[Apol]
Mabilis pa sa alas kwatro na pumikit siya. "Lord, thank you dahil nakapag asawa ako ng gwapo at napakayaman! Wala na akong hahanapin pa dahil full package na po ang binigay mo. Tuyo lang ang dasal ko no'n pero embutido ang binigay mo! Ang bait mo talaga sa'kin!" Pangbawe niya sa lahat ng mga dasal niya kanina.Sana lang ay hindi nito narinig ang mga unang sinabi niya kanina dahil baka malintikan siya. Ayaw pa niya mamaalam sa mundo ng maaga. Sa susunod talaga ay mag iingat na siya sa pananalita. Ayaw naman niyang pumanaw nang maaga at dito pa sa islang ito kung saan malayo sa kapatid niya.Hindi siya dumilat. Bahala nang mangalay ang binti niya sa pagtayo rito, basta hinding-hindi siya didilat. Baka kasi pagdilat niya ay mayro'n ng baril na nakatutok sa kanya.Unti-until siyang nagmulat ng mata nang maramdaman ang mainit at mabangong hangin na tumatama sa kanyang mukha. Muntik na siyang mahimatay sa takot ng pagdilat niya ay sobrang lapit ng mukha nito sa kanya, sa sobrang dilim ng mukha nito ay talagang matatakot ang kahit sino.Handa na sana siyang lumuhod at humingi ng tawad ng hawakan ng malaking kamay nito ang mukha niya. Ang kulay itim nitong mga mata ay diretsong nakatingin sa kanya. "Well, I'm sorry because God will never grant your first wish. You are trapped in the demon in front you and you have no choice but to stay with me." Sa unang pagkakataon ay gumuhit ang ngisi sa labi nito.Ngising nakakatakot!"Ang demonyong sinasabi mo ay magiging asawa mo na, sa tingin mo ba ay makakawala ka pa? Sa oras na makasal na tayong dalawa ay wala ka nang magagawa pa kaya tanggapin mo nalang ang kapalaran mo." Bawat katagang binibigkas nito ay may diin para ipaintindi sa kanya ang ibig nitong sabihin.Paulit-ulit niyang kinagat ang loob ng bibig dahil ayaw niyang umiyak. Pero kahit gaano kadiin ang kagat na gawin niya ay wala iyong talab kumpara sa takot at pagkabigo na nararamdaman niya ngayon kaya tuluyan na siyang napaluha. Wala na daw siyang kawala. Ibig sabihin ay makukulong siya sa mala-impiyernong lugar na ito kasama ito. Naiwan siyang umiiyak, hindi niya magawang tumahan dahil sa sobrang sama ng loob. Nagagalit siya kay Camille. Paano nito nagawang gawin ito sa kanya? Akala niya ay kaibigan niya ito pero hindi pala dahil dinala siya nito sa kapahamakan.Katulad ng sinabi nina Ester at Rima, pili lang ang binibigyan ng gold card. Ibig sabihin ay alam ni Camille ang tungkol sa card. At dahil ayaw nitong magpakasal kay Mr. X ay sa kanya nito pinasa ang kapalaran. Pero bakit hindi man lang nagtaka sila Mr. X na iba ang babaeng dumating? Basta ba hawak ang card ay ayos na 'yon rito?Kung alam lang niya ay hindi nalang sana siya nag apply at naghangad ng malaking sahod. Kumayod nalang sana siya ng kumayod kahit kakarampot lang ang kita. Mas lalo lamang siyang naluha nang maalala ang kapatid niya. Kailangan niya ng malaking pera para sa panganganak at operasyon nito. Pero paano siya makakapagpadala ng pera dito kung wala naman siyang trabaho? Paano kung mapahanak ito? Paano na ito at ang pamangkin niya."A-Ate Alena..." Puno ng pag aalala at pangugulilang iyak niya.