[Apol]
"Ano ang ginawa mo dito, Miss Lanchester?" Tanong sa kanya ng lalaking tadtad ng tatto at malaki ang katawan."Ah, eh... Nagpapahangin para bumaba ang kinain. Bakit bawal ba?" Mataray niyang tanong. Gusto lang naman niya tingnan kung tatalab na ang pagiging matapang niya 'kuno' dahil soon-to-wife naman siya ng amo nito. Kunwari ay tumayo siya ng tuwid at pinaningkitan ito ng mata. ""W-Wala po, Miss Lanchester. N-Nagtatanong lang." Magalang nitong sagot sabay yukod bago siya iniwan.Nakahinga ng maluwag. Akala niya ay asawa lang siya sa papel at hindi igagalang pero mukhang mali ang akala niya.Mahina niyang tinuktukan ang ulo at pinaalalahanan ang sarili. "Apol, mag isip ka! Hindi ka pwede maging asawa ng Mafia boss na 'yan dahil mapanganib siyang tao!"Tama... kailangan niyang umisip ng paraan kung paano siya tatakas sa lugar na ito.Napangiti siya bigla ng makita ang dalawang lalaki na nag asikaso sa kanya sa dining hall. "Hi, sa inyong dalawa. Break niyo?" Tanong niya. Napasimangot siya. Paano ay yumukod lang ang dalawa bilang pagbibigay galang, ni hindi ito nagsalita.Lumapit siya sa dalawang lalaki dahilan para mapa-atras ang mga ito. "Kayo naman, magtatanong lang naman ako, e. Bakit parang takot na takot kayo, hindi naman ako kumakain ng tao. May gusto lang naman akong itanong sa inyo.""Pasensya na, Miss Lanchester. N-Ngayon lang kasi may kumausap sa amin na asawa ni Mr. X. N-Naiilang lang po kami." Ani ng isang payat.Tama nga ang sinabi ni Ester at Rima, bukod sa kanya ay nagkaro'n ng iba pang asawa si Mr. X. ‘Hay naku naman. Ipapa-asawa nalang ako ng Diyos, bakit do'n sa babaero pa. Ang malas ko naman, demonyong mafia na babaero pa ang mapapangasawa ko kung sakali.’ Isip-isip niya."Ibig sabihin masungit ang dating asawa ni Mr. X, gano'n ba?" Kunwari ay tanong niya para makakuha ng mas marami pang impormasyon."Alin po sa kanila? Iyong una po ba?" Tanong ng mas payat.Anong una? Ibig sabihin ay may pangalawa pa?Kunwari ay nakangiting tumango siya. Nagsikuhan na ang dalawa na tila nagtuturuan kung sino ang sasagot sa kanya.Sumagot ang payat. "Lahat po ng ex-wives ni Mr. X ay masusungit. Lalo na po 'yong pang-apat." Dugtong nito.Tumango-tango siya. "Ah, apat, ibig sabihin ay—" Muntik ng malaglag ang panga niya ng mapagtanto ang sinabi ng kaharap. "Ano?! Pang-lima ako?!!!" Umalingawngaw sa paligid niya ang malakas niyang sigaw.Napatili siya sa gulat ng bigla nalang may kalalakihang sumupot at tinutukan ng mga baril ang dalawang lalaki."S-Sandali lang po, w-wala po kaming kasalanan, m-may itinatanong lang sa amin si Miss Lanchester..." Hintatakot na paliwanag ng mas payat habang nakalagay sa taas ang dalawang kamay tanda ng hindi paglaban.Akala yata ng mga ito ay sinaktan siya, o binastos dahil sa malakas niyang sigaw.Tumikhim siya at kalmadong tumingin sa mga tauhan ni Mr. X kahit ang totoo ay nanginginig ang tuhod niya sa kanyang mga nalaman. "Wag kayong mag alala dahil napasigaw lang ako sa gulat dahil may narinig- ibig kong sabihin, may nakita akong nakakagulat. N-Nakakita ako ng langgam sa legs ko at kinagat ako." Pagdadahilan niya.‘Naku naman, bakit ‘yon pa ang nadahilan ko? Hindi talaga ako nag iisip.’ Kulang nalang ay kutusan niya ang sarili niya.Napalunok siya. Mukhang hindi ito naniniwala sa mga sinabi niya. "Ayaw niyo maniwala? Sandali." Aniya sabay taas ng bestida para hanapin kunwari ang langgam. Nakahinga siya ng maluwag ng sabay-sabay na tumalikod ang mga ito."Hindi na kailangan, Miss Lanchester. Babalik na kami sa aming mga pwesto." Ani ng lalaking pinakamalaki sa mga ito at nagsisilbing leader.Nang makaalis na ang mga mga tauhan ni Mr. X na mayro'ng hawak na mga baril ay nilingon niya ang dalawang lalaking kausap niya kanina, pero wala na ang dalawa sa kinatatayuan. Grabe, ang bilis naman nawala nang dalawang ‘yon. Parang bulang bigla nalang naglago."Ay, demonyo!" Gulat niyang bulalas ng pagpihit niya ay nasa harapan na niya si Mr. X.Yumuko siya bilang pagbigay galang. Hindi nga maka-tao ang angking kakisigan pero demonyong babaero naman."S-Sandali po, a-ano ang ginagawa mo?" Kabado niyang tanong ng hawakan nito ang laylayan ng dress niya."I will find the ants who'd bite your legs." Malamig ang boses na sagot nito.'Hindi kaya hindi ito naniwala sa pagdadahilan ko kanina?'Iniluhod nito ang isang tuhod sa lapag. Gano'n nalang ang panlalaki ng mata niya ng itaas nito ang bestida niya at malapit nang makita ang panty niya.Paano kapag wala itong nakitang langgam at napatunayan na nagsisinungaling siya? Ibig sabihin ay mapaparusahan siya katulad ng sinabi ni Ester at Rima sa kanya?"W-Wala na po ang langgam, Mr. X... k-kasi kinain ko na siya." Nakahinga siya ng maluwag dahil natigil ito sa pagtaas ng suot niya. Tumingin ito sa kanya na para bang tinitimbang kung nagsasabi siya ng totoo."K-Kinagat niya kasi ako, eh. B-Bilang ganti eh di kinain ko siya. H-Hindi naman pwedeng walang ganti matapos niya akong kagatin, di'ba?" Nakagat niya ang loob ng bibig dahil sa kaba. Nakatingala kasi ito ngayon sa kanya. Katulad ng una niya itong makita ay wala siyang mabakas na emosyon sa mukha nito. Hindi niya tuloy alam kung naniwala nito sa sinabi niya, o hindi."Well, that's good. Kapag sinaktan ka, saktan mo pabalik. Kill them and let them suffered. That's the rules of my world, Apol. And being my soon-to-be-wife, my world will be your world too." Wika ni Mr. X bago siya iniwan.Mahina siyang napahampas sa tuhod para patigilin ito sa pagnginig, at isang mahabang pagbuga ng hangin ang kanyang ginawa. Kanina pa pala niya pinipigil ang kanyang paghinga dahil sa nerbiyos.'My world will be your world too' daw.Pinigilan niya ang mapahikbi. Hindi man lang nito tinanong kung gusto niya sa mundong ginagalawan nito. Kung dito pa nga lang ay takot na siya? Sa mundo pa kaya nito? Ni minsan ay hindi niya ginusto na maging mayaman sa pamamagitan ng pag aasawa ng mayaman. Hindi gano'n ang motto niya sa buhay. Ang magsikap sa pagtatrabaho para umasensyo ang gusto niya.Tumingala siya sa langit saka pumikit at nagdasal. "Lord, bakit naman ang hina ko sa'yo? Trabaho po ang hinahanap ko at hindi asawa. Ayoko po ng asawang dem0nyong gwapo. Okay na po sa akin kahit panget basta maginoo at mabait. Kahit mahirap lang po basta hindi mamamatay-tao, at higit po sa lahat ay please naman, Lord... wag naman babaero."Sana ay pakinggan ng Diyos ang dasal niya. Pangako, mas magpapakabait siyang tao.Gano'n nalang ang panlalaki ng mata niya ng pagdilat niya ay nasa harapan na niya si Mr. X."M-M-Mr. X..."Hello! Sana subaybayan niyo ang story nina Xerxes Helger at Apol Lanchester🖤
[Apol] Mabilis pa sa alas kwatro na pumikit siya. "Lord, thank you dahil nakapag asawa ako ng gwapo at napakayaman! Wala na akong hahanapin pa dahil full package na po ang binigay mo. Tuyo lang ang dasal ko no'n pero embutido ang binigay mo! Ang bait mo talaga sa'kin!" Pangbawe niya sa lahat ng mga dasal niya kanina. Sana lang ay hindi nito narinig ang mga unang sinabi niya kanina dahil baka malintikan siya. Ayaw pa niya mamaalam sa mundo ng maaga. Sa susunod talaga ay mag iingat na siya sa pananalita. Ayaw naman niyang pumanaw nang maaga at dito pa sa islang ito kung saan malayo sa kapatid niya. Hindi siya dumilat. Bahala nang mangalay ang binti niya sa pagtayo rito, basta hinding-hindi siya didilat. Baka kasi pagdilat niya ay mayro'n ng baril na nakatutok sa kanya. Unti-until siyang nagmulat ng mata nang maramdaman ang mainit at mabangong hangin na tumatama sa kanyang mukha. Muntik na siyang mahimatay sa takot ng pagdilat niya ay sobrang lapit ng mukha nito sa kanya, sa sobrang d
