas ng kuwarto ko

Noon ako may narealize. May itinatago talaga sa akin si mama. May bumabagabag sa loob niya at may kinalaman ‘yon sa akin Pero ayaw niyang sabihin. At gustong gusto kong malaman kung ano ang itinatago niya. Katulad ng gusto kong malaman ang alam ni sir Angus tungkol sa sitwasyong kinakaharap ko nang wala akong kamalay-malay.

Pero nang subukan kong buksan ang topic sa almusal umiwas na naman si mama. Hanggang oras na para pumasok siya sa trabaho at ako naman sa eskuwela.

ISANG oras bago ang una kong klase sa araw na ‘yon naglalakad na ako patungo sa gate ng college campus. Ilang metro pa lang ang layo ko napansin ko nang maraming estudyante ang nagkukumpulan sa labas ng gate. Para bang may tinitingnan sila at masyadong sabik na hindi ko maintindihan. Mga ayaw pumasok ng tuluyan sa campus. Bakit kaya?

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hanggang sa makita ko sa wakas ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante ‘don. Nanlaki ang mga mata ko at naging alerto ako nang makitang ang nakatayo sa tabi ng school gate ay walang iba kung hindi si Cain!

Tulad noong sa fastfood chain na biglang sumulpot ang lalaki mukhang out of place na naman siya sa labas ng school gate ng kolehiyo namin. Kahit pa sa pagkakataong ‘yon simpleng slacks at buttoned-down shirt ang suot niya. Hindi gaya kagabi na pormal at intimidating ang porma niya. Ngayon mas mukhang celebrity na naligaw sa abang probinsiya namin si Cain. May kasama pang alalay – ang lalaki rin na nakita kong kasama niya kagabi.

Napalingon sa akin si Cain at dumeretso ng tayo. Napakurap ako nang nagkaroon ng reaksiyon ang mukha niya – na para bang dumating na ang kanina pa niya hinihintay. At nang magsimulang maglakad palapit sa akin si Cain at ang lalaking kasama niya naramdaman kong napatingin na sa akin ang mga tao sa paligid. Nailang ako at muntik na mapaatras. Sa halip humigpit na lang ang kapit ko sa strap ng aking bag hanggang sa huminto siya sa mismong harap ko.

Ilang sandaling nagkatitigan lang kaming dalawa. Na para bang hinihintay magsalita ang isa. Pero nanatili akong tahimik. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko. Hindi ko magawang itanong na, Bakit ka nandito? Dahil malinaw na kapareho lang ng dahilan niya kagabi ang isasagot niya sa tanong na ‘yon. Kaya nabigla ako nang sa wakas magsalita si Cain.

“I apologize for what happened last night. Hindi ko intensiyon na takutin ka.” Halata na hindi sanay si Cain na humihingi ng paumanhin kasi mukhang ilang na ilang siya. Nakikita ko sa mga mata niya na sinsero siya sa paghingi ng tawad.

Pero kahit ‘ganon hindi ko pa rin magawang ibaba ang depensa ko sa presensya niya. Dahil kahit pa mabait si Cain hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang kailangan niya sa akin.

“Forgive me?” tanong pa niya.

Pasimple akong huminga ng malalim at sinalubong ng tingin ang mga mata ni Cain. “Kapag ba pinatawad kita sasabihin mo sa akin ang lahat ng gusto kong malaman?”

Natigilan siya at parang pinag-isipan ang sinabi ko. Maya-maya marahan siyang tumango. “Not everything. But I will tell you what you want to know as much as I can. Fair enough?”

Tumango ako. Umangat ang gilid ng mga labi ni Cain. Napansin ko na medyo umaliwalas ang mukha niya ngayong may nakasilay na ngiti kahit kaunti lang. “Then, let me introduce myself again. I’m Cain Alpuerto.” Inilahad niya ang kamay sa harap ko. Napapitlag ako at medyo dumistansiya nang maalala ko ang nakakapasong epekto ng hawak niya. Mukhang napansin ni Cain ang reaksiyon ko. “Huwag kang matakot. It will not hurt. I promise,” sabi niya sa mahinang tinig na siguradong ako lang ang nakarinig.

Napalunok ako at bumaba ang tingin sa nakalahad niyang palad. Alam ko na nakatingin pa rin ang mga tao sa paligid namin at ayokong ipahiya siya. Kaya kahit parang nararamdaman ko pa rin sa braso ko ang nakakapasong init ng hawak ni Cain kagabi lakas loob kong tinanggap ang pakikipagkamay niya.