*****Kinabukasan ay nagtaka siya dahil mayro'ng pumasok na sampong kababaihan sa kwarto niya. Nakatali paitaas ang mga buhok ng mga ‘to at nakapormal black suit."Miss Lanchester, pinapasundo na kayo ni Mr. X. Sumunod po kayo." Magalang at nakayukong wika ng nasa gitna.Katatapos lang niyang maligo at magbihis. Akala niya ay sa dining hall sila tutungo pero hindi pala. Napapikit siya at nagtakip ng tenga dahil sa malakas na hangin at ingay na nagmumula sa chopper.Sasakay sila ng chopper? May hinalang pumasok sa isip niya. Hindi kaya naawa sa kanya si Mr. X kaya ihahatid na siya nito pabalik? Impit siyang napatili sa naisip. Akala niya ay wala itong puso pero mayro'n naman pala.Pagkatapos maglagay ng headphone sa tenga ay umagat na sila sa ere. Ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa ibaba. Todo usod siya sa gilid para hindi magdikit ang katawan nila ni Mr. X. Iniwasan niyang tumingin dito dahil bukod sa malamig ang ekspresyon ng gwapo nitong mukha ay ang dilim din ng awra nito, nakakatakot. Salamat naman at huli na nila itong pagkikita. Kapag nakauwi siya ay sisiguraduhin niya na kahit sa panaginip ay hindi na ito sasagi sa isip niya.Napaawang ang labi niya habang nakasilip sa ibaba. Napakalaki ng isla na pag aari ni Mr. X. Kahit malayo na sila at nasa taas ay tanas na tanaw pa rin niya ito. Marami din siyang nakitang mga yate at malalaking barko sa paligid ng isla. Nakakalula naman ang mga arí-arían nito.Kumunot ang noo niya nang bigla siyang may naalala. Bakit kaya hindi siya pinatulog o nilagyan ng piring sa mata katulad no’ng unang ginawa sa kanya? Nagkibitbalikat nalang siya. Nakangiting binaling niya muli ang paningin sa isla. Hanggang sa nakatulog siya.Nang magising siya at nilibot niya nang tingin ang paligid. Nasa isang kwarto siya at halatang mamahalin din ang kagamitan. Kung katulad ito ng mga gamit sa isla ay iisipin niyang bumalik siya rito. Sino kaya ang bumuhat sa kanya papunta sa kwartong ito? Sana ginising nalang siya para hindi naman nakakahiya. Nag abala pa ang mga ito na buhatin siya."Mabuti at gising ka na."Napahawak siya sa dibdib sa gulat. Namilog ang mata niya ng makita si Miss Carol. Sa pagkakatanda niya ay hindi nila ito kasama ni Mr. X. Eh ano ang ginagawa nito ngayon dito?"Ikaw ba ang maghahatid sa akin, Miss Carol?" Nang tumango ito ay ngumiti siya at nagpasalamat rito. Ang swerte naman niya dahil ihahatid pa siya. Tamang-tama dahil wala rin siyang pamasahe pauwi."Pumasok na kayo at ayusan na siya." Wika ng matanda.Bumukas ang malaking pinto at mayro'ng pumasok na nasa kinse katao. Bawat isa ay mayro'ng dalang kahon."Sandali, ano ang gagawin nila, Miss Carol?" Takang-taka na tanong niya ng palibutan siya ng mga ito.Nangilabot siya ng ngumiti ang matanda sa unang pagkakataon sa kanya. Imbis kasi maganda ang ngiti nito ay nagmukha itong mangkukulam sa mga fairytale."Aayusan ka at pagagandahin bago kita ihatid."Nakahinga siya ng maluwag sa paliwanag ng matanda. Ilang beses na siyang muntik matumba habang inaayusan siya. Nakakaantok at nakakabagot. Maganda naman siya pero bakit parang ang tagal siya ng mga ito inayusan. Pinasuot pa siya ng napakalaking gown na kulay ginto. Oo, maganda ang gown. Pero bakit naman kailangan naka-gown pa siya na uuwi? Baka mapagkamalan siyang reyna ng santa crusan ng mga tao sa kanila."Good job!" Wika ni Miss Carol na pumalakpak pa ng tatlong beses. Matapos yumuko ng mga nag ayos sa kanya ay sabay-sabay na nagsi-alis na ang mga ito.Nang tumayo siya ay napangiwi siya. Bakit ang bigat naman yata ng suot niyang gown. Yumuko siya at tinitigan ang mga kulay ginto na palamuti sa suot niya. Mukhang mga tunay... Teka, bakit parang totoo ngang ginto ang mga 'to?Natuon ang atensyon niya kay Miss Carol nang hawakan siya nito sa balikat. "Sa wakas ay ikaw na ang