Hu... hu... hu..." iyak ng kaibigang si Cassandra ng abutan ito ni Kate sa kwarto ng kanilang boarding house.
Nasa gitna ito ng kama habang naka upo. Nakayapos ang mga braso habang magkasalikop ang mga palad sa mga tuhod at nakayukyok ang ulo sa pagitan nito. Nagtaka tuloy sya sa hitsura nito.
Kagagaling lang nya sa trabaho at pagod kaso ito ang naabutan nyang scenario sa bahay. Isa syang clerk sa kanilang munisipyo.
"Bakit anong nangyari sayo, Cass?" tanong nya habang ibinababa ang bag sa mesang maliit na nasa gilid lang ng kama.
"Hu... hu... hu..."
Nilapitan nya ito at naupo sa tabi ng babaeng wala pa ring tigil sa pag iyak. Marahan nyang iniangat ang mga palad at hinagod sa likod ang kaibigan na hindi pa rin nagbago ng posisyon kahit na nga nandoon na sya. Hindi rin sya nito nilingon man lang.
"May problema ba?" tanong nya muli rito ng hindi ito sumagot. Pero sa halip na sumagot mas lumala pang lalo ang pag iyak nito. Nabahala naman sya sa hitsura nito.
"Tell me, baka lang naman may maitulong ako sayo. Mas makaka gaan sa dibdib kung isi- share mo yan."
Nakita nyang unti- unti itong nag angat ng ulo at hilam sa luha ang mga mata ng lingunin sya, Bahagya na rin itong namumugto. At pawis na pawis dala ng init sa silid. Tanging ang electric fan lang ang naroroon at wala naman silang aircon.
"Ano ba problema?"
Nakita nya ang bahagyang pag angat ng kabilang sulok ng labi nito na tila may gustong sabihin pero hindi naman isina tinig.
"Ano? Tayo nalang dalawa rito sa loob ng bahay maglilihiman pa ba tayo?" pangungumbinsi pa nya rito.
Ini unat nito ang mga binti at saka humalukipkip na tumingin sa kanya habang humihikbi.
"A- Ang s- sakit sakit kasi, bess." mahina nitong sabi sapat lang para marinig nya na nakatabi rito. Humikbi ito.
"A- Akala ko kami na. Iyon pala ako lang ang umaasa. Ibinigay ko na lahat kaso kulang pa rin. Hindi nya pala ako mahal, bess. Hu... hu... hu..."
"So, ano ngayon ang nginangawa mo dyan?"
"H-Hindi ko matanggap, bess eh. Ang sakit sakit... Sobra."
"Tahan na. Hindi naman siguro rason yon para magka ganyan ka di ba?"
"Pero mahal ko talaga sya." giit muli nito.
"Kung ayaw nya eh di maghanap ka ulit ng iba. Mas marami pa dyan na deserving mahalin hindi lang naman iisa ang lalaki sa mundo, bess, cheer- up."
"Ayoko!" maktol muli nito. "Sya lang ang gusto ko, sya lang ang mamahalin ko, hindi yon magbabago kahit kailan hinding- hindi pa rin ako susuko, kahit may iba na sya, gagawin ko pa rin ang lahat ng pwedeng paraan para maging akin sya muli." tila wala na sariling sabi nito.
Hindi nya tuloy maiwasang maawa sa kaibigan sa nararanasan nito, parang hindi nya kayang matagalan na makitang nagkaka ganito ang kaibigan.
'Kaya nga ba ayaw ko pang magmahal eh. Ayaw kong makaranas ng ganito. Kung bakit ba naman kasi napaka raming mga lalaki na pasaway at gagawin lang laruan ang mga babae.' Piping usal nya sa sarili.
Bahagya nya hinila ang kaibigan upang yakapin. Para sa kanya, bestfriend nya ito, dahil ito ang kasama nya sa lahat ng bagay. Kahit kailan hindi sila nagkaroon ng anumang alitan . Para na silang magkapatid sa lahat. Nagagawa pa nilang magshare sa iisang pagkain. Mahirap lang naman sya. Ang kaibigan naman nya ay may- kaya naman ngunit may pagka rebelde sa pamilya kaya ito nagsasarili. May ugali rin itong kung ano ang gustuhin ay pinipilit na makuha sa kahit anong paraan.
