Dahil sa sobrang bilis ng ginagawang pag papatakbo ni Rainier ng sasakyan, na untog sa dashboard ang noo ni Kate dahilan para ito dumugo. Hindi naman nya inasahang mawawalan ito ng malay tao.
Napa buntong hiningang nai hinto nya ang sasakyan sa gilid at inayos muna ito. Inabot nya ang tissue na nasa dash board upang punasan ang noo nitong may sugat at dumudugo.
Dahil walang malay ang babae, noon nya na pansin ang mukha nito.
Maganda ang bilugan nitong mukha, matangos ang ilong at may kakapalang kilay at mahahabang pilik mata na binagayan ng mapupula at manipis ang labi nito. At mahaba rin ang buhok.
May nag uudyok sa kanyang nag sasabi na nakita na nya ito ngunit hindi sya sigurado kung saan at kailan.
'Hindi kaya isa rin sya sa mga babaeng minsan ko ng naka sama sa kama noon?' piping bulong nya sa sari
"Who are you, woman?" Malamig at malagong na tinig na tanong nito sa kanya. Madilim ang awra nito habang naka tunghay sa kanya at walang ibang emosyon ang mababakas roon. Matatalim ang mga mata nito na akala mo sa ganoong paraan ay kaya nitong manakit. "I- I'm s- sorry." nanginginig ang kalamnan na sabi niya. Mahirap pala salubungin ang mga tingin nito na parang mas gugustuhin mo pang bumuka na lamang ang lupa at lamunin ka kesa ang makaharap ito. "Im sorry? What do you think your sorry can do? Mai babalik ba niyan ang lahat ng nasira sa amin? Kaya mo bang ayusin ang ginulo mo kanina lang? Damn it!" galit na bulyaw nito sa harapan niya. Napa pitlag pa sya sa lakas ng pag kaka- sabi nito. Yumuko sya dahil hindi niya kayang labanan ang mga mata nitong nag babaga sa galit para sa kanya. Hindi nga naman biro biro lang ang gina
KATE'S POV Matagal ng wala ang lalaki sa kwarto na kinaroroonan ni Kate ngunit hindi pa rin nawawala ang nararamdamang lakas ng kabog ng dibdib ni Kate. Wala sa loob na nasalat niya ang kanyang bibig na kanina ay mapangahas na inangkin ng lalaki. Pakiramdam pa nya ay namamaga pa iyon at bahagya ring makirot ang nasugatang bahagi dala ng marahas na pag halik ni Rainier. Nalasahan pa niya ang maalat alat na dugo na mula roon. Napa dausdos sya paupo at impit na napa iyak. Nayakap niya ang kanyang dalawang binti at napa yuko sa pagitan ng kanyang mga hita. 'Oh god! Please help me to get out of here.' piping usal niya sa sarili. Hindi nya alam kung gaano sya katagal na nanatili sa ganoong ayos. Ng tila maramdaman niyang kalmado na ang kanyang sarili ay inot inot syang bumangon at saka lumapit sa pinto. &n
KATE'S POV Masakit ang buong katawan ni Kate ng sya ay magising. Pakiramdam niya sa kanyang sarili ay binalbal ng ilang beses. Nakapa niya ang kanyang tabi at bahagyang natigilan ng masalat niya na malambot ang kanyang kina- hihigaan. Unti- unti nyang iminulat ang kanyang mga mata at nagulat ng bumulaga sa kanya ang kulay puting ceilling. Bigla syang napa balikwas ng bangon at nailibot ang tingin sa paligid. 'Nakatakas na ba ako sa kanya?' piping tanong niya sa sarili. Ngunit bigla ring nangunot ang kanyang noo ng makitang tila pamilyar pa rin ang kinaroroonan nya. At tama nga sya, ito pa rin ang kwarto na kanyang inalisan kanina lamang. Malayo sa lugar na magubat na pinuntahan niya at ang huling tanda niya ay ng mahulog sya at gumulong paibaba bago sya nawalan ng malay. 'Paa
RAINIER'S POV Marahas na napa buga ng hangin ang lalaki matapos na muling sumagi sa isip niya ang babaeng tanging sumira lang naman ng kasal niya. Hindi niya tuloy maisip kung ano pa ang gagawin rito. Sa tuwing lalapitan naman niya ito ay tila naman biglang nalulusaw ang galit niya at ewan ba pero hindi niya maiwasang makaramdam ng awa para rito na hindi naman dapat. Pinipilit niyang maging pormal sa tuwing maka- kaharap at mati- titigan niya ang mga mata nito. Upang ipakita rito ang galit niya. Hindi sya sigurado sa kanyang sarili ngunit may kakaiba syang naramdaman sa kanyang dibdib lalo na ng mahalikan niya ito. Lumalakas at bumibilis ang tibok ng kanyang dibdib sa tuwing lalapitan niya ito. Kakatwa ngunit alam niyang hindi dapat. May kailangan pa rin syang ayusin at unahin matapos na masira ang kasal na matagal na nil