huli."Naguluhan siya. "Po?" Ang huling uuwi ba ang ibig nitong sabihin?Sa isang limousine pa sila sumakay ni Miss Carol. Nakapagtataka man ay hindi na siya nagtanong pa. Ang mahalaga ay uuwi na siya. Ang sabi nila Ester at Rima ay hindi na nakakaalis ng isla ang sinuman na narito. Kaya isa lang ang ibig sabihin nitong nangyari sa kanya ngayon--- Ay swerte!Kumunot ang noo niya dahil may nagbukas pa sa kanya ng pintuan. Mas lalo siyang nagtaka dahil napakaraming lalaki na mayro'ng iba't ibang armas ang nakakalat sa paligid.Huminto siya sa paghakbang at lumingon sa matanda. "Miss Carol, hindi po dito ang bahay ko. Bakit nasa simbahan tayo?"Tumayo ng tuwid ang matanda at seryosong nagsalita. "Sumunod ka nalang kung ayaw mong magalit si Mr. X." Kasabay ng pagsasalita nito ay siya naman ang kasa ng mga armas ng mga lalaki sa paligid nila kaya napapitlag siya at napalunok.Nabigla siya ng mayro'ng ilagay si Miss Carol sa ulo niya at humarang ang kulay gintong tela nito sa mukha niya.Natigilan siya nang mapagtanto na isang belo ang ipinatong sa ulo niya. Bakit naman kaya nilagyan siya ng belo?Nanlaki ang mata niya at napaawang ang labi ng bumukas ang malaking tarangkahan ng simbahan. Sa loob ay napakaraming mga bisita na nakaputi, at lahat ay hindi niya kilala. Bakit ang daming tao, ano ba ang mayro’n?Gano'n nalang ang panlalamig ng katawan niya ng sa dulo ay nakita niya si Mr. X na naghihintay sa kanya. Gusto man niya purihin ito dahil napakagwapo nito sa suot na black suit ay hindi niya magawa.Sobrang bilis ng kabog ng dibdib niya dahil sa kaba. May hinalang nabuo sa isip niya."M-Miss Carol-" Natigil siya sa pagsasalita ng tumikhim ang matanda ng may kalakasan na tila nagbabanta. Nang ilibot niya ang tingin sa paligid ay nagkalat ang mga tauhan ni Mr. X na tila nagsasabi na wala na siyang takas pa."You may kiss the bride!"Iyon lang ang natandaan niya sa sinabi ng pari sa kanila dahil hindi siya makapagsalita sa labis na pag iyak. Tama nga naman ang sinabi ni Miss Carol na ihahatid siya- Pero hindi sa bahay nila kundi sa simbahan.Kasal na siya ngayon kay Mr. X. At katulad nga nang sinabi nito ay wala na siyang takas pa. Kasal na siya sa isang Mafia Boss!Maraming salamat sa mga followers ko na patuloy na nakaabang sa mga stories na ginagawa ko. Enjoy reading po🥰 Please support my SERIES‼️ MAFIA BOSS SERIES🖤 TRAPPED SERIES🖤 LOVE SERIES🖤
[Apol]Tatlong araw na ang nakalipas simula nang maikasal sila pero hanggang ngayon ay hindi niya 'yon matanggap. Ang bilis nang pangyayari, trabaho lang ang gusto niya pero asawa ang nagkaro'n siya."Mrs. Helger, nakahanda na ang pagkain at naghihintay na si Mr. X sa ibaba." Hindi niya pinansin si Miss Carol. Walang kabuhay-buhay siyang tumayo at lumabas nang kwarto.Masama ang loob niya rito. Pakiramdam niya ay niloko siya nito. Hindi kasi nilinaw nito sa kanya na kasal na pala ang pupuntahan nila. Umasa pa naman siya na ihahatid siya nito pero mali ang akala niya. Pakiramdam tuloy niya ay pinagkaisahan siya.Naabutan niya si Mr. X na nakaupo nang tuwid habang walang kasing lamig ang ekspresyon ng mukha. Wala nang bago rito, araw-araw naman kasing ganito ang hilatsa ng mukha nito. Napangiwi siya nang tumunog ng malakas ang tiyan niya. Gutom na gutom na talaga siya. Sinong hindi magugutom, eh halos tatlong araw na rin siyang hindi kumakain ng maayos. Pakiramdam niya ay binabalatan s
