(Ayesha)
PAGKATAPOS ng klasenagpaalam na si sir Angus sa amin. Bumaling siya sa akin para ibilin ang test papers. “Hihintayin kita, Miss Querol,” nakangiti pang sabi niya bago tuluyang lumabas ng classroom.
Nakatayo na ako sa tabi ng teacher’s table habang hinihintay makapagpasa ang lahat ng estudyante. Muntik na akong humakbang palapit sa kaniya at pigilan siyang lumabas ng classroom. Dahil alam ko na ang mangyayari oras na umalis si Sir Angus. At nang tuluyan siyang mawala mabilis na hinablot ko ang mga test paper sa lamesa bago pa iyon makuha ng ilang estudyanteng malapit sa kaniya.
“Ako na ang magdadala niyan, Ayesha,” sabi ng isa.
“Hindi, ako na,” giit naman ng isa.
Humigpit ang yakap ko sa test papers. “Pero magkakaroon ako ng point deduction,” angal ko. Lumampas ang tingin ko sa mga babae nang mapansin ko na sumesenyas sa akin si Raye. Bitbit na niya ang bag ko. Nakuha ko agad ang gusto niyang sabihin. Tumango ako. Pagkatapos nginitian ko ang mga kaklase kong nagboboluntaryong dalhin ang test papers. “Okay, goodbye.” Iyon lang at tumakbo na ako palabas ng classroom. Hindi sila nakasunod sa akin dahil nang lumingon ako nakita kong hinarang sila ni Raye. Parang may sinabing kung ano ang kaibigan ko bago mukhang nakalma naman kahit papaano ang mga kaklase namin.
Maya-maya pa sumunod na sa akin si Raye. “Anong sinabi mo sa kanila at tumigil sila?” takang tanong ko.
Nagkibit balikat ang babae. “Sinabi ko lang sa kanila na wala ka namang interes kay sir Angus kaya wala silang dapat ipag-alala. Mas patas kung ikaw ang makakasolo kay sir dahil sigurado na wala kang hidden motive. Kaya hindi ka na nila kukulitin.”
Nakahinga ako ng maluwag at ngumiti. Mabuti naman kung ganoon.
Kinuha ko ang bago ko kay Raye at isinukbit iyon sa balikat ko. Pagkatapos inayos ko ang mga test paper na kipkip ko sa mga braso ko.
“Pero bakit ba kasi titig na titig ka kay sir Angus kanina?” takang tanong ni Raye.
Napabuntong hininga ako at napalis ang ngiti. “Sa tingin ko kasi weird siya.”
Umangat ang kilay ng kaibigan ko. “Weird?” parang na-offend pang tanong niya.
“Okay. Misteryoso,” pagtatama ko. “Puno siya ng misteryo. Unang misteryo: Ano ang tunay na dahilan kung bakit nagtuturo siya sa school natin? Karamihan sa mga professor at staff ng College natin mga tubong taga Tala at kalapit bayan. Siya, ngayong semester lang siya naging professor dito, hindi ba? At bagong lipat lang siya sa atin. Sa tingin ko may something weird sa pananatili niya sa lugar natin,” paliwanag ko.
Kumunot ang noo ni Raye. Hindi ko lang alam kung napapaisip din siya o sa akin siya na-we-weirdohan. “Alam mo, Ayesha, may point ka. Saka kahit palaging nakangiti si sir Angus at palakaibigan sa lahat, kapag may nagtanong sa kaniya ng personal na tanong umiiwas siya. Kaya bukod sa pangalan niya at sa mga itinuturo niyang subjects, wala na kaming mahitang impormasyon sa kaniya.”
“See? Iyan ang sinasabi ko. Iyon ang iniisip ko sa tuwing nakikita ko siya,” sabi ko at tumango-tango.
“At iyon ang gusto mong alamin? Ang sagot sa misteryo ni sir Angus?” tanong sa akin ni Raye.
