Halos hindi mapuknat ang mga mata ni Kate sa kaibigan na nakahiga. Hindi ito lumilingon sa kanya at naka halukipkip habang nakatutok ang blangkong tingin sa harapan nito. Walang kangiti ngiti ang babae at parang gusto na nyang bumigay at pumayag nalang ngunit alam nyang mali pa rin. Tatalikuran na sana nya ito ng marinig muli ang boses nito.
"Salamat nalang." walang ka emo- emosyong sabi ni Cassandra at nanatiling malayo ang tingin.
Walang imik na lumabas ng silid si Kate. Sa hallway, nasalubong nya ang ina nito.
"Paalis ka na?" tanong ng ginang habang pasalubong at may bitbit na dalawang supot sa mag kabilang kamay
"Opo" maikli nyang tugon sabay tango. "Pakibantayan nyo nalang po ang kaibigan ko at kung maari ay wag pong malingat sa mga mata nyo." mahina nyang sabi na sapat lang upang marinig ng nasa harapang ginang.
Nagtataka man ang ginang ngunit tumango nalang at hindi na nag tanong. Marahil alam na nito ang nais sana nyang ipahiwatig. Sa kalagayan kasi nito ngayon hindi sila sigurado sa iniisip nito.
Mabilis syang naka uwi dahil hindi naman masyadong ma trafic ng mga oras na yon. Naglinis sya ng katawan at kumain lang bahagya dahil wala naman syang gana,bago nahiga. Kaya lang hindi rin sya nakatulog kaya binuksan ang t.v para magpa antok. Kahit anong libang nya sa sarili, paulit ulit pa ring nagre rewind sa utak nya ang sinabi ng kaibigan na gagawin nito muli ang pagtatangka. Hindi na rin nya alam ang gustong isipin ng mga sandaling iyon. Yes, she loved her bestfriend pero hindi naman siguro dapat na umabot sa ganito kung tutulong man sya. She sigh deeply as she want to release some bad vives inside her. She wants to think better on how to convince her friend to be good at herself.
Hindi na nya namalayan pa how long she was awake until she felt her eyelids was heavy and almost want to sleep. She closed her eyes and take a nap while shes on the sofa. Hindi na sya nag abala pang lumipat sa kanyang kama. Pinagkasya na ang sariling katawan na iniunat sa sopa.
Kinaumagahan, masakit pa ang buong katawan ni Kate sa hindi maayos na pag kakahiga at puyat ng mag ring ang phone nya. Pinabayaan lang nya ito upang magsawa ang kung sino mang tumatawag. Ngunit, ng hindi ito huminto at nagpatuloy lang, inis nya itong dinampot at pahimad na sinagot.
"Hello!" sabi nya sabay hikab.
"Kate, please, tulungan mo naman ang kaibigan mo oh, please?" umiiyak na nagmamaka awa ang boses ng ina ni Cassandra sa kabilang linya.
Mabilis syang napaunat ng upo at tumayo habang pabalik balik ng lakad sa harapan ng sopa sa salas. Bigla tuloy nawala ang antok pa sana nya ng marinig ang pag iyak nito. Alam nyang may maling nangyayari.
'Dyos ko, hindi kaya itinuloy na naman nya ang banta nya? Wag naman po sana' piping usal nya. Mabilis rin ang sasal ng tibok ng dibdib nya. Bigla tuloy napigil nya ang kanyang paghinga.
"Bakit po tita? Ano po bang nangyari?" tarantang tanong nya habang sapo ang sariling sintido.
"She's on the rooftop, and she doesn't stop saying that she want to die." nag hihisterya na ang ina nito.
"What? Did she-?" hindi na nya naituloy pa ang ibang sasabihin parang saglit syang natigilan at tila pino proseso pa ng utak nya ang nagyayari sa paligid.
"W- wait me there tita." iyon lang at pinutol na nya ang linya. Agad na hinagilap ang bag nyang dala kagabi na nakapatong sa mesa sa sala. Halos patakbo nyang tinungo ang pintuan ng kanyang silid, walang suklay ng buhok, walang toothbrush, hindi rin sya nakapag palit ng damit at tanging ang suot na pajama at t- shirt lang na bahagya pang gusot gusot dala ng pagkakahiga. Ipinunggos lang nya ang mahabang buhok na hindi na nag abala pang mag suklay, mabilis na lumabas ng bahay at agad ng pumara ng masasakyan. Abot abot ang dasal nyang sana maabutan pa nya ang kaibigan sa kung ano na namang masamang balak nito.
