THE next day, Kate got up early and she prepared herself for work. She decided to visit Cassandra first, before going to work. She got home last night after Cassandra's mother arrived.
Her friend was awake when she
enters the room. Her mother was busy preparing her food too. They both look at her when she arrived.
"Good morning." she said and smile to them.
"Good morning, too." her mother said.
But Cassandra didn't say any single word to her. And she look's away ignoring her presence. She hurts a little bit but nothing she could do if she treat her like this. She understand her. She knows that Cassandra was hurt when she didn't give to her what she want her to do.
She place the fruits that she bought for her in the table and face to her.
"How do you feel?" she's still having a smile when she approach her.
Nothing response from her.
She keep silent for a while then sighed.
"I'm sorry, Cass. I don't want us to become like this. You're so cold to me. I know you're not like this before, please forgive me if i didn't give you the help that you want from me." sincere nyang sabi rito.
Nakita nya ang mabilis na pag ikot ng mga mata nito. Alam niyang inis ito. Nanatili itong walang imik sa kanya. Nagkibit- balikat lang rin ang ina nito sa inasal ng anak sa kanya. Alam naman nyang hindi sya nito matitiis. May tampo man alam nyang agad din yon mawawala.
"Hindi mo na sana ako dinala pa rito." mahinang sabi nito.
"Wag ka naman ganyan, bess. Hindi pa katapusan ng mundo."
"P'wes sa 'kin tapos na. Kung kinakailangan ulitin ko ulit gagawin ko." sabi nitong pagalit. Kinilabutan sya sa sinabi nito. "Hindi mo na sana ako dinala pa rito. Pinabayaan mo na lang sana ako na mawalan ng hininga."
"Anak, ano ba namang sagot yan. Hindi ka dapat umaasta ng ganyan, magka ibigan kayo kaya natural na may malasakit sya sayo." sabat ng nanay nya sa usapan nila.
"Hindi iyon ang alam kong kaibigan. Minsan lang akong humingi ng pabor sayo, pero hindi mo pa ako mapagbigyan. Sana hinayaan mo nalang akong namatay."
"Sorry, Cass. Hindi naman kasi ganun kadali ang gusto mo."
"Talaga lang ayaw mo akong tulungan dahil ayaw mo." medyo mataas na ang boses nito.
Nakita nyang nabahala ang ina nito at agad napalapit sa anak.
"Anak, kalma lang, sabi ng doktor hindi ka pwedeng ma stress. Makakasama sa kalagayan at sa baby mo na rin." sabi nitong puno ng pag aalala.
Nagulantang naman sya sa narinig. Awang ang mga labi sa gusto sanang sabihin ngunit hindi na nai- sa- tinig. Walang sinabi ang doktor kahapon sa kanya.
"Kailan pa ho?" gulat nyang tanong sa ina nito.
"Hmnn.." ismid ng kaibigan nya. Talagang galit pa nga ito sa kanya. "Hindi naman yon importante sayo, di ba? Kaya hindi mo na dapat malaman pa. Ni ayaw mo nga ako tulungan." mapaklang sabi nito.
"Cassandra!" bulalas ng ina nito.
"Pasensya na 'ho." hinging paumanhin ni Kate.
"Kanina lang nabanggit ng doktor, iha. After so many test they have done. Shes 5 weeks pregnant." paliwanag ng ina nito.
"Siguro naman sapat na narinig mo, di ba?" sabi ng kaibigan nya. "Pwede mo na kaming iwan, may trabaho ka pa, di ba?" Nasaktan sya sa lantarang pananaboy sa kanya nito. "Alis na."
"Babalik ako mamaya." sabi nya at tumalikod rito. Bago pa sya maka labas ng silid narinig nya muli itong nagsalita.
"No need." nakaramdam sya ng kurot sa puso sa inasal ng kaibigan nya ng dahil lang sa hindi nya pag payag rito sa hinihingi.
Bumuntong- hininga muna sya bago hinila pabukas ang pinto at tuluyang lisanin ang silid.
Hindi pa sya nakakalayo ng tawagin sya ng ina nito. Lumabas pala ito at sumunod sa kanya. Nakangiti itong lumapit sa kanya.
"Pag pasensyahan mo na ang kaibigan mo, ha? Sana hindi ka magbago sa kanya. Alam ko kahit galit yon hindi ka rin matitiis non. Ngayon lang iyan marahil mainit ang ulo dahil sa kalagayan nya. Alam ko babalik din yan sa dati." mahabang sabi ng ginang.