“Hindi ko naman sinabi na aalamin ko.” Dahil iyon ang totoo. Inoobserbahan ko lang si sir Angus pero wala naman akong plano na talagang halukayin ang buhay niya. Mahirap na baka mapasubo ako. Isa pa, paano kung may malalim siyang dahilan kaya niya tinatago ang personal niyang impormasyon?
Napasinghap ako nang biglang ipatong ni Raye ang dalawang mga kamay sa magkabilang balikat ko. “Alamin mo. Tapos sabihin mo sa akin lahat ng malalaman mo. Alamin mo kung may girlfriend siya at kung ano ang tipo niya sa babae,” sabi pa ni Raye at tinapik-tapik ang mga balikat ko habang nagsasalita.
Ibig sabihin hindi niya ako sineseryoso. Napailing na lang ako. “Sasamahan mo ba ako sa office ni sir Angus?” tanong ko na lang.
Bumakas ang labis na panghihinayang sa mukha ni Raye. “Gusto ko sana kaso may klase pa ako. Ma-le-late na ako actually. Ikaw na lang ang pumunta kay sir. Ibida mo ako kapag nagkaroon ka ng pagkakataon ha? Bye.” Iyon lang at mabilis nang naglakad palayo sa akin ang kaibigan ko.
Napahinga na lang tuloy ako ng malalim. Pagkatapos naglakad ako patungo sa kabilang direksiyon. Patungo sa dulong bahagi ng first floor ng Science Building kung nasaan ang isang lumang laboratory na nagsisilbi ring opisina ni sir Angus. Isa pa iyon sa misteryoso. Bakit hinahayaan ng kolehiyo nila na magkaroon siya ng sariling opisina kung puwede naman siya sa faculty room?
Tahimik at nakasara ang pinto ng makarating ako sa labas ng opisina ni sir Angus. Huminga muna ako ng malalim dahil iyon ang unang beses na haharap ako sa kaniya na mag-isa. Bukod sa naging eksena nga kanina sa classroom noong nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. Kumatok ako ng tatlong beses. Walang sagot. Kumatok ako uli at nang wala pa ring sagot alanganing pinihit ko ang door knob at binuksan ang pinto.
“Excuse me? Sir?” Iginala ko ang tingin sa loob ng silid at tuluyang pumasok doon. Malaking aquarium na maraming isda sa loob ang una kong napansin. Sa kabilang side naman may nakahilerang mga glass case na mukhang terrarium dahil may mga halaman, lupa, bato at kung pagmamasdan ko sigurong mabuti baka may makita pa akong insekto at maliit na hayop sa loob ng mga glass case. Sa pader may naglalakihang posters ng mga bagay na may kinalaman sa Ecology.
Naglakad pa ako papasok sa silid hanggang makita ko ang lamesa ni sir Angus. Alam ko na lamesa niya iyon kasi nakapatong doon ang mga libro at kung anu-ano pang ginagamit niya sa pagtuturo. Pero wala siya doon. Nagtatakang inilapag ko sa lamesa ang test papers na hawak ko at pinatungan iyon ng paperweight na nakita ko doon. Nasaan kaya siya?
Noon may umihip na hangin mula sa isang direksiyon ng silid. Kumurap ako at lumingon sa pinanggalingan ‘non. Napaderetso ako ng tayo at sumikdo ang puso ko nang makitang sa dulong bahagi na natatakpan ng mataas na cabinet, sa parte kung saan nakabukas ang binata kaya nakakapasok ang hangin, nakasandal sa pader si sir Angus. Nakatingin siya sa akin. Malamang kanina pa niya alam na naroon ako pero hindi lang sumasagot at nagoobserba.
Tumikhim ako. “Sir, nailapag ko na po sa lamesa niyo ang mga test paper,” basag ko sa katahimikan.
Umalis mula sa pagkakasandal sa pader si sir Angus at nagsimulang maglakad palapit sa akin. “Hindi ka tulad ng iba,” sabi niya habang nakatitig pa rin sa akin.
“Ano ho?” takang tanong ko.
