(Ayesha)
CREW SA isang fastfood chain sa sentro ng Tala ang part-time job ko. Malapit lang iyon sa campus kaya convenient para sa akin ang mag trabaho doon. Iba-iba ang oras ng shift pero palagi eksaktong limang oras dapat kada araw. Iba pa iyon sa trabaho ko kapag summer vacation at Christmas vacation. Kapag kasi mahaba ang bakasyon nagtatrabaho naman ako sa nag-iisa at pinakamagandang tourist attraction sa Tala– ang Hidden Paradise resort na matatagpuan sa kabilang bundok at nakaharap sa dagat. Halos tatlumpung minuto ang layo mula sa kabihasnan. Kilala namin ni mama ang head ng kitchen crew doon at nakakasingit ako ng trabaho sa kusina kapag bakasyon, lalo na kapag peak season at kailangan nila ng dagdag na tauhan.
Sa araw na iyon alas singko ng hapon ang simula ng shift ko sa fastfood chain. Hanggang alas diyes ng gabi. Alas kuwatro natapos ang huli kong klase kaya ginugol ko ang isang oras na kasama si Raye. Nakahinga ako ng maluwag dahil habang naglalakad kami ni Raye palabas ng campus wala na akong nararamdaman na nagmamasid sa akin. Kung sino man iyon mukhang nagsawa na.
Pagsapit ng alas singko nagpaalam na sa akin si Raye. Ako naman naging abala na sa trabaho. Masigla ako kasi day off ko bukas. At kapag day off ko ay sa munisipyo ako dumederetso pagkatapos ng klase para sunduin si mama. Kumakain kami sa labas at nag-ba-bonding. Pareho kaming abala ni mama kaya tuwing day off ko lang kami nagkakaroon ng oras para sa isa’t isa. Kapag kasi may trabaho ako at gabi na umuuwi, himbis na mag-usap natutulog na lang kami agad. Kaya excited ako para bukas.
“Ayesha,” tawag sa akin ni Lina, isa ring part-timer sa fastfood chain na iyon. Katulad ko college student din siya.
Huminto ako sa pag-ma-mop ng sahig. “Ano iyon?”
Kinagat muna ni Lina ang ibabang labi bago nakikiusap na tiningnan ako. “Puwede bang makipagpalit ng shift sa iyo bukas? Ako muna ang mag-o-off. May group project kasi kami na kailangan tapusin bukas. Tatanggalin ako ng groupmates ko sa grupo kapag hindi ako nakapunta. Please?”
Hindi ako nakakibo agad. Pinakahihintay ko ang off ko bukas. Pero mukhang importante talaga kay Lina ang gagawin niya bukas. Estudyante din ako at naiintindihan ko ang pressure ng isang group project. Bumuntong hininga ako at ngumiti. “Sige na nga. Ako na lang ang papasok bukas.” Madidismaya si mama pero maiintindihan naman niya kapag sinabi ko na may pasok uli ako bukas. Babawi na lang ako sa kaniya sa susunod.
Lumiwanag ang mukha ni Lina, halatang natuwa. “Maraming maraming salamat Ayesha! Ang bait mo talaga. Salamat.”
Ngumiti na lang ako. “Pareho tayong estudyante kaya naiintindihan naman kita,” sabi ko na lang.
Mukhang magsasalita pa sana siya pero nakuha na ang atensiyon namin nang biglang pagbukas ng glass door ng fastfood chain. Pumasok ang isang guwapong lalaki na pormal ang kasuotan. Moreno ang lalaki at maganda ang tindig. Maiksi ang gupit ng buhok na parang hindi nahanginan sa labas sa sobrang ayos. Makapal ang mga kilay, matangos ang ilong at manipis ang mga labi. Mukhang seryoso at maawtoridad. Matangkad din ang lalaki at malakas ang dating. Patunay ‘non ang katotohanang lahat yata kami - crew at mga customer – napahinto at napatingin sa kaniya. Para bang may kung anong magnetismo ang lalaki na kahit hindi nagsasalita mapapatingin ka talaga.
Bigla ko tuloy naalala si sir Angus kahit na malayo naman ang hitsura ng bagong dating sa professor ko na ‘yon. Pero ewan ko ba, may naramdaman akong pagkakapareho. Sa aura ba? Sa katotohanang parang out of place sa maliit naming bayan ang mga hitsura nila? O sa air of mystery na hindi ko talaga maiwasang hindi maramdaman na nanggagaling sa kanila?