'Ano na naman kayang pumasok sa isip ng babaeng iyon. Lahat na lang ba ng tao sa paligid nya kailangan madamay pa ng ganito. Sa kitid ba naman ng utak , meron ito.' inis nyang bulong. Aaminin nya naiinis sya sa kagagahan nito na para lalaki lang, gusto na agad wakasan ang mundo nya.
'Hoy! Ano ka ba? Kaibigan ka kaya dapat lang naman na concern ka sa kanya. Kahit malayo sya sa tulad mong mag isip, ikaw pa rin ang bestfriend nya kaya dapat lang na tulungan mo sya. Pasalamat ka lang na hindi ikaw ang nasa lugar nya.' kastigo ng kabilang isip nya. Marahas syang napabuga ng hangin habang nasa loob at sakay ng jeep.. Naiinis syang hindi nya mawari kung para saan at para kanino. Hindi tuloy maiwasang maagaw nya ang pansin ng iba sa ginawa. Patay malisyang napa tango at napa ngiti na lang sya sa mga ito sabay senyas ng peace sign. Ni hindi nga nya sigurado kung dahil sa ginawa o sa hitsura nya kaya napatingin ang ibang kasamang pasahero nya. O baka naman may muta pa sya? Pa simple nyang nilinis ang gilid ng mata ni hindi rin sya naka mumog o brush man lang.
Mabilis syang bumaba ng sasakyan ng bumungad sya sa hospital.Nang hustong makapasok sa loob, nagmamadali nyang kinuha sa kanyang dalang bag ang cellphone. At dahil nakayuko habang naglalakad, hindi sinasadyang bumangga sya sa tila pader na katawan ng tao.
Napa angat ang tingin nya sa may ari ng katawang iyon. Mabilis na nahigit nya ang kanyang hininga ng mapag sino ito. Tila kilala nya ang mukha ng lalaki. 'Saan ko na nga ba ito nakita?'
"Oopss! sorry." sabi nya na bahagya pang tumango at nag mamadaling lumayo.
'Ah, alam ko na. Sya yung nag apply ng marriage contract. ' bahagya pa syang natigilan. At mabilis ang mga hakbang na muling nagpatuloy sa paglalakad. Ķailangan nyang makita ang kaibigan. Tinungo nya ang kwarto nito at wala nga ito roon. Tinakbo nya ang elevator at mabilis na tinungo ang rooftop.
Abot- abot ang kaba ng dibdib nya habang papalapit at halos mabingi na sya at tila hirap ng huminga. Pagbukas ng elevator sa rooftop na, agad nyang nakita ang umiiyak at nakaluhod na ina nito habang nakiki usap sa kanyang kaibigan na noo'y nasa gilid na ng building naka akyat at nakatayo.
"B-best?" Gulat na sabi nya. Narinig nya itong umiiyak ng tawagin nya. Hindi rin ito makalingon sa kanya dahil sa konting pagkaka mali lang nito, maari itong mahulog.
"Ha! At nandito ka pa talaga. Wag mo akong matawag tawag na best dahil mukhang wala naman no'n matapos mo akong iwan sa ere." Pagalit na sabi nito.
"Hindi mo naman kailangan gawin yan, kasalanan pa rin yan, halika at bumaba ka, pag uusapan natin ang problema mo."
"Hindi!" matigas na sabi nito, nantili itong naka talikod sa kanila. Napansin nyang may lumapit na ilang security ng hotel upang kumbinsihing mapa baba ang babae. Tila wala na ata ito sa sarili, pigil nya ang hininga habang nakatingin rito.
"Gusto ko ng mamatay." sigaw nya.
"Best, may baby ka di ba? Wag mong gawin yan, bigyan mo ng pag kakataon na mabuhay at lumaki sya."
"Mag kasama na lang kami, tutal kami rin naman ang mag kakampi. Lahat kayo walang paki alam sa amin kaya iwan mo na ako." Napansin nya ang ina nitong walang tigil sa pag iyak. Tila nadudurog ang puso nya at nakokonsensya sya na ang daming buhay na masisira, sakali mang gawin nito ang balak. Una, may anak ito, buhay na wala namang kahit anong kinalaman sa nangyayari sa paligid at sa mga naging pagkaka mali nila. Pangalawa, ang sariling buhay at kapalaran nito na pwede namang magbago pa. Pangatlo, ang ina nito, alam naman nyang kahit rebeldeng anak ito, mahal na mahal ito ng ina nya, patunay lang na patuloy nya itong binabantayan at ina- alagaan kahit pa nga madalas itong galit sa ina at itinataboy. At sya, habang- buhay na dadalhin ng konsensya nya ang anumang mangyari rito, mahal na mahal nya ang kaibigang naging sandalan nya sa maraming beses, kasama sa saya at lungkot ng maraming taon. Nag silbi itong ate at bestfriend nya na noon taga advice sa kanya, pero anong nanyari at naging mahina yata ito ngayon para wakasan kahit ang sariling buhay,? at sa ngayon may kasama pang dagdag na buhay na nagsi simula pa lang sa sinapupunan nito.? Nilamon sya ng konsensya nya, she didn't expect this to happen.