Huminto sa mismong harap ko si sir Angus. Kinabahan ako. Puno ng intensidad ang mga mata niya habang nakatitig sa akin, na para bang may binabasa siyang kung ano sa mukha ko. “Hindi ka apektado,” sabi ni sir Angus maya-maya.
“Apektado ng ano?” nalilito pa ring tanong ko.
May sumilay na ngiti sa mga labi ni sir Angus. Hindi iyon dala ng amusement na tulad ng normal na ngiti niya kung hindi ngiti ng interes at pagkabilib. Napasinghap ako nang umangat ang isang kamay ni sir Angus at hinawi ang hibla ng buhok kong nakatabing sa pisngi ko at inipit iyon sa tainga ko. “Soon, you’ll know,” misteryosong sagot niya.
Kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? At bakit kung makipag-usap siya sa akin parang matagal na kaming magkakilala? Samantalang ngayon ang unang beses na nakapag-usap kami ng ganoon. Pero bago pa ako makapagtanong nilampasan na ako ni sir Angus. Lumapit siya sa lamesa niya. “Salamat sa pagdala mo sa mga test paper. Pwede ka nang magpunta sa susunod mong klase.”
“Okay,” nasabi ko na lang kahit nalilito pa rin ako. Naglakad ako pabalik sa pinto. Nabuksan ko na iyon nang muling magsalita si sir Angus.
“Huwag mong alalahanin ang mga nagmamasid sa iyo. Hindi ka nila sasaktan. Masyado kang importante para gawan ng masama. At least, I want to believe that.”
Manghang napalingon ako uli sa kaniya. Nakaupo na siya sa silya at naka-dekuwatro habang nakangiting nakatingin sa akin. Paano niya nalaman na may nagmamasid sa akin? Nanlamig ako at lalong kinabahan. Kahit pa ubod ng guwapo si sir Angus at nakangiti sa akin lalo lang siyang naging kahina-hinala sa paningin ko.
“Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niyo sir,” lakas loob na sabi ko. Medyo itinaas ko pa ang noo ko para magmukha akong matapang.
Umangat ang mga kilay ni sir Angus at lalong lumawak ang ngiti. “May tamang panahon kung kailan mo malalaman ang mga dapat mong malaman. Sige na, Miss Querol. Makakaalis ka na.”
Marami pa akong gustong itanong. Pero may palagay ako na kahit manatili pa ako doon maghapon wala siyang balak sagutin kahit isa sa mga itatanong ko. Isa pa kailangan ko na rin magpunta sa susunod kong klase para hindi ako mahuli.
“Goodbye, sir,” paalam ko na lang bago tuluyang lumabas ng opisina niya. Napabuga ako ng hangin at naglakad palayo.
Maghapon na pilit kong itinuon ang atensiyon sa klase. Pero palaging bumabalik sa isip ko ang naging akto ni sir Angus. Lalo na ang mga sinabi niya sa akin.
(Ayesha)CREW SA isang fastfood chain sa sentro ng Tala ang part-time job ko. Malapit lang iyon sa campus kaya convenient para sa akin ang mag trabaho doon. Iba-iba ang oras ng shift pero palagi eksaktong limang oras dapat kada araw. Iba pa iyon sa trabaho ko kapag summer vacation at Christmas vacation. Kapag kasi mahaba ang bakasyon nagtatrabaho naman ako sa nag-iisa at pinakamagandang tourist attraction sa Tala– ang Hidden Paradise resort na matatagpuan sa kabilang bundok at nakaharap sa dagat. Halos tatlumpung minuto ang layo
(Cain)Isang araw ang nakakaraan… “Master Cain, pinapatawag kayo ng Elders. Importante
(Cain)“What?” manghang bulalas ko. “Iaasa ninyo sa desisyon niya ang kinabukasan ng pamilya natin?”“Ganoon din naman. Siya naman talaga ang pag-asa ng pamilya natin, Cain,” seryosong sabi ng aking ama.