[Apol]"Pinatay?" Natuptop niya ang bibig sa pagkabigla. "Grabe, nakakaawa naman pala si Mr. X... masakit pala ang nangyari sa mga nauna niyang asawa." Awang-awa na siya rito. "Napakasakit pa naman ng mawalan ng mahal sa buhay."Naging malikot ang mata ni Ester na animo'y takot. "P-Pinatay silang apat ni Mr. X." Ani Ester."P-Pinatay sila ni Mr. X?" Kung kanina sila Rima at Ester lang ang namumutla, ngayon ay pati na siya. Nawalan ng kulay ang mukha niya, at tila matutumba pa siya sa pagkabigla.Kahit takot ay nagkwento si Rima. "Silang apat ay natagpuan na duguan at wala nang buhay sa loob ng kwarto ni Mr. X. Marami ang usap-usapan na pinatay ang iba dahil may nilabag sila, pero ang sabi naman ng iba namatay daw ang ibang asawa niya dahil da halik niya."Namatay sa halik?"Ano naman ang kinalaman ng halik do'n? May lason ba ang halik ni Mr. X? O baka naman mabaho ang hininga niya." Umiling-iling siya. Imposible naman 'yon dahil naamoy na niya ang hininga nito. Mabago at nakakahalina k
[Apol]"Nasaan si Mr. X, Miss Carol?" Tanong niya sa matanda habang nagpalinga-linga sa paligid."Umalis siya ngayon, Mrs. Helger. Baka tatlong araw pa ang balik niya." Sagot nito. Tumalikod siya at mahinang napa-yes. Salamat naman at wala ito ngayon. Makakalabas siya ng kwarto at makakapaglibot ng malaya at hindi natatakot na baka makita siya.Ginawa niya ang lahat para iwasan si Mr. X. Nagdadahilan siya na hindi pa rin maganda ang pakiramdam niya kaya naman sa kwarto pa rin siya kumakain. Kapag makakasalubong naman niya ito ay agad siyang lumiliko, o umiiwas para hindi siya nito makita. Mas mabuti nang umiwas siya rito kaysa naman mapadali ang buhay niya.Oo, nagpapasalamat siya sa pagtulong nito sa kapatid niya, pero kalaunan ay narealized niya na ginawa iyon ni Mr. X para ipabatid sa kanya na alam nito ang lahat tungkol sa kanya— Na kapag tumakas siya, o may ginawang hindi nito nagustuhan ay malalagot siya, o madadamay ang pamilya niya. Iyon ang dating sa kanya ng ginawa nito. Ma
[Apol]Umupo si Mr. X at iniluhod ang isang tuhod sa marmol. Hinawakan nito ang laylayan ng kanyang suot at walang pag iingat na hinila ito dahilan para mapalapit ng husto ang katawan niya rito."S-Sandali po, Mr. X—" Wala siyang nagawa kundi ang mapasinghap nalang ng hawakan nito ang tela sa tapat ng dibdib niya at padaskol siyang hilahin para magpantay ang mukha nila. "M-Mr. X, h-hindi po ako makahinga—" "Scared to death, huh?" Tila natutuwa pang usal nito.Umiling-iling siya. Sinong makakahinga, eh hawak nito ng mahigpit ang suot niya, tapos halos masakal pa siya sa paraan ng pagkakahawak nito sa kanya. "N-Nasasakal mo po kasi ako." Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para paluin ang kamay nitong nakahawak sa harapang-tela ng damit niya. Nakahinga siya ng maluwag nang bitiwan siya nito. Nang makabawi ng hangin ay masama niya itong tiningnan. "Balak mo ba akong patayin, ha?! Pwede mo naman ako kausapin ng hindi hinahawakan, ah! Saka bakit inapakan mo ang dress ko
Samantala.Kanina pa hindi paroon at parito sa paglakad si Alena sa tapat ng apartment ni Camille. Mahigit isang linggo nang hindi umuuwi ang kapatid niyang si Apol kaya nababalot na nang pag aalala ang kanyang dibdib. Oo nga at nagpadala ito ng pera para pangpacheck up at laboratory niya pero hindi siya naniniwala na galing ito sa kapatid niya.May usapan sila na sasamahan siya nito na magpunta ng hospital. Kilala niya ang kapatid. Mayro'n itong isang salita. Kaya hindi siya naniniwala na magpapadala lang ito ng pera sa kanya. Sabay pa naman silang excited na malaman kung babae ba o lalaki ang anak niya."Buntis, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala nang nakatira ri'yan. Lagpas isang linggo na nang umalis si Camille sa apartment niya. Sinasayang mo lang ang oras mo sa pagbalik mo rito. Mabuti pa ay magpahinga ka na. Hindi ba't malapit ka nang manganak?" Ani Aling Terry. Ito ang landlady ni Camille."Halos magdadalawang linggo na po?" Napahawak si Alena sa dibdib nang maramdama