" Subukan nyo lang lumapit, hindi ako mangingiming tumalon rito. Mas mabuti na ito, wala ng magiging problema. Ha!" Tumawa muna ito ng bahagya bago umiyak
"Mag hunos- dili ka anak, mahal na mahal kita. Narito lang si mama kasama mo sa tabi mo, aalagaan kita, kayo ng anak mo." sumasamong sabi ng ina nito. Walang patid ang pag hagulhol nito. Ang mga taong bagong dating lang hindi rin nakalapit agad, may isang nakita sya a tila nag raradyo marahil. Halos pakiramdam nya hihimatayin na sya. Umiikot ang paligid sa kanya, at gulong gulo na ang utak nya.
'Concentrate self, focus!' bulong nya sa sarili and she breath in and out, she did it for how many times to feel relax her nerves and lessen her feeling of nervous. Buo na ang pasya nya, baka sakali magbago ang isip nito sa gagawin nya.
"I will help you!" sigaw nya habang tumutulo ang kanyang luha. Hindi nya alam at hindi rin sya sigurado kung mag wo- work ba ito at mapag babago pa ang isip nito. Ayaw naman nyang makita ito sa ganitong kondisyon. Ito nalang siguro ang tangi nyang magagawa para maka tulong sa kaibigan. Marahil hindi man tama, pero susubukan pa rin nya, wala naman sigurong mawawala kung mag ta- try sya sa gusto nito kesa naman mapahamak ito ng dahil lang sa isang hiling na hindi nya mapag bigyan. Mauunawaan naman siguro marahil ng iba kung sakali mang sundin nya ang nais nito sa ngayon. Matagal nyang hindi ito narinig na nag salita. Taimtim syang umusal ng panalangin na sana mag bago ang isip nito, alang alang man lang sa dinadala nito sa kanyang sinapupunan. Para sa kanya mahalaga ang bawat buhay sa mga kagaya nyang malaki ang pagka takot sa diyos. "Please? Bumaba ka na dyan, handa na akong tulungan ka, pag usa
RAINIER'S POVMasayang mag katabi habang naka upo ang mag kasintahang sina Raiver at Sandra na nasa balkonahe ng mansyon. Naka sandal sa kanyang balikat ang babae habang magka hawak kamay. "Are you excited, huh?" tanong ng binata sa dalaga at bahagya itong inusod palapit sa kanya upang yakapin. "Yes!" naka ngiting tugon nito na bahagya pang tumingala upang tingnan ang mukha ng lalaki. Kapwa sila larawan ng labis na kasiyahan. Sa tinagal tagal kasi ng naging relasyon nila sa kasalan rin pala talaga ang bagsak nila. Kahit marami silang tampuhang dumaan, hindi nito natibag ang matatag na pundasyon ng relasyon nila kaya alam nila pareho na sapat na iyon upang humubog ng sariling pamilya. Handa na rin naman si Rainier sa bagong buhay na tatahakin nya bilang pamilyadong tao. Halos walong taon na ang relasyon nila ng babae. Nagawa nil
Handa na ang lahat, hindi mag kamayaw ang lahat ng mga bisita sa sobrang excitement. May video coverage pang naga ganap. Lahat na ku- curious sa hitsura ng mga ikakasal at ang iba naman ay huma hanga dahil sa tagal ng naging relasyon ng mga ito, sa wakas ay tuluyang nang magiging opisyal na mag asawa. Ang mga ibang kababaihan naman halata sa mukha ang inggit sa magandang kapalaran ng mga ito. "Bagay nga talaga sila." masayang sabi ng ilan. "Tiyak na magiging unforgetable ang araw na ito sa dalawa. Sobrang nakaka hanga sila. Ang galing nilang mag dala ng relasyon." maya maya ay sabi pa rin ng isang babae na malapit sa kanya. Mas lalo tuloy syang nakaka ramdam ng matinding kaba at takot matapos na marinig ang mga maga gandang bagay na naririnig nya sa paligid para sa dalawang taong naka takda nyang sirain. Parang nako konsensya na sya hindi