“Wow, ngayon ko lang siya nakita. Naliligaw ba siya dito sa fastfood chain natin?” bulong ni Lina sa tabi ko.
Napatango na lang ako. Noon biglang may pumasok na isa pang lalaki sa kainan at lumapit sa guwapong lalaki. May ibinulong na kung ano. Pagkatapos biglang lumingon sa direksiyon namin ni Lina ang dalawang lalaki. Napaderetso ako ng tayo at sa kung anong dahilan sumikdo ang puso ko. Lalo na nang masalubong ko ang tingin ng lalaking unang pumasok sa fastfood chain. Nagulat ako na kahit mukhang nakakatakot ang lalaki hindi ganoon ang nakita kong kislap sa mga mata niya. Curiousity. Iyon ang nabasa ko sa tingin niya. Na-curious na rin tuloy ako kung bakit ganoon siya makatingin sa akin.
“Nakatingin siya sa akin, ano? Bakit kaya?” kinikilig na bulong ni Lina sa akin.
Napakurap ako at bumaling sa katrabaho ko. Nakatingin pa rin si Lina sa direksiyon ng mga lalaki. Ah, baka akala ko lang nagtama ang mga mata namin kahit hindi naman. Baka si Lina talaga ang tinitingnan nila. Ipinagkibit balikat ko na lang ang sitwasyon kahit medyo uminit ang mukha ko. Napahiya kasi ako sa sarili ko na naisip ko na sa akin sila nakatingin. “Bumalik na tayo sa trabaho bago pa tayo makita ng manager natin,” mahinang sabi ko na lang.
“Ay, oo nga pala.” Iyon lang at lumayo na sa akin si Lina. Ako naman pinagpatuloy ang pag-ma-mop ng sahig. Sa gilid ng mga mata ko nakita kong pumuwesto sa pandalawahang lamesa na malayo sa ibang customer ang mga bagong dating. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nasa fastfood chain na ‘yon ang dalawa. Out of place kasi talaga sila. Ang mas nakakabilib parang walang anuman sa kanila kahit nakatingin ang ibang customer. Na para bang sanay sila na tinitingnan. O mas tamang sabihin na wala silang pakielam sa mga taong nakapaligid sa kanila.
“Ayesha, sa counter ka na pagkatapos mo diyan ha,” tawag sa akin ng manager.
Dumeretso ako ng tayo at bumaling sa manager ko. “Opo ma’am.”
Ilang minuto pa ang lumipas bago ko natapos ang pag-ma-mop, pagtatabi ng ginamit ko at paghuhugas ng mga kamay. Saka lang ako pumuwesto sa counter para tumayo namang cashier at kumuha sa order ng mga customer namin.
Laking gulat ko nang lumapit sa counter ko ang lalaking malakas ang dating. Napasulyap ako sa lamesang inookupa nila at noon ko lang napansin na hindi pa sila umoorder kahit kanina pa sila dumating. Ang kasama niya abala sa pakikipag-usap sa cellphone at wala sa amin ang atensiyon. Ibinalik ko ang tingin sa lalaking nasa harapan ko. Uminit ang mukha ko nang makitang titig na titig siya sa akin. Para bang may pilit siyang inaaninag sa mukha ko na hindi ko maintindihan.
Tumikhim ako. “Anong order niyo, sir?” basag ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.
“What would you recommend?” tanong ng lalaki na hindi man lang inabalang sulyapan ang menu na makikita sa likuran ko. Nakatingin pa rin kasi siya sa mukha ko. Baritono ang boses niya at malumanay. Nakakakalma. Halatang may pinag-aralan at may kaya sa buhay.
Medyo nakahinga na ako ng maluwag. Kasi mukhang sa malayo lang siya intimidating pero ngayong malapit kami sa isa’t isa napansin kong mabait talaga ang kislap ng mga mata niya. Tipid akong ngumiti. “Ahm, heavy meal ba ang gusto mo o light meal lang?” Inisa-isa ko sa kaniya ang ino-offer naming pagkain. Habang nagsasalita ako nakikita ko naman na nakikinig talaga sa akin ang lalaki.