"Okey lang po 'yon. Alam ko naman na malaki ang tampo nya sa akin. Hihintayin ko pong mag lubag ang kalooban nya. Saka babalik pa rin po ako rito mamaya pagkatapos ng work ko." at bahagya syang ngumiti sa ginang.
"Sige. Pero wag kang madadala sa kaibigan mo ha?" nakangiti pa rin ito. At bahagya syang hinawakan sa braso.
"Naku, hindi ho." at bahagyang tumango rito at nagpa alam.
"Mauna na po muna ako."
"Sya, sige. Mag iingat ka." bilin nito na tinanguan lang nya at nagpatuloy sa paglakad palayo.
Habang naglalakad hindi nya maiwasang mag isip. Naisip nyang malaki pala talaga ang problema ng kaibigan lalo na't buntis pala ito.
'Kaawa- awang bata, madadamay ka pa sa problema na hindi mo naman ginusto. Hay!' bulong nya sa hangin. Nakaramdam sya ng malaking awa sa kaibigan, para tuloy gusto nya itong tulungan kaya lang paano naman kung ibang relasyon naman ang masisira?
Iiling- iling sya habang naglalakad. Hindi tuloy sya nakapag konsentrate sa kanyang trabaho, mabuti na nga lamang at hindi masyadong busy ang araw na iyon para sa kanila.
Saglit nyang isinandal ang likod sa pagkaka upo at ini unat ang mga braso para tanggalin ang pangangawit nito.
Maya maya pa ay dinampot ang cellphone at idinayal ang number ng ina na nasa probinsya. Agad namang may sumagot na tinig.
"Hello!"
"Hello, po, 'nay." sabi nya rito.
"Oh, anak, ikaw pala. Napatawag ka ata."
"Wala lang po, na miss ko po kasi kayo bigla ai."
"Hus! Batang 'to hindi mo naman kami dapat intindihin rito. Ayus lang kami rito. Ikaw ang lagi mag iingat dyan."
"Alam ko naman po iyon. At iyon ang lagi ko po ginagawa. Ang itay ho?"
"Naku wala sigurado nasa tubigan na naman iyon. Baka bumisita sa mga punlang palay kung pwede ng ilipat- tanim. Magtatag ulan na rin kasi."
"Ah, si kuya po nasaan?"
"Ayun, kasama na naman siguro ng itay mo."
"Ano ho' bang ginagawa nyo ngayon?"
"Nililinis ko itong isda na gagawin kong daing. Marami kasing binigay si maring at sobra sobra naman kung uulamin lahat ngayon kaya naisipan kong daingin nalang."
"Hmnn. Na miss ko yan, nay ah." natatakam na sabi nya.
"Oo nga, naalala ko, paborito mo ito saka yong bagoong." at sinabayan pa nito ng pagtawa ang sinabi.
"Ang inay pina alala pa talaga." at natawa rin sya.
"Totoo naman eh. Parang nakikita pa kitang sarap na sarap kumain habang nagsa sawsaw ng nilagang dahon ng kamote sa bagoong na may pinigang kalamansi." at saka sabay silang natawa na mag ina.
"Kailan ka ba ulit magba bakasyon rito, anak, ha.?"
"Kapag hindi po masyadong maraming trabaho. O baka po sa holiday."
"Naku mabuti naman kung gan'on. Miss ka na rin ng mga pamangkin mo."
"Miss ko na rin po kayo. Konting panahon pa po, uuwi rin ako."
"Ay, sya sige. Tatapusin ko muna ito ng hindi masira, sayang naman." pamama alam nito sa kanya.
"Sige, ho, bye." at ibinaba na nya ang phone. Napabuntong- hininga sya bago muling bumalik sa trabaho.
Busy sya sa ginagawa at nakayuko ng lumapit sa kanya ang kasamahan at may inabot sa kanyang papel.
"Miss Del Fiero, paki assist mo nga muna ito." sabi ng kasama.
"Ano ba iyan?"
"Marriage applications."
"Sige," sabi nya sabay abot sa papel na hawak nito. Natuon ang pansin nya sa dalawang taong kasunod nito sa likuran.
"Sa kanila 'yan." sabi ng kasama sabay turo sa dalawa.