Nakahinga ako ng maluwag nang hindi ako mapaso nang maglapat ang mga kamay namin. Nag-angat ako ng mukha at nagtama ang aming mga paningin. Then he shook our hands. “See?”

                Sa pagkakataong ‘yon medyo napangiti na ako. “Ako si Ayesha Querol. Pero alam mo na iyon, hindi ba?”

                “Well, yeah,” nakangiti ring sagot niya.

                Mukhang wala pa siyang balak pakawalan ang kamay ko kaya ako na ang kusang tumapos ng handshake namin. Tumikhim ako dahil napansin kong nakatutok pa rin sa amin ang atensiyon ng mga estudyante sa paligid. “Ahm, pasensiya ka na, Cain. Pero kailangan ko na pumasok sa campus. May klase pa ako. Hindi ako pwedeng makipag-usap sa ‘yo ng matagal.” At mas lalong hindi dito na napakaraming tao ang nakikinig. Marami akong gustong itanong sa kaniya.

                Dumeretso ng tayo si Cain. “It’s okay. Dumaan lang ako para makausap ka sandali. Pupuntahan kita ulit sa part-time job mo mamayang gabi. Ah, but your schedule states that today is your day off.”

                Napatanga ako sa kaniya. “P-paano mo nalaman ang schedule ko?”

                Natigilan si Cain. Lumapit sa kaniya ang lalaking palagi niyang kasama at bumulong pero narinig ko naman. “Master, you’re not supposed to tell her that.”

                “Ah, ganoon ba iyon?” nasabi lang ni Cain. Tumango ang assistant kaya napatikhim si Cain. Mukhang hindi alam ang sasabihin.

                Hindi ako makapaniwala. Talagang minatyagan nila ako! Gustong gusto kong malaman kung bakit. Pero hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon magtanong kasi napansin ko nang dumadami ang mga estudyanteng nakikiusyoso sa amin. Hindi doon ang tamang lugar. Humugot na lang ako ng malalim na paghinga. “May pasok ako doon mamaya. Nakipagpalit ng off ang katrabaho ko. Ganoong oras pa rin.”

                “Then, I’ll see you there,” sabi ni Cain.

                Tumango ako. Inayos ang pagkakasukbit ng body bag ko at tumikhim. Umiinit na talaga ang mukha ko sa titig ng mga tao sa paligid ko kaya mabilis na akong nagpaalam at halos patakbo nang pumasok sa gate ng Abba College.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Leandro Lerona Aralar
sarap bsahin kya lang...,
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • MOON BRIDE    CHAPTER 10

    (Ayesha) NAKAKAILANG ang naging maghapon ko sa campus sa araw na ‘yon dahil kay Cain. Sa bawat klase ko mayroong mga nakasaksi sa nangyari kanina sa labas ng gate. Maraming ayaw akong tigilan sa kakatanong kung sino si Cain. Maging si Raye na hindi nasaksihan ang nangyari at narinig lang sa iba tanong ng tanong sa akin. Pero ano naman ang isasagot ko na hindi ako lalabas na gumagawa lang ng kuwento? Kahit kay Raye, paano ko sasabihin ang tungkol k

    Huling Na-update : 2020-09-09
  • MOON BRIDE    CHAPTER 11

    (Ayesha)Napasinghap ako nang maramdaman ko ang magaan na paglapat ng palad niya sa likod ko. Siguro para alalayan ako papasok sa restaurant. Nagpaubaya ako at inabala ang sarili sa pagmamasid sa loob ng Secret Garden. Puro pareha nga ang mga customer na nakapuwesto sa magkakalayong mga lamesa. May classical music

    Huling Na-update : 2020-09-17
  • MOON BRIDE    CHAPTER 12

    (Ayesha)KINABUKASAN ng hapon naabutan ko na naman si Cain sa fastfood chain kung saan ako nagtatrabaho. May nakabukas na laptop sa harap niya. Sa kabutihang palad hindi ko siya naabutan sa labas ng school gate kaninang pumasok ako. Binalaan ko kasi siyang huwag na ‘yong gagawin kagabi. Sinabi ko rin sa kaniya na ayokong makatawag ng unwanted attention.