Nang matapos akong magsalita tumango pa siya. “Then I’ll have two orders of burger and fries? Iyon ang matagal maubos hindi ba?”
“Yes, sir.”
“Iyon na lang. Matagal pa kaming mananatili dito…” Sumulyap siya sa nametag ko bago muling inangat ang tingin sa mukha ko at tipid na ngumiti. “Ayesha.”
May nangyari sa akin na noon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. Parang may lumipad na mga paru-paro sa sikmura ko. Ilang segundo pa tuloy bago ako nakapagsalita. “Okay sir.”I-pi-nunch ko ang order niya.
Nang matapos kong makuha ang bayad at maibigay ang order ng lalaki pasimple akong napabuntong hininga. Lalo na nang makalayo na siya at bumalik na sa lamesang okupado ng kasama niya. Wala sa loob na napahawak ako sa sikmura ko, pinapakiramdaman kung naroon pa rin ang parang mga paru-parong nagliliparan doon na katulad kanina. Unti-unti na iyong nakakalma. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko sigurado kung makakaya kong magtrabaho ng maayos na ganoon ang pakiramdam sa sikmura ko.
“Huy, Ayesha. Next customer,” siko sa akin ng crew na katabi ko.
Napaigtad ako at muling bumaling sa pila sa harapan ko. Sandali pa itinuon ko na ang atensiyon ko sa trabaho.
NAG-INAT ako nang sa wakas bumalik na ako sa staff room namin para makapagpalit ng damit. Alas diyes na kasi ng gabi at tapos na ang shift ko. Bago magbihis nag-send muna ako ng mabilis na text message kay mama para alam niya na pauwi na ako.
Sandali lang akong nag-ayos at lumabas na rin ng staff room. Nagpaalam ako sa mga kasamahan ko na hindi pa tapos ang shift.Bago ako lumabas ng fastfood chain wala sa loob na sumulyap ako sa lamesa kung nasaan kanina ang dalawang lalaki naming customer. Wala na sila. Kumunot ang noo ko. Kanina lang kasi bago ako pumasok sa staff room nakaupo pa rin sila doon. Nagulat pa nga kami na ilang oras silang tumambay doon na parang may hinihintay.
Hay naku. Bakit ba masyado ko silang iniisip? Dala din ba iyon ng curiousity na katulad ng nararamdaman ko para kay sir Angus? Umiling ako at lumabas na lang ng fastfood chain. Kailangan ko na makasakay ng jeep pauwi.
Nakailang hakbang pa lang ako palayo sa kainan at kaliliko ko pa lang sa gilid ‘non dahil doon ang daan papunta sa sakayan ng jeep napahinto na ako sa biglang humarang sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang humarang sa akin – ang lalaking kasama ng guwapong customer. Kahit hindi masyadong maliwanag sa kinatatayuan namin madali ko siyang nakilala.
Napaatras ako. “Excuse me?” sabi ko sa kaniya dahil hindi naman siya nagsasalita. Nakatayo lang doon.
May narinig ako na pagbukas sara ng pinto ng kotse. Lumingon ako. Saka ko napansin ang itim na mamahaling sasakyan na naka-park malapit sa akin. Bumaba mula roon ang guwapong lalaki na tumawag sa pangalan ko kanina.
“Ayesha Querol,” sabi ng lalaki.
Naglakad siya palapit sa akin. Gumilid ang kanina humarang sa akin. Habang ang guwapong lalaki naman huminto sa mismong harap ko. Ngumiti siya. “Ako si Cain Alpuerto,” pakilala niya.
Natigilan ako at nagtatakang napatingin sa kaniya. “Bakit alam mo ang buong pangalan ko?” tanong ko himbis na abutin ang pakikipagkamay niya.
Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ng nagpakilalang Cain. Sinalubong niya ng tingin ang mga mata ko.
“Kilala kita. After all, I am going to be your husband.”
Napanganga ako at nanlaki ang mga mata ko. “Ano?!”
(Cain)Isang araw ang nakakaraan… “Master Cain, pinapatawag kayo ng Elders. Importante
(Cain)“What?” manghang bulalas ko. “Iaasa ninyo sa desisyon niya ang kinabukasan ng pamilya natin?”“Ganoon din naman. Siya naman talaga ang pag-asa ng pamilya natin, Cain,” seryosong sabi ng aking ama.