"Ah, sige. Just wait for a moment, please." sabi nya sa dalawa. "You may take a seat ma'am, sir, while you're waiting." at iminostra nya ang upuang nasa harapan ng mga ito.
'Sila marahil ang ikakasal.' bulong nya sa sarili.
Hindi nya naiwasang pagmasdan saglit ang dalawa. Matangkad at gwapo ang lalaki. Hindi kayumanggi at hindi rin naman kaputian ang kulay ng lalaki. Katamtaman lang, at makakapal ang kilay. Ang mga mata parang magnet kung makatingin na akala mo hinihila ka sa ibang mundo. Matangos ang ilong nito at grabeh, ang ganda ng hubog ng masel sa mga braso na medyo bumakat sa may kasikipang polo nito. at ang mga abs mukhang malaman. Ang kasama naman nitong babae maputi at maganda rin. Matangos ang ilong at mahaba ang kulay blonde nitong bahagyang kulot na buhok. May taas itong hanggang dibdib ng lalaking kasama. Nasa hitsura ng mga ito ang pagiging mayaman.
'Sila siguro ang magpapakasal.' bulong nya sa sarili at hindi nya naiwasang lihim na mainggit sa babaeng kasama nito. 'Ang swerte naman nya. Gwapo na at mukha pang gentleman ang mapapangasawa.'
"Ah, okey." sabi ng swabeng boses ng lalaki. Hindi nya naiwasang lihim na kiligin sa swabeng boses na iyon.
"Come, take a seat, hon." sweet and very manly tone. Marahan nya pang iginiya ang kasamang babae para maupo.
"Thanks" sabi nito at matamis na gumanti ng ngiti sa lalaki.
'Wow, ang sweet naman ng dalawa.' Ang sarap siguro pag kagaya nya ang maka partner mo.' naibulong nya sa sarili . Naupo ang mga ito na magka hawak pa ang mga kamay.
Mabilis nyang nai- iwas ang tingin ng mapansin nyang tumingin sa kanya ang lalaki. Mabilis na hinagip ng mata nya ang papel na inabot nya kanina.
'Nakakahiya pag nahuli ka, ikakasal na yan, pinagpapantasyahan mo pa.' bulong sa sarili.
'Umayos ka nga at trabaho ang intindihin mo. hindi yang buhay ng iba ang pinag papantasyahan.'
Mabilis nyang pinasadahan ng tingin ang hawak na papel. Nabasa ang pangalan na nakalagay rito. Ang pangalan ng lalaki ang agad nyang napansin.
'Rainier Marco.'
Mabilis nyang inayos ang dapat ayusin. Ilang minuto pa at ini abot na nya sa dalawa ang papel.
"Will you please check first all the information stated here, sir, ma'am? Before I make it final." sabi nya sabay abot ng papel sa mga ito.
Kinuha ng mga ito ang papel at tiningnan saglit bago muling ibinalik sa kanya.
"That's all correct. " sabi ng lalaki.
Mabilis nyang inabot ito at muling inayos bago muling ibinigay sa dalawa.
"Will you please sign this, sir, ma'am?" muli nyang sabi sa dalawa na agad namang kinuha at pinirmahan.
"That's okey sir, paki check nalang po sa registrar." magalang nyang sabi at lumabas na ang mga ito. Naiwan syang nakatulala at nakasunod ng tingin sa dalawang lumabas. Lumabas sya at nagtungo sa canteen upang kumain. Nagugutom na rin naman sya. Kanina pa kumakalam ang sikmura nya.
"Sa canteen ka ba?" si Roger. Isa sa mga empleyado ng munisipyo
"Oo." maikli nyang tugon.
"Sabay na tayo. Duon rin ang tungo ko."
Sabay silang nagtungo sa canteen at nag hanap ng bakanteng pwesto. Saka umorder ng pagkain
"Kumusta ang trabaho?" tanong ni Roger habang hinihintay ang pagkain nila.
"Ayos naman. Hindi masyado busy ngayong araw. Kahit pano hindi nakaka pressure. " at bahagya pang natawa.
"Balita ko may outing ang lahat ng employado next week at out of town yun. Kasama ang kanya kanyang family. Sasama ka ba?"
"Naku, hindi na. Siguro uuwi nalang din muna ako sa amin, na mimiss ko na rin sa amin eh." sabi nya at inabot ang in order na pagkain.
" Sayang naman yon. Bibihira lang magkaroon ng ganoong mga pag kakataon. Hindi natin alam kung kelan ulit."