    Huling Na-update : 2020-09-18
  • MOON BRIDE    CHAPTER 13

    (Ayesha)SANDALI lang kami nakapag-usap ni Cain nang gabing ‘yon. Hindi rin kasi ako komportable na magtagal. Kahit kasi pinipilit kong umaktong normal palagi ko pa ring naaalala ang anino sa dilim na nagmamatyag sa akin kanina. Mas gusto kong umuwi agad, sa piling ng nanay ko. Saka lang ako makakaramdam ng seguridad.

    Huling Na-update : 2020-09-20
  • MOON BRIDE    CHAPTER 14

    (Ayesha)Sandaling nagtama ang mga paningin namin ni mama. Parang may sasabihin siya sa akin. Nakita ko ‘yon sa kislap ng mga mata niya at sa pag-awang ng mga labi niya. Pero sa huling sandali kumurap siya at ngumiti. “May napupusuan ka na ba sa mga kaklase o kakilala mo, Ayes

    Huling Na-update : 2020-09-21
  • MOON BRIDE    CHAPTER 15

    (Chance) I HATE HER. Ang Moon bride o kung ano man ang tawag sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung bakit pilit pa ring ginagawa ng Elders ang tradisyong ipareha ang isang Alpuerto sa tinatawag nilang Moon bride. Nakakatawang isipin na sa kabila ng labis na pri

    Huling Na-update : 2020-09-22
  • MOON BRIDE    CHAPTER 16

    (Chance)Nainis na ako. Pilit akong kumakawala sa hawak niya pero higit na malaki at malakas sa akin si tito Victor. My eighteen-year-old body is weak compared to him. Ang inis ko ay naging frustration at pagrerebelde. “Hindi ka naging clan leader dahil tinakasan ka ng

    Huling Na-update : 2020-09-23
  • MOON BRIDE    CHAPTER 17

    (Ayesha)MATAGAL na nagtama ang mga mata namin ni Chance Alpuerto. Sa huli ako ang unang nag-iwas ng tingin. May kung ano kasi sa mga mata niya na nakabahala sa akin. Bata pa si Chance katulad naming lahat na naroon sa classroom na ‘yon. Pero ang mga mata niya kakaiba. His eyes look… old. Na para bang sa edad niyang ‘yon ang dami na niyang nakita at napagdaanan. Mga bagay na hindi nakikita ng normal na teenager.

    Huling Na-update : 2020-09-24

Pinakabagong kabanata

  • MOON BRIDE    CHAPTER 81 (END)

    (Ayesha) HININTAY MUNA namin na talagang pwede na lumabas ng ospital si Zion bago kami humarap sa buong angkan ng Alpuerto. Mayroon din akong kailangan sabihin sa kanila bago ituloy ang ritwal. Kailangan nila malaman ang katotohanan sa likod ng kapanganakan ko. Kailangan nila malaman kung ano ang talagang mangyayari kapag ginawa ang ritwal ng pag-iisa sa gabi ng kaarawan ko. Katulad ng inaasahan namin nagulat ang lahat ng malaman ang nararamdaman namin ni Zion para sa isa’t isa. Pero dahil suportado kami nina Cain, Chance at sir Angus sandali lang sila nag protesta at nag-alangan. Pumayag din sila na kahit si Cain ang magiging clan leader, si Zion ang makakapareha ko sa ritwal. 

  • MOON BRIDE    CHAPTER 80

    (AYESHA) HUMINGA ako ng malalim habang nakatitig sa pinto ng hospital room kung nasaan si Zion. Tahimik sa loob. Baka natutulog siya at ayokong makaistorbo kaya hindi na ako kumatok. Maingat kong binuksan ang pinto. Suminghap ako nang makitang hindi naman tulog si Zion. Katunayan wala siya sa kama. Nakatayo siya at nasa aktong nagsusuot ng itim na t-shirt. Nakasuot na rin siya ng maong na pantalon at sapatos. Nakita ko pa ang benda sa bandang tiyan niya. Mukhang kailangan na palitan ang gasa sa tagiliran niya dahil may nakikita akong bakas ng dugo doon. Nakita ko na nakalaylay sa kama ang dulo ng dextrose na dapat nasa likod ng kamay ni Zion. May bakas din iyon ng dugo. Halatang pinuwersang hatakin paalis sa balat.&nb