"Bess, naman. Di lang naman sya ang iniyakan mo, di ba? Yung iba nga kinaya mo, ito pa kaya."
"Pero iba sya, sya talaga ang gusto ko. Ayaw ko ng magmahal ng iba. Sya na talaga ang gusto ko." kumalas ito sa kanya at Nagpapadyak pa ito na parang bata na may tuntrums habang nasa gitna ng higaan.
"Kung ganon pala, e bat nandyan ka nagmumukmok, bakit hindi mo na lang sya puntahan at kausapin baka sakali magka ayos pa kayo."
Umiling ito at saka muling yumuko at humikbi
"O, ano na naman yan?"
"May iba na sya, bess. Iba na gusto nya." umiiyak na naman ito.
"Iyon naman pala eh, di move on ka na rin." minsan naiinis na rin sya sa katangahan ng kaibigan. Para lalaki lang nagkaka ganito na. Ang dami dami naman sa paligid.
"Ayan, ang bilis bilis mo kasi ma fall, kaya iyan ang bilis mo rin masaktan. Kaya mo yan," sabi nya sabay tayo at iiwan na sana ito para maglinis ng sariling katawan ng bigla ulit itong magsalita.
"T- tulungan mo ako, bess. Please?"
"Ano?" at napalingon muli sya dito.
'At ano naman kayang tulong ang gagawin ko sa bruhang ito?' bulong nya.
"Tulungan mo ako. Please? hindi ko talaga kaya, ikaw lang makakatulong sa kin." nagmamaka awang sabi nito. Lumapit ito sa kanya at humawak pa sa braso nya.
"Bess, naman. E ano naman ang magagawa ko sa problema mo. Kaya nga ayaw ko sa pag- bo- boyfriend na iyan, di ba. Ayaw ko ng ganyang problema tapos sa akin ka pa hihingi ng tulong. Ako pa talaga?" sabi nya sabay turo sa sarili at hindi makapaniwalang nanlalaki ang mga mata sa sinabi nito.
"Bess, alam ko kaya mo, di ba?" sumamo nito.
"Sorry bess, pero wala akong maitutulong dyan."
"Meron marami, malaki. Sige na please.?" at niyakap nya ito sabay pa lumuhod sa harapan nya. Ikinalaki muli ng mga mata nya ang ginawa nito.
"Ano ka ba naman, bess. Wag ka ngang ganyan. Hindi mo kailangang gawin yan para sa lalaki lang. Tumayo ka nga dyan." at hinila pa nya ito pataas para tumayo.
Pero nanatili ito sa ganoong ayos at nagsimula ulit tumulo ang luha. She feel pity for her. She didn't know what to do and how she can help her friends. Yes, she's begging for help. But, what kind of help? Cassandra had so many relationships in her past, not only fifth but more. And about this last she had, she didn't know too. Even to meet that guy, she doesn't. And she's not interested, either. She meet Some guys before but not this last. She doesn't have any idea about that guy. And she didn't have an idea that she had on a relationship again, not until now that she saw her like this. Her bestfriend remain silent about it. But now she's begging, 'what happened?'
"Yes, Kate. Please?" papalakas na naman ang hikbi nito at nakaluhod pa rin sa harapan niya.
Humarap sya at paluhod ring umupo sa paharap rito, niyakap nya ito.
"Kahit gustuhin ko mang tulungan ka, bess pero pag sa ganitong usapan wala naman akong magagawa eh."
"Ito lang naman hihingin ko sayo eh. Please?"
"At sa anong klaseng tulong ba naman?"
"He's getting married so, that's why I want your help."
"What? Getting married? Bess, naman wag mong sabihing gusto mo pa akong gawing kontrabida nyan?" nanlalaki ang matang bulalas nya. Napatayo pa sya sa pagkabigla. 'Ikakasal na pala. E ano naman ang gusto nitong gawin?'
"Kate please, makinig ka muna. Please do it, just this one. Promise I won't ask anything again, just this one. Pleaseeeeee."
"No, I won't. Never." maigting nyang tanggi. Hindi nya yata kakayaning manira ng isang relasyon.
Narinig nyang humikbi ito at bumulong ng sapat lang para marinig nya. At hindi nya napigilan ang panlalaki ng mata at awang ang bibig sa narinig nyang sinabi nito.