"Ayos lang iyon. May ibang pag kaka taon pa rin naman. Hindi rin naman nauubos ang panahon." maikli nyang sagot at sinimulang kumain. Gutom na talaga sya.
"Sabagay." at nag kibit balikat na lang ito at nag simula na ring kumain. Ilang saglit pa ang lumipas at natapos sila. Muling bumalik sa trabaho at ipinag patuloy ang oras.
Bandang hapon ng lumabas si Kate , dumaan muna sya sa grocery at bumili ng ilang prutas at pagkain na dadalhin nya sa kaibigan bago nag tungo ng hospital. Kahit pa galit ito sa kanya hindi pa rin sya mag sasawang dalawin at suyuin muli ang kaibigan.
"Di ba sabi ko wag ka ng bumalik." matabang na bungad ng kaibigan sa kanya. Nakasimangot ito. Hindi sya umimik at ipinag patuloy lang ang paglapit rito. Marahan nyang inilapag ang mga dala sa maliit na mesang naroon.
"Hindi ka na sana nag abala pa para bumili ng mga iyan." dagdag na sabi nito.
"Kailangan mo iyan para madali kang lumakas at ng makalabas ka na rin dito."
"Hindi na nga kailangan. Ano pang silbi lahat nyan kung sira na rin lahat sa buhay ko?"
"Wag ka mawalan ng pag asa, bess. Hindi pa naman katapusan ng mundo ano."
"A basta. Ayaw ko na. Saka ayaw mo rin naman akong tulungan di ba?" at matalim ang mga matang tumingin ito sa kanya. Hindi naman sya napaimik rito.
"Hindi na rin naman ako importante sayo di ba? Kung gustuhin ko pa bang magpa tuloy tutulungan mo na ba ako?"
"Pwede naman sigurong pag usapan yan sa ibang panahon di ba?"
"Gusto kong marinig ngayon sayo."
"Mahirap mangako."
"So, ayaw mo pa rin. Sana na lang hindi mo na nga ako dinala rito. Sana ngayon wala na akong mararamdamang sakit."
"Magpa- salamat ka pa rin na nabubuhay ka pa rin. Kagaya nalang nyan na may bagong blessing sayo, yang baby mo. Mas dapat mong ingatan ngayon ang sarili mo." giit pa rin nya.
"Hindi! Ayoko sa batang ito kung hindi rin naman magiging kami ng ama nya." may diing sabi nito. Nabahala sya sa sinabi nito.
"Please lang, Cass. Sana naman wala ka ng ibang pinaplano nyang lagay na yan." may himig paki usap na sabi nya.
"Akong may katawan, kaya ako ang may mas karapatan kung ano ang gagawin ko sa kanya at sa buhay ko."
"Please, Cass. Alagaan mo ang sarili nyong dalawa alang alang na lang dyan sa baby mo. Alam mo namang bestfriend tayo di ba, maari naman akong tumulong sa ibang paraan, hindi sa paraang gusto mo. Ayaw ko namang manira ng buhay ng iba?"
"So, sinasabi mo ba na okey lang kahit ang buhay ko naman ang masira wag lang ang sa kanila?" may nahimig syang pang uuyam sa sinabi nito. At nasasaktan sya sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito. Malayo sa malambing na kaibigang kilala nya.
"You may leave now. Parating na rin naman si mommy. "
"Sige, iiwanan kita pero babalik at babalik pa rin ako rito. Ikaw pa rin ang bestfriend ko." pilit nyang pinipigil ang luhang gusto ng tumulo sa mga mata nya. Ayaw nyang ipakita ritong nasasaktan sya sa trato nito ngayon sa kanya.
"Mababalik lang tayo sa dati kung papayag ka ng tulungan ako, anyway, para rin naman iyon sa magiging anak ko, di ba? Pag handa ka ng tulungan ako, pangako magbabago ako para sa magiging anak ko." diretso itong nakatingin sa kanyang mga mata habang sinasabi ang mga bagay na iyon.
Para syang itinulos sa kinatatayuan nya sa mga sinabi nito. Malinaw ang kondisyon nitong ibabalik sa dati ang samahan nila kung papayag lang syang tulungan ito. At mas lalo pa syang kinabahan ng marinig ang sumunod na sinabi nito.
"Kung hindi mo pa rin ako tutulungan, sisiguraduhin kong hindi mo na ako makikita kasama ang anak ko at magiging malamig na bangkay nalang kaming dalawa."