  • MOON BRIDE    CHAPTER 79

    (Ayesha) PAPASIKAT na ang araw nang tuluyang maapula ang sunog. Sa kabutihang palad hindi kumalat sa ibang mansiyon ang apoy. Sa kasamaang palad, sunog na bangkay na nang ilabas si Ambrosio. Ni hindi na siya ipinakita ng mga rescuer at dinala sa punerariya na nakabalot ng itim na tela ang natira sa kanyang katawan. Walang burol na nangyari. Deretso cremation at silang pamilya lang ang dumalo sa libing. Hindi pinayagan ang kahit na sino na lumapit sa mansiyon. Dahil daw sa sunog hindi na matibay ang natitirang nakatayong bahagi niyon. Kaunting galaw guguho iyon. Sa makatuwid, hindi na talaga pwedeng tirhan at kailangan na gibain para mapatayuan ng bago. Dahil namatay si Am

  • MOON BRIDE    CHAPTER 78

    (AYESHA)“Lumabas na tayo dito, Ambrosio. Lumabas tayong lahat na buhay. Huwag kang kumapit sa alaala ng patay na,” sabi naman ni senator Gregorio. Malumanay at nakikiusap ang boses.Nawala ang ngiti ni Ambrosio at nanlisik ang mga matang tumingin sa kapatid. “Patay na? Ganiyan mo na lang ituring si Rosario kahit na sinabi mong mahal mo siya noon? Ganiyan lang kababaw ang naging pagtingin mo sa kaniya? Tama lang pala na inagaw ko siya sa iyo!”“Minahal ko siya ng husto! Patuloy ko siyang mamahalin buong buhay ko. But more than the memory of her, I value the living more. Mahalaga sa akin ang pamilya natin. Mahalaga sa akin ang kasaysayan ng lahi natin na ngayon ay kinakain na ng apoy na ikaw ang may gawa! Sa kabila ng lahat ng nagawa mo noon at ngayon, kapatid pa rin kita at mas mahalaga ka rin sa akin kaysa kay Rosario. I want you to live. I want us to live. I want our bloodline to continue to exist in this world!” sigaw na ni

  • MOON BRIDE    CHAPTER 77

    (Ayesha)MALAKING bahagi na ng buwan ang nakalitaw sa kalangitan. Kahit kanina pa kami nagkaharap ni Zion, mabilis pa rin ang tibok ng puso ko hanggang ngayon. Lalo na kapag naaalala ko ang mga sinabi at ginawa ko. Hinalikan ko siya. Hindi ako makapaniwala na may lakas ako ng loob na gawin iyon. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Kahit anong sabihin ko, kahit gaano ko pa ipakita sa mukha ko ang nararamdaman ko, ayaw pa rin niyang maniwala. Ayaw niyang buksan ang isip niya. Ayaw niya akong papasukin sa harang na pinalibot niya sa sarili sa mahabang panahon bilang proteksiyon. Umakto ako base sa instinct ko. At kahit nahihiya ako, hindi ako nagsisis

  • MOON BRIDE    CHAPTER 76

    (ZION)MADALING araw na ako nakabalik sa hotel. Kakatapak ko pa lang sa palapag na bayad ng tatay ko naramdaman ko na agad na may hindi tama. Mabilis ang kilos ng mga puppet ng tatay ko papunta sa elevator at malamang palabas ng hotel. May determinasyon sa mga mukha nila.May inutos sa kanila si erpats. Sigurado ako.

  • MOON BRIDE    CHAPTER 75

    (ZION) “Zion.” Napalunok ako. “Bakit ba?”

  • MOON BRIDE    CHAPTER 74

    (Zion)GUSTO kong magwala. Gusto kong manira ng kahit anong bagay na maabot ng mga kamay ko. Gusto kong lumabas sa kalaliman ng gabi, magpakalat-kalat sa pinakadelikadong kalsada sa kamaynilaan at maghanap ng gulo. Para lang may mapaglabasan ako ng kumukulong emosyon sa dibdib ko. ‘Tangina, sigurado ako may makabangga lang sa akin sasabog ako.

  • MOON BRIDE    CHAPTER 73

    (Ayesha)ALAM naming lahat na huli na ang lahat. Mariing nakapikit si Cain. Biglang humagulgol. Parang nilamutak ang puso ko. Si Chance at Angus napatakbo para lapitan ang kambal pero natulak sila palayo ng pwersa ng kapangyarihan ni Cain. Si Zion naging itim na itim ang mg

DMCA.com Protection Status