Share

7.

[Apol]

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang maikasal sila pero hanggang ngayon ay hindi niya 'yon matanggap. Ang bilis nang pangyayari, trabaho lang ang gusto niya pero asawa ang nagkaro'n siya.

"Mrs. Helger, nakahanda na ang pagkain at naghihintay na si Mr. X sa ibaba."

Hindi niya pinansin si Miss Carol. Walang kabuhay-buhay siyang tumayo at lumabas nang kwarto.

Masama ang loob niya rito. Pakiramdam niya ay niloko siya nito. Hindi kasi nilinaw nito sa kanya na kasal na pala ang pupuntahan nila. Umasa pa naman siya na ihahatid siya nito pero mali ang akala niya. Pakiramdam tuloy niya ay pinagkaisahan siya.

Naabutan niya si Mr. X na nakaupo nang tuwid habang walang kasing lamig ang ekspresyon ng mukha. Wala nang bago rito, araw-araw naman kasing ganito ang hilatsa ng mukha nito.

Napangiwi siya nang tumunog ng malakas ang tiyan niya. Gutom na gutom na talaga siya. Sinong hindi magugutom, eh halos tatlong araw na rin siyang hindi kumakain ng maayos. Pakiramdam niya ay binabalatan siya ni Mr. X sa tuwing magkaharap sila. Ang tiim kasi nang tingin nito, at ang lamig.

Nakakakilabot talaga.

Saka sobrang nag aalala din kasi siya sa Ate Alena niya. Hanggang ngayon ay wala parin siyang naipapadalang pera rito.

Natigilan siya bigla nang may maisip siya. Ano kaya kung manghingi siya ng pera kay Mr. X? Asawa naman niya ito, di'ba?

Tumikhim siya. "E-Eh, Mr. X, wag mo sana masamain," Napalunok siya. Kailangan niya itong gawin para sa kapatid niya. Naku bahala na. "Baka naman pwedeng makahiram ng pera sa'yo. Promise, gagawin ko ang lahat ng bilin mo at utos mo. Magiging mabait akong asawa kung 'yan ang gusto mo!" Nakataas pa ang kamay na panunumpa niya sa harapan nito.

'Lord, please! Sana hipuin mo ang puso ng kaharap ko!' Piping dasal niya.

Magkakasunod na napalunok siya nang ilapag ni Mr. X ang hawak na utensils sa harapan. Sumandal ito sa upuan at tumingin ng matiim diretso sa kanya.

"If you are worried about your sister. Well, you don't have to because my people have taken care about it. House, food, hospital bills, and other expenses are already paid."

"Talaga po?" Namilog ang matang tanong niya. Sa sobrang tuwa ay patakbo siyang lumapit dito paulit-ulit na yumuko. "Salamat po talaga, Mr. X! Hindi ka naman pala kasing sama ng iniisip ko! Mukha ka lang demonyò pero mabait ka naman pala—" Natigilan siya at namutla.

Naku po, nalagot na! Bakit ba kasi ang daldal niya! Halos mapahinto siya sa paghinga. Nang tumingala kasi siya ay nakatingin na sa kanya nang matiim ang kulay itim nitong mga mata— Na para bang handa na siyang putulan ng dila.

"H-Hehe, p-pasensya na po. W-Wag mo naman ako tingnan ng ganyan, Mr. X. Wala ka naman sigurong b-balak patayin ang asawa mo, di'ba hehehe—" Agad siyang natahimik nang mas lalong dumilim ang mukha nito.

Mukhang mapapa-aga pa yata ang pagkikita nila ni San pedro.

"Mr. X." Ani ni Miss Carol na kararating lang pagkatapos magbigay galang sa lalaki.

Kulang nalang ay yumakap siya kay Miss Carol sa sobrang tuwa nang bumaling rito si Mr. X. Mabuti nalang at dumating ito kaya nabaling dito ang atensyon ng asawa niya.

"Mr. X, dumating na ang grupo nila Dominic. Naghihintay na sila at hinihintay ka na nila sa library." Imporma ng matanda.

Ramdam niya na tumayo na si Mr. X. Nanatili siyang nakayuko at hindi na nag-angat pa nang tingin. Saka lang siya umayos ng tayo nang makalayo na ito.

"Wooaahh!" Napabuga siya nang hangin. Ang hirap huminga ng maayos kapag nasa paligid ito.

Pero nakakagaan ng loob kahit papa'no dahil alam niyang inasikaso nito ang pangangailangan nang kapatid niya.

Teka, ibig sabihin alam ni Mr. X na may kapatid siya? Paano nito nalaman? Kailan pa? Ibig bang sabihin ay alam nito ang lahat tungkol sa kanya?