(Ayesha)“YOU heard me. I am going to be your husband. Itinakda na iyon sa araw pa lang ng iyong kapanganakan. You cannot run away from your destiny, Ayesha.”
(Ayesha)Huminga ako ng malalim. Professor ko naman siya. Mapagkakatiwalaan ko naman siguro siya. “Okay,” nasabi ko na lang. Ngumiti si sir Angus at tinapik ang ulo ko. “Good.” Napasinghap ako nang lumapat ang palad niya sa likod ko at itinulak niya ako papasok sa apartment complex.
(Ayesha)Madilim ang paligid. Nasa kung saan ako na para bang maliit at dim na ilaw lang ang nagbibigay liwanag. Kahit saan ako lumingon sementong pader ang nakikita ko. Luma na ‘yon at may lumot pa nga. Para bang nawala na ang kulay ‘non dahil sa paglipas ng napakahabang panahon. Makitid ang daan. Isang pasilyo. Malamig. Hindi ‘yong lamig ng aircon o simoy ng hangin kung hindi lamig na para bang nasa ilalim ako ng lupa. Parang tunnel. O isang basement.
(Ayesha) NAKAKAILANG ang naging maghapon ko sa campus sa araw na ‘yon dahil kay Cain. Sa bawat klase ko mayroong mga nakasaksi sa nangyari kanina sa labas ng gate. Maraming ayaw akong tigilan sa kakatanong kung sino si Cain. Maging si Raye na hindi nasaksihan ang nangyari at narinig lang sa iba tanong ng tanong sa akin. Pero ano naman ang isasagot ko na hindi ako lalabas na gumagawa lang ng kuwento? Kahit kay Raye, paano ko sasabihin ang tungkol k
(Ayesha)Napasinghap ako nang maramdaman ko ang magaan na paglapat ng palad niya sa likod ko. Siguro para alalayan ako papasok sa restaurant. Nagpaubaya ako at inabala ang sarili sa pagmamasid sa loob ng Secret Garden. Puro pareha nga ang mga customer na nakapuwesto sa magkakalayong mga lamesa. May classical music
(Ayesha) HININTAY MUNA namin na talagang pwede na lumabas ng ospital si Zion bago kami humarap sa buong angkan ng Alpuerto. Mayroon din akong kailangan sabihin sa kanila bago ituloy ang ritwal. Kailangan nila malaman ang katotohanan sa likod ng kapanganakan ko. Kailangan nila malaman kung ano ang talagang mangyayari kapag ginawa ang ritwal ng pag-iisa sa gabi ng kaarawan ko. Katulad ng inaasahan namin nagulat ang lahat ng malaman ang nararamdaman namin ni Zion para sa isa’t isa. Pero dahil suportado kami nina Cain, Chance at sir Angus sandali lang sila nag protesta at nag-alangan. Pumayag din sila na kahit si Cain ang magiging clan leader, si Zion ang makakapareha ko sa ritwal. 