Dahil sa matinding kahihiyan at sama ng loob hilam sa luha ang mukha ng babeng ikakasal na nag tatakbo palabas ng simbahan, hindi na nya alintana ang mga matang naka sunod ng tingin sa kanya. "Sandra!" ngunit hindi na nya pinag aksayahan ng panahon na lingunin pa ang taong tumawag sa kanya. Dire- diretso lang syang nag lakad palabas. Malinaw nyang naririnig ang ilang mga bulong bulungan na narinig nya sa paligid habang papalabas. Hindi nya lubos maisip na magiging ganito lang pala ang kahahan tungan ng ilang taon nilang pag hahanda para lang maisaka tuparan ang kanilang pagiging totoong mag asawa. Isang iglap lang biglang mag babago ang lahat sa kanila. Hindi rin maka paniwala ang mga naging bisita sa mga narinig buhat sa hindi ina asahang panauhin. Ang alam nya kilalang kilala na nya ang kanyang mapapa ngasawa, mabait, responsable, at higit sa lahat mahal na mahal na sya. Hindi pa pa
Dahil sa sobrang bilis ng ginagawang pag papatakbo ni Rainier ng sasakyan, na untog sa dashboard ang noo ni Kate dahilan para ito dumugo. Hindi naman nya inasahang mawawalan ito ng malay tao. Napa buntong hiningang nai hinto nya ang sasakyan sa gilid at inayos muna ito. Inabot nya ang tissue na nasa dash board upang punasan ang noo nitong may sugat at dumudugo. Dahil walang malay ang babae, noon nya na pansin ang mukha nito. Maganda ang bilugan nitong mukha, matangos ang ilong at may kakapalang kilay at mahahabang pilik mata na binagayan ng mapupula at manipis ang labi nito. At mahaba rin ang buhok. May nag uudyok sa kanyang nag sasabi na nakita na nya ito ngunit hindi sya sigurado kung saan at kailan. 'Hindi kaya isa rin sya sa mga babaeng minsan ko ng naka sama sa kama noon?' piping bulong nya sa sari
"Who are you, woman?" Malamig at malagong na tinig na tanong nito sa kanya. Madilim ang awra nito habang naka tunghay sa kanya at walang ibang emosyon ang mababakas roon. Matatalim ang mga mata nito na akala mo sa ganoong paraan ay kaya nitong manakit. "I- I'm s- sorry." nanginginig ang kalamnan na sabi niya. Mahirap pala salubungin ang mga tingin nito na parang mas gugustuhin mo pang bumuka na lamang ang lupa at lamunin ka kesa ang makaharap ito. "Im sorry? What do you think your sorry can do? Mai babalik ba niyan ang lahat ng nasira sa amin? Kaya mo bang ayusin ang ginulo mo kanina lang? Damn it!" galit na bulyaw nito sa harapan niya. Napa pitlag pa sya sa lakas ng pag kaka- sabi nito. Yumuko sya dahil hindi niya kayang labanan ang mga mata nitong nag babaga sa galit para sa kanya. Hindi nga naman biro biro lang ang gina
KATE'S POV Matagal ng wala ang lalaki sa kwarto na kinaroroonan ni Kate ngunit hindi pa rin nawawala ang nararamdamang lakas ng kabog ng dibdib ni Kate. Wala sa loob na nasalat niya ang kanyang bibig na kanina ay mapangahas na inangkin ng lalaki. Pakiramdam pa nya ay namamaga pa iyon at bahagya ring makirot ang nasugatang bahagi dala ng marahas na pag halik ni Rainier. Nalasahan pa niya ang maalat alat na dugo na mula roon. Napa dausdos sya paupo at impit na napa iyak. Nayakap niya ang kanyang dalawang binti at napa yuko sa pagitan ng kanyang mga hita. 'Oh god! Please help me to get out of here.' piping usal niya sa sarili. Hindi nya alam kung gaano sya katagal na nanatili sa ganoong ayos. Ng tila maramdaman niyang kalmado na ang kanyang sarili ay inot inot syang bumangon at saka lumapit sa pinto. &n
KATE'S POV Masakit ang buong katawan ni Kate ng sya ay magising. Pakiramdam niya sa kanyang sarili ay binalbal ng ilang beses. Nakapa niya ang kanyang tabi at bahagyang natigilan ng masalat niya na malambot ang kanyang kina- hihigaan. Unti- unti nyang iminulat ang kanyang mga mata at nagulat ng bumulaga sa kanya ang kulay puting ceilling. Bigla syang napa balikwas ng bangon at nailibot ang tingin sa paligid. 'Nakatakas na ba ako sa kanya?' piping tanong niya sa sarili. Ngunit bigla ring nangunot ang kanyang noo ng makitang tila pamilyar pa rin ang kinaroroonan nya. At tama nga sya, ito pa rin ang kwarto na kanyang inalisan kanina lamang. Malayo sa lugar na magubat na pinuntahan niya at ang huling tanda niya ay ng mahulog sya at gumulong paibaba bago sya nawalan ng malay. 'Paa