Share

2.⚫️

This story is RATES SPG‼️

Not suitable for young readers

and SENSITIVE readers ‼️

READ AT YOUR OWN RISK ⚠️

Agad na bumangon si Apol nang magising.

"Nasaan ako?" agad niyang kinapa ang sarili. Nakahinga ang dalaga ng maluwag nang makitang walang sugat at buo pa ang kanyang katawan. "Hay, salamat naman at buhay pa ako," ani niya.

Nilibot ni Apol ng tingin ang paligid, walang ibang tao bukod sa kanya. Kinapa niya ang kama na kanyang hinigaan. “Grabe ang lambot naman nito, halatang mamahalin!” Hindi katulad ng sapin nila sa kanilang bahay na bukod sa luma na ay ubod pa ng tigas, dahil papag lamang iyon na gawa sa plywood.

Naalala niya ang nangyari. "Apol, ang pagtakas ang dapat mong isipin!” Kastigo niya sa sarili sabay kutos sa kanyang ulo. Imbis pagtakas ang isipin kung ano-ano pa ang napupuna niya.

Kailangan niyang tumakas habang hindi pa nagagawa ng mga ito ang masamang balak sa kanya. Hindi lang talaga niya mapigilan na mamangha sa kama. Bata palang kasi siya ay pangarap na nilang magkapatid na makahiga sa ganitong klase ng higaan.

Oo nga pala, kailangan niyang tumakas bago pa butasin ang tiyan niya at kunin ang lamang loob niya.

Napalunok siya.

Maisip palang ni Apol na aalisin siya ng mga lamang loob, pinanghihinaan na siya ng loob at pinangangatugan ang tuhod dahil sa takot.

Dahan-dahan at walang ingay siyang naglakad papunta sa pinto. Kailangan niyang tumakas ngayon habang wala pa ang mga lalaki at matandang babae na nagdala sa kanya dito.

Pagbukas ng pinto ni Apol ay nagulat siya. Nasalubong ng dalaga ang matandang babae na nag-utos na dakpin siya. Takot na takot na umatras siya.

'Wag kang magpahalata ng takot, Apol!' Aniya sa sarili. Kailangan mukha siyang matapang at palaban.

"W-Wag ka pong lalapit! P-Pumapatol po ako sa matanda! M-Marunong po ako mangarate!" Pagmamatapang pa ni Apol habang iwinawasiwas ang dalawang kamay sa ere na animo ay marunong talaga mangarate.

Pigil ng matandang babae na si Miss Carol ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. "Huwag kang mag-alala dahil walang mananakit sa iyo. Siya nga pala," Yumukod siya ng bahagya. "Ako nga pala ang mayordoma ng lugar na ito, tawagin mo na lang akong Miss Carol."

Wala raw mananakit sa kanya. Kahit paano ay nakahinga si Apol ng maluwag. Akala niya ay nanganganib ang buhay niya pero mukhang hindi naman pala.

"Ako naman po pala si Apol. Ikinagagalak po kitang makilala." Ani ng dalaga na yumukod rin sa harapan ng matanda.

"Sumunod ka dahil kailangan mo nang sukatan." Ani ng matanda bago nagpatiunang maglakad.

Katulad ng sinabi ng matandang babae, sumunod si Apol rito. Susukatan na marahil siya para kapag magsisimula na ang kanyang trabaho ay mayroon na siyang maisusuot.

Napanganga si Apol habang nililibot ang tingin sa paligid. Lahat ng kanyang nakikita ay pawang mga mamahaling bagay. Mula sa chandelier na naglalaki, sa mga pigurin na mukhang babasaging crystal, mga painting na halatang nililok ng mga magagaling na pintor. Lahat ng narito ay halatang mamahalin. Mukhang mas mahal pa ito sa buhay ng isang katulad niyang mahirap pa sa daga.

Nang huminto ang dalaga sa paglalakad, nakakita siya ng isang larawan ng pamilya. May dalawang mag-asawa na tila galing sa Hollywood sa kanilang kagandahan at kagwapuhan. Sa pagitan ng mag-asawa ay isang batang lalaki na tila sampung taong gulang sa paningin niya. Ang bata ay kaakit-akit at gwapo tulad ng kanyang mga magulang.

Agad siyang sumunod sa matandang babae nang ito ay tumikhim na para bang nag-uutos na bilisan niya ang pagtakbo. Habang sila ay bumababa ng hagdanan, hindi niya maiwasang mapahanga. Ito ang unang pagkakataon niya na nakakita ng isang napakalaking bahay— oops! Hindi ito bahay kundi isang palasyo. Napakalaki at napakalawak nito. Mukhang napakayaman ng mga magiging amo niya. Sinabi ng matanda sa kanya na hindi siya sasaktan. Tilang pinatulog lang siya para hindi niya maalala ang daan papunta rito. Marahil takot itong maagnas.

Nagpatigil sila sa harap ng isang malaking pinto. Sa pagbukas ng pinto, nakita niya ang anim na lalaki na parang mga babae dahil sa kanilang kolorete sa mukha. Agad siyang nilapitan ng anim nang umalis ang matandang babae. May mga nagtatahi sa kanya, may nag-aayos ng iba't ibang alahas, at may nagmemeasure ng kanyang paa at daliri. Bagaman nakakapagod, nagtiis siya. Kung ito ang proseso bago tanggapin sa trabaho, handa siyang tanggapin.