RAINIER'S POV Sakay ng chopper, mabilis na naka rating ng maynila si Rainier. Agad syang dumiretso sa bahay nina Sandy. At dahil kilala naman na sya ng guard na naroon kaya mabilis rin sya nitong pinapasok ng bahay. Sumalubong sa kanya ang mga magulang ni Sandy. Agad ang mga itong tumayo ng makita syang bumungad sa pintuan. "Good afternoon, tita, tito." bungad na bati nya rito. "Same to you, iho, anyway, thank you that you are already here." sabi ng mama ng kanyang fiancee. "I'm sorry about what happened the other day. I know I have a lot of things to explain." hingi niya ng paumanhin sa mga ito. "Don't worry about that, iho. Matagal ka na naming kilala at alam naman namin na naging tapat ka sa anak namin. Kaya lang baka matulungan mo kami na pahupain ang nararamdaman niyang sakit. Alam nama
RAINIER'S POVWala pa ring malay si Sandy ng muling bumalik sa hospital si Rainier. Naabutan nya roon ang mama at papa ng kanyang fiancee na halatang puyat pa at wala pa ring maayos na tulog ng nagdaang gabi. "Ang mabuti pa po, mag pahinga na po muna kayo. Ako na po muna ang bahalang mag bantay sa kanya. Mukhang pagod na rin po kayo." ani Rainier. "Ayos lang ako, iho. Gusto kong makita ang anak ko pag gising nya." anas naman ng mama ni Sandy. "Mabuti na po ang nag iingat. Baka mamaya niyan ang katawan nyo naman ang bumigay. Sige na po, kahit kaunting pahinga lang, ang mahalaga yung maging maayos kayo." pamimilit ni Rainier. "Sige na po tito. Mas maka bubuting mag pahinga na po muna kayo. Kaya ko na naman rito. Babalitaan ko na lang po kayo kapag nag kamalay na sya ulit." baling niyang sabi sa papa ni Sandy. &
Madilim ang mukha ni Rainier ng muling mag balik sa isla. Agad na dumiretso ito sa silid kung saan naroon si Kate. It's now or never. Kailangan na talaga niyang malaman kung sino at ano ba talaga ang plano ng mga ito at nagawa pang guluhin ang kanilang kasal ni Sandy. Ngayon hindi niya alam kung anong nagyari at bigla na lamang nag bago ang pakiki tungo at maging ang biglang pag atras ni Sandy sa kasal nila, gayong kung tutuusin nagawa na niya ang lahat para maka pag paliwanag rito. Mas higit nya ngayong kailangan na malaman kung sino ba talaga ang kaibigan nitong tinutukoy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang ginawang pag kalas ni Sandy sa kanilang pinag samahan. Ang kanilang napaka habang panahon na ipinag sama ay bigla na lamang parang bangungot na biglang nag laho ng dahil lang sa paratang ng kung sino man na iyon na alam niyang kailanman ay hi
"Get off me!" anas ni Kate habang pilit syang mariin na hina hawakan ni Rainier sa kanyang pulsuhan. Pumasok ito ng tuluyan sa silid at isinara ang dahon ng pinto saka ito ini lock. "At ano sa palagay mo ang gagawin mo?" mariing sabi ni Rainier habang matiim na naka titig sa kanya. Pinilit mag pumiglas ni Kate at alam niyang hindi niya kakayanin ang lakas nito kung sakali man na gawan sya nito ng masama. Pinilit niyang patatagin ang kanyang sarili. Hinding- hindi sya mag papakita ng pag ka- sindak sa lalaking ito. "B- bitiwan mo nga ako! Nasasaktan na ako! Ano ba!" singhal niya rito habang pilit pa rin na bina- baklas ang mahigpit na pag kaka kapit nito sa braso nya. "Kung balak mo pa rin talaga akong takasan, p'wes sorry dahil para sa kaalaman mo, nasa dulong sulok ka na ng isla. At walang sino man