"Since, you're not going to help me. It should be better to die. No one love's me, no one cares for me. No one.... even you."
"Bess, naman, wag ka mag isip ng ganyan. hindi naman sa ayaw kitang tulungan, hindi ko naman alam kung anong klaseng tulong ba ang gusto mong gawin ko. Kung maninira naman ng relasyon ng iba, hindi naman pwede iyon, ano ka ba hindi naman ako ganoong tao, hindi tayo ganon."
"Im serious, magpapakamatay nalang ako kung hindi mo ako matutulungan. Mas mabuti iyon, wala na akong mararamdamang sakit. Kesa makita ko syang ikakasal sa iba." may diing sabi nito. Seryoso rin ang hitsura nito. Tumayo at saka marahas na pinahid ang luha sa mukha.
"No, bess, please you can't do that." Nababahalang sabi nya.
"Yes, I can. Thats better, no more pain." at pumunta ito sa gilid ng kama at naupo. Maya maya lang nahiga ito at nagtalukbong ng unan sa mukha.
Naguguluhang nagtungo sya sa banyo upang maglinis ng sarili. Ipinag walang bahala muna ang siNabi ng kaibigan. Hindi naman siguro ito seryoso sa sinabi.
Nang maghapunan, hindi nagtangkang bumangon ang kaibigan. Ni ayaw kumain kahit pa anong pilit nya. Hinayaan na muna nya ito, marahil pag nahimasmasan ito babangon rin.
Bago pa man sya nahiga, sinilip pa nya ang kaibigan na marahil ay tulog na. Dala ng pagod sa trabaho mabilis syang nakatulog. Ni hindi na nya naramdaman ang pagbangon ng kanyang kaibigan sa kalagitnaan ng gabi. Nagtungo ito sa kusina at may kinuha bago nagtungo sa loob ng banyo.
Nakita ni Kate na puno ng dugo ang mukha at katawan ng kaibigan habang nakahandusay ang walang malay nitong katawan sa kama.
"Noooooo!" nahintatakutan nyang sigaw.
Pawis pawisang napabalikwas ng bangon si Kate. Hinihingal pa sya dala ng masamang bangungot.
'Panaginip lang pala.' sabi nya sabay hawak sa dibdib na hindi pa rin lumulubay sa malakas na pagkabog. 'Parang totoong- totoo.' Naihilamos nya ang mga palad sa mukha.
Ng biglang maalala ang sinabi ng kaibigan. Mabilis na Napabaling ang tingin nya sa katabing higaan. At agad na namang bumilis pa lalo ang pagkabog ng kanyang dibdib ng hindi ito makita sa higaan nito.
Mabilis pa sa alas kwartong napababa sya sa kama upang hanapin ang kaibigan.
'D'yos ko po, wag naman sana.' piping dasal nya sa isiping baka nga tinotoo nito ang mga sinabi kanina. Kinakabahang hinanap nya ito.
"Cass?" tawag nya rito.
"Where are you?" tawag nya habang naglalakad patungo sa kusina. Wala ito doon, tahimik ang paligid, dahan dahan syang lumapit sa banyo.
"Cass?" pero nanatiling tahimik at walang sagot. Lumapit pa sya lalo sa pinto ng banyo at tinangkang buksan ito, pero walang sagot na narinig at naka- lock ang pinto ng banyo. Lalo pa syang nakaramdam ng kaba. Ang kaninang mabilis na kabog ng dibdib ay mas lalo pang dumoble at parang hindi na sya makahinga. Natatarantang muli nyang tinawag ito.
"Cass, bess, sumagot ka naman oh, kung nariyan ka. Wag kang mag biro, kung ginagawa mo 'to dahil lang hindi ako pumayag sa gusto mo, please hindi nakakatuwa." at muli nyang inalog ang seradura ng pinto. Lock talaga at walang sagot mula sa loob.
Mabilis syang pumasok sa kwarto at hinanap ang susi ng banyo sa drawer.
'Oh, God. Nasan na yun, please?' natatarantang sabi nya habang binubuklat ang lahat ng laman ng drawer.
'Wala!'
'Oh, God. Wag naman sana.' piping dasal nya. Napasabunot pa sya sa sariling buhok habang inililibot ang tingin sa paligid para hanapin ang susi ng banyo. Habang wala ring tigil sa pag usal ng panalangin.