(Ayesha)“YOU heard me. I am going to be your husband. Itinakda na iyon sa araw pa lang ng iyong kapanganakan. You cannot run away from your destiny, Ayesha.”
(Ayesha)Huminga ako ng malalim. Professor ko naman siya. Mapagkakatiwalaan ko naman siguro siya. “Okay,” nasabi ko na lang. Ngumiti si sir Angus at tinapik ang ulo ko. “Good.” Napasinghap ako nang lumapat ang palad niya sa likod ko at itinulak niya ako papasok sa apartment complex.
(Ayesha)Madilim ang paligid. Nasa kung saan ako na para bang maliit at dim na ilaw lang ang nagbibigay liwanag. Kahit saan ako lumingon sementong pader ang nakikita ko. Luma na ‘yon at may lumot pa nga. Para bang nawala na ang kulay ‘non dahil sa paglipas ng napakahabang panahon. Makitid ang daan. Isang pasilyo. Malamig. Hindi ‘yong lamig ng aircon o simoy ng hangin kung hindi lamig na para bang nasa ilalim ako ng lupa. Parang tunnel. O isang basement.
(Ayesha) NAKAKAILANG ang naging maghapon ko sa campus sa araw na ‘yon dahil kay Cain. Sa bawat klase ko mayroong mga nakasaksi sa nangyari kanina sa labas ng gate. Maraming ayaw akong tigilan sa kakatanong kung sino si Cain. Maging si Raye na hindi nasaksihan ang nangyari at narinig lang sa iba tanong ng tanong sa akin. Pero ano naman ang isasagot ko na hindi ako lalabas na gumagawa lang ng kuwento? Kahit kay Raye, paano ko sasabihin ang tungkol k
(Ayesha)Napasinghap ako nang maramdaman ko ang magaan na paglapat ng palad niya sa likod ko. Siguro para alalayan ako papasok sa restaurant. Nagpaubaya ako at inabala ang sarili sa pagmamasid sa loob ng Secret Garden. Puro pareha nga ang mga customer na nakapuwesto sa magkakalayong mga lamesa. May classical music
(Ayesha)KINABUKASAN ng hapon naabutan ko na naman si Cain sa fastfood chain kung saan ako nagtatrabaho. May nakabukas na laptop sa harap niya. Sa kabutihang palad hindi ko siya naabutan sa labas ng school gate kaninang pumasok ako. Binalaan ko kasi siyang huwag na ‘yong gagawin kagabi. Sinabi ko rin sa kaniya na ayokong makatawag ng unwanted attention.
(Ayesha) HININTAY MUNA namin na talagang pwede na lumabas ng ospital si Zion bago kami humarap sa buong angkan ng Alpuerto. Mayroon din akong kailangan sabihin sa kanila bago ituloy ang ritwal. Kailangan nila malaman ang katotohanan sa likod ng kapanganakan ko. Kailangan nila malaman kung ano ang talagang mangyayari kapag ginawa ang ritwal ng pag-iisa sa gabi ng kaarawan ko. Katulad ng inaasahan namin nagulat ang lahat ng malaman ang nararamdaman namin ni Zion para sa isa’t isa. Pero dahil suportado kami nina Cain, Chance at sir Angus sandali lang sila nag protesta at nag-alangan. Pumayag din sila na kahit si Cain ang magiging clan leader, si Zion ang makakapareha ko sa ritwal. 
