Share

CHAPTER FOUR - SAVE

       "I will help you!" sigaw nya habang tumutulo ang kanyang luha. Hindi nya alam at hindi rin sya sigurado kung mag wo- work ba ito at mapag babago pa ang isip nito. Ayaw naman nyang makita ito sa ganitong kondisyon. Ito nalang siguro ang tangi nyang magagawa para maka tulong sa kaibigan. Marahil hindi man tama, pero susubukan pa rin nya, wala naman sigurong mawawala kung mag ta- try sya sa gusto nito kesa naman mapahamak ito ng dahil lang sa isang hiling na hindi nya mapag bigyan. Mauunawaan naman siguro marahil ng iba kung sakali mang sundin nya ang nais nito sa ngayon.

     Matagal nyang hindi ito narinig na nag salita. Taimtim syang umusal ng panalangin na sana mag bago ang isip nito, alang alang man lang sa dinadala nito sa kanyang sinapupunan. Para sa kanya mahalaga ang bawat buhay sa mga kagaya nyang malaki ang pagka takot sa diyos.

       "Please? Bumaba ka na dyan, handa na akong tulungan ka, pag usapan natin kung ano man iyan. Mas magiging maayos ka kung mas makikinig ka lang. Ayusin natin ito at bumaba ka na dyan." nakiki- usap na sabi nya rito. Ano man ang sabihin nito gagawin nya alang alang sa kanilang pagiging mag bestfriend. Mahal nya ito na naging sandalan nya noon at kasama simula pa ng nag aaral pa lang sila.

      Gusto nyang makita nitong sincere syang tulungan ito ngayon. Parang naka ramdam sya ng inis sa taong naging dahilan para magka ganito ito sa ngayon. Kung bakit ba naman kasi sa dinami- rami ng mga babae kung bakit naman ito pa ang babaeng natapat para lokohin at iwanan nito matapos buntisin. Kilala naman nya ang kaibigan, alam nyang marami na rin itong naging karelasyon pero hindi ganito ka seryoso. Siguro nga na inlove ito ng husto.kaya nagka ganito.

       Sa matagal na pananahimik nito inakala nyang nag bago na ang desisyon nito at hindi mag tangka ng masama.

       "Hindi ako naniniwala sa iyo, alam ko naman na sinasabi mo lang iyan para mabago ang isip ko. Pero hindi pa rin, mas gugustuhin ko pang mamatay kesa mabuhay ng hindi kasama ang magiging ama ng anak ko." mariin na sabi nito.

       At habang naka talikod ito, napansin nya ang senyasan ng ilang security sa kanilang likuran at tumingin sa kanya. Tila ba sinasabing kumbinsihin pa ito ng husto na sya naman nyang ginagawa.

      "Bess, please? We can do this, I can help you, promise!" halos naiiyak na sya at tila gusto ng mawalan ng pag asang baka hindi ito makinig sa kanila.

      "Di ba iyon naman ang gusto mo, anak, di ba?" walang hinto sa pag iyak ang ginang at nanatili lang na naka luhod na tila sumasamo rito kahit pa nga naka talikod ito at hindi naman sya nakikita.

       Nakita nya ng dahan- dahang lumalapit sa isang gilid ang isang security, sa ibaba ng hospital naman naka handa na ang mga rescue na sadyang nag latag ng airbag upang sakali mang totohanin nito ang bantang suicide ay hindi ito masaktan. 

      Alam kong hindi mo kayang gawin ang hinihiling ko sayo kaya hindi nyo na mabibilog ang ulo ko sa ngayon. Mag sama- sama kayong lahat." galit na sigaw nito 

      Kita naman ni Kate ang lalaking papa lapit rito na isang squad, at mabilis nitong nahila ang kamay ng kanyang kaibigan kaya patalikod itong babagsak sana sa sahig ngunit mabilis ring naka dalo ang dalawa pa na agad na sumalo sa kanyang kaibigan upang hindi tuluyang bumagsak sa sahig.

      "Get off me!" inis na asik ng kaibigan nya sa mga ito. Matalim ang tinging ipinukol nya rito. Mabilis namang naka lapit sa kanyang kaibigan ang ina nitong walang tigil sa pag iyak. Niyapos nito ang anak.

      "Bitiwan nyo nga ako!" inis na sabi at pinilit na alisin ang mga braso nitong mahigpit na naka pulupot sa kanyang beywang. 

      "No, anak." at lalo pa niyong hinigpitan ang pag kaka kapit sa beywang nya. "Don't do this again, huh? I love you so much. "

     "Pwede ba tigil tigilan nyo yang ka dramahan nyong 'yan." at mabilis itong tumingin sa kanya ng maka hulugan.

     Napa ngiti sya rito kahit pa nga alam nyang naga galit iro sa kanya. Bahagya pa syang tumango tango rito na tila ini- engganyo ito.

      "Thank's sa inyo, sir." at saka kumamay sa mga ito.

      "Welcome po at sana lang naman po, hindi na ito muling mau ulit." ganting sabi ng isa at saka sinenyasan ang iba pang mga kasama. 

      "Makaka asa po kayo." naka ngiti at bahagyang yumukod sa mga ito "Salamat! Salamat po talaga." 

       "Ah, at bakit ba naman kasi ang malas malas ng araw ko ngayon. Lahat na lang kontra sa ginagawa ko. Wala naman kayong maitulong sa akin?" inis na sabi ni Cassandra. 