Dinala sya ng mga paa sa kusina at naghalungkat sa drawer ng mga pinggan.
Presto!
Naroon ang susi sa ibabaw!
She quickly grab the key and went back at the bathroom door. She's shaking while inserting the key at the doorknob. Her heart still beating fast. She sigh deeply to feel less nervous before she opened the door.
At halos sya naman ang panawan ng ulirat ng mabungaran ang kalunos- lunos na hitsura nito. Wala itong malay na nakahandusay sa sahig ng banyo at puno ng dugo ang damit at braso nito. Sa kanang kamay may hawak itong kutsilyo. Nasulyapan nya ang kaliwang pulsuhan nito na umaagos ang dugo.
Naglaslas ito ng pulso!
"Oh, God!" bulalas na sabi nya at patakbong lumapit dito. Hindi rin nya napigil ang luha na tumulo sa kanyang mga mata. Hinayaan nyang maglandas ang mga luha sa pisngi habang papalapit dito. Paluhod nyang hinipo ang pulsuhan sa leeg nito. May pintig pa ngunit mahina na rin.
Mabilis syang lumabas ng bahay at kumatok ng tulong sa katabing unit. Mabilis na lumabas ang Mag asawang naka okupa dito at dumalo ng tulong sa kaibigan. Mabuti nalang at may sariling sasakyan ang mag asawa.
**********
Mabilis na nadala sa hospital ang kanyang kaibigan, At naipasok sa emergency room. Halos hindi maputol- putol ang taimtim na panalangin nya habang nasa loob ng chapel ng hospital. Hindi nya sukat akalaing gagawin talaga nito ang sinabi. Ang alam nya biro lang nito dahil hindi naman ito ganito sa mga nagdaang relasyon nya. Talagang hindi pa rin nya pala ito kilala. At marami pa syang hindi alam rito kahit sa lalaking naging sanhi ng kabiguan nito.
Nilabas nya ang phone at saglit na may tinawagan.
Nakaramdam sya ng pagsisisi na hindi ito pinaniwalaan kaagad, dahilan para humantong sa ganito.
'Kung sino ka mang lalaki ka, hindi mo dapat ginanito ang kaibigan ko.' piping bulong nya. Hindi maalis ang simpatya para sa nangyari sa kaibigan.
Muli syang bumalik at naupo sa upuang nasa harapan ng emergency room habang naghihintay na lumabas ang doktor na tumingin sa kaibigan.
Ilang saglit pa ng makita nyang lumabas ang doktor. Mabilis syang lumapit rito.
"Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?" tanong ng doktor sa kanya.
"Opo. Kaibigan po nya ako. Kumusta na po ang lagay nya?" magalang nyang saad.
"Stable na sya kaya lang kailangan pa nyang obserbahan sa loob ng 24 hours. Medyo mahina rin ang heartbeat nya. Mabuti nalang at nadala sya agad dito, at naagapan pa sya. Maya maya lang pwede na syang ilipat ng silid."
She feels relief.
"Pwede ko na po ba sya makita, dok?"
"Pwede na. Iwasan lang muna natin sya bigyan ng ibang alalahanin. Mahina pa sya at hindi iyon makabubuti sa katulad nyang may pinag dadaanan."
"Okey po, dok. Salamat po ulit." at bahagya pa syang yumukod dito.
"Sige, maiwan muna kita at may iba pa akong pasyenteng kailangan i- check."
"Sige po." at iniwan na sya nito.
Pumasok sya at sinilip ang kaibigan. Magte- text nalang sya mamaya na hindi muna makaka pasok. 3:45 am. Sasamahan na muna nya ang kaibigan rito. Kanina tinawagan na nya ang mommy nito habang nasa chapel sya. Hihintayin nalang muna nya itong dumating.
Ng makapasok sa loob, nakita nya ang kaibigan na nakaratay sa hospital bed. Awang- awa sya rito. May tubong nakasaksak sa bunganga nito at nakakabit na mga karayom sa katawan.
'Ganoon na ba talaga kalaki ang problema nito para gawin nito ang pagpapa kamatay?' naibulong nya at napabuga ng hangin sa kawalan. Napapa iling sya habang hindi napupuknat ang mga mata sa kaibigan.