[Apol]Isang malakas na singhap ang kumawala sa labi ni Apol nang magising siya. Sa kabila ng lamig sa kwarto niya ay ramdam niya ang pawis sa noo niya. Hindi niya maintindihan pero sobrang kinakabahan siya.Sa panaginip niya ay nag aagaw buhay daw ang Ate Alena habang nanganganak."Diyos ko, bantayan niyo po at panatilihing ligtas si Ate Alena." Paulit-ulit niyang dasal. "Sorry, ate ha. Alam kong may usapan tayo na sasamahan kita sa hospital para malaman kung ano ang gender ni baby... So-Sorry kasi hindi na yata ako makakauwi." Hindi niya mapigilan ang maluha. Kahit panaginip lang 'yon pero parang totoo.Pinahid niya ang luha at saka bumuga ng hangin para kahit paano ay gumaan ang dibdib niya. May maayos na tirahan at may perang pantustos na ang kapatid niya, sapat na 'yon para kahit paano ay mabawasan ang alalahanin niya sa dibdib. Siguro naman hindi nagsisinungaling sa kanya si Mr. X nang sabihin nitong wala nang problema pagdating sa financial ang kapatid niya."Mrs. Helger, naghih
[Apol]Mabilis na iniyuko niya ang ulo. Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang napalunok ng laway habang nakapikit. Hindi naman siguro nito narinig ang mga sinabi niya, di'ba? Saka kung marinig man nito, hindi naman siguro ito magagalit dahil hindi naman niya binanggit ang pangalan nito... errrr hindi nga ba?"Follow me." Anito bago nagpatiunang maglakad. Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay magagalit na naman ito sa kanya. Katulad ng sinabi nito ay sumunod siya rito. Pagdating sa office nito ay mayro'n silang naabutan na limang may edad na kababaihan. Napapunok siya sa tingin ng mga ito. Hindi pa nagsasalita pero parang namimintas na ang tingin. Kumbaga, nakapa-instrikta ng mga dating."Train her well in three days. My grandfather's birthday party is coming. I want her to learn how to act like a high class profile. Ayaw kong mapahiya kaya gawin niyo ng maayos ang trabaho niyo. Show no mercy while teaching her. Wala akong pakialam kung anong klase ng training ang gawin ninyo
[Apol]"Ihanda mo ang sarili mo at tandaan lahat ng mga itinuro sa'yo. Huwag na huwag kang gagawa ng bagay na ikapapahiya ko. Naiintindihan mo ba?" May diin sa kataga na wika ni Mr. X.Marahan lamang siyang tumango. Hindi niya magawang magsalita, pakiramdam niya kasi ay mayro'ng nakabara sa lalamunan niya. Ganito pala kapag sobrang sama ng loob mo at hindi mo magawang mailabas.Mamayang gabi ay dadalo sila mag asawa sa kaarawan ng lolo nito. Ano kaya ang ugali ng lolo ni Mr. X? Masama din ba? Nakakatakot din kaya ito? Hindi tuloy niya maiwasan ang makaramdam ng kaba. Baka kasi mamaya ay mas malupit pa ito sa apo.Kay Mr. X pa nga lang suko na siya... tapos madadagdagan pa nang isang demonyo ang makakaharap niya. Grabe naman 'yon. Dahil madaling araw palang ay nasa biyahe na sila hindi niya maiwasan ang manginig sa sobrang lamig habang sakay sila ng chopper. Mabuti pa si Miss Carol ay binalot siya ng makapal na jacket para hindi siya lamigin, samantalang ang asawa niya ay tila walang p