       " Huwag kang mag salita ng ganyan , anak. Naririto pa naman kami, tutulungan ka naman namin." naka ngiti amg ina nito kahit puno ng luha ang mukha.

      "At ikaw?" baling naman nito sa kanya.

      Marahan naman syang tumango at ngumiti. 

     "Totoo bang tutulungan mo na ako?" kitang kita ng pagiging masigla ng boses nito sa tanong na iyon at ang kislap ng pag asa sa mga mata nito. 

      She swallowed the lumps on her  throat before she speak.  " Yes" and she straightly look in her eyes to look her expression.  She saw a big smile, in her lips.  A smile that she's wearing before, alive and full of hope. She saw her eye's and the hope's that she's can make it . She slightly smiled at her back. But deep in her heart, she can not erase to think that she will became a marriage breaker , sooner. If that is a sin, she's praying for forgiveness now. She's is just helping her bestfriend not to commit suicide, again.

        "Then good!" naka ngiting sagot nito at lumapit sa kanya. Niyakap sya nito ng mahigpit. "I thought I would end my life with nothing. But thanks to you, you make me alive again. You're still my bestfriend, no matter how much hard I feel, you still there and showing your care to me. Even I came to this point that I don't have any hope's, you still beside me. Thank's to you." madam daming pahayag nito at na iyak pa.

        Parang kinurot ang puso nya sa sinabi nito. Parang naka ramdam sya ng konsensya sa sarili. Bakit nga ba hinayaan nya pang umabot sa puntong ganito bago nya ma realize na tulungan ito. Tumanggi man sya nung una, dito pa rin pala sila aabot.

        "Wag mo na ulit u- ulitin iyon, ha? Tinakot mo kami ng sobra." nai iyak rin na sabi nya. Naka ramdam sya ng pag luwag ng pakiramdam. Ang akala talaga nya hindi na talaga mag babago ang pasya nitong tapusin ang sariling buhay at ng magiging baby nito.

         Kumalas ito ng yakap at naka ngiti na muli.

        "Hindi na, promise!" naka ngiting sabi nito. "Mag babagong buhay na ako at ng anak ko basta't maka ganti lang ako sa walang pusong ama ng nasa sinapupunan ko. At hindi na rin ako hihiling ng iba tanging ito lang talaga, promise?" 

       "Sige, so, pwede na ba tayong bumalik sa loob?"

       "Sige." 

        "Salamat." Mangiyak ngiyak na sabi ng mommy nito sa kanya. 

        Naka ngiti nya itong niyakap. Halos madurog ang kanyang puso kanina habang nakikita itong nag mamaka awa sa kanyang kaibigan. Parang nakikita nya ang kanyang ina na nasa ganoong kondisyon kaya hindi nya natagalan ang ganoong tanawin at tuluyan ng pinasyang tulungan na lang ito.

         "Tahan na ho, okay na naman na sya. Atleast, mapapanatag na ho tayo apare pareho."

          "Hindi ko alam kung paano ako sayo mag papa salamat. Utang namin sayo ang panibagong buhay na ito."

         "Ay naku hindi ho, mahal ko po ang kaibigan ko. Ayaw ko namang panoorin lang sya habang ginagawa nya yang ganyan, mabuti na rin nga ho siguro yung hiling nya para naman mabawas bawasan ang mga lalaking ganyan na walang paki alam manakit ng damdamin ng iba matapos nilang gawing parausan lang." nang gigigil ring sabi nya.

        "Salamat" naka ngiting saad ni Cassandra ng marinig ang sinabi nya.

        "Hindi ba delikado yang gagawin nyong iyan?" nag aalalang sabi ng ginang. "Mabuti pa siguro huwag nyo na lang ituloy baka mapa hamak pa kayo."

         "Pwede ba tumahimik ka na lang dyan? Punyeta!" singhal ng kaibigan sa mommy nya. Bahagya rin syang nagulat sa asal nito. Lantaran ang pang babastos nya rito na halos hindi mo masikmurang marinig. "Kahit kailan panira ka talaga no? Kaya lagi kayong hindi magka sundo ni dad kasi puro ka na lang kontra. Nakaka inis! Duwag! Kahit talaga kailan wala kang kwenta." dagdag pa nito na halos ikina sakit nang dibdib nya.

       "Nag aalala lang kasi ako anak para sa inyo." mahinang sabi ng ginang.

       "Pwes hindi na kailangan, alam naman namin ang ginagawa namin."

       Halos madurog ang puso nya sa nakikitang sakit sa mukha ng ina nito. Parang nai imagine nya ang kanyang ina sa ganoong sitwasyon. Kahit kailan hindi nya tinrato ng ganito ang magulang nya. Hindi nya naranasang bastusin at balewalain ang bawat sinasabi at payo ng bawat isa sa kanila sa pamilya nya. Hindi kagaya ng kaibigan nya na lantarang manakit ng damdamin ng iba.

       Dahil sa hindi nya matagalan ang sitwasyon, inaya nya ang mga ito na pumasok ng hospital at mag pahina muna na agad namang sumunod ang dalawa na kapwa tahimik.

Agad na sinabi ni Cassandra ng maka pasok ang nais nitong plano para sirain ang sinasabi nitong lalaking lumoko sa kanya. Mataman namang nakikinig lang si Kate at parang gusto ng umurong sa pangako nya matapos niyang marinig ang nais nitong gawin.

        

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status