[Apol]Tatlong araw na ang nakalipas simula nang maikasal sila pero hanggang ngayon ay hindi niya 'yon matanggap. Ang bilis nang pangyayari, trabaho lang ang gusto niya pero asawa ang nagkaro'n siya."Mrs. Helger, nakahanda na ang pagkain at naghihintay na si Mr. X sa ibaba." Hindi niya pinansin si Miss Carol. Walang kabuhay-buhay siyang tumayo at lumabas nang kwarto.Masama ang loob niya rito. Pakiramdam niya ay niloko siya nito. Hindi kasi nilinaw nito sa kanya na kasal na pala ang pupuntahan nila. Umasa pa naman siya na ihahatid siya nito pero mali ang akala niya. Pakiramdam tuloy niya ay pinagkaisahan siya.Naabutan niya si Mr. X na nakaupo nang tuwid habang walang kasing lamig ang ekspresyon ng mukha. Wala nang bago rito, araw-araw naman kasing ganito ang hilatsa ng mukha nito. Napangiwi siya nang tumunog ng malakas ang tiyan niya. Gutom na gutom na talaga siya. Sinong hindi magugutom, eh halos tatlong araw na rin siyang hindi kumakain ng maayos. Pakiramdam niya ay binabalatan s
[Apol]"Pinatay?" Natuptop niya ang bibig sa pagkabigla. "Grabe, nakakaawa naman pala si Mr. X... masakit pala ang nangyari sa mga nauna niyang asawa." Awang-awa na siya rito. "Napakasakit pa naman ng mawalan ng mahal sa buhay."Naging malikot ang mata ni Ester na animo'y takot. "P-Pinatay silang apat ni Mr. X." Ani Ester."P-Pinatay sila ni Mr. X?" Kung kanina sila Rima at Ester lang ang namumutla, ngayon ay pati na siya. Nawalan ng kulay ang mukha niya, at tila matutumba pa siya sa pagkabigla.Kahit takot ay nagkwento si Rima. "Silang apat ay natagpuan na duguan at wala nang buhay sa loob ng kwarto ni Mr. X. Marami ang usap-usapan na pinatay ang iba dahil may nilabag sila, pero ang sabi naman ng iba namatay daw ang ibang asawa niya dahil da halik niya."Namatay sa halik?"Ano naman ang kinalaman ng halik do'n? May lason ba ang halik ni Mr. X? O baka naman mabaho ang hininga niya." Umiling-iling siya. Imposible naman 'yon dahil naamoy na niya ang hininga nito. Mabago at nakakahalina k
[Apol]"Nasaan si Mr. X, Miss Carol?" Tanong niya sa matanda habang nagpalinga-linga sa paligid."Umalis siya ngayon, Mrs. Helger. Baka tatlong araw pa ang balik niya." Sagot nito. Tumalikod siya at mahinang napa-yes. Salamat naman at wala ito ngayon. Makakalabas siya ng kwarto at makakapaglibot ng malaya at hindi natatakot na baka makita siya.Ginawa niya ang lahat para iwasan si Mr. X. Nagdadahilan siya na hindi pa rin maganda ang pakiramdam niya kaya naman sa kwarto pa rin siya kumakain. Kapag makakasalubong naman niya ito ay agad siyang lumiliko, o umiiwas para hindi siya nito makita. Mas mabuti nang umiwas siya rito kaysa naman mapadali ang buhay niya.Oo, nagpapasalamat siya sa pagtulong nito sa kapatid niya, pero kalaunan ay narealized niya na ginawa iyon ni Mr. X para ipabatid sa kanya na alam nito ang lahat tungkol sa kanya— Na kapag tumakas siya, o may ginawang hindi nito nagustuhan ay malalagot siya, o madadamay ang pamilya niya. Iyon ang dating sa kanya ng ginawa nito. Ma