(AYESHA) HUMINGA ako ng malalim habang nakatitig sa pinto ng hospital room kung nasaan si Zion. Tahimik sa loob. Baka natutulog siya at ayokong makaistorbo kaya hindi na ako kumatok. Maingat kong binuksan ang pinto. Suminghap ako nang makitang hindi naman tulog si Zion. Katunayan wala siya sa kama. Nakatayo siya at nasa aktong nagsusuot ng itim na t-shirt. Nakasuot na rin siya ng maong na pantalon at sapatos. Nakita ko pa ang benda sa bandang tiyan niya. Mukhang kailangan na palitan ang gasa sa tagiliran niya dahil may nakikita akong bakas ng dugo doon. Nakita ko na nakalaylay sa kama ang dulo ng dextrose na dapat nasa likod ng kamay ni Zion. May bakas din iyon ng dugo. Halatang pinuwersang hatakin paalis sa balat.&nb
(Ayesha) PAPASIKAT na ang araw nang tuluyang maapula ang sunog. Sa kabutihang palad hindi kumalat sa ibang mansiyon ang apoy. Sa kasamaang palad, sunog na bangkay na nang ilabas si Ambrosio. Ni hindi na siya ipinakita ng mga rescuer at dinala sa punerariya na nakabalot ng itim na tela ang natira sa kanyang katawan. Walang burol na nangyari. Deretso cremation at silang pamilya lang ang dumalo sa libing. Hindi pinayagan ang kahit na sino na lumapit sa mansiyon. Dahil daw sa sunog hindi na matibay ang natitirang nakatayong bahagi niyon. Kaunting galaw guguho iyon. Sa makatuwid, hindi na talaga pwedeng tirhan at kailangan na gibain para mapatayuan ng bago. Dahil namatay si Am
(AYESHA)“Lumabas na tayo dito, Ambrosio. Lumabas tayong lahat na buhay. Huwag kang kumapit sa alaala ng patay na,” sabi naman ni senator Gregorio. Malumanay at nakikiusap ang boses.Nawala ang ngiti ni Ambrosio at nanlisik ang mga matang tumingin sa kapatid. “Patay na? Ganiyan mo na lang ituring si Rosario kahit na sinabi mong mahal mo siya noon? Ganiyan lang kababaw ang naging pagtingin mo sa kaniya? Tama lang pala na inagaw ko siya sa iyo!”“Minahal ko siya ng husto! Patuloy ko siyang mamahalin buong buhay ko. But more than the memory of her, I value the living more. Mahalaga sa akin ang pamilya natin. Mahalaga sa akin ang kasaysayan ng lahi natin na ngayon ay kinakain na ng apoy na ikaw ang may gawa! Sa kabila ng lahat ng nagawa mo noon at ngayon, kapatid pa rin kita at mas mahalaga ka rin sa akin kaysa kay Rosario. I want you to live. I want us to live. I want our bloodline to continue to exist in this world!” sigaw na ni
(Ayesha)MALAKING bahagi na ng buwan ang nakalitaw sa kalangitan. Kahit kanina pa kami nagkaharap ni Zion, mabilis pa rin ang tibok ng puso ko hanggang ngayon. Lalo na kapag naaalala ko ang mga sinabi at ginawa ko. Hinalikan ko siya. Hindi ako makapaniwala na may lakas ako ng loob na gawin iyon. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Kahit anong sabihin ko, kahit gaano ko pa ipakita sa mukha ko ang nararamdaman ko, ayaw pa rin niyang maniwala. Ayaw niyang buksan ang isip niya. Ayaw niya akong papasukin sa harang na pinalibot niya sa sarili sa mahabang panahon bilang proteksiyon. Umakto ako base sa instinct ko. At kahit nahihiya ako, hindi ako nagsisis
(ZION)MADALING araw na ako nakabalik sa hotel. Kakatapak ko pa lang sa palapag na bayad ng tatay ko naramdaman ko na agad na may hindi tama. Mabilis ang kilos ng mga puppet ng tatay ko papunta sa elevator at malamang palabas ng hotel. May determinasyon sa mga mukha nila.May inutos sa kanila si erpats. Sigurado ako.
(ZION) “Zion.” Napalunok ako. “Bakit ba?”
(Zion)GUSTO kong magwala. Gusto kong manira ng kahit anong bagay na maabot ng mga kamay ko. Gusto kong lumabas sa kalaliman ng gabi, magpakalat-kalat sa pinakadelikadong kalsada sa kamaynilaan at maghanap ng gulo. Para lang may mapaglabasan ako ng kumukulong emosyon sa dibdib ko. ‘Tangina, sigurado ako may makabangga lang sa akin sasabog ako.
(Ayesha)ALAM naming lahat na huli na ang lahat. Mariing nakapikit si Cain. Biglang humagulgol. Parang nilamutak ang puso ko. Si Chance at Angus napatakbo para lapitan ang kambal pero natulak sila palayo ng pwersa ng kapangyarihan ni Cain. Si Zion naging itim na itim ang mg