Hindi kaya inalam nito ang lahat sa kanya para may babalikan ito sa oras na tumakas o may gawin siyang hindi nito nagustuhan?

Parang hinalukay ang sikmura niya sa takot at kaba kaya maging ang pagkain nang pananghalian ay nawalan siya ng gana.

Nagpaikot-ikot siya sa paligid habang hila-hila niya ang Metalic off shoulder long dress na suot. Grabe, daig pa niya ang aattend palagi ng party sa mga suot niya. Daig pa niya ang indorser ng mga sikat at luxury brand.

"Rima! Ester!" Kumaway siya sa dalawa nang makita niya ito.

"Magandang tanghali po, Mrs. Helger." Magkasabay na bati pa nang dalawa at sabay pang yumuko.

"Uy, ano ba kayo. Wag niyo nga akong yukuan ng ganyan. Naiilang ako, eh." Hinila niya ang dalawa sa sulok. Marami kasi siyang tanong at alam niyang masasagot siya nang dalawang 'to.

"Mrs. Helger, hindi pwede ang gusto mo. Kapag nalaman ni Mr. X na hindi kami nagbigay galang sa inyo baka pasabugin niya ang ulo namin ni Ester."

"Tama po si Rima, Mrs. Helger." Sang ayon ni Ester rito. "Dahil asawa ka ni Mr. X dapat lang na igalang ka rin namin."

Napakamot nalang siya sa ulo at hindi na nakipagtalo sa dalawa. Hindi na siya nagpaligoy- ligoy pa at nagtanong sa dalawa.

"May alam ba kayo tungkol sa naunang naging asawa ni Mr. X? Nasaan na sila ngayon?" Lumapit siya at saka mahinang bumulong. "Ang sabi kasi sa 'kin no'ng dalawang lalaki may nauna daw na apat na asawa ang boss niyo. Eh, may mga asawa na pala bakit kailangan pa ako? Saka nasaan na ba sila?"

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na lumunok. Pati tuloy siya ay napalunok din. Mukhang nag aalangan pa ang mga 'to na sabihin sa kanya ang nalalaman.

"Nasaan na ba kasi sila? Siguro hindi na nila natagalan si Mr. X, noh?" Humalukipkip siya. "Sabagay, hindi ko sila masisisi. Kahit ako hindi ko rin naman matagalan si Mr. X. Nakakatakot kasi siya,"

Mas lalo siyang nahiwagaan ng mamutla ang dalawa na parang takot na takot na. "Rima, Ester, pinapakaba niyo naman ako, eh."

"Hindi namin alam kung dapat ba namin sabihin sa'yo ang tungkol sa bagay na 'to, Mrs. Helger. Pero alam naman namin na malalaman mo din naman 'to sa iba kaya sasabihin nalang namin sa'yo." Wika ni Rima. "Ang totoo po ay nasa bakasyon sila."

Ah, nasa bakasyon naman pala.

"Sa langit po." Dugtong naman ni Ester.

"Ah, okay. Akala ko— ha?!" Nanlalaki ang mata na bulalas niya. "S-Sa langit?" Itinapat niya ang daliri sa leeg sumenyas ng gilit-leeg. "I-Ibig niyong sabihin... Tsugi? Dedbol? P-Patay?"

Nang tumango ang dalawa ay napatango-tango siya.

"Kawawa naman pala si Mr. X, noh. Naka-apat siyang asawa pero na-tsugi lahat." Kaya siguro palaging madilim ang awra nito dahil naipon ang sobrang sakit at pagdadalamhati nito sa apat na asawa.

May awa sa mukha na tumingin ang dalawang babae. "Mrs. Helger... ang totoo po kasi niyan, eh hindi sila basta namatay lang... kundi pinatay silang apat..."

SEENMORE

RATE and COMMENT would be really appreciated🖤 My other stories are… ♥️TRAPPED SERIES♥️ Trapped with him (SPG) Completed The lonely billionaire and his maid (SPG) Completed His intention (SPG) Completed Trapped in his wrath (SPG) On-going‼️ His island girl (Romantic-comedy) Completed Twisted (SUPER SPG) Completed Love and lie (Drama) Completed Araw-araw kang mamahalin (Drama) Completed

| 27
Mga Comments (14)
goodnovel comment avatar
Rezaline Consorte
nice story thank you
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
kaya ikaw apol magpakabait kana lang ng hindi ka matulad sa naunang apat at bawas bawas mo yang kadaldalan mo kaoag kaharap mo abg asawa mo apol
goodnovel comment avatar
Flordemie Poquita Rada Dumaog
anong naNgyari sa naunang apat na asawa ni Mr.X
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status