Hindi tuloy nya maiwasang sisihin ang lalaking bumigo rito kaya naka isip ng ganoon ang babae.
Nilapitan nya ito at naupo sa gilid ng kama. Marahan nyang hinahaplos ang palad nito.
"Sorry, bess. Wala akong nagawa sa problema mo. Hayaan mo pag malakas kana ulit pangako, gaganti tayo sa lalaking nang api sayo ng ganyan." wala sa loob na nasabi nya. "Kaya bilisan mong magpalakas ng maka labas ka na agad dito, ha?" dagdag pa nya kahit alam naman nyang hindi naman sya nito naririnig.
THE next day, Kate got up early and she prepared herself for work. She decided to visit Cassandra first, before going to work. She got home last night after Cassandra's mother arrived. Her friend was awake when she enters the room. Her mother was busy preparing her food too. They both look at her when she arrived. "Good morning." she said and smile to them. "Good morning, too." her mother said. But Cassandra didn't say any single word to her. And she look's away ignoring her presence. She hurts a little bit but nothing she could do if she treat her like this. She understand her. She knows that Cassandra was hurt when she didn't give to her what she want her to do. She place the fruits that she bought for her in the table and face to her. "How do you feel?" she's still having a smile when
Halos hindi mapuknat ang mga mata ni Kate sa kaibigan na nakahiga. Hindi ito lumilingon sa kanya at naka halukipkip habang nakatutok ang blangkong tingin sa harapan nito. Walang kangiti ngiti ang babae at parang gusto na nyang bumigay at pumayag nalang ngunit alam nyang mali pa rin. Tatalikuran na sana nya ito ng marinig muli ang boses nito. "Salamat nalang." walang ka emo- emosyong sabi ni Cassandra at nanatiling malayo ang tingin. Walang imik na lumabas ng silid si Kate. Sa hallway, nasalubong nya ang ina nito. "Paalis ka na?" tanong ng ginang habang pasalubong at may bitbit na dalawang supot sa mag kabilang kamay "Opo" maikli nyang tugon sabay tango. "Pakibantayan nyo nalang po ang kaibigan ko at kung maari ay wag pong malingat sa mga mata nyo." mahina nyang sabi na sapat lang upang marinig ng nasa harapang ginang. Nagtataka man ang gin
"I will help you!" sigaw nya habang tumutulo ang kanyang luha. Hindi nya alam at hindi rin sya sigurado kung mag wo- work ba ito at mapag babago pa ang isip nito. Ayaw naman nyang makita ito sa ganitong kondisyon. Ito nalang siguro ang tangi nyang magagawa para maka tulong sa kaibigan. Marahil hindi man tama, pero susubukan pa rin nya, wala naman sigurong mawawala kung mag ta- try sya sa gusto nito kesa naman mapahamak ito ng dahil lang sa isang hiling na hindi nya mapag bigyan. Mauunawaan naman siguro marahil ng iba kung sakali mang sundin nya ang nais nito sa ngayon. Matagal nyang hindi ito narinig na nag salita. Taimtim syang umusal ng panalangin na sana mag bago ang isip nito, alang alang man lang sa dinadala nito sa kanyang sinapupunan. Para sa kanya mahalaga ang bawat buhay sa mga kagaya nyang malaki ang pagka takot sa diyos. "Please? Bumaba ka na dyan, handa na akong tulungan ka, pag usa
RAINIER'S POVMasayang mag katabi habang naka upo ang mag kasintahang sina Raiver at Sandra na nasa balkonahe ng mansyon. Naka sandal sa kanyang balikat ang babae habang magka hawak kamay. "Are you excited, huh?" tanong ng binata sa dalaga at bahagya itong inusod palapit sa kanya upang yakapin. "Yes!" naka ngiting tugon nito na bahagya pang tumingala upang tingnan ang mukha ng lalaki. Kapwa sila larawan ng labis na kasiyahan. Sa tinagal tagal kasi ng naging relasyon nila sa kasalan rin pala talaga ang bagsak nila. Kahit marami silang tampuhang dumaan, hindi nito natibag ang matatag na pundasyon ng relasyon nila kaya alam nila pareho na sapat na iyon upang humubog ng sariling pamilya. Handa na rin naman si Rainier sa bagong buhay na tatahakin nya bilang pamilyadong tao. Halos walong taon na ang relasyon nila ng babae. Nagawa nil