Sobrang kinilabutan sya sa sinabi nito at hindi sya makapaniwalang nasasabi nito ang lahat ng iyon ngayon na para bang wala lang, at okey lang. Alam nya malaki ang posibilidad na ulitin muli nito ang ginawa nitong pagtatangka sa sarili. At para syang nabuhusan ng malamig na tubig na hindi na nakagalaw sa kinatatayuan. Tiningnan nya lang ito at seryoso ito sa mga sinabi.
Halos hindi mapuknat ang mga mata ni Kate sa kaibigan na nakahiga. Hindi ito lumilingon sa kanya at naka halukipkip habang nakatutok ang blangkong tingin sa harapan nito. Walang kangiti ngiti ang babae at parang gusto na nyang bumigay at pumayag nalang ngunit alam nyang mali pa rin. Tatalikuran na sana nya ito ng marinig muli ang boses nito. "Salamat nalang." walang ka emo- emosyong sabi ni Cassandra at nanatiling malayo ang tingin. Walang imik na lumabas ng silid si Kate. Sa hallway, nasalubong nya ang ina nito. "Paalis ka na?" tanong ng ginang habang pasalubong at may bitbit na dalawang supot sa mag kabilang kamay "Opo" maikli nyang tugon sabay tango. "Pakibantayan nyo nalang po ang kaibigan ko at kung maari ay wag pong malingat sa mga mata nyo." mahina nyang sabi na sapat lang upang marinig ng nasa harapang ginang. Nagtataka man ang gin
"I will help you!" sigaw nya habang tumutulo ang kanyang luha. Hindi nya alam at hindi rin sya sigurado kung mag wo- work ba ito at mapag babago pa ang isip nito. Ayaw naman nyang makita ito sa ganitong kondisyon. Ito nalang siguro ang tangi nyang magagawa para maka tulong sa kaibigan. Marahil hindi man tama, pero susubukan pa rin nya, wala naman sigurong mawawala kung mag ta- try sya sa gusto nito kesa naman mapahamak ito ng dahil lang sa isang hiling na hindi nya mapag bigyan. Mauunawaan naman siguro marahil ng iba kung sakali mang sundin nya ang nais nito sa ngayon. Matagal nyang hindi ito narinig na nag salita. Taimtim syang umusal ng panalangin na sana mag bago ang isip nito, alang alang man lang sa dinadala nito sa kanyang sinapupunan. Para sa kanya mahalaga ang bawat buhay sa mga kagaya nyang malaki ang pagka takot sa diyos. "Please? Bumaba ka na dyan, handa na akong tulungan ka, pag usa
RAINIER'S POVMasayang mag katabi habang naka upo ang mag kasintahang sina Raiver at Sandra na nasa balkonahe ng mansyon. Naka sandal sa kanyang balikat ang babae habang magka hawak kamay. "Are you excited, huh?" tanong ng binata sa dalaga at bahagya itong inusod palapit sa kanya upang yakapin. "Yes!" naka ngiting tugon nito na bahagya pang tumingala upang tingnan ang mukha ng lalaki. Kapwa sila larawan ng labis na kasiyahan. Sa tinagal tagal kasi ng naging relasyon nila sa kasalan rin pala talaga ang bagsak nila. Kahit marami silang tampuhang dumaan, hindi nito natibag ang matatag na pundasyon ng relasyon nila kaya alam nila pareho na sapat na iyon upang humubog ng sariling pamilya. Handa na rin naman si Rainier sa bagong buhay na tatahakin nya bilang pamilyadong tao. Halos walong taon na ang relasyon nila ng babae. Nagawa nil
Handa na ang lahat, hindi mag kamayaw ang lahat ng mga bisita sa sobrang excitement. May video coverage pang naga ganap. Lahat na ku- curious sa hitsura ng mga ikakasal at ang iba naman ay huma hanga dahil sa tagal ng naging relasyon ng mga ito, sa wakas ay tuluyang nang magiging opisyal na mag asawa. Ang mga ibang kababaihan naman halata sa mukha ang inggit sa magandang kapalaran ng mga ito. "Bagay nga talaga sila." masayang sabi ng ilan. "Tiyak na magiging unforgetable ang araw na ito sa dalawa. Sobrang nakaka hanga sila. Ang galing nilang mag dala ng relasyon." maya maya ay sabi pa rin ng isang babae na malapit sa kanya. Mas lalo tuloy syang nakaka ramdam ng matinding kaba at takot matapos na marinig ang mga maga gandang bagay na naririnig nya sa paligid para sa dalawang taong naka takda nyang sirain. Parang nako konsensya na sya hindi