[Apol]Umupo si Mr. X at iniluhod ang isang tuhod sa marmol. Hinawakan nito ang laylayan ng kanyang suot at walang pag iingat na hinila ito dahilan para mapalapit ng husto ang katawan niya rito."S-Sandali po, Mr. X—" Wala siyang nagawa kundi ang mapasinghap nalang ng hawakan nito ang tela sa tapat ng dibdib niya at padaskol siyang hilahin para magpantay ang mukha nila. "M-Mr. X, h-hindi po ako makahinga—" "Scared to death, huh?" Tila natutuwa pang usal nito.Umiling-iling siya. Sinong makakahinga, eh hawak nito ng mahigpit ang suot niya, tapos halos masakal pa siya sa paraan ng pagkakahawak nito sa kanya. "N-Nasasakal mo po kasi ako." Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para paluin ang kamay nitong nakahawak sa harapang-tela ng damit niya. Nakahinga siya ng maluwag nang bitiwan siya nito. Nang makabawi ng hangin ay masama niya itong tiningnan. "Balak mo ba akong patayin, ha?! Pwede mo naman ako kausapin ng hindi hinahawakan, ah! Saka bakit inapakan mo ang dress ko
Samantala.Kanina pa hindi paroon at parito sa paglakad si Alena sa tapat ng apartment ni Camille. Mahigit isang linggo nang hindi umuuwi ang kapatid niyang si Apol kaya nababalot na nang pag aalala ang kanyang dibdib. Oo nga at nagpadala ito ng pera para pangpacheck up at laboratory niya pero hindi siya naniniwala na galing ito sa kapatid niya.May usapan sila na sasamahan siya nito na magpunta ng hospital. Kilala niya ang kapatid. Mayro'n itong isang salita. Kaya hindi siya naniniwala na magpapadala lang ito ng pera sa kanya. Sabay pa naman silang excited na malaman kung babae ba o lalaki ang anak niya."Buntis, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala nang nakatira ri'yan. Lagpas isang linggo na nang umalis si Camille sa apartment niya. Sinasayang mo lang ang oras mo sa pagbalik mo rito. Mabuti pa ay magpahinga ka na. Hindi ba't malapit ka nang manganak?" Ani Aling Terry. Ito ang landlady ni Camille."Halos magdadalawang linggo na po?" Napahawak si Alena sa dibdib nang maramdama
[Apol]Isang malakas na singhap ang kumawala sa labi ni Apol nang magising siya. Sa kabila ng lamig sa kwarto niya ay ramdam niya ang pawis sa noo niya. Hindi niya maintindihan pero sobrang kinakabahan siya.Sa panaginip niya ay nag aagaw buhay daw ang Ate Alena habang nanganganak."Diyos ko, bantayan niyo po at panatilihing ligtas si Ate Alena." Paulit-ulit niyang dasal. "Sorry, ate ha. Alam kong may usapan tayo na sasamahan kita sa hospital para malaman kung ano ang gender ni baby... So-Sorry kasi hindi na yata ako makakauwi." Hindi niya mapigilan ang maluha. Kahit panaginip lang 'yon pero parang totoo.Pinahid niya ang luha at saka bumuga ng hangin para kahit paano ay gumaan ang dibdib niya. May maayos na tirahan at may perang pantustos na ang kapatid niya, sapat na 'yon para kahit paano ay mabawasan ang alalahanin niya sa dibdib. Siguro naman hindi nagsisinungaling sa kanya si Mr. X nang sabihin nitong wala nang problema pagdating sa financial ang kapatid niya."Mrs. Helger, naghih
[Apol]Mabilis na iniyuko niya ang ulo. Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang napalunok ng laway habang nakapikit. Hindi naman siguro nito narinig ang mga sinabi niya, di'ba? Saka kung marinig man nito, hindi naman siguro ito magagalit dahil hindi naman niya binanggit ang pangalan nito... errrr hindi nga ba?"Follow me." Anito bago nagpatiunang maglakad. Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay magagalit na naman ito sa kanya. Katulad ng sinabi nito ay sumunod siya rito. Pagdating sa office nito ay mayro'n silang naabutan na limang may edad na kababaihan. Napapunok siya sa tingin ng mga ito. Hindi pa nagsasalita pero parang namimintas na ang tingin. Kumbaga, nakapa-instrikta ng mga dating."Train her well in three days. My grandfather's birthday party is coming. I want her to learn how to act like a high class profile. Ayaw kong mapahiya kaya gawin niyo ng maayos ang trabaho niyo. Show no mercy while teaching her. Wala akong pakialam kung anong klase ng training ang gawin ninyo