Handa na ang lahat, hindi mag kamayaw ang lahat ng mga bisita sa sobrang excitement. May video coverage pang naga ganap. Lahat na ku- curious sa hitsura ng mga ikakasal at ang iba naman ay huma hanga dahil sa tagal ng naging relasyon ng mga ito, sa wakas ay tuluyang nang magiging opisyal na mag asawa. Ang mga ibang kababaihan naman halata sa mukha ang inggit sa magandang kapalaran ng mga ito. "Bagay nga talaga sila." masayang sabi ng ilan. "Tiyak na magiging unforgetable ang araw na ito sa dalawa. Sobrang nakaka hanga sila. Ang galing nilang mag dala ng relasyon." maya maya ay sabi pa rin ng isang babae na malapit sa kanya. Mas lalo tuloy syang nakaka ramdam ng matinding kaba at takot matapos na marinig ang mga maga gandang bagay na naririnig nya sa paligid para sa dalawang taong naka takda nyang sirain. Parang nako konsensya na sya hindi
Dahil sa matinding kahihiyan at sama ng loob hilam sa luha ang mukha ng babeng ikakasal na nag tatakbo palabas ng simbahan, hindi na nya alintana ang mga matang naka sunod ng tingin sa kanya. "Sandra!" ngunit hindi na nya pinag aksayahan ng panahon na lingunin pa ang taong tumawag sa kanya. Dire- diretso lang syang nag lakad palabas. Malinaw nyang naririnig ang ilang mga bulong bulungan na narinig nya sa paligid habang papalabas. Hindi nya lubos maisip na magiging ganito lang pala ang kahahan tungan ng ilang taon nilang pag hahanda para lang maisaka tuparan ang kanilang pagiging totoong mag asawa. Isang iglap lang biglang mag babago ang lahat sa kanila. Hindi rin maka paniwala ang mga naging bisita sa mga narinig buhat sa hindi ina asahang panauhin. Ang alam nya kilalang kilala na nya ang kanyang mapapa ngasawa, mabait, responsable, at higit sa lahat mahal na mahal na sya. Hindi pa pa
Dahil sa sobrang bilis ng ginagawang pag papatakbo ni Rainier ng sasakyan, na untog sa dashboard ang noo ni Kate dahilan para ito dumugo. Hindi naman nya inasahang mawawalan ito ng malay tao. Napa buntong hiningang nai hinto nya ang sasakyan sa gilid at inayos muna ito. Inabot nya ang tissue na nasa dash board upang punasan ang noo nitong may sugat at dumudugo. Dahil walang malay ang babae, noon nya na pansin ang mukha nito. Maganda ang bilugan nitong mukha, matangos ang ilong at may kakapalang kilay at mahahabang pilik mata na binagayan ng mapupula at manipis ang labi nito. At mahaba rin ang buhok. May nag uudyok sa kanyang nag sasabi na nakita na nya ito ngunit hindi sya sigurado kung saan at kailan. 'Hindi kaya isa rin sya sa mga babaeng minsan ko ng naka sama sa kama noon?' piping bulong nya sa sari
"Who are you, woman?" Malamig at malagong na tinig na tanong nito sa kanya. Madilim ang awra nito habang naka tunghay sa kanya at walang ibang emosyon ang mababakas roon. Matatalim ang mga mata nito na akala mo sa ganoong paraan ay kaya nitong manakit. "I- I'm s- sorry." nanginginig ang kalamnan na sabi niya. Mahirap pala salubungin ang mga tingin nito na parang mas gugustuhin mo pang bumuka na lamang ang lupa at lamunin ka kesa ang makaharap ito. "Im sorry? What do you think your sorry can do? Mai babalik ba niyan ang lahat ng nasira sa amin? Kaya mo bang ayusin ang ginulo mo kanina lang? Damn it!" galit na bulyaw nito sa harapan niya. Napa pitlag pa sya sa lakas ng pag kaka- sabi nito. Yumuko sya dahil hindi niya kayang labanan ang mga mata nitong nag babaga sa galit para sa kanya. Hindi nga naman biro biro lang ang gina