(AYESHA) HUMINGA ako ng malalim habang nakatitig sa pinto ng hospital room kung nasaan si Zion. Tahimik sa loob. Baka natutulog siya at ayokong makaistorbo kaya hindi na ako kumatok. Maingat kong binuksan ang pinto. Suminghap ako nang makitang hindi naman tulog si Zion. Katunayan wala siya sa kama. Nakatayo siya at nasa aktong nagsusuot ng itim na t-shirt. Nakasuot na rin siya ng maong na pantalon at sapatos. Nakita ko pa ang benda sa bandang tiyan niya. Mukhang kailangan na palitan ang gasa sa tagiliran niya dahil may nakikita akong bakas ng dugo doon. Nakita ko na nakalaylay sa kama ang dulo ng dextrose na dapat nasa likod ng kamay ni Zion. May bakas din iyon ng dugo. Halatang pinuwersang hatakin paalis sa balat.&nb
(Ayesha) PAPASIKAT na ang araw nang tuluyang maapula ang sunog. Sa kabutihang palad hindi kumalat sa ibang mansiyon ang apoy. Sa kasamaang palad, sunog na bangkay na nang ilabas si Ambrosio. Ni hindi na siya ipinakita ng mga rescuer at dinala sa punerariya na nakabalot ng itim na tela ang natira sa kanyang katawan. Walang burol na nangyari. Deretso cremation at silang pamilya lang ang dumalo sa libing. Hindi pinayagan ang kahit na sino na lumapit sa mansiyon. Dahil daw sa sunog hindi na matibay ang natitirang nakatayong bahagi niyon. Kaunting galaw guguho iyon. Sa makatuwid, hindi na talaga pwedeng tirhan at kailangan na gibain para mapatayuan ng bago. Dahil namatay si Am
(AYESHA)“Lumabas na tayo dito, Ambrosio. Lumabas tayong lahat na buhay. Huwag kang kumapit sa alaala ng patay na,” sabi naman ni senator Gregorio. Malumanay at nakikiusap ang boses.Nawala ang ngiti ni Ambrosio at nanlisik ang mga matang tumingin sa kapatid. “Patay na? Ganiyan mo na lang ituring si Rosario kahit na sinabi mong mahal mo siya noon? Ganiyan lang kababaw ang naging pagtingin mo sa kaniya? Tama lang pala na inagaw ko siya sa iyo!”“Minahal ko siya ng husto! Patuloy ko siyang mamahalin buong buhay ko. But more than the memory of her, I value the living more. Mahalaga sa akin ang pamilya natin. Mahalaga sa akin ang kasaysayan ng lahi natin na ngayon ay kinakain na ng apoy na ikaw ang may gawa! Sa kabila ng lahat ng nagawa mo noon at ngayon, kapatid pa rin kita at mas mahalaga ka rin sa akin kaysa kay Rosario. I want you to live. I want us to live. I want our bloodline to continue to exist in this world!” sigaw na ni
(Ayesha)MALAKING bahagi na ng buwan ang nakalitaw sa kalangitan. Kahit kanina pa kami nagkaharap ni Zion, mabilis pa rin ang tibok ng puso ko hanggang ngayon. Lalo na kapag naaalala ko ang mga sinabi at ginawa ko. Hinalikan ko siya. Hindi ako makapaniwala na may lakas ako ng loob na gawin iyon. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Kahit anong sabihin ko, kahit gaano ko pa ipakita sa mukha ko ang nararamdaman ko, ayaw pa rin niyang maniwala. Ayaw niyang buksan ang isip niya. Ayaw niya akong papasukin sa harang na pinalibot niya sa sarili sa mahabang panahon bilang proteksiyon. Umakto ako base sa instinct ko. At kahit nahihiya ako, hindi ako nagsisis
(ZION)MADALING araw na ako nakabalik sa hotel. Kakatapak ko pa lang sa palapag na bayad ng tatay ko naramdaman ko na agad na may hindi tama. Mabilis ang kilos ng mga puppet ng tatay ko papunta sa elevator at malamang palabas ng hotel. May determinasyon sa mga mukha nila.May inutos sa kanila si erpats. Sigurado ako.
(ZION) “Zion.” Napalunok ako. “Bakit ba?”
(Zion)GUSTO kong magwala. Gusto kong manira ng kahit anong bagay na maabot ng mga kamay ko. Gusto kong lumabas sa kalaliman ng gabi, magpakalat-kalat sa pinakadelikadong kalsada sa kamaynilaan at maghanap ng gulo. Para lang may mapaglabasan ako ng kumukulong emosyon sa dibdib ko. ‘Tangina, sigurado ako may makabangga lang sa akin sasabog ako.
(Ayesha)ALAM naming lahat na huli na ang lahat. Mariing nakapikit si Cain. Biglang humagulgol. Parang nilamutak ang puso ko. Si Chance at Angus napatakbo para lapitan ang kambal pero natulak sila palayo ng pwersa ng kapangyarihan ni Cain. Si Zion naging itim na itim ang mg