"Kasama, bakit kailangan niyong sukatin ako ng mga 'yan?" tanong niya habang tinitingnan ang mga mamahaling alahas. "Hehe, paumanhin. Nagtataka lang ako kung bakit kailangan din akong mag-alahas. Empleyado lang naman ako dito at hindi ko pa alam ang aking gagawin." Nagkatinginan ang mga ito sa kanyang sinabi. "Gaano na kayo katagal dito? Magkano ang sahod niyo?" tanong niya subalit walang isa man ang sumagot kaya napahiya siya at itinikom ang labi. Pagdating ng matandang babae, natapos na ang ginagawa ng anim.

Muling sinundan siya ng matanda. Umakyat sila sa ikatlong palapag ng palasyo. Tama nga, palasyo ang tawag dito. Mas angkop ito kaysa bahay dahil sa laki nitong mala-palasyo.

Pagdating nila sa ikatlong palapag, sila ay nagtungo sa pinakadulong kwarto. Hiningal siya dahil sa layo ng kanilang nilakad. Sa ganitong kalaking palasyo, dapat mayroong elevator. Tiyak na mas mapapagod ang mga nagtatrabaho rito sa pag-akyat-baba kaysa sa kanilang trabaho.

Huminto sila sa tapat ng isang pinto. Mas malaki ang pintong ito kumpara sa mga nadaanan nila kanina. Bigla itong bumukas sa gitna kaya medyo napatalon siya sa gulat.

Pagpasok nila, tumambad sa kanya ang puro libro. Kahit saan niya itinuon ang kanyang mata, puro libro ang kanyang nakikita.

Mukhang mahilig sa libro ang magiging amo niya.

"Nandito na siya, Mr. X." Yumukod ang matandang babae sa lalaking nakaupo sa swivel chair patalikod sa kanilang pwesto. Hindi niya maipaliwanag, ngunit bigla na lamang lumamig ang kanyang pakiramdam at tumayo ang mga balahibo niya.

"Aalis na ako, Mr. X." Bago umalis, nagbigay-galang muli ang matanda at iniwan na siya.

Napasinghap siya nang humarap sa magiging amo niya, hindi dahil sa takot, kundi sa sobrang paghanga. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakakita ng ganitong kagwapo. Tila isang hari… mali siya... hindi ito isang hari kundi isang kontrabidang demonyo. Nakakatakot ang kanyang presensya. Mukhang hindi ito isang hari na kayang iligtas ka; mas tila nitong bawian ng buhay. Bukod doon, napakalaki ng kanyang katawan. Isang suntok lang mula sa kanya ay maaaring magdulot kaagad ng kamatayan. Nakakatakot ang malamig at mapanuring tingin niya. Kahit hindi pa siya nagsasalita, ang kanyang pagmamasid ay sapat nang panginginig sa sinumang humaharap sa kanya. Ang kulay itim ng kanyang mga mata ay tila handang dalhin ka sa kailaliman ng kadiliman. Napakagwapo nga subalit may kapanganibang anyo.

Sa nanginginig na tuhod, yumukod siya sa harap nito. "S-Sir, a-ako nga po pala si Apol Lanchester. N-Nandito po ako para mag-apply ng trabaho."

Pinanatili niya ang pagkakayuko ng kanyang ulo. Hindi niya kayang tumingin sa kulay itim na mga mata nito. Natatakot siya dahil sa nakakatakot na presensya nito.

Para itong isang hari... isang malupit na hari.

"H-Hindi po kayo magsisisi sa oras na tanggapin niyo ako sa trabahong ito. M-Masipag po ako at madaling matuto. S-Sanay ako sa lahat ng trabaho—"

"Come here."

Napalakas ang tibok ng kanyang puso nang marinig ang malagom na boses nito. Malamig, nakakatakot, at lalaki ang kanyang boses.

"Do I really need to repeat myself?"

Nataranta siya nang makita ang nag-isang linya ng kilay nito. Mabilis siyang lumapit na nakayuko.

Napapitlag siya nang hawakan nito ang kanyang baba at iangat ito. Mas pinili niyang pumikit kaysa harapin ang mata nito. Damang-dama niya ang pagsuri nito sa kanya.

Dahan-dahan siyang dumilat. Ganoon nalang ang paglunok niya nang magtama ang kanilang mga mata.

"H-Hehe, s-sir, lilinawin ko lang po... h-hindi po ako tumatanggap ng extra service. M-Marangal na trabaho po ang hanap ko." Kandautal na sabi niya. Hindi niya gusto ang tingin nito sa kanya. Kahit nakapikit siya kanina, dama niya na para siyang hinuhubaran.

Tumiim ang mata nito nang marinig ang sinabi niya. Nahigitan niya ang hininga nang tumayo ito sa harapan niya.

'Diyos ko! Para itong kapre sa laki!' Mukhang nasa 6'3 ang taas nito. Kumpara sa kanyang 5'2 na taas, nagmukha siyang bata sa harap nito.

Magkakasunod siyang napalunok nang yumuko ito. Halos magkanda-duling-duling siya sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Amoy niya ang mabangong hininga nito.

"Well, being my wife is a decent job."

"P-Po? A-Ano po?" Sinundot pa niya ang tenga. Baka nabingi lang siya.

"You heard it right, Apol. You are here to become my wife."

Comments (6)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
desenting trabaho nga naman ang maging isang asawa apol
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Welcome po🫶🫶🫶 Enjoy reading po🫶🫶🫶 Thank you po sa support🫶🫶🫶🫶
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Welcome po🫶🫶🫶 Enjoy reading po🫶🫶🫶 Thank you po sa support🫶🫶🫶🫶
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status