Dahil sa matinding kahihiyan at sama ng loob hilam sa luha ang mukha ng babeng ikakasal na nag tatakbo palabas ng simbahan, hindi na nya alintana ang mga matang naka sunod ng tingin sa kanya. "Sandra!" ngunit hindi na nya pinag aksayahan ng panahon na lingunin pa ang taong tumawag sa kanya. Dire- diretso lang syang nag lakad palabas. Malinaw nyang naririnig ang ilang mga bulong bulungan na narinig nya sa paligid habang papalabas. Hindi nya lubos maisip na magiging ganito lang pala ang kahahan tungan ng ilang taon nilang pag hahanda para lang maisaka tuparan ang kanilang pagiging totoong mag asawa. Isang iglap lang biglang mag babago ang lahat sa kanila. Hindi rin maka paniwala ang mga naging bisita sa mga narinig buhat sa hindi ina asahang panauhin. Ang alam nya kilalang kilala na nya ang kanyang mapapa ngasawa, mabait, responsable, at higit sa lahat mahal na mahal na sya. Hindi pa pa
Dahil sa sobrang bilis ng ginagawang pag papatakbo ni Rainier ng sasakyan, na untog sa dashboard ang noo ni Kate dahilan para ito dumugo. Hindi naman nya inasahang mawawalan ito ng malay tao. Napa buntong hiningang nai hinto nya ang sasakyan sa gilid at inayos muna ito. Inabot nya ang tissue na nasa dash board upang punasan ang noo nitong may sugat at dumudugo. Dahil walang malay ang babae, noon nya na pansin ang mukha nito. Maganda ang bilugan nitong mukha, matangos ang ilong at may kakapalang kilay at mahahabang pilik mata na binagayan ng mapupula at manipis ang labi nito. At mahaba rin ang buhok. May nag uudyok sa kanyang nag sasabi na nakita na nya ito ngunit hindi sya sigurado kung saan at kailan. 'Hindi kaya isa rin sya sa mga babaeng minsan ko ng naka sama sa kama noon?' piping bulong nya sa sari
"Who are you, woman?" Malamig at malagong na tinig na tanong nito sa kanya. Madilim ang awra nito habang naka tunghay sa kanya at walang ibang emosyon ang mababakas roon. Matatalim ang mga mata nito na akala mo sa ganoong paraan ay kaya nitong manakit. "I- I'm s- sorry." nanginginig ang kalamnan na sabi niya. Mahirap pala salubungin ang mga tingin nito na parang mas gugustuhin mo pang bumuka na lamang ang lupa at lamunin ka kesa ang makaharap ito. "Im sorry? What do you think your sorry can do? Mai babalik ba niyan ang lahat ng nasira sa amin? Kaya mo bang ayusin ang ginulo mo kanina lang? Damn it!" galit na bulyaw nito sa harapan niya. Napa pitlag pa sya sa lakas ng pag kaka- sabi nito. Yumuko sya dahil hindi niya kayang labanan ang mga mata nitong nag babaga sa galit para sa kanya. Hindi nga naman biro biro lang ang gina
KATE'S POV Matagal ng wala ang lalaki sa kwarto na kinaroroonan ni Kate ngunit hindi pa rin nawawala ang nararamdamang lakas ng kabog ng dibdib ni Kate. Wala sa loob na nasalat niya ang kanyang bibig na kanina ay mapangahas na inangkin ng lalaki. Pakiramdam pa nya ay namamaga pa iyon at bahagya ring makirot ang nasugatang bahagi dala ng marahas na pag halik ni Rainier. Nalasahan pa niya ang maalat alat na dugo na mula roon. Napa dausdos sya paupo at impit na napa iyak. Nayakap niya ang kanyang dalawang binti at napa yuko sa pagitan ng kanyang mga hita. 'Oh god! Please help me to get out of here.' piping usal niya sa sarili. Hindi nya alam kung gaano sya katagal na nanatili sa ganoong ayos. Ng tila maramdaman niyang kalmado na ang kanyang sarili ay inot inot syang bumangon at saka lumapit sa pinto. &n